C17 Chapter 17
“HOY, Vyra, time for school not for an audition for extra in horror movies.”
Nakaupo siya sa sala at tulala lang sa harap ng naka-off na TV. Sa lap niya ay ang bag niya. In fairness naman sa kanya, nakahanda na siya para pumasok pero walang kabuhay-buhay at tila pagod na pagod.
“Natulog ka ba? I mean, pinapatulog ka pa ba?” Tiningnan ko ang temperature niya, baka may sinat siya
