Until We Met, Sweetie/C3 THE BIG PARTY
+ Add to Library
Until We Met, Sweetie/C3 THE BIG PARTY
+ Add to Library

C3 THE BIG PARTY

HINDI pa rin mapakali si Sweetie sa sinabi ng kaniyang kasalukuyang boss, ang mas dumagdag pa sa isip nito ang biglaang party na magaganap daw mamaya. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod at subuking alisin ang mga agam-agam sa kaniyang isipan.

Huminga muna ito nang malalim at sinubukang mag-focus muna sa ibang trabaho nito, ngunit hindi pa rin siya mapalagay at nagtataka kung ano nga ba ang nangyari ng gabing iyon. Napaupo muna siya sa kaniyang upuan at sandaling ipinikit ang kaniyang mga mata.

"Ano ba kasi talaga ang nangyari? Bakit wala akong maalala? Bakit naman kasi Sweetie nag iinom ka sa lugar na hindi mo alam ang mga mangyayari, pagkatapos eh. Ayan, ano na naman bang eksena ang ginawa mo sa club?" Iritable nitong pangungusap sa sarili.

Halos sabunutan nito ang sarili dahil sa nais niyang alahanin ang mga kaganapan noong isang gabi, at nagbabakasali na sa pamamagitan nito ay maalaala niya ang mga bagay na sinasaad ng boss niya.

Hanggang sa ilang saglit pa ay nakatanggap siya ng tawag.

"Hello, sir. May kailangan po ba kayo?" takang sabi nito sa kabilang linya.

Kahit ramdam niya ang inis at hindi pagiging komportable sa boss ay sinubukan niya pa rin na maging maayos ang tono nito at manatiling kalmado.

"I need you right now. Go to my office now. Don't think too much, ako lang naman ang nakita 'non." Pang aasar nito sa kabilang linya.

"You're so hot and gorgeous." Dagdag pa nito dahilan para magkuyom ng kamao si Sweetie.

Kinagat niya na lamang ang ibabang labi niya, at sinubukan muling kumalma kahit sa totoo lang inuubos na nito ang pasensiya niya. Hindi siya p'wedeng magpadalos-dalos sa mga sasabihin at gagawin niya. Dahil baka pinagtritripan siya nito.

"Noted po sir, papunta na po." Mahinahon nitong sagot at ibinababa niya ang tawag na kahit alam niyang naging impormal ang pamamaraan niya batid niyang nabigla rin siya sa ikinilos niya.

Sino ba kasi siya para gantuhin ang trato sa akin? Ano ba kasing nangyari ng gabing iyon? Ugh! Wala akong maalala.

Inis na inis si Sweetie subalit kailangan niya ng ayusin muli ang sarili niya. Uminom muna ito ng tubig sa bottle refiller niyang dala-dala at pagkatapos ay lumabas na kaniyang opisina.

Ilang saglit pa ay nasa tapat na rin siya ng pintuan ng kaniyang boss na si Mr. Kiel, kumatok muna ito bago buksan ang pintuan.

"Nandito na po ako Mr. Kiel." Pagbati ng dalagita at pilit na ngumiti sa lalaking kasalukuyang abala sa kaniyang lamesa.

"Have seat, sweetheart." Malambing nitong pagtugon.

"P-po? Sweetie po ang pangalan ko sir, hindi sweeatheart." Paglilinaw ng dalaga sa kaniyang boss dahil para bang ang bilis nitong makalimot sa kaniyang pangalan at talagang iniinis siya nito.

"Oh sorry! Okay, sweetie. Agahan mo ang pagpunta rito sa office ko, the event will start before 30 mins. So, kailangan nandito ka na para makapag ayos. I have a make up artist for you, later. Just relax and come." Pagpapaliwanag nito habang nakatingin pa rin sa hawak niyang mga papeles.

Magsasalita na sana ulit si Sweetie ng bigla itong lumapit sa kanya. "You are my date, Sweetie. Hindi ka p'wedeng mawala sa paningin ko." Maawtoridad nitong pagsasalaysay.

Napalunok na lamang si Sweetie nang sunod-sunod dahil sa sumunod na salitang pinakawalan ng kaniyang boss.

