Until The Last/C1 Prologue
+ Add to Library
Until The Last/C1 Prologue
+ Add to Library

C1 Prologue

"Xylynnn," pagtawag sa 'kin ni Myelin.

"Oh bakit?" ani ko.

"Anong strand kukunin mo sa senior high?" tanong niya.

"Tinatanong mo kagad sa 'kin eh hindi pa tayo tapos sa junior high school and hindi pa tayo senior noh!" sagot ko.

Nagpatuloy kami ulit sa paglalakad. Mukhang mas madami ata ang mga students ngayon kaysa last year. Kitang-kita ko rin ang mga bagong estudyante na mukhang mas bata pa sa amin. Pero natigilan na lang ako nang mayroon akong nabunggo. Napahawak ako sa braso ko saka napatingin sa taong nabangga ko. Tumanbad sa akin ang isang matangkad na lalaki.

"Ay sorry po," ani ko na may halong kaba sa dibdib.

Naglakad lang siya at hindi nagbigay ng kahit anong salita na para bang walang nangyari. Nagpatuloy na lang din kami sa paglalakad, nakita namin na hindi pa sila nagsisimula, nang makarating na kami sa room ay kaagad na kaming pumasok at umupo.

Nagmasidmasid ako sa paligid at nakita ko na kaklase ko ang naka bunggo ko sabi-sabi sa 'min na matalino raw siya at hindi masyadong pala kaibigan.Biglang may pumasok na babae, ito na siguro guro namin.

"Good morning class."

"Good morning din po."

"Okay, Let me introduce my self first, So I'am Margarette Santiago you can call me Ms. Santiago your educator in Mathematics."

First day pa lang ng klase, math na kagad ang bumungad sa araw ko pero kaya 'yan.

***

Nang matapos na ang aming klase inutusan ako ni Ma'am Margarette na dalhin ang papel na 'to sa office niya.

"Ang dami naman nito tapos ako lang magdadala mag-isa," bulong ko sa sarili ko.

Ginawa ko na lang ang pinapagawa ni Ma'am Margarette, habang naglalakad ako meron akong nabunggo na lalaki hindi ko kasi siya napansin dahil sa mga dala kong papel kaya nabitawan ko ang mga hawak ko.

"Sorry po kuya," ani ko.

"No worries, 'Wag ka na mag po sa 'kin," tugon niya.

"Ay, sorry,"sambit ko.

"Tulungan na kita. Saan ba dadalhin ang mga 'yan?"tanong niya.

"Sa office sana."

Kinuha niya ang mga papel na hawak ko saka sinamahan ako papunta patungong office. Mabuti na lang at mukhang mabait din pala ang lalaking 'to.

***

Tapos na namin ang lahat ng inuutos ni ma'am pagkatapos ay didiretso na ako sa cafeteria.

"Salamat sa—"

"No need to say thank you okay lang sa 'kin na natulungan kita."

"Okay sige bye na pala kakain na 'ko."

"Gusto mo sabay na tayo?"aya niya sa akin.

"Okay sige," sagot ko.

Nandito na kami sa cafeteria at umorder ng pagkain.

"By the way kanina pa tayo nag-uusap ano pala pangalan mo?" tanong ko.

"Kiel" sagot niya.

"Ahh Kiel ako naman si Xylyn."

"Nice to meet you Xylyn."

"Nice to meet you too."

Siya na siguro childhood ko unang kita ko kasi sa kanya naalala ko bigla kababata ko tapos ang bait pa niya.

"Mauuna na 'ko may gagawin pa kasi kami," aniya.

Umalis na ako at bumalik na sa room.

***

"Xy sa'n ka galing? 'kala ko ba sabay tayo kumain," wika ni Myelin.

"Oo nga pala nakalimutan ko sorry kasama ko kasi si Kiel," sagot ko.

"Kiel?" Kumunot ang noo niya.

"Oo si Kiel parang siya nga childhood ko kasi unang kita naalala ko bigla."

"Sana nga."

"Good morning class since first day naman, ngayon natin isagawa ang class officer lahat kayo pwede bumoto at ma-nominate"

"Let us start for president."

Cade:

"Ma'am I nominate Jerome for president."

Jerome:

"Bakit ako? madami naman iba diyan ako talaga."

"For vice president."

Jerome:

"I nominate Cade for vice president."

Tumayo siya,"Ako talaga vice president pwede naman sa escort mas bagay ako do'n."

Jerome:

"Kapal mo kelan ka pa naging bagay sa escort kahapon ba o ngayon?"

Cade:

"Ma'am ayoko po sa vice gusto ko po sa escort."

"Why don't we ask your classmate."

"Okay po na siya vice."

"Ok lang po kasi hindi siya bagay sa escort."

"For muse and escort"

"I nominate Kyler for escort and Xylyn for muse," ani ni Jerome.

"Shit ba't ako madami naman d'yan hayst," buntong hininga ko.

Hindi na ako nag reklamo muse lang naman 'yon.

"Yiee Xy ikaw yung muse tapos si Kyler escort inggit ako chos!" ani ni Myelin.

"Ano naman kung ako muse at tsaka 'wag mo'ko i-ship kay Kyler si Kiel childhood ko noh!" sagot ko.

"Okay matalino naman si Kyler pogi pa."

"Hindi ko kailangan ng pogi na boyfriend," ani ko.

Uwian na namin kaya nauna na ako kay Myelin.

***

Pag-uwi ko nagpalit na ako ng damit kinuha ko ang cellphone ko at ini-stalk si Kiel sa facebook para malaman ko kung siya na ba hinahanap ko.Pagkakita ko sa account niya halos walang makikita na proof kung siya ba 'yon naka-private lahat pati photos, friends and post.

Pa'no ko malalaman kung siya, Hmm ay naalala ko kapag 18 years old na ako or debut pupunta kami sa lugar na lagi naming pinupuntahan doon ko malalaman kung siya ba childhood ko.Laging naka salamin si Kiel mukha tuloy siyang nerd.

•───────•°•❀•°•───────•

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height