C18 17
"SAAN TAYO ngayon, ate?" tanong sa akin ni Chin habang kumakain ng Dairy Milk. Nandito kami ngayon sa sala at ang tanging hinihintay namin ay sila mama na lang at papa. Si Jamie naman ay nakaupo sa tapat namin at nagce-cellphone.
Binalingan ko si Chin at hinaplos ang kanyang mahaba at tuwid na buhok. "Sa Butterfly Garden. Tour natin si Kuya Jamie mo. Pagkatapos
