+ Add to Library
+ Add to Library

C18 Truth

Today is the final exam and im nervous!

"Okay pass your paper! Done or not!" saad ng prof. namin

Mabuti na lang at naka pag review ako dahil doon ay hindi ako na blanko sa exam

"Okay guys! take a break, puede na kayong pumunta sa cafeteria. Good luck guys!" saad ng prof. at lumabas ito

Lumabas na din ang iba ko pang classmate kaya lumabas na rin ako! Papunta na rin ako sa cafeteria kase nag text sa akin si Jane nandoon sila

"Ouch"

"Ate Xandra?" saad ko

Nag mamadali si ate Xandra kaya ko siya na bunggo

"Kumusta kana?" tanong niya

"Okay na po ako! Eh kayo po bakit kayo nandito?" tanong ko

"Ipapasa ko lang itong sinagutan ni Xander!" saad niya

"Po?"

"May sakit kase siya kaya nag sabi kami sa ilang prof. na sa bahay na lang siya mag eexam, mabuti na lang at pumayag!" saad ni ate

"Ay bago pala ako tumuloy! Puede ba na ikaw muna ang mag bantay kay Xander? May pupuntahan kase akong meeting siningit ko lang ito sa appointment ko! Yung bata kaseng iyon nag paka basa sa ulan" saad ni ate

"Papasundo na lang kita! Okay"

Hindi man lang ako nakasagot, Muka naman talagang nag mamadali si ate wala rin akong magagawa dahil hindi ko talaga na tatanggian si ate Xandra

Tinext ko na rin si Jane na hindi na ako makakapunta doon! Wala na rin kami gagawin mamaya kaya hindi na ako papasok

"Mam Keith, Tara na po" saad ni manong

"Cge po!"

Sumakay ako sa itim na kotse nila at agad ding ipinaadar ni manong ang kotse

Nakakapag taka din dahil mag kakalahating oras na kami ay hindi pa rin kami nakakarating saka iba din ang daan na tinatahak namin

"Manong saan po ba tayo pupunta?" tanong ko

"Ay pasensiya na mam hindi ko na sabi agad! Doon po kase nanunuluyan si Master Xander sa isang masion nila!" saad ni Manong at nag pa tuloy sa pag mamaneho

Ang alam ko ay sa dagat malapit iyon! Pero bakit naman kaya lumayo pa siya

Nakarating kami sa isa malaking mansion! Alam ko ay ito ang regalo sa kaniya ni Ate Xandra noong huli niyang Birthday

"Dito po miss!" saad ng isang maid

Nakarating kami sa bandang dulo ng mga pinto pero malaki ang pinto, at mukang malaki din ang loob nito

"I told you not to come into my room!" sigaw nito

"Im sorry mister pero na pag utusan lang!" saad ko

"Keith"

Humarap ito na at gulat na gulat nang nakita ako. Wala siyang damit at naka kumot siya

"Sinabihan ako ni ate Xandra! Wala rin ang magagawa kahit tumanggi pa ako" paliwanag ko

"Im sorry for that! You ca leave now if you want!" seryosong saad niya

"I will stay! Aalagaan kita baka malagot pa ako kay ate Xandra!" saad ko

"Nagugutom ka ba? Uminom kana ba ng gamot? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" sunod sunod na tanong ko

"Im not hungry, i already drink my medicine, and im fine! Dont ask questions again! Im tired" saad niya

Pinikit nito ang mata niya kaya naman mag lilibot muna ako dito sa napakang laki niyang kwarto

Nakita ko ring ang mga old pictures niya pero isa lang ang pinakang naka agaw ng atensiyon ko, Nandoon iyon sa Box kanina

"Transformers"

Natawa na lang ako dahil sa dami niyang collection nito at mukang bago pa! 'Ang tanda na niya para dito, akalain mo yon isang badboy na kagaya niya ay nalalaro nito'

Napa lakas ata ang tawa ko kaya nagising siya

"What are you laughing at?" tanong nito kaya agad kong tinago ang mga laruan pero syempre kinuha ko ang pinakang maganda

"W-wala tinitignan ko lang yung iba nating old pictures!" saad ko at lumalapit sa kaniya

"But our pictures is over there" turo niya sa isang box na malayo sa amin

"what are you holding?" tanong niya

"Hehe"

"Fvck! give that back" saad nito

"No!"

Tumayo ito at nilapitan ako! pero tawa lang ako nang tawa habang papalayo sa kaniya

Masyado na ata akong napalayo at napunta sa pinto kaya natigil ako sa ang tawa dahil ngayon ko lang na realise na malapit na ang mga muka namin inches na lang ang pagitan ng muka namin

"Give it back!" saad nito

Nababa ang tingin ko at na alala kong na topless lang siya, Ayaw ko na sa earth kunin nyu na ako! Halos malaglag ang puso ko sa lakas ng tibok nito

"Give it back!" ulit nito

Hindi ako maka galaw! Ano ba naman self galaw galaw, Kunin nyu na ako nako mas lumalapit ang muka niya sa akin

Habang lumalapit ang muka nito at mas lumalakas ang kabog ng puso ko... Mas nagulat ako nang buksan ang pinto at nag slow-mo ang buong paligid

