Until The Last/C5 Chapter 4
+ Add to Library
Until The Last/C5 Chapter 4
+ Add to Library

C5 Chapter 4

"Congrats Xylyn napakagaling ni'yo ni Kyler," pagbati ni Jerome.

"Salamat Jerome."

Cade:

"Congrats Xylyn baka naman."

"Alam ko na 'yan papalibre kayo noh ay wait eto may ibibigay ako."

"Cotton candy?" ani ni Jerome.

"Oo masarap kaya 'yan promise."

Totoo naman masarap kaya iyon kaso ang problema kapag kumain ka no'n boom, mauuwi ka sa ubo, magkakaroon ka ng ubo kaya minsan lang ako kumain sobrang tamis niya.

Cade:

"Okay lang iyan pre sabi nila kapag kumakain daw ng matamis tumatalino."

Jerome:

"Sinasabi mo ba na kulang ako sa talino baka gusto mo ma-sample."

Cade:

"Sige (2x + 3)^2."

Jerome:

"Sus dali lang (2x + 3)^2

= (2x)^2 + 2.2x.3 + 3^2

= 4x^2 + 12x + 9."

"Ang dali ng binigay mo Cade heto sagutan ni'yo The boat is sinking group yourselves into x^2 - 46 + 17 divide 2 if the value of X is 7."

"Answer is 10 because the value of X is 7 so 7 multiply by 7 equals 49 minus 46 is 3 plus 17 equals 20 divide 2 is 10," sabat ni Kyler habang hawak ang libro at naka upo.

Madali lang naman binigay ko tapos hindi masagot nila Jerome siguro para kay Kyler math ang pinaka madali sa lahat ng subject namin.

Jerome:

"Talino mo baka madaig mo pa sila Ma'am siguro Kyler anak ka ng isang CEO at engineer pahawa naman ng katalinuhan mo."

Cade:

"Kumain ka na lang Jerome baka gutom ka."

Kyler:

"Alam ninyo learning math is a piece of cake."

Jerome:

"Kung sa 'yo piece of cake sa amin tones of cake."

Cade:

"Totoo naman madali lang 'yun."

Jerome:

"Talaga? madali yung math."

Cade:

"Hindi yung ESP napakadali nung kinder ako naka line of 9 ako sa ESP sa iba naman mababa."

Jerome:

"Ala ka pala ehh ako line of 8."

"Baba naman ako line of 9," sagot ko.

"Baka naman may line of 10 ha," ani ni Myelin.

"Oo ako," sagot ni Kyler.

"Kyler line of 10 ka," wika ni Myelin.

Jerome:

"Pa-autograph naman d'yan."

Umalis na ako sa room namin at pumunta sa library. Puro lang naman sila daldalan doon.

***

"Hi Xylyn," ani ni Kyler.

"Ikaw na naman stalker ka noh."

"Hindi, can we be friends?"

"Hmm..."

Siya nakikipag kaibigan nasasapian ba siya or what.

"Sure ka gusto mo 'ko maging kaibigan? Seriously?" pagkakagulumihanan ko.

"Oo ayaw mo ba? kung ayaw mo okay."

"No papayag na 'ko pero hindi ko pa rin pag papalit childhood ko."

"May sinabi ba ako na gusto ko siyang palitan?"

"Wala sinasabi ko lang naman po."

"Ah so magkaibigan na tayo."

"Oo nga kulit mo gusto mo bawiin ko?"

"By the way may ibibigay ako sa 'yo notes ko 'to pero bibigay ko na sa iyo marami kang matututunan diyan."

Kinuha ko ito at hinalungkat,"About math hindi naman STEM kukunin ko ah, ABM."

"I know makakatulong pa rin iyan kahit hindi STEM kukuhanin mo."

Magbibigay na lang siya Math pa talaga iniisip niya siguro kulang isip ko FYI nu'ng elementary kaya nasa top 1 ako pero ngayon hindi na kasi nandiyan yung Kyler na magaling at bida-bida chos! Alam ko naman na hindi ko mapapantayan kung gaano siya katalino.

"Kumusta kayo ni Kiel siya na ba childhood mo?"

Hindi ba siya nauubusan ng kakatanong? Bawat salita niya bukang bibig puro sa buhay ko.

"Okay naman kami and whatever kung hindi ko pa nasisigurado na siya 'yon"

"Lol, tinatawag mo ka'gad na "Childhood ko siya" pero hindi ka pa naman sigurado anong tawag do'n?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano?"

