Until We Met, Sweetie/C4 YOU ARE MY DATE
+ Add to Library
Until We Met, Sweetie/C4 YOU ARE MY DATE
+ Add to Library

C4 YOU ARE MY DATE

Sweetie Piv

HINDI ko pa rin talaga maintindihan ang mga ginagawa ni sir, I am the manager here pero pinaparamdam niya na Secretary lang ako. Pero hindi ko rin alam ano rin ba ang magaganap mamaya. I can't believe I am now wearing a sexy red gown tapos 4 inches pa ang heels ko na silver ang kulay nito sa bawat gilid.

Actually, I am now preparing with Ms. Veilaya her stylish artist. Sakto kasi ng pagkalabas niya ay dumating din ito para ayusan ako. Pero bago niya ako ayusan, nagsukat muna kami at pinaligo niya na rin ako para dire- diretso na rin daw akong maayusan. Nakakatuwa nga dahil talaga nakahanda na ang lahat. Tila planado ang mga mangyayari.

Pero habang inaasikaso niya na rin ako, napapaisip talaga ako kung bakit ganito ang trato niya. Hindi ko alam bakit din hinahayaan ko rin siya na gawin ito. Wala naman akong amnesia o ano pero parang may kakaiba.

"Ayan perfect!"

"Mas maganda na lagyan pa natin ng pula para mas pak na pak ang labi mo."

"Absolutely georgeous!"

Kung ano-anong komento ang binigay ni Ms. Veilaya pero nakakamangha rin siya, dahil kahit simpleng ayos lang ang ginawa niya sa akin at hindi naman kami nagtagal ay talagang professional na ang mga kilos niya. I think she is the best stylist artist that I met.

"Thank you, Ms. Veilaya. Can I ask? Matagal na po ba kayong magkakilala ni Sir Kiel?" takang tanong ko rito habang pinagmamasdan ang anggulo niya sa salamin.

Ngunit patuloy niya pa rin na inaayos ang buhok ko. Ilang segundo rin bago ito nagsalita. "Yes! Almost 5 years na. Matagal na rin kaming magkakilala, honestly until she fall in loved to a beautiful girl." Napatigil ito sandali na para bang may iniisip.

Bigla rin tuloy akong napatahimik, para bang magiging seryoso ang usapan naming dalawa kahit sa totoo lang hindi ko alam kung ano, bakit at saan parte ng buhay ko ang mayroon si Sir. Kiel. Dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon, para bang biglang kumirot ang puso ko.

"That girl is his future fiance but at the end, maraming nangyari na hindi ko na rin alam ang naging hantungan." Malungkot nitong pagpapaliwanag.

Halos makita ko kung paano naukit sa labi niya ang kalungkutan, Ms. Veilaya really cared to Sir. Kiel. Kahit sino rin siguro kapag matagal na rin ang pinagsamahan ninyo. Talagang anuman yung mga nangyari, talagang patuloy mo rin siyang sasamahan at dadamayan.

"I am so sorry Ms. Veilaya, hindi ko sinasadya na matanong ang mga bagay na iyan."

"It's okay. You're done." Tipid nitong sagot at pinatayo ako para makita ko ang kabuoan ko. And I turn around, I see myself liked a princess. Hindi naman magarbo ang suot ko pero sobrang nag-fit sa akin ang pinili kong red gown. Ang ganda kasi ng disenyo nito. Dahil sa bawat gilid ay mga glitters at pa-V neck pa ang gitna nito.

"Wow! Amazing! Thank you so much." Niyakap ko ang babaeng kaharap ko ngayon bilang pasasalamat at nakita ko naman na sumilay ang ngiti nito sa kaniyang labi. Tinapik niya ako bilang tugon.

Hanggang sa may gwapong nilalang na niluwa ng pintuan.

"Oh, my Sir Kiel!" Sigaw ni Ms. Veilaya. Sino ba naman ang hindi makakareact sa suot niya ngayon. He is wearing black tuxedo with red tie. Sobrang hot niyang tingnan. Hindi ko tuloy maiwasan na tingnan siya mula itaas hanggang ibaba. And I can't say nothing with his perfect looks and body.

Ngiti niya pa lang, parang nakakaihi na. Ganito ba talaga kapag isang tagapagmana ng kompanya? Sobrang kakaiba ang impact niya. Parang, parang mahuhulog na ako.

"Sweetie, be ready."

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko, wala man lang compliment sa itsura ko ngayon. Nagmamadali lang sir? Binabawi ko na ang sungit niya. Oo gwapo ka, pero ang sungit mo.

"Noted sir." Tipid kong sagot. Napangiti na lang tuloy nang pilit si Ms. Veilaya dahil sa malamig nitong pakikitungo sa akin.

Inayos ko na lamang ang buhok ko at inilagay ito sa magkabilaan para naman mas makita ang kagandahan ng pagkakulot nito at syempre gusto kong mas ma-highlight ang hinaharap ko.

