C4 Chapter 3
"Can I get my notes?" tanong ni Kyler bago pa man siya umalis sa harapan ko.
"Oh 'yan kunin mo na tapos na 'ko mag- review hindi ko na kailangan salamat," tugon ko.
"Okay goodluck to us!"
Umalis na rin siya kaagad ngunit, biglaan kong nahawakan ang kaniyang kamay at pinigilang makaalis.
"Sandali lang, yung naka-drawing na santan sa notes mo alam mo pala yung flower na 'yun."
"Oo bakit? mahalaga sa 'kin ang santan na ito."
Talagang parehas pa naming gusto 'yon mahalaga rin kasi sa akin ang santan.
"By the way tingnan mo mukha mo ang laki ng eyebug mo may contest mamaya tapos gan'yan hitsura mo," dugtong pa niya.
"Che! wala akong pake."
Ano naman ngayon kung malaki eyebug ko. Tumingin ako sa salamin, para tingnan kung may eyebug nga ako.
"Mukha pa lang katawa-tawa mukha ko ang laki nga ng eyebug ko pinuyat kasi ako ng quizbee na 'yan," buntong hininga ko.
Pumunta ako sa comfort room para mag- ayos hindi ako komportable kapag gan'to hitsura ko. Mamaya pa naman ang quizbee kaya mabaha pa ang oras ko. Tinabunan ko ng powder ang eyebug ko para hindi kita nakakahiya sa mga teacher kung lalaban ako sa contest ng may eyebug. Saktong pagkalabas ko ay bumungad sa harap ko si Kiel.
"Hi Xylyn! ngayon laban niyo 'di ba?"
"Ahh oo pero mamaya pa naman bakit ka pala nandito?"
"Napadaan lang ako dito actually papunta ako sa library."
"Ahh samahan na kita mag-rereview na rin ako."
***
Nandito na kami sa library humanap kami ng mauupuan. At doon na lang kami umupo sa may bandang dulo.
"Dito na lang tayo," ani ko.
"Okay sige."
Umupo na kaming dalawa kinuha ko ang notes ko para mag-review ulit. siya naman ay naghahanap ng mababasa niyang libro.
Napahinto ako sa ginagawa ko nang may biglang nagsalita sa harap namin.
"Pwede ba akong umupo rito?"
Si Kyler na naman hanggang dito siya pa rin kasama ko. Paano naman niya nalaman na nandito kami ni Kiel.
"Hindi," sagot ko nang biglang tumingin si Kiel.
"Joke, syempre pwede, you may now sit Kyler," pagsisinungaling ko.
Relax tayo nandito si Kiel easy ka lang tandaan mo nandito si Kiel.
"Kiel pwede ba kitang tanungin?" wika ni Kyler.
"Sure why not tungkol saan ba?" pagtugon naman ni Kiel.
"Naitanong na ba sayo ni Xylyn yung tungkol sa chi—"
Nang marinig ko ang sasabihin niya na tungkol sa kababata ko inapakan ko siya sa paa para hindi niya ituloy ang sasabihin niya alam kong magtatanong siya kay Kiel tungkol sa kababata ko hindi ko hahayaang sabihin ni Kyler ang tungkol doon. Nakita ko ang reaksiyon ng mukha niya, umaray ang kaniyang labi napalakas yata apak ko sa kanya Hindi ko naman kasalanan, edi sana hindi na siya nagsalita para hindi sa kanya mangyari ginawa ko.
"Okay ka lang ano ulit sasabihin mo?" ani ni Kiel.
"Ah sabi ko kung naitanong na ba sa'yo ni Xy kung ano kukunin mong strand." tugon ni Kyler habang ang kanyang mukha ay nakatitig ng masama sa akin.
" 'Yun lang pala eh nasabi ko na ata kay Xylyn na ABM kukunin ko." pagsagot ni Kiel sa tanong niya.
"Ahh ako STEM."
"Hello po pinapatawag po si Xylyn and Kyler magsisimula na raw po yung laban."
"Okay sige papunta na kami."
"Tara na nga Kyler bye muna Kiel mamaya na lang."
"Okay sige inform niyo ko kung sino mananalo."
"Sure," sagot ni Kyler.
Umalis na kaming dalawa at dumiretso sa room ng senior high doon daw kasi maglalaban-laban.
"Muntik mo ng sabihin kay Kiel 'di ba sabi ko 'wag mong sasabihin sa kanya," inirapan ko siya.
"Sorry ang tagal mo kasing malaman kung ano yung totoo."