"Umaasa sa wala! Sorry kung natamaan ka totoo naman kasi naaawa na ako sa 'yo kasi umaasa ka lang sa kanya if I wear you tatanungin ko siya or hahanap ako ng paraan para masigurado kung siya iyon."

"Oo na ikaw na magaling magpayo pero bakit lagi kang nagtatanong tungkol sa childhood ko?" pagdududa ko sa mga kinikilos niya.

"Kasi ayokong umasa ka sa wala, ikaw na nga lang tinutulungan," sagot niya.

"Ahh ayaw mong umasa ako hindi mo ba alam na hindi pa ako napapaasa."

"Bakit gusto mo bang umasa sa wala?"

"Hindi, bye na nga babalik na ako sa room."

Bakit naman niya naisip na aasa ako sa wala hindi nga rin niya yata alam kung sino childhood ko. Bumalik na ako sa room para samahan si Myelin. Baka magtampo na naman siya dahil kasama ko si Kyler o si Kiel.

"Hello Myelin tara na mag-lunch tayo."

"Sige sige sama mo na rin si Kiel kanina pa siya nandito."

"Sige tara na."

Sinabay na namin si Kiel hindi pa rin siguro siya nag lu-lunch.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay tapos na kaming kumain, kaunti lang naman in-order namin dito inayos ko ang sarili ko at bumalik na kami ulit sa room.

"Xy kaibigan mo na raw si Kyler totoo ba? Ang bilis naman."

"Oo bakit?"

"Pagpapalit mo na 'ko."

I chortled,"Ano ka ba bakit mo naman naisip na pagpapalit ikaw kaya yung best friend ko."

Jerome:

"Pag pinagpalit ka ni Xy nandito kami para maging kaibigan mo."

"Sumasabat ka na naman ayoko na maging kaibigan ka, ano sinusuwerte ka baka imbes na maging kaibigan maging kaaway pa kita."

"Mag-jowa na ba kayo? Baka naman kayo na ha," pagbibiro ko.

"Che! kelan pa wews," sagot ni Myelin.

"Bye na sa inyo uwi na ako anong oras na."

Nauna na akong umalis sa kanila dapat kanina pa ako nakauwi kumain lang ako. Bilin din kasi sa akin ni mama iyon na umuwi ng maaaga, marami kasing masasama sa paligid lalo na't looban ang bahay namin.

"Sabay na tayong umuwi."

Tumingin ako sa likod ng may biglang nagsalita."Sigurado ka ba?"

"Oo ayaw mo ba?"

Nagsabay na kaming umuwi ni Kyler sa'n kaya bahay niya.

"Malapit lang ba bahay mo rito?" tanong ko.

"Oo."

"Nandito na pala ako bye."

"Sige bye huwag mong kakalimutan na alamin kung sino childhood mo," dagdag pa niya bago lumisan.

"Oo alam ko 'yon hindi mo na kailangang ulit-ulitin."

Pagkapasok ko kinuha ko ang stationary soul ko gagawa na lang ako ng album namin ni Kai may picture naman ako kasama siya mahilig kasi akong mag-design kaya naisip ko na gumawa ng album para sa amin. Sinimulan ko na ang paggawa para matapos kagad mabilis lang naman ito gawin wala pang 1 hour magagawa na ito.

Nang matapos ko ng gawin nilagay ko ito sa bag ko, araw-araw kong dadalin ito nilagay ko rin sa album ang santan flower sinabi ni Kai na sana kapag makikita ko ang santan maaalala ko siya miss na miss ko na siya hindi ko pa rin alam kung saan o paano ko siya mahahanap pero ng makilala ko si Kiel naalala ko childhood ko sinasabi naman ni Kyler na umaasa ako sa wala hindi pa naman ako sigurado pero sa tingin ko siya na yung kababata ko. Wala naman masama na mangarap.

Kinuha ko muna ang cellphone ko bago ako matulog pinakinggan ko muna ang favorite kong song na Maybe the night By: Ben&Ben

Ang gaganda ng song nila kaya isa ako sa mga fan nila sinasabayan ko ang kanta na 'yon nakakawala ng stress ang kanta nila at sa tuwing pinapakinggan ko ang song na Maybe The Night lalo kong naaalala si Kai. Habang pinapakinggan ko ang kanta biglang may kumatok sa pinto.

Sino ba 'yon panira naman pagkabukas ko nang pinto...

"Iha, pwede paki hinaan yung kanta mo nakakaistorbo kasi gabing-gabi nagpapatugtug ka pa."

"Ay sorry po hihinaan ko na po paumanhin po ulit."

"Osige Salamat."

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height