At sana lang maging maayos ako mamaya, huwag talagang kabahan at walang kababalaghan na gagawin si sir. Dahil kung hindi, masasapak ko siya kahit partida mukha akong prinsesa ngayon.

Nagpaalam na sa akin si Ms. Veilaya dahil hindi naman adaw siya imbitado sa party na gaganapin mamaya. Tsaka may mahalagang bagay rin siyang aasikasuhin.

Nalungkot naman ako kasi hindi ko na pala siya makakausap pa ng matagal. I liked her awra, she is very kind and talented. Bukod doon, hindi siya masungit o maarte, simple lang ang pag-aayos niya pero pwedeng panlaban. Umalis na nga ito habang ako ay naghintay na lang sa opisina ni sir.

Ang antagal naman 'non, akala mo naman babae. Hays!

Tiningnan ko kung anong oras na sa selpon ko at ilang minuto na lang at magsisimula na ang grand party.

"Let's go, my sweetie." Inabot niya ang kaniyang kanan kamay.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkakatawag niya, hindi naman kasi ako bingi para hindi maging malinaw sa akin ang sinabi niya. Pero bakit ganito siya? Hindi ko maintindihan ang pinaparamdam niya. Imbes na mag-isip ako ng kung ano-ano at pinili ko na lang abutin ang kamay niya at tumayo na rin ako.

"You are my date tonight until at the end of the party, kaya hindi ka pwedeng sumama kahit kanino kapag may gustong magsayaw sayo," maawtoridad niyang sinabi.

"Opo sir." Sumang-ayon na lang ako kaysa naman magkaroon pa ng gulo.

Lumabas na nga kami sa opisina niya at dumiretso kung saan naka-park ang kotse niya. Pero mas nakaramdam ako ng kaba ng pinaupo niya ako sa harapan. Hindi naman normal ang ganitong sitwasyon pero kakaibang kaba ang binibigay niya.

Sinuotan niya pa ako ng seat belt dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko at pakiramdam ko nag-init ang magkabilaang pisngi ko.

"Stay calm, dear. Ako lang 'to." Mapang-akit niyang tugon at biglang ngumiti nang bahagya. At sa sobrang lakas ng hangin dito, pagkatapos niyang maayos ang seat belt ko, pinili ko na lamang tumingin sa labas.

Okay na sana eh, kaso bigla siyang lumayo. Tssk! Teaser man. Ugh! Mali! Dapat hindi ako magpapadala sa mga ginagawa niya.

Tinuon ko na lamang ang sarili ko sa labas ayokong magpadala sa nangyari kanina, hindi ko gusto na maulit iyon. I am still in the process of moving on, at hindi pa ako handa magkaroon ng kahit anong connection ni sir. Besides, I am doing this for my job nothing more, nothing less.

Hindi rin naman ako nagkamali, dahil pagkababa niya ay pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Inalalayan niya ako papasok sa loob.

"Thank you po, sir." Pagpapasalamat ko sa ginawa niya at nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Inilagay niya mismo ang braso ko kaliwang bisig niya.

"Always welcome, my sweetie. Just call me in my name— Kiel." Malambing niyang tugon.

"Pero..."

Hindi niya na ako pinagsalita pa sa halip ipinilit niya iyon pero sa paraang mahinahon.

Moody? Ang bilis kasi niyang magbago ng mood. Kanina lang galit na galit at nagmamadali pero ngayon mukhang mabait na inosente.

Napa-oo nalang ako dahil wala naman akong magagawa pa. Mas okay na rin naman ang Kiel na lang para makaganti rin ako sa kanya sa dami niyang pinagawa last time.

At sa mga oras na iyon, nakaramdam ako ng kaba habang sabay naman pinapasok ang Jesyui Palacio. Kakaiba ang party nila na para bang makakasalamuha ka ng reyna at hari.

"Sir, ang ganda po rito. este Kiel pala." Pagbawi ko sa tawag sa kanya dahil baka mapagalitan ako ng wala sa oras. Ayoko pa naman na magahalit siya, para siyang dragon. Hindi bagay sa kagwapuhan niya

"Good! Ayoko kasing tinatawag mo akong sir, anyway magsisimula rin ang party maya-maya. Sakto lang ang pagdating natin. At oo, maganda talaga rito mga bigante rin talaga ang kasama natin kahit si step brother makikita mo mamaya." Pagpapaliwanag nito na siyang ikinagulat ko.

Halos magulat ako sa mga sinabi niya pero hindi naman masyadong kataka-taka na kasama ang step-brother niya rito. Pero kung ano ang mas nakakapagtaka, bakit ako ang napili niyang ka-date, hindi naman sa ayoko sadyang naguguluhan lang talaga ako.

"Aray!"

At dahil sa pagmuni-muni ko nabangga ako sa isang matangkad at magandang babae. "Hey miss are you blind?" Iritable nitong tanong.

"I am so sorry, hindi ko sinasadya."

