C25 THE POWER OF LOVE
Sweetie POV
KASALUKUYAN kaming nandito sa Enchanted Kingdom. Hindi ko inasahan na ito ang pupuntahan namin pero sa totoo lang kakaiba ang pakiramdam ko rito para bang nakapunta na ako rito dati. “Alam kong alam mo na ’to. Ito yung lugar kung saan dinadala mo’ko kapag stress ako sa trabaho. No’ng una ayoko dahil hindi naman ako mahilig sa rides at hindi ako mahilig sa ganitong klase ng lugar