C26 I KNOW WHO I AM
Sweetie POV
NAGISING ako nang maaga dahil sa ingay ng alarm clock ko. Dali-dali kong kinuha ito at pinatay. Sabado naman ngayon pero heto, alas sais pa lang nang umaga ay ginising na ako.
Dahan-dahan akong nag-unat ng katawan ko at nakaramdam ng kaunting pananakit sa magkabilaang binti. Masyado kasi akong nawili sa gala namin ni Sir Kiel
