Unrequited Love/C5 Chapter 5
+ Add to Library
Unrequited Love/C5 Chapter 5
+ Add to Library

C5 Chapter 5

By the way, I'm Mica Gonzales, anak ng isang full time Mom, nasa bahay lang naman kasi si Eomma, wala siyang trabaho kasi high school lang naman natapos niya. Umaasa lang kami sa Appa ko, he is working as the President of one company. Uhm, nakalimutan ko iyong name ng company. Hehehe. As I've said, moderate lang ang status ng life namin. Hindi naman mayaman, hindi mahirap kumpara naman sa mga friends ko, they are all rich kids. I'm just a simple girl with a simple life. I love writing stories, singing, sketching and acting. I'm too different from my friends, they're all very good at dancing pero ako? Huhu. Pareho kaliwa ang paa ko. But for me, this is not a hindrance to being a better person. I really don't envy them, from what they have or what they can do, because I do believe that we have individual differences, I may do things that others can't do and others may do things that I can't do. I may have things that others don't have and others may have things that I don't have. So, I am peculiar for who I am and what I am. Pageant lang? Hahahaha!

"Unnie, nandito ka na pala. How's your day?" tanong ni Cupcake.

"Ok lang," matipid kong sagot sa kaniya.

"Ok ka lang ba sa lagay na iyan, Unnie? My God! I hate drugs!" Pakialamera talaga ang isang 'to.

"Tell me what happened, Unnie."

"Wala. Walang nangyari!"

"Bakit, Unnie? Umaasa ka pa rin ba kay Black? Gosh! Years na Unnie ang nakalipas! Gumising ka nga!" sabi niya.

"Cupcake, naman. I love Black, okay?"

"Love? Jusmee! It's unrequited love, Unnie! Kaya 'wag ka ng umasa, Arasso?" humyaw niya. Kahit ano talaga ang alam ng kapatid kong 'to.

"Whatsoever!"

"Tss. Tss. Umaasa ka na babalikan ka niya, right? Unnie, you're not thinking! Paano ka ba niya babalikan? Eh, isang stranger ka lang naman para sa kanya. Tinulungan ka lang niya tapos na-fall ka na! I hate drugs talaga. Alam ko bata pa ako, pero sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng babaeng patay na patay sa lalaking isang beses niya lang nakita, tapos mata lang ang nakita! Baka naman na-inlove ka sa mask at hoodie niyang itim? Hala baka bungal iyon, Unnie! Kaya nagsusuot siya ng mask. Hahahaha!" pang-iinsulto niyang sabi.

"Ang OA mo! Kahit unrequited love man iyan, ok lang. Wala namang masama na mahalin ko siya kahit hindi niya alam o kaya hindi niya ako mahalin ng pabalik. Ang importante, masaya ako kahit wala ang presence niya," paliwanag ko.

"Ehem, anong mahal-mahal iyan?" bulalas ni Appa.

"Appa!!" sabay kaming lumapit ni Cupcake kay Appa.

"Whoah. Magkasama kayo ni Eomma?" tanong ni Cupcake.

"Oo, dinaanan kasi ako ng Appa niyo sa palengke, sabi niya kasi uuwi daw siya ngayon," sabi ni Eomma.

"Oh, kamusta kayong dalawa?" tanong ni Appa sa 'min ni Cupcake.

"Appa, alam niyo iyang si Unnie luma-love life na, ang kaso nga lang draw..." tinakpan kong bigla ang bibig niya. Sipsip talaga ang kapatid kong 'to.

"Ok lang naman na magka-boyfriend iyang ate mo kasi dalaga na siya basta 'wag lang pababayaan ang pag-aaral," sabi ni Appa.

"Ang kaso nga lang Appa, hindi naman siya mahal ng lalaking mahal niya," Hays. Hindi talaga mapaglihiman ang batang 'to.

"Bakit naman?" tanong ni Appa.

"Kasi nga po, hindi niya pa nakikilala iyong lalaki kasi, once lang ni Unnie nakita, noong tinulungan siya. Tapos until now, gusto pa rin ni Unnie iyong lalaking iyon kasi umaasa siya na babalikan siya. Paano naman nga po si Unnie babalikan? Eh, ni hindi nga sila nagkakilala. Tinulungan lang si Unnie, na-fall na agad-agad. Ang weirdo naman," Geez. Patay talaga sa'kin ang baklang 'to.

"Appa, hindi nam----."

"Oppsss! 'Wag ka ng mag-deny," sabi ni Cupcake.

"Ok lang iyon. Malay natin, iyon talaga ang lalaking nakalaan para sa ate mo. True love waits. Kahit na unrequited love pa iyan, ok lang. Tingnan niyo kami ng Mommy niyo, dati hahabol habol iyan sa'kin tapos ako hindi ko iyan pina... Hahaha." Kunwa'y kinurot ni Eomma si Appa sa tagiliran. Ang sweet naman nila. "Iyong totoo talaga eh, ako ang naghahabol sa Mommy ninyo, inaasar ko siya lagi para lang mapansin niya ako tapos siya pakipot pa kunwari, hahaha. Sorry na, Hon. Joke lang. Ayaw pa ng mama ninyo dati na magka-boyfriend pero hindi ako sumuko, I did everything para lang mapasa 'kin siya," kuwento ni Appa.

