Until the Sunrise/C14 Wedding Day
+ Add to Library
Until the Sunrise/C14 Wedding Day
+ Add to Library

C14 Wedding Day

Nagising ako sa isang kulay puting kwarto at hindi ito ang kwarto ko hindi rin ito pamilyar

Tinignan ko din ang katawan ko kung may nag bago pero ganoon pa din mabuti na lang

"Gising kana pala!" saad niya

"Third?"

"Kagabi kase hindi ko alam kung saan kita dadalhin kaya dito kita dinala!" saad nito at lumapit sa akin

"Ah third ano na bang oras?" tanong ko

"6:59 am pa lang naman!" saad niya

9:00 dapat na sa simbahan na ako dahil saktong 10:00 am sisimulan ang wedding

"Aalis na ako third may pupuntahan pa ako, sige sa susunod na lang" saad ko kahit hindi ko alam kung saan ako dadaan

"Sasamahan na kita masiyadong malaki ang bahay na ito! Baka hindi mo makita kung saan ka lalabas" saad nito

Narinig ko ang sinabi niya mabuti na lang at hindi pa ako nakakalayo. Malaki nga ang bahay, Halata dito ay mansiyon

"Tara"

Pag ka hatid niya sa akin sa labas ay hindi na ako nag pahatid baka makaabala din ako sa kaniya saka may dadaanan muna ako dahil nakalimutan ko yung gift ko kala Crisha at Clint

Nag punta ako sa jewelry store para bumili ng partner na kwintas para sa kanila

Nang na karating ako nang bahay ay walang tao kaya pumasok na ako sa kwarto para maligo na message ko din pala si jane bago ako makatulog ka gabi. Pag ka ligo ko ay lumabas ako nagugutom na din ako

"Saan ka galing? Ayos ka lang ba? Nag inom ka siguro?" sunod sunod na tanong ni Jane

"Okay lang ako, eh ikaw okay ka lang ba dito?" tanong ko

"Okay lang ako dahil-

"Okay lang siya nabantayan ko rin naman siya nang maayos" saad ni Gray na kakalabas lang ng CR

"M-Mag kasama kayo?" takang tanong ko

"Ate kung ano man iniisip mo mali iyon kase wala ka kahapon kaya siya ang tinawagan ko alam mo namang takot akong mag isa!" saad niya

"Okay"

Kumain na din ako at si Jane din ang mag me-make up sa akin dahil wala naman akong alam sa mga make up make up na iyan

"Cge aalis na din ako kailangan ko ding mag mag ayos, Kita na lang tayo mamaya!" saad ni Gray at umalis

Pag ka alis ng kumag ay nag punta kami sa kwarto ni Jane para doon ako ayusan

"Bagay sayo ate ang dark red, muka ka kaseng mataray kahit wala kang emosiyon" saad ni Jane kaya na patingin ako sa salamin

Totoo nga pero ngayon ko lang din na pansin di rin naman ako nag sasalamin kase wala namang bago sa muka ko

"Sabihin mo nga sa akin Jane? Anong mayroon sa inyo ni Gray!" tanong ko

"Ano-

"Wag mo na akong bigyan nang palusot jane, Sabihin mo na lang"

"Nanliligaw na siya!"

"ANO! bakit hindi ko alam?" saad ko

Nakakagulat dahil ayaw daw niya sa love

"Dahil ayaw kong malaman mo!" sabi niya

Tinuloy na din niya ang pag aayos sa akin at nang natapos ay tumayo na ako para mag bihis

Pag labas ko nang kwarto ay nakabihis na din si Jane mabuti na lang at medyo maaga pa. Sa simbahan din kase sila ikakasal

"Tara na ate" sabi ni Jane

Maganda ang panahon maganda din ang sikat ng araw at maganda din ang araw na ito siguro ay magiging masaya ito hindi lang ako at lahat kami masaya

Nang nakarating kami doon ay may iilan ng tao oo alam kong maaga pero excited lang talaga ako isang beses lang ikakasal ang kaibigan ko kaya kailangan special

"Nag text sa akin si ate Crisha!" saad ni jane

"Anong sabi?" tanong ko

"Tinanong lang niya kung nasaan na tayo!" Sabi niya

Pag pasok namin ng simbahan ay bumungad sa amin ang maganda at mala palasyong malaki nang simbahan para siyang sa pilikula

Akala ko ay dark din ang make up ko dahil bagay sa akin ang light pero hindi makapal ang make up ko medyo hindi din halata dahil din sa natural na kutis ko. Kutis natural ito hehe...

