+ Add to Library
+ Add to Library

C3 Beach

Mabilis akong bumaba para maka kain ng break fast, ayaw ko naman mahuli nakakahiya kay Xander ako na nga lang susunduin eh

"Good Morning lolo!" saad ko

"Aga mo ata apo!" saad ni lolo

"Susunduin po kase ako ni Xander ngayon" sabi ko

Na upo na ako para makakain, Pagkatapos kong kumain ay linigpitan ko muna ang kinainan namin ni lolo

Pag ka tapos kong magligpit ay may narinig na akong busena galing sa labas

"Lets go?" tanong niya kaya tumango ako at pumasok ka car niya

"Nilalagnat ka ba Xander? Kahapon ka pa kakaiba ah, ang alam ko hindi mo ako sinusundo nag kakasabay lang tayo dahil jan ka natutulog sa bahay" saad ko

"Bakit bawal ba?" saad niya

"Hindi naman naninibago lamang ako sayo pero Thank na din" saad ko

"Your Welcome!" saad niya

NANG nakarating kami sa school ay humiwalay agad ako kay Xander pupuntahan ko muna si Ella bago ako pumasok, Si Ella ang Leader namin sa Project mag kaiba kasi kami ng pasok ngayon kaya hahanapin ko muna siya

Nakita ko din si Ella sa library pinag aaralan din niya yung mga kailangan sa project namin, Kinausap ko lang siya sa ibang kakailangan namin materials para sa gagawin naming project. Gagawa kase kami bagong stage kaya kailangan namin ng architecture students para matulungan kami

Pag katapos naming mag usap ni Ella ay mag papa meeting na lang daw siya para malaman ng iba namin ka grupo ang mga gagawin

"Good Morning" Bati ko kay Crisha

"Aba Good na Good ata ang Morning natin, Anong ganap?" Tanong niya

"Naninibago kase ako kay Xander mukang bumabait siya kadalasan kase di talaga niya ako sinusundo" saad ko

"Malay mo nag babago para aa isang tao!" saad niya

"Nako siguro may nililigawan siya!" sabi ko

Mayamaya ay pumasok ang Prof. namin

"Good Morning Class" Panimula niya

"Ipapaalala ko lang ang mga project ninyo bago ako mag simula mag turo, Alam kong kailangan nyu ng architecture students para sa project nyu kaya bibigyan ko kayo ng 10 architecture students sa bawat grupo!" paliwanag ni Prof.

Tatlong grupo lang naman kami, Sayang nga at hindi kami mag ka grupo ni Crisha. Matapos ni Prof. magpaliwanag ng mga gagawin ay nag umpisa na din siyang maturo

Group 1 kami stage ang project namin, Group 2 sila Crisha naman ang new cafeteria at ang Group 3 ay bagong building. Mas mahirap nga ang group 3 kase mas lamaki ang gagawin nila pero sabi naman ng grupo ay okay lang daw

Marami ding naituro ang prof. namin pero mabilis din iyon kase may next class pa siyang tuturuan kaya mabilis din kami nag dismissed

"Una na ako sa next class" pa alam ko kay Crisha

"Cge kita na lang tayo mamayang Lunch

Umalis na ako last class ito bago mag lunch at hindi rin kami mag kaklase ni Crisha ngayon baka mamaya ko pa ulit siya kaklase

Pag pasok ko ay humanap na ako ng bakanteng upuan, Ayaw kong maging close ang iba class mate ko dahil nga kay Xander alam ko namang kakaibiganin lang nila ako dahil kay Xander lalo na yung mga babae

Dumating na din ang prof. namin at agad din siyang nag turo. Halos Mag dadalawang oras din nag turo ang prof. ko kaya napagod din akong makinig hehe...

Tinext ko na lang si Crisha na mag kita kami sa cafeteria

Pag punta ko ng cafeteria ay nandoon na si Crisha kaya nilapitan ko na siya at mayroon na ding pag kain

"Tagal mo naman!" saad niya

"Eh tagal din mag turo ng Prof. namin" sagot ko

"Oh eto na kinuhanan nakita" aabi niya

"Thanks"

Kumain na kami

"Kahapon may kadate ka ano!" sabi ni Crisha

"Ano pinag sasasabi mo jan" saad ko

"Kahapon mag kasama kayo ni Karl sa Milk tea shop!" sabi niya

"Ah iyon siya kase anv owner kaya sinamahan na niya ako at nag kwentuhan kami" sagot ko naman

"Okay"

Pag katapos namin kumain ay lumabas muna kami sa cafeteria

Maaga pa rin naman para sa next class namin kaya sabi ni Crisha punta daw muna kami sa court para manood ng mga tinetraning kaya pumayag naman ako

Pag dating namin ay nandoon nga sila Xander

'Galing nila Xander no gwapo pa!'

