+ Add to Library
+ Add to Library

C2 Dinner

Half day ang pasok ko ngayon mamayang hapon pa kaya mag pupunta muna ako sa milkteahan na pinuntahan namin ni Crisha

"Lo! alis muna ako" Paalam ko

"Cge mag ingat ka!"

Mabuti na lang at di ako tinamad mag lakad ay ito ako ngayon, di rin gaanon mainit mabuti na nga lang di todo eh kase nakalimutan ko mag dala ng payong

Pag pasok ko nang milk tea shop ay umorder ulit ako ng caramel flavor ng milk ang sabi ni ate ay mag hintay na lang daw ako iseserve na lang daw nila

Mabuti na lang kakaunti ang tao dito bago lang pero mukhang sikat na

"This is your order mam enjoy" sabi ng nagserve

Inenjoy ko muna ang pag inom sa napakang sarap na milk tea na ito

"Hi" saad nang pamilyar na boses

Nilingon ko ito at nakita ko agad si Karl yung captain ng soccer team

"Hi" sagot ko naman

"Dont you have a class?" tanong niya at umupo sa tabi ko

"Mayroon pero mamaya pa yon mga 1:00, Eh ikaw bat nandito ka?" Tanong ko pa balik

"Actually im the owner of this shop" saad niya

"Wow, kaya pala sikat agad ang shop na ito ikaw pala ang owner" sabi ko

Nagsimula na din siyang mag kwento ng mga ibang bagay habang ako nakikinig nagkwekwento naman naman ako kaso mas marami siya nasabi

Natigil na lang kami ng tumunog ang phone ko

"Sorry sagutin ko lang ito!" paalam ko

Sinagot ko ang tawag ni Gray

"Why?" tanong ko agad

"Yung kaibigan mong magaling nakipag bugbugan" saad niya

"I said dont call her" rinig ko ang boses ni Xander sa kabilang linya

"Dude kailangan din niyang malaman" saad naman ni Clint

"Cge pupunta ako jan" sabi ko

Agad kong pinatay ang tawag halos kalahating oras ko rin palang kausap si Karl. 9:01 ako umalis ng bahay at ngayon ay mag 1-10:00 na

"Sorry Karl alis muna ako may emergency lang, salamat pala sa libreng kwentuhan" biro ko

Agad akong humanap ng taxi mabuti na lang at mag pera pa ako dito, Alam ko din kung nasaan sila medyo malayo iyon dito sa lugar ko ngayon

NANG nakarating ako sa Red Little House ay agad ako nag doorbell

Red Little House ang tinawag niya dito regalo sa kaniya ito ng mga magulang niya noon 7yrs old siya at para sa kaniya ay little ito kahit mas malaki pa naman ito sa bahay namin Red naman dahil yon ang favourite color niya

"Tara pasok" saad ni clint ang nag bukas ng pinto

Pag pasok namin doon ay nag paalam din ang tatlo na aalis daw muna sila

"Ano nanamang ginawa mo?" tanong ko habang ginagamot ang sugat niya

"Aray! Tsss..." daing niya

"Yan tamtamin mo, Akala ko ba hindi kana makikipag away" sabi ko

"Nauna naman sila" sabi niya

"Isip bata" bulong ko

Medyo nag tagal ko din siyang kinausap dahil ang dami pa pala niyang pasa

"Aalis na din ako pagaling ka may pasok pa ako" sabi ko at agad ding umalis

Mabilis akong umuwi at nag palit ng uniform ko, Kumain na ako kanina doon kaya di na ako kumain

"Lo alis na po ako, papasok na po ako byeee lo!" sigaw ko

"Cge ingat" tugon ni lolo

NANG makapasok ako ng University ay agad akong nag punta sa first subject ko ngayon. Pag Half day ng hapon ang pasok ko ay di ko kaklase si Crisha

Gusto ko rin sanang maging writer pero mas pinili kong maging engineer nag susulat naman ako nang story pero minsan lang talaga ako nag uupdate sa story ko

"Good Morning class, Now lets start the class" saad ng prof.