"Eh sorry po edi sana ikaw nasa posisyon ko 'kala mo madali."
"That is so easy Xylyn."
"Oo na lahat naman madali sa 'yo."
Nagsisimula na ang contest kaya umupo na kami kinakabahan ako ng konti at nanginginig mga kamay ko gagawin ko ang lahat. Nabigay na sa amin ang mga sasagutan tiningnan namin ito kaagad, ang iba sa mga tanong ay hindi namin masagot.
Mahaba pa naman ang oras para tapusin namin iyon medyo nahirapan kami sa ibang mga nakalagay dito lalo na sa pinakadulo, ang iba nga ay hindi namin alam kung tama ba pinaglalagay namin.
At dumating na ang kinatatakutan namin, tumunog ang timer na ang ibig sabihin ay tapos na ang oras kailangan na namin ito ipasa. Mabuti na lang at nakahabol pa kami kung hindi hay nako ewan ko na lang. Pinasa ko na sa guro ang papel namin at sinabi nito ay hintayin na lang ang resulta.
Thank God alam ko yung iba rito hindi lang namin alam kung tama ang nilagay naming sagot; ang iba kasing tanong hinulaan lang namin.
"Pwede muna kayong mag-recess mamayang 1:00 pm pa naman sasabihin kung sino ang mananalo," wika ni Mrs. Gonzales.
Bumili muna ako ng milktea at umupo sa gilid.
"Xylyn."
"Oh Kyler."
"Just make it sure kung si Kiel ba talaga childhood mo baka mamaya umaasa ka lang sa kanya."
"I'll make it sure na tama ang hinala ko."
"Hinala? so hindi ka pa sigurado sa kanya sinasabi ko sa 'yo gumawa ka ng paraan para malaman mo kung siya ba talaga kababata mo."
"Xylyn and Kyler i-aannounce na yung winner."
Ang bilis naman i-announce, agad naman kaming pumunta sa court, doon naman lagi ina-announce kung sino winner.
"3rd runner up goes to...goes to Grade 10-3."
"2nd runner up goes to 10-2."
Posible na kami ang 1st dalawang section na lang ang hindi natatawag.
Kabang-kaba ako sa pag announce kung sino ang 1st, nagdasal ako.
"And 1st runner up goes to."
"Goes to Grade 10-1."
Nanlaki ang mata ko at parang tumigil ang mundo ko nang marinig na kami ang 1st.
"Congrats sa inyo," pagbati ng aming guro.
"Congrats sa atin Kyler," masaya kong pagbati.
"Sabi ko sa iyo 'di ba 'pag nandito ako sigurado na mananalo tayo."
"Kapal sumali ka na sa lahat ng contest para laging panalo," pagbibiro ko.
"Sige ba."
Sigurado ba siya nagbibiro lang naman ako sa sinasabi ko.
"Congrats Xylynnn I'm so proud of you sa inyo pala ni Kyler ang galing ninyo,"masayang bati ni Myelin.
"Salamat."
"Congrats Xy!" ani ni Kiel habang nakangiti.
"Thank you Kiel."
Masayang masaya ako dahil lahat sila proud sa amin ni Kyler ngayon lang ako nakaramdam na ganito hindi namin alam na tama lahat ng sagot namin thank you rin kay God tinupad niya prayer ko I appreciate lahat ng sinabi nila sana tuloy-tuloy lahat ng successful namin pati na rin yung iba. Umuwi na ako para magpahinga kinuha ko muna cellphone ko at tiningnan kung may sinabi si ma'am.
Grade 10- Diamond
Elizabeth Gonzales:
Congrats Xylyn and Kyler you make us proud!
Max Kyler Villavicencio:
Thank you po ma'am
Xylyn Sanchez Salcedo:
Salamat po
Hindi pa rin ako maka-get over first time ko kasing maging first runner up nu'ng elem days kasi nasa 3rd or pang 2nd ako, ngayon lang talaga ako naging first kaya siguro kami first kasi nandiyan si Kyler napakatalino niya ang alam ko average niya 97 or 98 ang taas ng ave. niya ehh ako 94 pero okay lang sa 'kin atleast nasa with honor ako masaya na ako kung ano meron ako pero gusto kong maging CPA someday ang sarap sa feeling na CPA ka tapos nagtatrabaho ka sa kumpanya gagawin ko lahat para matupad o makamit lahat ng pangarap ko gagawa rin ako ng paraan para malaman kung si Kiel ba talaga childhood ko.