'Akin ka na lang Gray'

'I love you Clint'

'Baby Hanz ko'

Iilan lang yan sa mga sinisigaw ng kababaihan dito sa court kaya ang ingay

"May pupuntahan ka ba mamaya?" tanong ni Crisha

"May meeting kami mamaya, bakit?" saad ko

"Ah wala naman" sagot niya

Malayo din kami sa kanila pero alam kong nakita nila kami

"Alam mo feeling ko may gusto sayo si Xander" saad ni Crisha at mukang seryoso siya

"Nako hindi no mag kaibigan lang kami hanggang doon lang talaga" saad ko

"Eh si Xander ganoon ba ang turing sayo" seryosong saad niya

"Hindi ko alam"

"Keith what if... may gusto siya sayo irereject mo ba siya?" tanong niya

"Hindi ko alam" saad ko

Oo nga what if nga anong isasagot ko sa kaniya, Nag iba ang pakikitungo sa akin ni Xander mas bumait siya

"Kapatid na turing ko sa kaniya kay imposibleng mag ka gusto ako sa kaniya" saad ko

Hindi naman na nagtanong ulit si Crisha iniba na din niya ang usapan

"Nandyan pala kayo" saad ni Hanz

"Ahh oo mamaya pa kase ang next class namin kaya dito muna kami tatambay" saad ko

"Ahh okay" sabi nila

Nag pahinga muna sila kaya nagkwekwentohan muna kami at ang daldal talaga ni Hanz

"Malapit na pala ang birthday ni Ate Xandra, Xander" saad ko

"Oo sabi niya uuwi siya at i-invate ko daw kayo" saad ni Xander

"Yes vacation muna tayo" masayang saad ng tatlo

"Sasama ka ba Crisha?" tanong ko

"Oo gusto ko ring makita si ate Xandra" sabi niya

"Cge, Xander kaylan ba dadating si ate Xandra?" tanong ko

"Hindi niya sinabi"

Pag ka tapos ng ilang oras ay nag pa alam na kami sa kanila dahil may next class pa kami, Last class yon pero 4Hours yon

Pag dating namin ay umupo na kami sa bakanteng upuan

Medyo BC din ako kaya gusto ko ring mag vacation, Alam kase namin tuwing mag bibirthday si ate Xandra ay sa beach paboritong lugar kase niya iyo

Nakaka excite ding makita si ate Xandra dahil 2or3 years na ata siya sa Japan at mukang mag nobyo na siya dahil sa mga post nito sa Instagram. Fashion Designer din si ate Xandra kaya sikat siya

Pag ka tapos ng klase ay nag paalam din ako kay Crisha na uuwi muna ako para din masabi kay lolo na mag bibirthday na si ate Xandra at invated kami

"Lo!" saad ko

"JANE" saad ko nang makita ko ang pinsan ko

Kaedaran ko siya at kasabayan ko din siya lumaki kaya kilala din niya si Xander at ate Xandra

"Ate" saad niya nag iisang anak siya kaya gustong gusto niya akong tawaging ate

"Kumusta kana?" tanong ko

"Okay lang naman" saad niya

"Lolo sabi daw pala ni ate Xandra ivated tayo sa birthday niya" saad ko

"Akala ko na sa Japan si ate Xandra, ate Keith?" tanong ni jane

"Ahh oo pero uuwi yon" saad ko

"Kailan ba ang birthday ni Xandra apo?" tanong ni Lolo

"Next week na po" saad ko

"Puedeng sumama?" tanong ni Jane

"Oo naman malamang matutuwa si Ate Xandra dahil di ka na rin niya nakikita, Ang tanong may pasok ka?" saad ko

"2week kami walang pasok" saad niya

"Kaya pala, Cge mag palit lang ako sa kwarto ko" saad ko

Pag ka tapos kong magpalit ay bumaba na rin ako dahil nga makikipag kwentuhan pa ako hehe...

ISANG LINGGO na ang nakalipas at ngayon na din kami pupunta sa resort na napili ni ate Xandra hindi ko rin alam kung dumating na siya

Nakahanda na ang gamit namin kahapon pa na sundo na din si Lolo nila tita kami naman ni jane ay sasakay kala Xander, Nasundo na rin si Crisha nila Xander kaya kami nalang ang hindi

"Tara na Jane baka nandiyan na sila" sabi ko

"Cge teh" saad niya

Sakto pag labas namin ay may van na huminto at sila na iyon

"Tara na" Saad ni Xander

"Oh nandito kapala Jane" dagdag pa ni Xander

"Wala kaseng pasok kuya" saad niya

Kuya rin ang tawag niya kay Xander kase medyo matanda din kami ng 2 months din ata sa kaniya

"Pasok na kayo ako nang bahala sa gamit nyu" saad ko

"Cge"