Lahat din ng Basketball player, Soccer Player, Athletic at iba pang sport ay last year na nila ngayon dahil kailangan nilang mag focus sa mga kinuha nilang course. Kaya na lang sila nandoon ay pinapractice nila ang susunod sa kanila, sila na ang nag tratrain pero di sila ang lumalaban pero baka matapos na din ang pag tratrain nila sa mga lower year dahil maraming activities ngayon ang mga college

Magiging BC din ang college dahil mag tratrain naman sila sa mga kinuha nilang course

Ako kase Next month magkakaroon kami ng Engineer Presentation dahil binigyan kami ng project

Napag desisyonan din namin na sari sarili na lang para hati hati kami sa gagawing presentation para mas mabilis yung akin nasimulan ko na ngunit di ko pa na kakalahati

"Class Dismissed" saad ng Prof.

Agad kong inayos ang gamit ko at nag lakad papuntang library may kailangan akong hanapin para sa aking presentation

Mabuti na lang at nakita ko agad, sinulat ko yung ibang kailangan ko para maintindihan ko yung iba naman ay binasa ko

"Miryenda muna" saad ni Xander

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ang alam ko kase tinetraning niya ang ibang lower students

"Dinala ko ito mukang seryoso ka diyan" saad nito at umupo

"Kailangan ko kase itong tapusin" sabi ko

"Sige tutulungan na kita" presinta niya

"May sakit ka ba Xander" saad ko habang hipo hipo ang kaniyang leeg

Never pa kase niya ako tinulungan aa ganitong activities

"Akin na nga yan baka mag bago pa iniisip ko" Saad niya at hinablot ang gamit ko

Habang tinitignan ko siya ay na realise ko na guwapo rin pala siya ngayon ko lang kase siya tinignan nang ganitong ka lapit kadalasan ay malayo talaga kami

"Wag mo akong titigan ng ganiyan para akong matutunaw" saad niya na ikinagulat ko

"A-Ako titigan ka ASA" mahiya hiya kong saad pero di ko iyun ipinahalata

Mabuti na lang ay tinuloy na niya ang ginagawa niya ewan ko pero hiyang hiya ako sa ginawa ko

Tumayo muna ako para maghanap ng libro kahit alam ko naman sa sarili ko na ayaw ko muna doon dahil nahihiya pa rin ako sa kaniya actually ngayon ko lang naramdaman ito ewan ko may kakaiba sa akin ngayon

Ako ata ang nilalagnat, Nang nakahanap ako ng libro ay medyo gumaan na din ang pakiramdam ko sa kaniya medyo okay kung para kanina. Tinulungan ko na rin siya nang matapos na kami

"May pupuntahan ka pa ba?" tanong niya

"Wala naman" sagot ko

"Dumating kase sila mommy gusto ka lang nilang makita" sabi nito

"Cge pero papalit muna ako sa bahay para makapag paalam na din kay lolo" sabi ko

"Cge tara"

Sumakay kami sa car niya at mabilis na nagtungo sa bahay

NAKARATING na kami sa bahay mabilis kong hinanap si lolo

"Lo!" saad ko at nag mano ganoon din ang ginawa ni Xander

"Kaawaan kayo ng diyos"

"Lo dumating daw kase sila tita gusto daw nila akong makita sabi ni Xander puede po ba akong pumunta?" tanong ko

"Aba syempre bakit naman hindi, sige na magpalit kana baka hinihintay na kayo doon" sabi ni lolo

Umakyat ako sa room ko at nag hanap ng simple dress ayaw kase ni tita ng naka short dapat naka dress lang kaya kinuha ko ang red dress ko regalo ito sa akin ni lolo sayang din kung hindi ko isusuot

Sinuot ko lang iyun at nag suot nang sandals, flat sandals lang ang sandals ko ayaw ko kase ng high heels baka ikadapa ko pa iyon saka di rin saken bagay

Matapos akong mag ayos ay bumaba na ako. May dala din pala akong maliit na shoulder bag

"Tara!" saad ko kay Xander na ngayo'y tulala

"Hoii sabi ko tara na" saad ko ulit

"T-tara na" utal na saad niya

Pag ka tapos naming magpa alam kay lolo ay sumakay na agad kami sa car at umalis na

PAG dating namin sa mansion nila ay agad kaming sinalubong ng mga maids sa mansion, hindi ata bababa ng 50maids ang katulong nila dahil sa dami nito kung sabagay ay malaki din ang mansion nila

"Tara na!" nagulat ako sa pag tawag niya kaya agad akong lumapit sa kaniya

"Tara"

