Unrequited Love/C2 Chapter 2
+ Add to Library
Unrequited Love/C2 Chapter 2
+ Add to Library

C2 Chapter 2

"Good morning! Unnie, open the door or else, sisirain ko 'to! It's already six in the morning, may pasok ka pa sa school!" bulabog ni Cupcake.

Tss. Ang ingay ni Cupcake! Inaantok pa ako. Ano ba naman iyan?!

"Oo, babangon na!" hiyaw ko.

A new morning for a new life. Thank God for giving me another day! Another day of hoping na makikita ko si Black.

Baka ma-late na ako, kaya kailangan ko nang bumangon.

"Mica! Bumaba ka na rito!" sigaw ni Eomma.

"Opo, papunta na riyan!" sagot ko.

Naghilamos muna ako bago bumaba papuntang kusina.

Pagkababa ko ay umupo agad ako para kumain.

"Unnie, naman! Para kang isang taong hindi nakatikim ng pagkain, dahan-dahan naman!" sita ni Cupcake nang makita akong sunod-sunod ang subo ng pagkain.

"Baka ka...si ma-late ako," pakli ko.

"Magsasalita ka pa punong-puno bunganga mo. Next time kasi maaga kang gigising para 'di ka laging nagkakaganiyan," sabi niya pa.

"Tsee! Ngayon lang naman, e!" sabi ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Tumigil nga kayong dalawa, hindi ninyo na ginalang ang pagkain! Bilisan mo na, Mica," sita ni Eomma.

"Opo. Ok... I'm done! Ligo na po ako," sabi ko, then dumiretso na ako sa bathroom.

"Unnie, parang baliktad iyong daily routine mo. Dapat naligo ka muna bago nag-breakfast, sasakit ang tiyan mo niyan," sabi ni Cupcake. Lagi na lang niyang sinisita bawat kilos ko.

"Ok lang!" sabi ko.

Lahat na lang! 'Tong kapatid ko talaga, Malala pa sa malala!

After 20 minutes...

"Eomma, alis na po ako!" I kissed her on her cheek.

"Ops! Where are you goin'? Sa 'kin ba hindi ka magpapaalam?" hinatak ako ni Cupcake na parang bata.

"Oo, na. Bye, Cupcake!" cold na sabi ko.

I-ki-kiss ko pa sana siya kaso...

"Good! Don't you dare kiss me! Yuck!" he said, then he rolled his eyes. Ang sama talaga ng kapatid kong ito! Nakakasira ng araw.

"You're getting into my bones!" hiyaw ko sa kaniya.

Tumalikod na ako at lumabas ng gate.

Dating gawi. Maglalakad ng ilang kilometro bago makarating sa school.

Gosh, I'm late. Tumakbo agad ako papuntang room. Maglalakad pa akong ten minutes bago makarating sa room, nasa fifth floor kasi ang room ko. Bongga ang school na pinapasukan ko, right? Elevator? Meron dito, kaso natatakot akong mag-elevator, nakakahilo kasi, e. Saka pakiramdam ko kapag mag-isa ako sa loob ay mata-trap ako— iyong tipong biglang titigil ang elevator at hindi na ako makalalabas pa tapos biglang may susulpot na multo sa harap ko.

J-PARK UNIVERSITY, ang pangalan ng school na 'to ay hango sa pangalan ng kaklase kong si JHAE PARK A.K.A JP, anak ng may-ari ng school na 'to. Kaedad niya rin ang University na 'to. Nasa extraordinary class kami, na kung saan twenty students lang kami sa iisang room. Ang extraordinary class ay para lang sa mga estudyanteng matatalino at talented. Matalino si JP, gwapo at kinababaliwan ng mga babae.

Dito sa school na 'to, lahat rich kids ang nag-aaral, except sa 'kin. Kasi sakto lang ang status ng buhay namin. Maarte at mahilig manlait ang ibang students dito, especially, iyong Double Gee (Girls Generation). Buti na lang, nabuo ang grupong Lollipop Girls, na kung saan kasama ako. Lagi akong ipinagtatanggol ng true friends ko.

Thanks God, nakarating din ako sa wakas.

"Miss Gonzales!" bungad ni Sir sa 'kin.

