Until We Met, Sweetie/C2 UNFINISHED TASKS
+ Add to Library
Until We Met, Sweetie/C2 UNFINISHED TASKS
+ Add to Library

C2 UNFINISHED TASKS

PANIBAGONG araw, panibagong pagsubok na naman ang bubungad para kay Alexa. Nagmadaling kumilos ang dalagita sa kadahilanang kailangan niya asikasuhin ang pinapagawa ni Mr. Kiel. Hindi niya alam kung kaya niyang matapos ang mga papeless na ibinigay sa kaniya dahil sobrang dami nito na ultimo dinaig ang kapal ng thesis niya noong kolehiyo pa. Maaga na rin siyang nag asikaso para hindi na rin siya mahuli pa sa trabaho.

"Sa office na nga lang ako mag aalmusal, kailangan ko na dalhin doon ang iba at doon na rin ito tatapusin. Hays! Bakit kasi sa dinarami-daming p'wedeng utusan ako pa?" pangungusap nito sa sarili. Nagmadali na lang siyang ayusin ang mga ito.

Pasado alas-otso ng matapos siya kaya dali-dali na rin itong umalis sa bahay niya. Mag-isa na lang sa buhay si Alexa dahil pumanaw na ang kaniyang mga magulang noong bata pa lang siya. At ang bukod tanging nag-aalaga naman sa kaniya noong musmos pa lang siya ay walang iba kundi ang kaniyang lolo. Sobrang mapagmahal at maasikaso ang lolo nito ngunit noong pumatak na siya ang maging ganap na dalaga na ay namaalam na ito dahil na rin sa katandaan. Walang malapit na kamag-anak si Alexa kaya mas natuto siyang mamuhay mag-isa at naghanap buhay sa edad na Labing-walo.Mabuti na lang din bago namaalam ang lolo niya ay napamanahan siya ng bahay at lupa kaya wala na siyang iisipin pa patungkol sa kaniyang titirahan.

At sa edad na Dalawangpu't dalawa nakaipon na rin naman ang dalaga at nakapundar ng kotse ngunit sa kasalukuyan hindi niya na ninais pa na mahulog ang loob sa kahit sino, sa madaling sabi sa mga lalaki dahil sa pagkakaroon niya ng mapait at masalimuot na nakaraan.

Pinaandar na nga ng dalaga ang kaniyang kotse at ilang sandali lang din ay nakarating naman ito sa kanilang opisina. Mabilis ang naging kilos nito dahil nais niyang makabawi sa kapatid ng boss nito dahil sa eksenang hindi niya naman inaasahan na mangyayari. Kahit na ramdam ang kagutuman, pinili na isantabi muna ang sakit ng tiyan para matapos lamang ang iilang papeless na hawak niya.

"Oh shemay! Ilang papeless pa ba ito? Lima? haysss, kailangan matapos ko na talaga 'to bago mag lunch. Nagugutom na talaga ako," bulong nito sa sarili na tila naiiyak na rin sa kaniyang sitwasyon.

"Kaya ko 'to! Matatapos ko rin ito." At nagpatuloy na nga sa pagtipa at dalagita sa kompyuter. Naging maingat din siya dahil hindi p'wede na magkamali siya sa kaniyang ginagawa.

Halos apat na oras na ang lumipas at may tatlong makakapal na papeless pa siyang hawak. Kaya minabuti niya munang tapusin ang iisang hawak niya bago ituloy ang iba.

"Mamaya na nga lang yung iba, nagugutom na talaga ako. Teka anong oras na ba? Ohh, may 30 mins pa bago mag end ang break time." Sabay labas nito at nagmadaling bumaba para kumain.

Ngunit mukhang pinaglalaruan siya ng tadhana dahil saktong pagbaba niya ay naroon si Mr. Kiel na tila kakatapos lang maglunch. Pilit niyang tinago ang sarili gamit ang kaniyang kamay ngunit hindi ito tumalab. Napansin pa rin talaga siya.