Tinarayan lang ako nito at umalis na. Mabuti na lang wala ng sinabi pa, hindi ko naman talaga sinasadya at hindi ko rin napansin na nawala'y ako kay sir este kay Kiel. Nasaan. na ba 'siya?

"Oh, Hi! Ms. Alexa Sweetie Tenaryon. How are you?" Pagbati ng isang lalaking pamilyar ang boses sa akin.

Lumingon ako at isang payat na matangkad na singkit ang mga mata ang nasilayan ko. "Mr. Cian Tan!" malakas kong sabi.

Sumilay ang dimple nito dahil sa eksena ginawa ko, "Hindi ka pa rin nagbabago kapag nakikita ako, you always called my name so loud." Tugon nito.

"A-y pasensiya na po sir, Okay naman po ako. Kayo po?" Pagtatanong ko.

"That's good, Actually I am so busy Sweetie. Anyway, I am so happy that you and my step brother see again. I have to go ha, may aasikasuhin lang ako. He will be here later, may pinuntahan lang." Umalis na ito at naiwan akong tulala at maraming tanong.

Mas naguluhan naman ako dahil sa mga sinabi niya. At dahil dumadami na lalo ang mga tao, pinili ko muna mag-stay sa isang table para kung sakaling dumating siya ay makita niya agad ako.

I got some ladies drink habang naghihintay. Para naman kasing may power si Kiel, nawawala na lang bigla. Sabi niya dapat nasa tabi niya lang ako, pero nasaan siya? Tsk! Sarap niyang suntukin sa mukha kung pwede lang.

Nilibot ko na lamang ang mga mata ko, ang bongga ng event. Napakapormal ng bawat tao na narito at higit sa lahat sa mga pagkain talaga naman pinaghandaan din.

Ngunit mas sumakit ang mga mata ko ng makakita ako ng dalawang linta sa harapan ko. Para bang kailangan ko na magsalamin sa sobrang sakit nito. Kailangan talaga maglampungan dito? Napaka naman, respeto naman oh. Kuha na lang kayo kwarto at doon ninyo gawin 'yan. Mahinang pagsasalita ko at biglang may nagsalita, "Gusto mo ikaw ang dalhin ko sa kwarto?" mapang-akit nitong tanong.

Halos kilabutan ako sa mga sinabi niya pero mas nagdouble ang nararamdaman ko ng humarap ako sa taong nagsasalita.

"Joke lang Sweetie. Ang cute mo kasing mainis doon sa dalawang couple. Hayaan mo na lang sila, ganyan talaga 'yan. Sorry pala may inasikaso lang ako kanina, okay ka lang ba?"

Si Kiel lang pala, nag iiba kasi boses niya kapag nang aakit eh. "Ah hehe okay lang naman po ako sir etse Kiel. Alis ka na lang ulit okay lang naman po." Pabalang kong sagot. Sabay ininom ulit yung hawak kong wine para mabawasan ang kaba at inis ko ngayon.

Biglang may tumunog sa speaker na isang mabagal na kanta, pero mas nagulat ako sa sumunod na nangyari. Maraming mga magkapareha ang nagsayawan sa gitna at hinila ako ni Sir Kiel at biglang inalok ng sayaw.

"Can I dance with you tonight? Malambing nitong pagtatanong.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam ang isasagot ko pero ilang segundo rin napa-oo ako. Malapad na ngiti naman ang tinugon nito sa akin.

At kasalukuyan na kaming nasa gitna, oo sa gitnang bahagi talaga. Nilagay niya ang kaliwang kamay ko sa balikat niya habang ang kanan niya naman ay nasa bewang ko.

Hold me now, until I see you

Embrace me again with your love

Until I open my heart to come back to you🎶

Tila hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon habang pinapakinggan ang lyrics, sumasabay pa ang pagsayaw naming dalawa at para bang paulit-ulit itong pinapatugtog.

"You're so beautiful, my sweetie. Hindi ako magsasawang pagmasdan ka."

Sunod-sunod na pagtibok ang pinakawalan ng puso ko. At sa puntong ito, napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga mata niya. "S-Salamat, S-Sir K-Kiel."Utal kong sagot na siyang ikinangisi niya.

"But the most precious is your voice." Dagdag nito na siyang ikinainit ng pisngi ko.

Whenever we fall apart,

All I can see is you

I don't know this hard feelings

but I want you to know

the only truth of this

I liked you 🎶

Hindi ko alam kung nanadya ba ang kanta, masakit na masarap pakinggan dahil nagtutugma sa kalagayan namin ngayon.

Patuloy lang kaming nagsayaw. Tila napipi na rin ako dahil sa mga sinasambit niya.

"I like you so much, Sweetie." malambing nitong sinabi sabay nilapit niya ang ulo ko at hinalikan ito.

"You will not be hurt again."

Tuluyan ng nagwala ang puso ko. Ano ba talagang parte mo sa buhay ko Sir Kiel?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height