Nakakagulat naman si Mr. Hwang. Si Mr. Hwang ang Professor naming alien, busangot at higit sa lahat... terror! Akala mo naman gwapo, mukha rin namang taga-Mars, e.

"Yes po?" tanong ko.

"Why are you late?" Nanlilisik ang mga mata ng mukhang alien na ito.

"Sorry po, pero naglakad pa po kasi ako ng ilang kilometro bago makarating dito," pahayag ko.

"Paulit-ulit na lang ang rason mong 'yan! Dapat maaga kang gumigising para hindi ka laging nali-late. Ok, sit down," he said. Wala talagang konsensiya ang alien na itong malaki ang mata! Hindi man lang naawa sa 'kin na laging pagod sa paglalakad araw-araw.

Umupo na ako sa upuan ko. Si JP ang nasa left side ko at sa right naman, si Ji Seung Ho, the weird guy.

JI SEUNG HO, he's a silent type kasi bihira lang makipag-usap pero top one sa klase, magaling sa reporting and basta sa lahat-lahat. Lagi rin siyang may dalang camera, na laging nakasabit sa leeg niya. He's the son of the most famous company, and I think successor daw ito ng company. Actually, friend siya ni JP. May grupo rin sila, Sharp-witted Guys ang pangalan ng grupo nila. Ang angas, 'no? Sounds, mayabang.

"Hello, Girls!" pabulong kong bati sa mga friends ko at nginitian ko sila.

Nag-senyas lang sila sa 'kin bilang sagot sa pag-greet ko.

"Today, pipili tayo ng pwedeng isali sa nalalapit na pageant," the alien from Mars said.

"Sir, I chose Kylie Heart, to be one of the official candidates for the upcoming event, Miss J-park University," bulalas ni Jasmine.

KYLIE HEART STANFORD, is one of the most beautiful girls here in J-Park University. She's the daughter of the famous actress. Her eyes, nose, lips... gosh! She's totally perfect. Pero ang attitude niya? Hays. Nakaka-turn off!

"Okay, any objection? How about you, Heart? Do you want to say something?"

"Well, thank you for chosing me, Jasmine, my lovely best friend. It is an honor for me to be part of the upcoming event. I'll make sure that this year's pageant, I will be crowned as Miss J-park University!" she said confidently. Sana all talaga, maganda, sexy at confident.

"Okay. Sino pa ba ang sasali?"

"Sir, I chose Mica Gonzales to be part of the upcoming event," JP said.

Whaaaaaattt?!! Me? Bakit ako? Bwiset! Lagot sa 'kin ang JP na ito! Bigla akong tumayo upang tumutol.

"Yes, Miss Gonzales?" tanong ni Alien from the Mars.

"Sir, I ob—!" Magsasalita sana ako pero biglang tumayo si JP at nagsalita.

"Sir, pinili ko siya kasi I can see that she can bring the crown for this year's competition. Ako na lang po ang bahala. I can also invite Shania Young, para lang manalo siya and para turuan siya," JP said.

SHANIA YOUNG, isang sikat sa larangan modeling at pageantry. Napaka-sexy niyang sobra, napakaganda at basta, she's almost perfect!

Bwiset na JP 'to! Panira ng araw.

Bakit ako? Patay talaga ito sa 'kin mamaya!

"Anong nangyari?" Cyrill asked.

"Nakakainggit naman siya!" Shaina said.

"Ew! Kahit si Shania Young pa magturo riyan, wala pa ring mangyayari— ni wala ngang alam pagdating sa fashion. Parang ewan kung magporma," Heart said.

Lagot talaga sa 'kin si JP mamaya! Nakakahiya tuloy.

"Alright. That's enough! Our official candidates will be Ms. Stanford and Ms. Gonzales. Lahat ng bagay ay natututunan. If you really want to get the crown, just believe in yourself. That's all for today. Goodbye class," paalam ni Sir.

Bakit kaya ang aga ni Sir na magpaalam? Ays! May meeting pala lahat ng professors ngayon, sana pala hindi na lang ako pumasok.

Nakakainis talaga si JP! May stage fright pa naman ako. Tsk! Kainis talaga.

Tiningnan ko ng masama si JP, "Panira ka rin, ano? Nakakainis ka, sobra!"

Nginitian niya lang ako.

Pasalamat talaga siya dahil guwapo siya, dahil kung hindi baka inupakan ko na siya!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height