"Oh, Ms. Sweetie? Are you done with my papers tasks?" tanong nito na may halong pangiinis.

Walang nagawa si Alexa, kundi ang magpaliwanag at huminga nang malalim.

Lakas niya makatawag sa akin ng Sweetie, hindi naman kami close and besides bihira nila gamitin ang second name ko.

"Actually po malapit na, kakain lang po sana ako Mr. Kiel. I hope you will allow me to eat my breakfast and lunch for 25 minutes," she said while looking at her boss seriously.

"25 minutes? Sobrang haba naman yata ng oras mo para kumain. I will give you 15 minutes for your brunch. Go! Exactly 2:00 in the afternoon kailangan nasa desks ko na lahat-lahat." At lumakad na ito paalis.

Halos hindi agad nakakibo si Alexa nang marinig niya ang mga detalye na iyon, halos isang minuto rin siyang nakatayo sa kaniyang puwesto hanggang sa kumulo muli ang tiyan niya at tsaka nagbalik sa reyalidad.

"Sh*t! He is damn crazy! Halos magpuyat na nga ako kagabi para matapos yung lima tapos agad-agad siyang magsasabi na kailangan niya? Ang labo naman ng gusto niya! I can't imagine that I need to finish all of those 10 hard copy files niya. Mahirap din kayang magets ang ilang detalye roon," inis na bulong nito sa sarili. Ngunit imbes na kausapin pa ang sarili at maghimukmok bumaba na lamang siya at pumunta sa canteen.Hindi niya na lamang inunawa ang mga paratang nito kanina na kailangan niyang ipasa ang lahat ng hawak niyang papeless.

Nakarating na rin siya sa canteen at iilan na lang din ang tao roon dahil ilang minuto na rin ay magtatapos na ang lunch time nila. Until 12:30nn lang kasi ang available time ng bawat empleyado dahil sobrang strikto talaga nila sa oras. At kapag may sumpbra ay ito ay kabawasan sa sahod nila. Hindi rin sila p'wedeng magreklamo dahil bago sila tuluyan na magsimula sa kanilang trabaho ay pumirma at dapat binasa nila ang Rules and Regulations ng kanilang company.

"Finally makakain na rin!" Masayang pangungusap ni Alexa sa sarili at kumain nang matiwasay. Ninamnam niya ang kaniyang mga pagkain; ang afritada, chupchoy, french fries at burger na may kasamang malamig na tubig. Hindi na siya umorder ng malalamig na softdrinks dahil nais niyang magmaintain ang kurba ng kaniyang katawan at bukod doon nalipasan na rin siya ng gutom.

Binaliwala niya ang ingay at pag-alis ng mga natapos nang kumain ng mga iba niyang katrabaho. Minabuti niya na rin magpahinga at magrelax kahit limang minuto pa bago siya bumalik sa kaniyang trabaho.

"At sa wakas nabusog na rin. Nakakalungkot naman naiwanan na nila ako, kasi naman 'tong bagong boss namin lakas ng topak, akala mo naman madali ang pinapagawa niya. Mabuti na lang may 20 minutes pa bago matapos ang break time namin." Sandali pa itong nagmuni-muni sa isang tabi na tila may hinihintay ang dalagita ngunit sa hindi niya inaasahan ang isang lalaki na nakain sa unahan ng kaniyang table. Tila bago sa kaniyang paningin ang lalaking matiwasay na kumakain ng spaghetti at burger.

Nais niya sanang kilalanin ito ngunit hindi naman yata tama na siya pa ang lalapit at higit sa lahat, mamaya hindi naman pala kabilang sa company nila ang lalaking ito.

Sapagkat ang canteen na kinakainan nila ay malaki at iba't ibang malalapit na company talaga ang kumakain dito. Kaya hindi na kataka-taka kung may lilitaw na ibang empleyado na kumakain sa kanilang canteen.

Inayos na lamang ng dalagita ang sarili at para bumalik na naman sa kaniyang naiwang trabaho. Ngunit habang siya ay nag-aayos biglang may umupo sa kaniyang table.