Tanging pagtango na lamang ang nagawa niya dahil na rin sa tensyon na pinaparamdam nito. "Anyway, feel at home in my office. From now on, you will be my personal secretary. My brother know it already, he is so busy for this month kaya probably, I am the one who will handle it. At ikaw ay sa akin na." Dagdag nito habang nakaupo sa kaniyang couch.

"I understand po sir, pero what do you mean sayo na po ako? Tsaka naguguluhan naman po ako sa mga nangyayari. Sobrang bilis naman po 'yata ng mga desisyon mo. I am the manager here, tapos na po ako maging secretary. I can offer you our new secretary sir, if you want." Pagpapaliwanag ko.

"You are mine now! Mahirap bang intindihin 'yon? Ayoko ng iba, ikaw ang gusto ko Sweetie. After I see you in that Wenssy Club alam kong may rason ang pagkikita natin at mas lalo akong natuwa na makita kita rito." Tugon nito.

"Okay, just rest for this time. Go to our private sleeping area. Sasamahan kita at magpahinga ka muna roon." Pag uutos nito.

Kahit na hindi niya maitindihan ang sinasabi ng kaniyang boss, mas pinili ni Sweetie na sundin ang utos nito na magpahinga. Hindi dahil sa naguguluhan siya, kundi dahil nais niya na munang ipahinga ang sarili at baka sa paggising niya maalala niya na ang lahat lalo na ang sinasabi nga kaniyang boss.

Tumungo na sila ng kaniyang boss sa private sleeping area nito. Kahit na ramdam niya pa rin ang kaba, pinilit niyang labanan ito at inalis ang mga gumugulo sa kaniyang isipan.

"We are here, just rest for a while my sweetheart. I will check you later okay? Huwag mo na alahanin pa ang mga bagay na iyon. I will be here for you," malambing nitong sabi at tinulungan ni Kiel na mahiga sa kama si Sweetie. Hinalikan niya ang noo ng dalagita at nagpaalam na kailangan niya na bumalik sa opisina.

Hindi niya maintindihan ang sarili na para bang umaayon na lang siya sa lahat ng gusto ng lalaki. Bukod pa rito, kahit kakatapos niya lamang sa break up hinahayaan niya na naman na may pumasok sa buhay niya.

Sino nga ba si Kiel sa buhay ng dalaga? At bakit ganoon na lamang ang trato nito?

[Sweetie]

NAGISING na lang ako sa tahimik at mabangong kwarto. Dahan-dahang nag unat at inikot ang aking mga mata sa paligid.

At shet! Bakit nandito siya? Pero ang gwapo ha? Teka si sir ba yon?

Napatakip na lang ako ng bibig ng bigla niyang ibaba ang magazine na hawak niya. At diretsong tumingin ito sa mga mata ko.

"Good evening! Mabuti naman gising ka na, are you ready? Anyway, sakto ang pagbangon mo. May gagawin pa tayo, este may gagawin ka." Nilagay niya sa tabi ko ang susuotin kong damit.

Hindi ako nakapagsalita agad, dahil sa ganda ng mga damit na inilagay niya sa tabi ng kama. Para sa akin ba talaga lahat ng iyan?

"Choose whatever color, design or style that you want." He said while looking again to the magazine that he have right now.

At habang panay ang salita niya, hindi na ako naghintay na sabihan niya ako na tingnan at hawak ito. Dahil ako mismo ang gumawa. Tumayo akonat tiningnan ang bawat isa. Namangha ako sa kulay at disensyo nito na para bang kapag sinuot ko ito, isa akong prinsesa.

"Do you liked it? I guess yes! Anyway, Fix yourself. Mamaya andito na ang mag aayos sayo. I know you will be the spotlight later, but please wala kang ibang sasamahan kundi ako."

"Pero..."

Until he kissed my forehead. Naguluhan ako sa ginawa niya, dahil bakit niya nga ba ginagawa 'to at para saan 'yon?

"Be ready, my sweetie." He said with his seductive voice.

Umalis na nga ito habang ako ay naiwan naman na tulala.

Sino ka ba talaga Mr. Kiel Seryno Zylaishu?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height