+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 PROLOGUE

Prologue

Sweetie Pov

MAHIMBING akong natutulog nang bigla na lamang nag-ingay ang alarm clock ko. Dali-dali ko itong kinuha sa gilid ng table ko at pinatay.

At pilit kong binuksan ang aking mga mata at ng makita ko ang oras ay pasado alas-otso na pala.

Shit! I am late.

Nagmadali na lamang akong bumangon at nag-ayos ng aking sarili. Marami pa pala akong aayusin sa office ko. At baka mapagalitan na naman ako ng boss namin.

Oh, Alexa Sweetie Tenaryon late ka na naman.

Nagmadali na lang talaga ako dahil mahirap na kapag napagalitan na naman ako ng boss ko. Hindi ko naman kasi akalain na masyado akong nagsaya kagabi. Dahil sa pinagdadaanan ko, napadpad ako sa Wennsy Club. Hindi ko rin nga alam paano ako nakauwi, basta ang alam ko mahimbing rin ang pagkakatulog ko. Mabuti pa rin nga nakauwi ako ng ligtas galing sa bar na iyon. Pero iniisip ko pa rin, paano ako talaga nakauwi ako ng lasing? Paano? Normal bar lang naman iyon. After all the heart break na nangyari sa'kin gusto ko lang mawala kahit papaano yung sakit.

Pero may naalala akong isang lalaki na gwapo na nakabangga ko. Hayaan na nga, kailangan ko ng kumilos.

Naligo na ako at nag-ayos. Sa office na lang ako kakain kaya magdadala na lang ako ng sandwich at doon na lang din magkakape.

Mabilis din akong kumilos para naman mauna ako sa boss ko.

Nakarating na rin naman ako sa office pero nalate lang naman ako ng almost 45 minutes. Hindi ko alam kung nandiyan na ba si sir, pero sana nauna na lang ako dahil kung hindi lagot talaga ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ko at laking gulat ko at may nakaupo sa upuan ko.

Ito na! Wala na'kong kawala. Hays! Alexa naman lagot ka na naman!

Kahit kinakabahan pinilit ko na lamang harapin dahil wala naman akong magagawa dahil nandito na.

Huminga muna ng malalim at habang nakatalikod ito inaayos ko muna ang sarili ko.

"S-sir? Sorry I'm late." Tipid kong sabi habang nakayuko at taimtim na nanalangin.

Sana 'wag mo naman ako pagalitan. Wala pa akong kain baka makain kita. Rawr! Ay joke lang pala wala pala tayong label mahirap na. HAHAHAHA

Halos matawa ako sa sarili ko dahil sa naiisip ko. Pero nagulat ako nang humarap ito.

"Sino ka?!" takang sabi ko.

Isang lalaki na matangkad na nakasuot ng white na tuxedo, kulay asul ang mata na para bang mula sa karagatan at ang kaputian naman ay parang naligo yata ng gluta sa taglay na pagiging maputi.

"You are Alexa Sweetie Tenaryon, right? You're late! Fix yourself now may ipapagawa ako sayo. Go to my office and dalhan mo na rin ako ng kape. No extra sugar. Thank you!" seryosong nitong sabi at tumayo na nga siya.

"Yung office ko malapit lang sa room ng boss mo sa bandang kanan." Dagdag nitong sabi at tuluyan ng umalis.

Samantalang naiwan akong tulala at mag-isa.

Ha? Teka sino siya?

Nakakagulat naman pero mahalaga hindi si boss iyon. At dahil gusto kong malaman kung sino siya inayos ko na lang ng bongga ang sarili ko. Simple lang naman ang sinuot ko casual lang pero formal ang dating.

Gumawa na ako ng kape na gusto niya. At syempre dahil nagugutom na ako kumain na muna ako dahil nahihilo na rin ako, magsasabi na lang siguro ako sa kanya kapag pinagalitan niya ko.

Ilang sandali pa ay natapos na rin ako.

Finally! Nabusog din. Sino kaya 'yon? Bagong boss namin? Hays! Sana naman mabait.

Halos madismaya ako sa na isip ko. Isa na kasi akong manager dito sa RENASYO INCORPORATION. Halos isang taon na rin ng ako ay mapromote sa pagkatagal-tagal ko rin bilang isang secretary. Kahit naman tumaas ang posisyon ko hindi naman ako nagbago at talagang ginagalingan ko pa lalo. Nagkataon lang na nalate ako ng gising at oo nalate na nga.

Kaya baka kung saan pa ang ma-chika ko sa inyo, pinuntahan ko na nga si Mr. Pogi with a blue eyes para ihatid 'tong no extra sugar niyang kape. Kumatok muna ako bago ko tuluyan na pumasok.

"Good morning again, Sir. This is your no extra sugar coffee na po," magalang kong sabi at pinatong na nga iyon sa table niya.

"You are late more than 6 minutes, Miss. Nabusog ka ba sa kinain mo?" takang nitong sabi habang patuloy pa rin nakatingin sa magazine niya.

Ay segurista siya beh! Jowa po ba kita? Charr!

Ano raw bat alam niya?

"Yes naman po, Sir. Este po pasensiya na if late po ako kasi kumain pa po ako. Pwede po ba malaman na po yung ipapagawa ninyo sa akin?" tanong ko para naman huwag na magsungit at matapos na ito.

Binababa niya muna ang binabasa niyang magazine at dahan-dahan na tumingin sa akin. Tumingin siya mula sa itaas hanggang baba.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapayuko at mamula tulad ng kamatis.

Ang pogi at ang hot ng awra niya!

"Don't worry ayos lang naman sa akin 'yon. Thank you for this sweet coffee that you've made. Gusto kong ikaw ang mag-asikaso ng mga meetings ko for this month. Kinausap ko na yung brother ko. Ako na ang bahala sayo." Pagpapaliwanag nito sabay higop ng kape.

Halos matunganga naman ako dahil kapatid pala siya ng boss niya. Tsaka hindi ko maintindihan na gusto niya akong gawin secretary ganon ba 'yon?

"Ah kayo po yung kapatid ni Mr. Yung Cian Tan?" takang sabi ko.

Half chinese kasi si sir yung boss ko.

Hindi kasi halata dahil blue eyes siya.

"Step brother lang niya ako. I'm Kiel Seryno Zylaishu. Half American kaya blue eyes ang mga mata ko. Itetext na lang kita for another information na gagawin mo. Nasa table mo na lahat ng dapat mong gawin. For now, you will be my secretary muna. Don't worry you are still the manager pa rin. " Mahabang pagpapaliwanag nito at bigla na lamang tumayo at lumapit sa akin.

Inayos niya ang buhok ko at biglang bumulong.

"Always wear your smile because you're so beautiful," mapang-akit niyang sabi.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Nagising na lang ako sa katotohanan na wala na siya at pinatong niya sa kamay ko ang ilang folders.

"Paki-ayos mo na lang 'yan. Ms. Sweetie. Thank you and see you later," seryosong sabi nito.

Napatango na lang ako at inayos ang hawak ko.

"N-noted p-po, Sir. Aalis na po ako. T-thank y-you p-po." Utal-utal kong sagot at lumabas na nga sa office nito.

Damn! Bakit ako pa? At teka bakit nauutal ako?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height