Mayaman sila kaya hindi na nakakagulat ang dami ng taong dadalo at halos kalahati ng invated dito ay partner nila sa business

Matapos ang ilang oras ay mag sisimula na rin ang kasal kaya lumabas ang lahat pero konti lang talaga ang nasa loob dahil sa labas talaga

Mayamaya ay nag simula na, Naupo din ako kung saan kami nilagay nung nag rehearsal kami

NATANAW ko ang napaka gandang kong kaibigan na papasok ng simbahan, Halata sa mga mata nito ang saya. Minsan lang ikakasal ang tao at napang special nito lalo na kung mahal mo ang taong ikakasal sayo

Isang oras din ang itinagal ng kasal at nang natapos iyon ay nag picture picture muna, Inaaya na nga ako ni Jane na mauna na daw kami sa reception kase kung hihintayin pa namin sila ay matatagalan pa ito

Sumenyas ako kay Crisha na aalis na kami mabuti na nga lang at nakita niya kami at sumagot din siya na cge

Nakita ko din sila Xander kanina alam ko namang hindi siya mawawala ngunit hindi ko inakalang kasama niya ang babaeng iyon at alam ko din ayaw sa kaniya ni Crisha ngunit nirerespeto nila si Xander

Nang nakarating kami sa isang sikat na resort ay agad kaming pumasok

Nandito na rin ang iilang nasa simbahan kanina mukang nauna na rin sila

"Ate doon daw tayo!" saad ni Jane

Hindi ko pa nakikita si Gray at Hanz simula kanina, Baka hindi lang nahagip ng mga mata ko

"Nasaan ba sila Hanz at Gray? Parang hindi ko nakita?" tanong ko

"Nandoon sila sa bandang unahan kaya siguro hindi mo na pansin!" saad niya

"Ahh"

Maya maya din ay na rinig ko na ang ingay ni Hanz

"Hello!" bungad nito kasama si Gray at Ella

"Nauna na kayo! Di nyu man lang sinabihan!" saad ni Ella

"Di ko nga kayo na pansin saka na iinip din ako doon ang dami ring tao!" saad ko

"Hi Guys!"

Nalingon naman kami dahil sa boses na iyon

"Xander! Bea!" saad ni Hanz na para bang Close sila

Ayaw ko ng away ngayon dahil kasal ng kaibigan ko kaya hindi ko pinapansin ang bawat lait sa akin ni Bea hinahayaan ko lang ito na para bang hindi ko na ririnig, Nakikinig lamang ako sa MC dahil nandito na nga ang bagong kasal

"Good Afternoon everyone! So today is a special day, Kaya bago mag simula ang party ay kailangan natin ng message mula sa mga nag mamahal sa bagong kasal!" saad nang MC

Nag simula sa mga magulang ni Gray at Crisha sumunod din ang mga kapatid at pinsan nahuli lang kaming mga kaibigan

"Ms. Keith Lopez, Crisha's best friend it your turn now. Give a message for you friend" saad nang Mc

Tumayo ako at pumunta sa harapan kung saan ang MC kanina

"Congratulations for my friends and i know this is the verry special day of your life, I wish you to a safe baby and a happy family" saad ko

Alam kong simple lang iyon ngunit alam ko din na makakatulong sa kanila iyon

"Bro you already get merried, Akala ko talaga at isa ka lang dakilang Playboy but i was wrong Crisha change your life and guys im verry happy for both of you, Congrats!" saad ni Xander

Matapos mag message ay nag sayawan na at siyempre may special na sayaw para sa bagong kasal nang nag iba ang tugtog ay umalis ang mga tao sa dance floor dahil doon na sasayaw ang bagong kasal

Masaya ako para sa kanila

"Congratulations" saad namin nang naka lapit sila Crisha at Clint sa amin

"Thank Guys!" saad nila

"Im excited for the gender of your baby Crisha!" maarteng saad ni Bea

Nauna pa talaga siya sa akin ako yung bff hello dapat ako mas mauunang ma excite kaysa ma kaniya

"Im me too!" simpleng sagot ni Crisha

Lumapit si Crisha sa akin. Nag kwentuhan din kami sa ibat ibang bagay ngunit hindi rin puwedeng mag tagal dito sila Crisha dahil hindi lang kami ang bisita nila kailangan din sila ng iba pang bisita

"Dun muna kami!" turo nila sa ibang table

Tumango naman kami

"Ate, Anong oras tayo uuwi?" tanong ni Jane

Mukang na pagod siya

"Hindi ko rin sure pero baka umuwi na din tayo! May gagawin pa ako then kailangan ko ring mag review para sa exam" saad ko

"Paalam na lang tayo kay ate Crisha mamaya, Siguro naman ay maiintindihan tayo noon" saad ni Jane

Naalala ko tuloy tuwing final exam lagi kaming mag kasama ni Xander nag tutulungan kami pero ngayon wala na yung Xander na iyon pero alam kong may kasalanan din ako

"Ate Crisha aalis na po kami!" paalam ni Jane

"Cge mag ingat kayo, Thank for coming" saad niya

Pumunta na kami sa Car nasabihan ko na din si Crisha na mag rereview pa ako at nag paalam din kami kala Gray at Hanz alam ko naman hindi na kailangan pang mag paalam sa iba

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height