C1 Unknown Goddess in the Magical Forest
Angel Pov
Habang ako'y nangangahoy ay naka rinig na lamang ako ng mga putok kaya dali-dali akong tumayo upang mapuntahan ito
"AHHHHHHH"Isang sigaw naman ang aking narinig at hindi na ang putok ng kung ano na Yun.Sa aking paglapit ay nakita ko si Lea na isang Leon habang naka harap sa isang lalaki na pagbagsak na kaya dali akong lumapit
"Ginoo"Tawag ko sa kaniya pero agad na siyang tuluyang bumagsak.Dali ko itong nilapitan na akma na itong susugurin ni Lea
"Huwag Lea"Buti na lamang ay nakinig sa akin ang alaga ko pero nagtaka ako ng di ko makita si Leo ang kaniyang kapatid na lalaki
"RAWWWRRRR"Napa baling ako sa kanilang direksiyon at dun ko nakita ang hinahanap ko.Kahit madilim at kita ko ang tatlong lalaki na Hindi na gumagalaw kaya agad akong napa ngiwi
"Ano na naman ba ang ginawa mo sa kanila Leo?"Tanong ko dito pero umupo lang Ito at tingin sa lalaking naka sandal sa puno
________
Nandito kami ngayon sa kweba kung saan kami naka tira at pinagmamasdan ko lamang ang lalaki na mahimbing ang tulog.Nagamot at natanggal ko na din naman ang isang metal sa kaniyang sugat dahilan siguro kung bakit nag dugo ang kaniya tagiliran
"Napaka amo ng iyong mukha ginoo at ika'y napaka kisig din"Di namalayan na hinahaplos ko na pala ang kaniyang mukha
"Rawwrrrr"Ungol ng dalawa na kanina pa pala naka masid sakin
"Kayo'y pwede na mag pahinga nang sa Ganon ay maka bawi kayo ng lakas"Saad ko sa kanila na agad nilang sinunod at pomosisyon sa labas upang mag bantay na din
Sila na lang ang meron ako at naging pamilya habang naninirahan dito sa kagubatan ng mahabang panahon.Hindi ko alam kung sino Ang aking magulang dahil nang magising ako dito sa kagubatan ay ni isa ay wala akong matandaan hanggang sa may makilala akong matanda na tinulungan ako at nagbigay ng pangalan sakin ngunit sa kasamaang palad ay binawian siya ng buhay dahil sa mga mangangaso na naligaw dito sa gubat
Napag pasyahan ko na lang na matulog na din dahil kailangan ko pang gumising ng maaga para maka hanap ng makakain namin
*BOGGSSHHHH*
Nagising na lamang ako bigla dahil sa isang malakas na pag bangon kaya napa tingin ako sa lalaki at ganon ng lang ang gulat ko dahil Wala na Ito sa pinaghigaan niya
"F*CK MORONS LET ME GO"Rinig kong sigaw kaya dali dali akong lumabas at dun ko nakita ang knina ko pa hinahanap ngunit may naka hawak sa kaniyang dalawang lalaki at kita ko din sa mukha nito na nasasaktan Ito
"Mga ginoo sino kayo?anong ginagawa niyo sa kaniya?"Natataranta kong tanong upang mapunta sakin Ang atensiyon nila
"Pfftttt hahaha at Sino ka Naman babae?"
"Hahaha Hindi ko alam na pumapatol ka pala sa mukhang basurang babae Havigorgh"
'Havigorgh?sino yun?ano yun?'
"D*mn it don't you dare morons"Halos maguluhan ako sa mga sinasabi nila dahil bago lamang ito sa aking pandinig
Napa baling naman ang atensiyon ko sa dalawang alaga ko na naka lumpasay at parang
"L-Leo L-Lea"Pag tawag ko sa kanila at dahan dahan silang nilapitan, Kita ko ang mga dugo na nanggaling mismo sa katawan nila
"H-Hindi L-Leo L-Lea g-gumising kayo"Hinawakan ko pa sila para gisingin pero hindi na talaga gumagalaw
"HAHAHAHA Baliw na ata yan pre pati hayop kinaka usap"Napalingon ako sa nag salita
'Sino sila para paslangin ang mga alaga ko'
Magsasalita na sana ako ngunit napa tingin ako sa itaas ng humangin ng sobrang lakas at dun ko nakita ang isang malaking bagay na may umiikot sa ibabaw nito dahilan ng sobrang paglakas ng hangin
*BANG*
*BANG*
Napatingin ako sa loob ng malaking bagay na lumilipad at Nakita ko ang dalawang lalaking makikisig din na may hawak ng isang itim na bagay na kung saan dun nanggagaling ang malakas na putok
"AHHHHH"Napabaling Naman ang atensiyon ko sa sumigaw at nakita ko ang mga lalaking naka higa na sa lupa at naliligo sa sariling mga dugo at nakita ko naman ang iniligtas ko na naka tingin sakin ng malamig dahilan upang mapaatras ako
"BOSS SAKAY NA"Sigaw ng lalaking naka sakay sa malaking bagay na lumilipad
"Come here woman you need to come with me"Tila nanigas ako sa kinakatayuan ko dahil sa lamig ng boses nito pero nangunot din ang nuo ko dahil sa sinabi nito na hindi ko maintindihan
"H-Hindi kita maintindihan ginoo?anong lenggwahe ang iyong ginamit?"
Pero imbes na sagutin ako ay nangunot lang ang noo nito at tinitigan ako ulo hanggang paa
"Ginagago mo ba ako babae?"Nagtitimping sabi niya
',Ginagago?'
Marami na akong mga narinig na salita na bago lamang sa pandinig ko at gusto ko itong itanong sa kaniya ngunit tila kinakabahan ako dahil sa klase ng tingin niya
" Boss kailangan na nating umalis may mga paparating pang kalaban"
Dahil sa sinabi ng isang lalaki ay hinila niya ako papasok sa malaking bagay na nakalapag na pala sa lupa pero umiikot pa din ang nasa ibabaw nito
",Let's go"Malamig niyang sabi habang naka baling sa isang lalaki na sa tingin ko ay siya ang kumokontrol sa bagay kung saan kami naka sakay
"Boss sino siya?muka siyang pffttttt hahahha anong klaseng itsura yan?"
Para naman akong naasar dahil sa sinabi ng isang lalaki na kahit hindi ko masyadong naiintindihan ang sinabi nito ay nahimigan ko yun ng pang iinsulto
"SHUT UP F*CKERS"
------------------------------
hope you like my story!?
take care and loveluts!!
