+ Add to Library
+ Add to Library

C13 Bar

Lumipas na din ang ilang araw halos lahat sa university ay busy dahil sa nalalapit na final exam.

Ang bilis nga lang ng mga pangyayari, Akalain mo gra-graduate na pala ako

"Hoiii ate!, nakikinig ka ba?"

"Ano bang mas maganda eto, or eto?" tanong niya

Bukas na rin ang wedding day ni Crisha kaya dapat nandoon kami at ngayon nandito sa Mall namimili ng susuutin namin para sa wedding day

"Yan isang white dress bagay yan sayo, at ito naman ang akin" saad ni Jane

"Cge, Tara na!" saad ko

Halos kalahating oras na din kami dahil ang tagal mag hanap nag damit nito si Jane

"Cge, bayaran ko lang ito then punta na tayo sa isang restaurant" saad niya

Lumabas muna ako para makapag muni muni, hihintayin ko na lang siya dito

"Tara na!" saad ni Jane at hinila ako

Weird.

Nakarating kami sa isang malaking restaurant, Mukang mamahalin pero hindi na rin akong mag tataka dahil mayaman sila Jane

"Tara na, Ako na bahala sa bayad saka libre ko!" saad nito bago ako hinila ulit

Siya na ang umorder dahil hindi naman ako pamilyar sa mga pag kain, Nakakakain lang din ako nito pag kasama ko si Xa-

"Eto doon na lang tayo!" turo niya sa bandang dulo ng restaurant

"Cge"

Nag tungo kami doon

"Yan yung mga paborito kong pag kain dito saka wag kang mag alala ate masasarap din yan, Try this" saad nito

"Cge, Thank"

Kumain na rin kami. Totoo din ang mga sinabi nito na masarap pero mas masarap pa din sa mga normal na kainan na nakainan ko na, Siguro ay hindi lang ako sanay sa pag kain

"Ohh look who's here" saad ng pamilyar na boses

"Tsss... akala ko talaga umalis na sila" bulong naman ni Jane

"Kumakain ka rin pala dito!" saad pa ni Bea

"Oo bakit, Masama ba saka wala ka namang pake kung kumain ako dito!" saad ko

"Akala ko kase hindi kumakain dito ang isang ahas!" saad nito

"ANO"

Kinuha ko ang drink ko para ibuhos sana sa kaniya ng biglang may humawak sa kamay ko, Pag tingin ko ay nakita ko agad ang muka ni Xander

"Itigil mo na iyan" saad niya

Binitawan ko ang mga kamay niya at humarap ng maayos

"She's hurting me babe!" malanding saad nito habang pinapalupot niya ang kamay niya kay Xander

Siya kaya ang ahas.

"Marunong ka rin palang mag sinungaling akala ko puro yabang at paganda ka lang" sigaw ko

Sa sinabi ko ay nag sitinginan sa amin ang tao dahil din iyon sa pag lakas ng boses ko

"Ayaw ko ng gulo pwede ba Keith, tumigil ka na nga!" saad ni Xander

First time niya iyon sinabi sa akin, Never niya akong sinigawan at never siyang nagalit, siguro nga tama ang desisyon ko

"Tara na Bea" saad niya at hinila pa alis si Bea

Hindi na ako nag salita at umalis na ako doon. Alam ko namang maiintindihan ako ni Jane, saka tinext ko na din siya

Pumasok ako sa isang bar, First time ko lang dito kaya hindi ako pamilyar dito

Agad bumungad sa akin ang maingay na speaker at maraming taong nag sasayawan

"Kuya pa order po yung pinakang malakas na alak" saad ko

"Mukang broken ka miss!"

"Siguro po, pero wala naman talaga kami, nag kagusto lang kami sa isat isa" saad ko

Maya maya ay natapos na niya akong ipag gawa ng alak

"Iyan ang pinakang malakas na alak namin! Hope you like it" saad nito

Muka siyang mabait at mapag kakatiwalaang lalaki saka mukang mag ka edad lang din kami. Walang gaanong lumalapit dito dahil halos lahat nasa dance floor

Mabuti na lang talaga nandito si Third kase kanina pa may naka tingin na mga lalaki sa akin muka pa naman silang adik

"Thank ah!"

"Wala yon! Madalas na talagang may mga ganyang lalaki dito pero wag kang mag alala bawal din ang mga ganyan dito!" saad nito

Siya din ang owner ng bar na ito

"Isa pa nga, Ang sharap nito ehh" saad ko

"Lasing kana okay" saad niya

"Hindi pa! nahihilong saad ko

Kanina pa ako nahihilo ilang shots na rin ang na inom ko saka malakas talaga ang alak. Bat ko ba ito ginagawa di naman ako broken saka paano naman ako magiging broken e hindi naman naging kami! Nababaliw na ako!

"Inaantok na ako!" saad ko

Lumabo na ang paningin ko at bumagsak, hindi ko na din alam kung ano pa ang mga sumunod na nang yari

Jane Pov.

