Unrequited Love/C4 Chapter 4
+ Add to Library
Unrequited Love/C4 Chapter 4
+ Add to Library

C4 Chapter 4

MICA

Ang sakit naman ng pagkakasampal sa 'kin ni Heart. Hays, pati tuloy ako nadamay. Bakit ba naman kasi ayaw sa kaniya ni JP? Ubod ng ganda si Heart, mayaman, matalino and talented. Ano pa ba ang gusto niya? Kung ako lang naging lalaki, sigurado ako na liligawan ko kaagad si Heart.

"Kita mo na, umalis na tuloy siya. Bakit ba kasi ayaw mo sa kaniya? Nasampal tuloy ako," sabi ko bahagyang inirapan ko siya.

"Hindi naman gano'n kadali ang magmahal ng isang taong hindi mo gusto. Kung magmamahal man ako, I'll make sure na gusto ko talaga siya, mahal ko talaga siya at siya lang talaga ang tinitibok ng puso ko," pahayag niya.

"What if hindi ka rin gusto ng taong gusto mo?" tanong ko sa kaniya.

"Siyempre, I'll set her free kasi ayoko rin magmahal ng isang taong hindi ako gusto. Masasaktan lang kaming pareho 'pag nangyari iyon, alangan namang ipilit ko ang sarili ko sa kaniya kahit hindi niya naman ako gusto. If mahal mo talaga ang isang tao, you will let him/ her go and you'll support him/ her, kung saan siya masaya," he explained.

Grabe, nakakakilig naman siya.

"Gano'n pala iyon. Pero 'di ba sabi nila, kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para lang mapasa iyo siya," sabi ko.

"Puwede naman, pero siyempre titingnan mo rin naman kung masaya ba siya sa piling mo, kasi kung hindi naman, makokonsensya ka lang na habang magkasama kayo, nakikita mo siyang malungkot. Remember that true love waits, maaaring hindi talaga siya ang taong nakalaan para sa 'yo," he said.

Ang swerte naman siguro ng babaeng mamahalin ni JP. Nakikita ko kasing seryoso siya sa lahat ng mga sinasabi niya. Tama naman siya that true love waits, kung hindi naman talaga kayo para sa isa't isa, h’wag mong ipilit pa ang sarili mo kasi time will come na may darating sa 'yo na mamahalin ka nang totoo at hinding-hindi ka iiwan magpakailanman at... kung kayo talaga, kayo talaga. Iyong taong ipaparamdam sa 'yo ang totoong pagmamahal na ninanais mo, pagmamahal na gusto mong makamtan habang buhay.

"Pero 'di ba, matututuhan mo na rin lang naman siyang mahalin habang tumatagal," dagdag ko pa.

Ang kulit ko, 'no? Wala lang. I just wanted to know if ano ang isasagot niya sa mga tanong ko.

"Teka nga, para kang reporter, eh. Dami mong tanong," he said, then smirked.

"Sorry na, gusto ko lang naman marinig kung ano ang isasagot mo," I said, then smiled at him.

JP

"Pero 'di ba, matututunan mo na rin lang naman siyang mahalin habang tumatagal," she added.

Ang kulit ng babaeng 'to. Ang daming tanong.

"Teka nga, para kang reporter eh. Dami mong tanong." I smirked at her.

"Sorry na, gusto ko lang naman marinig kung ano ang isasagot mo," she said then, smiled at me.

"Okay. Yes, you can learn to love that person pero iba pa rin talaga iyong taong mahal at minahal mo from the start," sabi ko at bigla kong inilapit ang mukha ko sa kaniya. "Gets mo na?" I smiled.

She's so pretty. Her twinkling eyes, pointed nose and cute pink lips were perfectly created.

"What's wrong with you? Is there something on my face?" she asked at iniwas niya sa 'kin ang mukha niya.

"Ahh, wala. Well, bukas na pala magsisimula ang practice mo para sa pageant," sabi ko.

"Talaga? Sigurado ka bang matututo ako agad? Nakakahiya naman," she said.

"I invited Shania Young to teach you about her secrets in the pageant," I said.

"Whoah. It's so exciting! Pero saan ba mag-pa-practice?" tanong niya.

"Sa bahay. Susunduin kita bukas sa bahay ninyo ng eight in the morning."

"Kaso baka hindi pumayag si Eomma," matamlay na sabi niya.

"Ako magpapaalam para sa iyo."

"Talaga? Sige. Sige." She smiled as if nanalo siya sa lottery. Ang babaw ng kaligayahan niya.

