Unrequited Love/C3 Chapter 3
+ Add to Library
Unrequited Love/C3 Chapter 3
+ Add to Library

C3 Chapter 3

KYLIE HEART

We're here at Cafeteria. Tsk, nakakainis talaga ang babaeng 'yon. Gusto na lang lahat agawin. Every time I see her, nasisira ang araw ko.

"Sir, I chose Mica Gonzales to be part of the upcoming event." Shit! Bakit ba paulit-ulit nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi ni JP? Bwiset!

JP, why? Si Mica na lang lagi ang bida. 'Di hamak na mas maganda naman ako sa kaniya at mayaman pa.

"Sir, pinili ko siya kasi I can see that she can get the crown for this year's competition. Ako na lang po ang bahala. I can also invite Shania Young, para lang manalo siya and para turuan siya."

Geez. Bakit ba laging nag-si-sink in sa utak ko ang mga sinabi ni JP? Argh! Basta ako, gagawin ko ang lahat para manalo. Akin lang ang corona!

"Hey, girl! Ano ba ang iniisip mo? Parang hindi maipinta iyang mukha mo, e," bulalas ni Faye sa 'kin.

FAYE SHARMAINE HERMOSA, a friend of mine na anak ng isang mayamang designer. Obvious naman sa pananamit niya. Ang gaganda ng mga damit niyang sinusuot, e. Every Wednesday hindi kami naka-uniform kaya sinusuot namin ang kahit anong gusto namin. Kaya naman, kitang kita talaga kung sino ang fashionable, unlike Mica, she's always looks like ew! Ang baduy, sobra! Pero wala pa ring makatatalo sa ganda ko at sa mga mamahaling gamit ko.

"I just hate him so much. Ano bang meron sa Mica na iyon na wala sa 'kin?" nagtatakang tanong ko.

"Well, parang ewan ang porma niya, ikaw naman, fashionista. Poor-ita siya at ikaw, rich girl. Mabait siya at ikaw, uhm, bitch. You're a bitch," she said.

"Kakampi ba kita or what?! Are you insulting me? You're so annoying!" galit na galit na bulyaw ko sa kaniya.

"I'm just telling the truth. Alam mo naman ang mga lalaki ngayon, they prefer to love someone na parang Maria Clara, than to love someone, like us. Am I right?" she said.

"Yes, definitely!" Hyacinth Lee said.

HYACINTH LEE, isa ko pang kaibigan na anak ng isang sikat na businessman. She's really moody. Paiba-iba talaga ang mood. Minsan umiimik naman pero most of the time, tahimik talaga siya at basta, ang weirdo. Nasanay lang talaga siguro siya kasi parehong busy sa business ang parents niya.

"Oo na, kayo na ang tama. But I will do something that Mica will never forget," pakli ko at ngumisi ako.

Just wait Mica! No one can stop me from what I am planning to do. Hahaha! Magtutuos tayo, maghintay ka lang.

"What's your plan? Mukhang masaya 'yan, ano?" Nadine asked. Mukhang excited siyang malaman kung ano ang plano ko.

NADINE JAA, the craziest bitch girl among us. She's the daughter of the famous actor in Thailand. She'll do everything just for love. Kahit pumatay ng tao, gagawin niya just for her special someone. Kitang-kita ko kung paano niya sinabunutan at tinadyakan ang babaeng umaali-aligid sa kaniyang boyfriend.

Uhm, Anyway, I can also kill people if someone steals what's mine.

"I'll just tell you soon. Sa ngayon, hayaan ninyo muna akong mag-isip ng magandang plano," I said.

"Is that Mica? Uh-oh. She's with JP," Hyacinth said, kaya napatupok din ang tingin ko sa sinasabi niya.

"Oo nga, Oh, my goodness! If I were you, lalapitan ko siya, then I'll slap her face! Not just once or twice but maraming beses. Malandi siya, so she deserves it!" Nadine suggested.

"Don't you worry, girl. I'll do it right now. Let's go, lapitan natin silang dalawa," I said at tumungo nga kami papalapit kay JP at Mica.

Nang makalapit na kami sa kinauupuan ng dalawa, naabutan naming seryosong nag-uusap sila.

"Hey! Mukhang masaya kayong nag-uusap. Mica, I want you to know that JP is mine! Kaya puwede ba, tantanan mo siya?! Ang landi mo, sobra! At alam mo ba? Hindi ka nababagay sa isang katulad ni JP na mayaman at magandang lalaki. Isa kang basura!" I smirked at her.

"Kung basura man ako, ikaw, ano? Masahol ka pa sa basura! Umaalingasaw ang baho ng ugali mo! Mapagmataas ka na nga, ang pangit pa ng asal mo!"

Hindi ko na talaga makontrol ang sarili ko kaya bigla ko siyang sinampal. Malakas ang pagkakasampal ko kaya biglang namula ang kaniyang pisngi.

"Sumusobra ka na, Heart! Why did you slapped her face? What's wrong with you?" JP said. Aba't ipinagtatanggol niya pa talaga ang babaeng ito.

"Why? Because you're mine, JP! Alam mo naman kung gaano kita kamahal, hindi ba?"

"I don't like you, so please stop chasing me," he said.

"You don't like me? Pero... hindi ba gusto mo ako? Crush mo ako, right?"

"Noon 'yon, Heart, hindi na ngayon!"

"Paanong nangyaring noon? 'Di ba, nagpalipad ka pa lang ng paper airplane papunta sa 'kin at nakasulat doon na gusto mo ako?"

"Nagkamali lang ng lipad 'yong paper airplane, it wasn't for you," tugon niya.

"If it wasn't for me, so para kanino?" tanong ko pero tiningnan niya lamang ako at wala siyang sagot.

"Ok ka lang ba, Mica?" tanong niya kay Mica.

"Ayos lang ako," she replied.

Bwiset talaga!

Binaling sa 'kin ni Mica ang tingin niya, "Heart, hindi ko siya nilalandi. We're just talking about the pageant," bulalas ni Mica.

"Whatsoever! Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo?"

"Heart, puwede ba umalis ka na? I am not interested with you, kaya please, get off!" JP shouted.

Grabe, ano pa ba ang dapat kong gawin para magustuhan niya ako?

"Tandaan mo JP, kahit ano pang sabihin mo, I'll do everything just to make you mine. No one can stop me! You're mine, JP! You're just mine!" hiyaw ko sa kaniya.

Tumalikod na ako together with my friends.

Why? I keep on asking myself if bakit hindi niya ako magustuhan? Kailangan ko pa bang magbait-baitan, for him to like me? Pero I don't want to do that because I want him to like me for who I am and for what I am. Kaya ko namang magbago kapag naging akin na siya, eh. But for now, hindi na muna until hindi pa siya nagiging akin. Hindi ko makontrol ang sarili lalo na kapag nakikita kong may kasama siyang ibang babae.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height