Dahan dahan akong bumabagsak sa sahig! At pag ka bagsak ay nakalapat ang mga labi namin, natitig pa kami dahil na bingi rin ako sa pang yayari

"Ay diyos po!" saad nang isang manang

Natauhan ata si Xander kaya agad itong tumayo at itinayo rin niya ako

Hindi pa rin ako makapag salita pero bumuka ang bibig ko at kusang nagsalita

"A-aalis na ako! Nag text kase si lolo kakausapin daw niya ako! C-cge!" saad ko

Lumakad ako palayo doon at pag labas ko ay nandoon si manong na naghatid sa akin

"Manong ihatid nyu na po ako!" saad ko

Hanggang ngayon malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. Yung sinabi ko kanina ay lumabas lang iyon sa bibig ko

Habang nasa byahe ako ay paulit ulit nag rereply sa utak ko ang nangyari! Ramdam ko na talaga kanina na dapat akong lamunin ng lupa, ayaw ko sa earth. Nailing iling na lamang ako

"Ah mam, ipinabibigay po pala ni ser Xander!" inabot niya ang isang pictures frame

"Ibibigay ko na sana iyan nung nakaraang araw kaso lang po ay wala kayo sa bahay ninyo!" saad pa ni kuya

"Cge po thank" saad ko

Bumaba na ako ng sasakyan at tinignan ang frame

Ito yung una naming pag kikita, binaliktad ko ang frame at may naka singit na papel doon kukunin ko na sana nang narinig ko ang boses ni Tita Cha

"Keith, Naka uwi kana pala! Halika pasok ka" saad nito

Pag pasok ko ay may bisita pala si lolo kaya yumuko ako para sa pag galang

"Good day po" saad ko

"Magbihis ka muna mayroon tayong paguusapan!" saad ni lolo

Minsan lang maging seryoso si lolo kaya kinakabahan ako

Pag pasok ko ng kwarto ay nandoon si Jane

"Saan ka galing?" tanong niya

"Kala Xander! inalagaan ko siya may sakit kase" saad ko

"Hmm"

"Wag kang mag isip ng kung ano-ano jan pinasuyuan lang ako ni ate Xandra" saad ko

"By the way! Sino yung lalaki at babae sa baba, para ngayon ko lang sila nakita?" tanong ko

"Hindi ko rin alam pero sabi ni tita cha kailangan ka daw nilang kausapin, kaya kanina ka pa nila hinihintay!" saad niya

"Cge pupunta na ako doon baka importante iyon" saad ko

"Cge ate, pahiram muna ng computer mo!" saad niya

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa salas kung saan nandoon sila! Para tuloy mangyayari yung sinabi ko kay Xander kanina

Nag bow muna ako bago tumabi kay lolo! Nakangiti silang dalawa sa akin

"Apo!" saad ni lolo

Natingin ako kay lolo na seryosong ang muka, kaya naman kinabahan ako doon para bang may sasabihin sila na ikakagulat ko

"Sila si Mr. and Mrs. Montenegro" saad ni lolo

Nakipag kamay ako sa kanila

"Nice too meet you po!" saad ko

"Nice to meet you dear" saad nang magasawa

Kinakabahan ako sa bawat minuto, hindi ko alam kung bakit

"Keith, Wag ka sanang mabibigla ha!" saad ni tita cha kaya na pa taas ang kilay ko

"B-bakit po?" nauutal na tanong ko

"Hindi ka kase namin ka dugo!" saad niya

"A-ano pong sinasabi ninyo!" halos maluha ang sa narinig ko

"Edi ibig sabihin!" tumingin ako sa mag asawa

"Hindi, hindi yan totoo!" sigaw ko

"Apo, Anak ka nila noong panahon na iyun ay ipina ampon ka nila sa anak ko!" saad ni lolo

"Kukunin ninyo po ba ako?" tanong ko

Hindi ko mapigilang maluha dahil hindi ko akalaing, makakapag sinungaling sila sa akin ng ganoon

"Pag kinailangan, kukunin ka nanamin" saad ni Mr. Montenegro

"Pe-pero ayaw ko pong iwan si lolo!" saad ko

"Huwag kang mag alala hindi ka namin ilalayo sa lolo mo, pero sa tanggapin mo kami at ang totoo mong pamilya Althea!" saad ni Mrs. Montenegro

"Hindi po ako si Althea, Keith po ang pangalan ko!" saad ko

"Pero iyon ang totoo mong pangalan anak!"

"Kaya rin kami nandito dahil kailangan ka naming protectahan!"

Kinuwento rin nila ang dahilan kung bakit nila ako ipina apon, kung bakit nang yari ang lahat na ito

Hindi ko rin kinaya at tumayo na ako at tumakbo papuntang kwarto ko, mabuti na lang at kalalabas lang ni Jane

"At-

Pumasok ako sa loob at nilock ko ito

Naupo ako sa sahig, hindi ko alam kong nananaginip lang ba ako dahil sa bilis nang pangyayari ay hindi ko na alam

Nahiga na lang ako sa kama ko at doon nag pahinga, Kailangan ko munang matulog baka sakaling nananaginip lamang ako

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height