9 pm. na pero wala pa rin si ate, Kanina pa rin ako hindi mapakali dahil hindi siya sumasagot sa tawag ko

"Tumigil ka na nga diyan, Nahihilo na ako sayo!" saad ni Gray

Tinawagan ko siya kanina dahil wala akong kasama dito sa bahay

"Eh paano ba naman hindi siya na sagot, kanina pa ako tumatawag mamaya kung ano na ang nangyari sa kaniya! Bukas na din ang Wedding day ni Ate Crisha dapat nandito na siya!" saad ko

"Ma upo ka muna nahihilo na ako sa iyo, Baka nag pa lamig lang iyon sa nangyari kanina" saad niya

Kinuwento ko din ang nangyari kanina. Naupo na din ako

"Uminom ka muna!"

"Salamat!"

Sa status naman naming dalawa ay nang liligaw na siya pero ngayon ngayon lang din, ayaw ko munang sabihin kay ate kase alam ko namang mabibigla siya siguro pag katapos na lang ng wedding day

"Kailan mo ba ako sasagutin?" tanong nito

"Anong sasagutin? Eh kailan lang ako pumayag na manligaw ka!" saad ko

"Tagal kaya noon"

"Sanay ka kase na pag gusto mo makukuha mo agad, puwes ako hinde!" saad ko at binatukan ko siya

"Aray, Bat may pa batuk pa!"

"Kumain na nga lang tayo, Nag luto ako ng Adobo" saad ko

Kumain na kami at ang daldal din neto ni Gray hindi ata kayang hindi maingay kumain, kung nandito si lolo baka na pagalitan na siya

"Hindi ka ba titigil?" tanong ko dahil nabibingi na ako sa kaniya, hindi ko alam kung paano ko ba siya nagustuhan. May side talaga siya nang pag ka childrish

"Nasarapan lang ako sa luto mo kaya na padami din ang kwento ko at kain ko. Sarap pala pag ikaw ang naging asawa ko, laging may masarap na pag kain tapos lagi akong kakain tapos mabubusog ako tapos-"

"Tapos tumahimik kana" saad ko

"Hehe! ganoon talaga ako pag busog!" saad niya

"Oo alam ko!"

"Kabisado mo na pala ako eh, Kaya sagutin mo na ako please!" Hindi lang siya madaldal makulit din

"Tumigil ka nga!"

Pag ka ligpit ko ay tinawagan ko na ulit si ate akala ko ay sasagot na ito pero hindi pa rin, mukang naka patay ang phone niya

"Dadating lang iyon pero baka bukas na, Kaya matulog kana" saad ni Gray

Hindi lang siya Playbog, makulit, matakaw, maingay at madaldal caring din siya kaso wag lang totopakin

Matagal na din kaming mag kakilala ni Gray dahil magkaibigan ang company ng mga magulang namin at siguro ay na love at first sight ako

"Dito na rin ako matutulog para mabantayan ka!" saad nito

"Saan ka naman matutulog?" Takang tanong ko dito with maching taas kilay

"Dun sa kwarto mo!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya

"Ito naman di na mabiro, syempre diyan sa sofa para na din mabantayan kita!" saad niya

Akala ko talaga.

"Cge na matulog kana!" saad nito at hinatid ako sa kwarto ko

"Salamat Gray and Good Night" saad ko at hinalikan siya sa pisngi

"Good night too!"

Pumasok ako sa kwarto, Nafeel ko ang pag pula ng pisngi ko sa ginawa ko at inaamin ko kinilig ako doon

Nag shower muna ako bago matulog para fresh, saka excited na din ako para bukas at alam kong iyon ang pinakang masayang araw ni ate Crish at special din iyon

Malapit na din pala ang last exam at graduate na ako matutupad na ang pangarap sa akin ng pamilya ko

Nahiga ako at bigla namang tumunog ang phone ko

'Im safe dont worry' -Ate K

Lumuwag naman ang pakiramdam ko dahil sa text na iyon, dahil alam ko na na safe si ate ay makakatulog na din ako nang mahimbing. Pinikit ko na ang mata ko at nag simulang antukin

Someone Pov.

"Maam tuloy po ba ang plano?" tanong nang isang lalaki

"Yes, tuloy iyon. Bantayan mo siyang mabuti kung hindi malalagot ka sa akin!" saad ng isang babaeng naka itim

Muka silang agent at para bang mayroon silang sinusubaybayan

"Make sure na hindi siya masasaktan!"

"At ayaw ko din na may mangyari sa kaniyang masama. Bantayan mo siya" iyon ang huling sinabi nang babae bago umalis ang tauhan nito

Maya maya din ay may pumasok na isang lalaki, mukang asawa niya ito

"Love wag kang mag alala, Magiging okay din ang lahat!" saad ng lalaking nasa tabi niya

"Hindi ko lang talaga matanggap ang mga nangyayari!" saad nito

"Magiging okay din tayo huwag kang mag alala!" dagdag pa ng lalaki

"Sana nga, gusto ko na ding siyang makita at mayakap matagal na din nanghuli ko iyong nagawa"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height