"At pagka-graduate ko ng High School nag-propose kaagad iyang Dad ninyo kaya ayun, hindi ako nakapag-college," sabi ni Eomma.

"Graduate na rin kasi ako ng college noon, nangako ako sa Mommy ninyo na hinding-hindi ko siya pababayaan pati na ng magiging mga anak namin at kayo iyon. Sabi ko, ok lang na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo kasi andito naman ako para buhayin kayo at gusto ko, dito lang mag-stay sa bahay ang Mommy niyo. Gusto ko kasi full time mom siya para naman lumaki kayo ng maayos sa kamay ng mommy ninyo na hindi inaasa sa katulong," Appa explained.

How sweet? Nakakainggit naman sila Appa at Eomma.

"Kaya heto, may forever kami ng Dad ninyo. Dati hindi ko siya pinapansin pero hindi ko inakalang siya pala ang man of my life. Kung sumuko siya, hindi sana kami nagkatuluyan pero may isang salita ang Dad ninyo. Kapag gusto niya talagang makuha, gagawin niya ang lahat para matupad at makuha ang gusto niya," Eomma said.

"Ang ganda naman po ng love story niyo. Kaya ikaw Unnie, push mo iyan! Feeling ko na Unnie na hindi magiging kayo ng lalaking iyon!" binatukan ko siya.

"Ouch! Appa oh, si Unnie!"

"Hahaha. Kayo talagang dal'wa."

"Tama na iyan, kain na tayo," sabi ni Eomma.

"Opo, Eomma," sabi ko.

"By the way, Hija. 'Di ba half day lang pasok mo bukas," sabi ni Appa.

"Opo, Appa. Afternoon lang po," sabi ko.

"So, pwede pala tayong mag-shopping tomorrow morning," he said.

"Appa! Hindi pwede!" biglaang sabi ko.

"At bakit?" tanong ni Cupcake.

"Eh, ano po kasi, eh. May practice po ako tomorrow morning para sa pageant," sabi ko. Tssk. Nakakahiya.

"Pageant?!!" tapos nagkatinginan silang tatlo.

"Ano ulit iyon, Unnie? Pageant? Wahaha!" Hayst. Sabi na nga ba, eh.

"Ikaw, Unnie! Sasali sa pageant? Whoah. The baduy queen turns into a beauty queen! Gano'n? Hahaha!" pang-aasar niya.

"Ok lang. At least kahit papaano, maganda naman ako. Eh, mas surprising pa nga iyong, The ugly bading turns into a handsome guy!" pang-aasar na sabi ko.

"Tama na iyan. Hija, saan ka..."

"Oyy, si Appa, natatawa din iyan pero pinipigilan lang," pamimilit ni Cupcake kay Appa para patawanin.

"Hahaha. Psshh! Magalit na iyang Ate mo, sige ka," sabi ni Appa na pinipigilan na tumawa.

"Hmp. Appa naman, eh. Pati ba naman ikaw. Ikaw din, Eomma, alam ko pinipigilan mo lang tumawa," sabi ko.

"Hmm, tama na iyan. Saan ka pala magpa-practice?" tanong ni Eomma.

“Sa bahay ng classmate ko po," sagot ko.

"Bakit naman sa bahay pa ng classmate mo?" tanong ni Appa.

"Kasi po, he invited Miss Shania para turuan ako," paliwanag ko.

"OMG! Si Shania Young? Unnie, hindi ba magbabago decision mo diyan sa pagsali mo sa pageant? My Gosh! Gusto ko rin makita si Shania!" sabi ni Cupcake. "Isa pa! Sabi mo, he invited! So, lalaki ang nag-invite para lang turuan ka! Who's that guy?" dagdag pa ni Cupcake.

"Oo, nga. Sino iyon, Hija?" tanong ni Appa.

"He's Jhae Park, anak po ng may-ari ng school na pinapasukan ko. Actually nga po, he's going here tomorrow morning para po sunduin ako at magpaalam," kuwento ko.

"Whooaah! Unnie, pakilala mo naman ako sa kaniya. Ayyieehh. Ano pang hinihintay mo, girl! Grab the opportunity. Malay mo siya pala iyong nakalaan para sa 'yo, hindi iyong Black na iyon! Kinakalawang ka na sa kahihintay, wala pa din," ang landi talaga ng baklang 'to.

"Naku, 'nak, iba na iyan, ah. Hindi iyon basta-basta mag-iinvite kay Shania kung walang something. Remember! Si Shania Young sikat na beauty queen at artista, syempre busy iyon tapos ngayon, in-invite ng Jhae na iyon para turuan ka lang," sabi ni Eomma.

"Oo, nga naman, Hija," sang-ayon ni Appa.

Oo, nga naman. Bakit nga pala ginawa iyon ni JP para lang sa 'kin? Hindi kaya, gusto niya ako!? May gusto siya sa 'kin? Oh, no! Erase! Erase! Baka ginamit niya lang ako para kalabanin ko si Heart kasi ayaw niya manalo si Heart. Pero ewan, baka hindi naman. Pero... Hay, naku! Mica Gonzales, pwede bang 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano!?

"Hmm. Hindi ko po alam," sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Ahh," sabay-sabay nilang sabi, at nagkatinginan na naman sila.

True love waits. But who's really my Prince Charming? I can't wait to see and meet him.

To be continued...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height