"Hi Miss! I am Gerald Bynn Felistacio. I am your co-employee from I.T Department. Pansin ko kasi na mag-isa ka lang at mukha yatang may problema ka?" malambing na pangungusap nito.

Bigla tuloy napatigil si Alexa sa kaniyang ginagawa. Mukha yatang isa pang malakas ang tama nitong lalaki na kaharap niya ngayon. Hindi niya lubos na maisip na napansin pala siya kanina at narinig ang pagbulong-bulong niya na kahit sa isip niya lang naman talaga iyon kanina.

"Oh hi! But I am so sorry Mr. Felistacio right? Kung anuman ang gusto mong ipunto tumigil ka na. I am just little bit stress, pero I don't need your help. Nagamamadali rin ako kaya huwag ka na magtanong-tanong pa." Masungit nitong sagot at tumayo na rin.

Ngunit ang lalaking nagpakilala sa kaniya ay ngumiti lang at sinabing, "Maybe not now but soon, see you soon Ms. Alexa Sweetie Tenaryon."

Nagulat si Alexa naging huling pangungusap ng lalaking kausap niya kanina lang, nakapapagtataka dahil alam nito agad ang buong pangalan niya. Ngunit hindi na siya nakipag-usap pa sa halip ay minabuti niya na lang lisanin ang canteen dahil mas kailangan niyang tapusin ang iilang mga papeless na natitira.Dahil ilang oras na lang bago ang nasabing cut-off para sa kaniya.

Umakyat na lamang ito at pinilit inalis ang mga bagay na mas magpapagulo sa kaniyang isipan.

@Office Area

Nagsimula na nga si Alexa sa kaniyang trabaho sapagkat ang natitirang oras niya na lamang ay dalawa at kailangan niya pa itong madala sa office ni Mr.Kiel. Kahit nakakaramdam na siya ng antok ay nilabanan niya ito gamit ang pagsasampal kaniyang mukha upang tuluyan siyang magising, dahil mayroon pa siyang tatlong makakapal na papeless na kailangan maitransfer niya sa kompyuter.

Ramdam man ang pagod, inis at pag-iisip sa lalaking magiging problema niya pa ay mas minabuti niyang itigil ang mga kung ano-anong tanong na dumadalaw sa kaniyang isip. Mga tanong na naghahagilap ng totoong sagot.

"Kaunting push pa, malapit na at matatapos din kita. Sana," saad nito sa sarili na pilit pinapalakas ang loob kahit ang totoo hindi siya sigurado dahil tila isang araw lang ang naging palugit niya para tapusin ang mga pinapagawa sa kaniya.

"Anong oras na ba? OMG! 1:25 pm na, ilang minuto na lang pero may 2 makakapal na papeless pa halos nakakaloka naman bakit kasi kailangan ko itype ang mga ito," mangiyak-ngiyak na turan ni Alexa habang pinagmamasdan pa ang iba pang gagawin dahil tila hindi sapat ang oras para tapusin ang mga natitira.

Subalit imbes na tumigil at mag-isip ng kahit anong solusyon, tinuloy niya na lamang ang ginagawa at ang naiisip niyang paraan ay ang balak niyang gawin mamaya. Hindi man siya sigurado sa p'wedeng resulta, pero nanaisin niya na lang subukan kasi naman mapagalitan siya at masermunan na naman.

Pasadong alas dos ng matapos niya ang walong papeless at dalawa na lang ang natititra. Hindi niya alam kung dapat niyang sabihin na hindi niya tapos ang mga ito pero sinubukan niya na lang. Inayos niya ang lahat ng papeless at inihanda ang USB na naglalaman ng lahat ng ginawa niya mula kagabi hanggang sa ngayon.