"Okay."

"Mauna na akong uuwi, ha?"

"Hatid na kita."

"'Wag na! Maglalakad na lang ako," she refused.

Sobrang tiyaga niya naman maglakad. Ako, mabilis akong mapagod. Hindi naman kasi ako sanay.

"Sige, ikaw bahala. Bye!"

Mica, I'm so sorry kung pati ikaw nadadamay sa kabaliwan ni Heart. Ani ko sa 'king isip.

MICA

"Honey bunch!" sigaw ni Mariel nang makasalubong nila ako.

"Oh, akala ko ba umuwi na kayo," bungad ko.

"Hindi pa. Iniwan mo kaya kami sa room kanina, porke't kasama mo iyong JP na iyon! Nagkaganiyan ka na!" nagtatampong sabi ni Mariel.

MARIEL HERNANDEZ, a friend of mine. Anak ng isang mayamang make up artist. Kaya naman, ang gagara ng mga beauty products na ginagamit niya at ang galing niya ring mag-ayos ng sarili niya. Mahilig siyang sumayaw at magbasa.

I hugged her, "Sorry na."

Gan'to kami. Nagtatampuhan minsan pero in just a second, magkasundo na naman.

"Oo na, pinapatawad na kita. Siya nga pala, share naman diyan ng pinag-usapan ninyo," kilig na sabi niya.

"Magsisimula na daw bukas iyong practice ko para sa pageant. You know what, he invited Shania Young para lang turuan ako," sabi ko.

"Gusto ko rin siya makita," excited na sabi ni Monica.

MONICA HILTON, she's the daughter of the famous writer in the United States. She's a certified korean lover. Ang dami niyang collection ng iba't ibang korean music and korean drama. Halos 'ata napanood niya na lahat ng korean drama, eh. She's a silent type pero 'pag sinaniban ng kabaliwan, humanda ka na.

"Me too!" sabi ni Darren Rose.

DARREN ROSE CLARKSON, she's the daughter of the owner of the famous flower shop na kung saan mga mayayaman lang talaga ang bumibili sa shop nila. Her Mother really loved flowers especially, roses kaya naman DARREN ROSE ang ipinangalan niya rito.. Darren is a sweet girl and she really loves dancing.

"Ako din, Honey Bunch! Sama mo kami," Nerry said.

SOPHIA NERRY CLINTON, she's the daughter of the famous Mathematician, kaya naman, she really loves everything about Math and she also loves to dance. Korean Lover din siya, pero lahat naman kami Korean Lover, eh. Basta! 'Wag lang nilang aagawin sa'kin iyong tatlong idol ko, si Yoo Seung Hoo, my Love! Kyaaaa. Tapos si Ji Chang Wook, my Hero at Nam Joo Hyuk, my Prince. Akin lang silang tatlo!

"Oo nga, matagal na talaga naming gustong makita ng malapitan si Shania," May Ann agree.

MAY ANN YOUNG, anak ng isang sikat na singer. Mahilig din siyang kumanta, sumayaw. She's also a Korean Lover.

"PLEASE!!!!" Charlene and Hiselle said. Aba't sabay pa talaga sila. Ang kukulit talaga ng mga 'to.

CHARLENE GRACE CORTEZ, a daughter of Mr. Harry Cortez, the owner of a famous company named, Cortezano Company. Astig 'no? Well, Charlene is a brave girl. She really loves to write poems and she also loves to dance.

HISELLE FRITZ, she's the daughter of the famous dancer and artist, kaya naman nagmana siya sa Daddy niya. Ang galing-galing niyang sumayaw. May pa-bend at tumbling pa siyang nalalaman. Ganern! Siya ang pinakamadaldal sa 'ming walo.

"Oo, na. Sumunod na lang kayo bukas sa 'min," sabi ko.

"Saan?" Hiselle asked.

"Sa bahay nila JP," I answered.

"Whoah!" sabay sabay sila, may papalakpak effect pa.

"Sige, mauuna na akong umuwi," paalam ko.

"Hindi ka ba sasabay sa 'kin?" Mariel asked.

"Sa 'kin ba?" May Ann said.

"HINDI!!! Pag-aawayan niyo na naman ako, eh," tanggi ko, then tumakbo na ako paalis. Pare-pareho kasi sila may kotse tapos mag-aalok sila lahat na sumabay ako. Eh, hindi ko alam kung saan ba talaga ako sasabay, alangan namang hati-hatiin nila ang katawan ko. Kaya hindi na lang, para walang gulo.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height