Pag pasok namin ay makikita agad ang napakang laki nilang sala, sinundan lang namin ang maid nila papuntang dinning area malaki din ito may mahabang mesa maraming upuan sa tapat nito isang katerbang pagkain na nakalatag

"Good Eve. tita,tito" bati ko

Medyo madilim na din kase sakto din ang dating namin

"Good evening to akala ko hindi na kayo makakarating" Saad ni tita

"Nung nalaman ko nga pong dumating kayo ay agad akong nag paalam kay lolo" sabi ko

"Upo muna kayo" saad ni tito

Umupo na kami

"Kumusta kana ba? Si Lolo Karlos kumusta na?" tanong ni tita

"Okay naman po kami!" saad ko

Close ko sila tito at tita hindi lang naman si Xander ang anak nila may ate pa si xander si ate Xandra, Close ko silang lahat

Nag simula na kaming kumain at nag simula na din si titang mag kwento ng mga nang yari sa kanila, Ganoon talaga si tita lalo na pag maraming nangyari sa kaniya mas marami kang maririnig na kwento mula sa kaniya. Si Ate Xandra naman ay nasa Japan dun siya nag tratrabaho ngayon ang alam ko hinahandle niya ang company nila sa Japan

"So kayo na ba!" saad ni tita na ikinagulat ko halos mabulunan ako dahil sa gulat mabuti na lang at na ubo lang ako

"Mom!" saad ni Xander

"What! Im just asking ang tagal nyu na kayang magkakilala" sabi pa ni tita

"Hayaan mo na lang ang mga bata" Sabi naman sa kaniya ni tito

Pag ka tapos naming kumain ay hindi muna ako ni xander ihahatid may ibibigay lang daw siya sa akin, kaya agad kami nag punta sa kwarto niya

Dark Red ang theme ng kaniya kwarto mahilig kase siya sa dark marami din siyang jordan shoes at iba pang brand

"Eto" abot naman niya sa akin ng isang kahon

"Nakita ko yan sa shopee mo sa cart kaya inorder ko na" dagdag pa niya

Na excite naman ako dahil puro books ang naka add sa cart ko kaya sure na ako sa laman nito

"Thank you" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit

"Ouch! Your Welcome!" saad niya

Oo nga pala may pasa pa siya ewan ko lang kung alam na nila tita pero 100% sure ako hindi pa nila alam kase hindi naman pala kwento si Xander sa parents niya kadalasan ay sa akin siya nag kwekwento

"Thank talaga ha!" sabi ko habang tinitignan ang aklat na binigay niya

"Wala yon, Para yan sa pagiging mabait na best friend ko" sabi niya

"Cge tara na baka hinahanap kana ni lolo, baka ako pa ang mapagalitan!" saad niya

Nag paalam din ako kala tita at tito bago umalis

PAG PASOK ko ng bahay ay nandoon si lolo nanonood TV

"Lolo nandito na po ako" sabi ko

"Cge alis na rin po ako, Lo aalis na po ako!" sabi ni Xander

"Lolo papahinga lang ho! ako sa taas" nag paalam na din akong hindi na bababa

Pag pasok ko sa room ay binuksan ko na ang aklat na bigay sa akin ni xander ilalagay ko ito sa book shelf para maayos tignan

Tapos kanina din bago kami umalis ay nag bigay din si tita ng chocolate kaya ilalagay ko ito sa mini fridge ko na regalo sa akin ni tito noong birthday ko

Marami din itong chocolate paborito ko dito yung iba pero mas madami yung paborito ko dahil alam iyon ni tita

Mag kaibigan din si Mom at ang mommy ni Xander kaya napakang close namin kase parang ako daw si mama noon ganto ang edad niya kaya naman natuwa ako

Bago ako matulog ay nag shower muna ako at nag linis ng mga kalat ng kwarto ko, Madalang na lang kase akong mag linis dahil lagi rin akong pagod na umuwi

Matutulog na san ako nang biglang tumunog ang cp ko kaya kinuha ko agad ito at tinignan ang messege

'Tutulog kana!' -Xander

'Oo ikaw ba?'

'Pa tulog na din' -Xander

'Bat ka pala nag text'

'Bukas susunduin kita' -Xander

Huling message ni Xander hindi na rin ako nag reply. First time lang yon ano bang nang yayari parang nag iba ang ikot nang mundo

Nako baka antok lang ito kaya tulog na lang maaga pa ako bukas

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height