"Bahala na mamaya, hindi ko na kayang matapos ito dahil sabi niya dapat 2pm nasa desk niya na. Hayss Alexa, maghanda ka na lang talaga na mapagalitan. Hindi naman kasi ako robot para agad-agad na matapos lahat ng 'yon eh," turan nito at pinilit na pakalmahin ang sarili. Huminga muna ito nang malalim bago lisanin ang sariling opisina at tunguhin naman ang opisina ni Mr. Kiel.

Tila bumilis ang tibok ng kaniyang puso pero mas pinili niyang labanan ito at piniling alisin ang mga bumabagabag sa isip niya. Hindi naman kasi kalayuan ang opisina nito kay Mr. Kiel kaya talagang sapat na ang paglalakad niya para maihatid ang kailangan nito.

"Go, Alexa kaya mo 'yan!" pag-mo-motivate nito sa sarili.

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, hindi niya napansin ang isang lalaking naging kasabayan nito. At nagkabanggaan na nga silang dalawa.

"Shit!"Sigaw nito.

"Pasensiya na po sir, pasensiya na." Paghingi ng paumanhin ni Alexa sa lalaki sa lalaking nabangga niya, pero ang hindi niya alam ito ang lalaking kasalukuyang boss nito.

"Next time, ayusin mo naman Ms. Tenaryon. Go to my office now, after you fixed those papers." Maawtoridad nitong utos.

Iritableng inayos ang sarili at tsaka diretsong tumungo sa kaniyang opisina habang si Alexa naman ay naiwan at dinadampot ang mga papeless na tumilapon sa sahig.

Ano na naman ba ang iuutos ng lalaking iyon? Napaka naman niya! Pasalamat talaga siya boss siya rito kung hindi nako!

At dahil sa kaba at inis ni Alexa, hindi niya maiwasan na kausapin ang sarili dahil sa totoo lang kakaibang kaba at pagsubok agad ang binibigay sa kanya ni Mr. Kiel.

Pagkatapos niyang maayos ang mga papeless, kumatok na ito sa opisina ng kaniyang boss.

At ilang sandali rin ay sumigaw ito, "Come in!"

At kahit hirap ang dalagita, kinaya niyang buksan ang pinto kahit napakaraming dala-dalang mga papeless.

"I am really sorry po sir kanina, hindi ko po kasi kayo napansin sa sobrang dami kong dala." Mahabang pagpapaliwanag nito.

At habang humihingi pa rin ito ng pasensiya ay ipinatong niya na ang mga papeless sa lamesa ito.

Ngunit, tumingin lamang sa kanya si Mr. Kiel, nakaramdam tuloy muli ng kakaibang kaba si Alexa sa mga oras na iyon.

"It's okay. Sweetie, right? A great name. Be ready for tomorrow. You will be my date." Seryoso nitong pagpapaliwanag at lumapit kay Alexa.

Nakagat tuloy ni Alexa ang kaniyang ibabang labi dahil sa tensyon na nararamdaman niya at mas nadagdagan pa ito ng macorner ito sa pader.

"Just be here exactly 7 p.m. in my office. Ako ang pipili ng susuotin mo. Don't be late, kung ayaw mong ipapaalala ko ang nagawa mo last night in the Wennsy Club." Dagdag ng kaniyang boss dahilan para alahanin niya ang nangyari noong isang gabi.

Nawala ang kabang nararamdaman niya at napaisip sa sinabi ng kaniyang boss.

"Thank you for these Ms. Tenaryon. You may now go back to your work." Utos nito at kasalukuyan tinitingnan ang mga papeless na natapos ng dalagita.

"I said you may go. Did you hear me?" Dagdag nito dahilan para magising ng tuluyan ang dalagita.

"Yes sir. Noted po. Always welcome po, mauuna na po ako. Salamat po." Magalang na tugon ng dalagita at tsaka tuluyang umalis sa opisina ng kaniyang boss.

Tumungo na rin ito sa kanyang opisina at doon inisip ang huling sinabi sa kanya ng kaniyang boses.

"Ano bang nangyari ng mga oras na iyon at bakit alam niya?" takang tanong ng dalagita sarili.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height