Pag pasok namin ay nandoon na silang lahat tumabi ako kay Crisha

"Jane ikaw pala" saad ni Crisha

Mag ka kilala din sila kase nga madalas kaming mag kasama dati ni Crisha at nandoon din lagi si Jane

"Kauuwi ko lang din" saad ko

"Sinong magandang dilag ang kasama mo" saad ni Gray

"Tigilan mo nga ang pinsan ko gray" saad ko

"Makikipag kilala lang naman Keith eh" saad pa niya

Mabilis din kaming bumiyahe nag chat din si tita na nandoon na daw sila sa resort ang alam ko resort din nila ate Xandra ang venue ng birthday part niy eh

Pag dating namin ay sinalubong agad kami ng malamig na simoy ng hangin

Maaga pa rin mga 9:00 pa lang ata isat kalahating oras ata kami bumiyahe

"Tara nandoon sila" saad ni Xander

Pumunta kami sa isang kubo kung na saan sila Lolo at pinapasok na din nila Xander ang gamit namin sa mga kwarto

Ang ganda ng dagat at ang ganda din ng hampas ng alon

"Happy birthday ate Xandra" saad ko

At ganoon din sila bumati din

"Salamat, Eto nga pala si Eric boyfriend ko" Pakilala ni Ate Xandra

"Nice to meet you po"

Nag paalam muna kami kala ate Xandra na mag papalit muna para makaligo kami. Mabuti na lang at sa 1 kwarto ay may tatlong bed kay doon kaming mga babae at sila lolo naman ay may sarili silang kwarto si Xander mayroon din si Hanz,clint, at Gray ay nasa isang kwarto

"Mag swiswim suit kayo?" tanong ni jane

"Yup" sabay na saad namin

"Okay"

Nag palit ako ng swimsuit sakto sa akin ito dahil sa hugis ng katawan ko na bagay sa swimsuit

"Bagay na bagay ah" saad ng dalawa

"Salamat pero mas bagay ang sa inyo" sabi ko

Nag suot din ang ng manipis na mahabang jacket ewan ko kung anong tawag dito bigay lang ito sa akin ni Jane para daw di muna makita

Lumabas kami at pumunta na doon ganito na rin ang suot ni ate Xandra sa mga suot namin, kahit nga protective si kuya Eric eh hindi siya mananalo kay Ate Xandra

"Wow" saad nila

"Gaganda naman ninyo" saad ni tita at ate Xandra

"Tara kain muna tayo" akit naman ni tito sa amin

"Cge po ka gutom din eh" saad namin

Kumain muna kami bago kami maligo

"Hmmm"

"Ang ganda ng dagat ang linis ng tubig at kitang kita ang tirik ng araw" narinig kong saad ni Jane

"Oo nga eh" sabi naman ni Crisha

"Tara na maligo" saad ni Jane at hinubad ang suot niya kaya ngayon ay naka swimsuit na rin siya

"Wooh sarap maligo" Saad niya

"Tara dito" tawag niya sa amin kaya ganoon din ang ginawa namin

Ang init ng tubig alat kaya ang sarap ding maligo

Nakita namin sa malayo ang boys naka hubad sila para maligo kitang kita ang mga abs nila

"Hot" narinig kong bulong nilang dalawa

Habang naliligo ay nililibot ko ang mata ko, Ang ganda ng resort na ito wala pa rin ipinag bago

Ito kase ang pinakang unang resort na naipundar ni ate Xandra nang siya'y na kapag trabaho, Gusto kase ni ate ng pinag hihirapan ayaw niya ng bigay kaya siguro dito siya nag handa mamaya pa ang party mamaya pa din dadating ang ibang guest ni ate

Siguradong marami siyang bisita

"Ano isusuot ninyo mamaya?" tanong ni Jane

"Maibibigay daw si ate Xandra na sariling design niya para iyon daw ang isuot natin mamya, wala pa akong idea kung anong kulay noon" sabi ko

Naka upo na kami sa buhangin ngayon habang nagkwekwentohan

"Ahh" saad niya

"Hi" saad ng apat na kumag

"Tapos na kayong maligo" tanong ni Gray habang nakatingin kay Jane

"Oo"

Naka suot na din kami nung suot namin kanina

"Kain muna ako punta lang ako doon" saad ko

"Sama na din ako" saad ni Xander

First time ko din siyang makitang nakahubad kaya nahihiya akong tumingin sa kaniya

"Anong gusto mo?" tanong niya

"Kahit ano lang diyan, Ikaw na ang bahala" saad ko

Kumain na din kami at pag ka tapos noon ay na una na ako sa kwarto para makapag banlaw na ako siguro ay mag pa hinga muna ako sa kwarto para di ako mukhang haggard mamaya

Pag tapos ko mag shower ay nahiga na ako at nag pahinga

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height