+ Add to Library
+ Add to Library

C6 AGENDA

PAGKATAPOS ng kanilang mahaba-habang pagsasayaw, pareho silang nabitin nang mahinto ito. Hindi rin maintindihan ni Alexa Sweetie ang mga pangyayari lalo na ang mga ipinakita at ipinaramdam sa kanya ni Sir Kiel. Ngunit pinili niya munang isantabi ito at pakinggan ang mga sinasabi ng MCEE.

"Welcome ladies and gentelman. I know you are all excited for this event amd I am happy to see you here. For this night I am Shello Jon Buenaventura as your MCEE. So now, lets begin."

Nagpalakpakan ang lahat at nagsimula na nga ang nasabing event sa loob ng Jesyui Palacio. At habang nakatayo ang lahat ay sinimulan na rin ng MCEE na ipakilala ang mga kilalang tao.

"Nauna talaga ang sayaw bago yung pagbati ah? Kaloka naman, pinagod pa ko ni Sir Kiel."

"Do you say something?"

Hindi batid ni Alexa na katabi niya nga pala ang kaniyang Sir na si Kiel, nawala sa isip niya ito kaya nasabi niya ang mga bagay na magbibigay sa kan'ya ng maliit na problema.

"Napagod ba kita? Hindi ko pa nga nasisimulan, pagod ka na agad?" Dagdag nito dahilan para mapalunok si Alexa.

Pakiramdam niya iba ang punto nito dahilan para maihampas niya ang braso ng kaniyang boss. "Sir naman, este Kiel. Ano po bang sinasabi mo?" At bahagya itong tumawa ng mahina na tila napipilitan. "Hindi lang po ako na-orient na ganito pala ang magaganap. Hindi naman po ako napagod, Sir este Kiel." At nilakihan niya ang kaniyang mga mata para imungkahi na tigilan niya ang sinasabi niya. At pakiramdam niya rin may ibang punto talaga ang sinasabi ni Kiel.

"Oh calm down, I understand. You're still cute my sweetie. I mean, I am sorry for what I have said." Pagpapaliwanag nito.

"It's okay Kiel. Focus na lang tayo." pagyaya ni Alexa.

"Sure, I am so sorry." Tugon ni Kiel at humarap na lang din sa stage.

Parehas nila naramdaman ang awkwardness dahil sa simpleng biro na ginawa ni Kiel. Hanggang sa tinawag na nga ang pangalan ni Kiel. Laging gulat ang naging reaksyon ni Alexa habang si Kiel naman ay lumapit na sa stage. Hindi kasi alam ni Alexa na isa ito sa contributor at ang future CEO ng Carbinst Incorporation.

"Thank you everyone, I am happy that all of you are here." Pagbati ni Kiel sa mga taong nakikinig sa kan'ya.

Sa pagbaba nito ay nakasimangot na nakaharap sa kan'ya si Alexa. Hindi ito mapinta at parang bata na hindi nabilihan ng candy ang dalagita. "Ganiyan mo ba ako babatiin ng Congratulation?" asar na tanong ni Kiel sa dalaga.

"Ay hindi po, ito oh nakangiti ako nang bongga. Ayan po, Congratulations, Sir Keil! Ang galing mo po." Kunwari paliwanag ni Alexa habang pilit na ngiti ang binigay pero ang totoo naiinis siya dahil hindi niya man lang alam. Sino nga ba siya para pagsabihan na kabilang ang kaniyang kinikilalang boss na ginanap na event.

"Thank you, sorry na hindi ko agad nasabi sayo. Busy kasi ako, hayaan mo next time malalaman mo rin." Matamis na ngiti ang binigay nito at kinurot ang kaniyang pisngi. Nakaramdam naman init ng pisngi ang dalaga dahil sa ginawa nito. Dali-dali na lamang siyang umiwas dahil ayaw niyang makita ito at baka makurot pa siya ulit.

At maraming naganap pa sa mga oras na iyon at naging abala na rin si Kiel dahil kailangan niya rin asikasuhin ang mga bisita habang si Alexa naman ay pinili munang maglakad-lakad.

Ang laki pala talaga nitong Jesyui Palacio. Kaya hindi na ako magtataka na bigatin ang mga kabilang dito. Ano kayang pagkain? Nagugutom na'ko.

Inabutan ng gutom si Alexa kaya pinili niya na lang hanapin kung saan banda ang mga pagkain at inumin, dahil sa totoo lang kanina pa sila dumating at hindi pa sila naghahapunan.

Nasaan ba 'yon? Sa sobrang laki hindi ko makita.

Sa hindi inaasahan ay may nakabangga ang dalaga.

"O-Omg! I am really sorry po!" At sa pagharap ng lalaking nabangga niya ay napatakip siya ng kaniyang bibig.

"Oh, ang pogi este Mr. Mcee?" takang tanong nito.

"Are you okay, Miss? Be careful next time okay?"

"Y-yes po, pasensiya na talaga. Okay lang po ako, Mr. Mcee." Paliwanag ng dalaga. Natawa naman sa kan'ya ang gwapong lalaki na kaharap niya ngayon. "I am okay with Shelloh, or Ell. Saan ka ba pupunta, Miss? Samahan na kita." Presenta nito.

Hindi alam ng dalaga kung ano agad ang itutugon niya pero masaya siya dahil hindi niya aakalain na ganito ang approach sa kan'ya, pagkatapos ng ginawa niyang pagkakabunggo. "Okay lang po ba Ell? Nagugutom na po kasi ako tapos naliligaw na ako, hehe." Napakamot na lang ng ulo si Alexa dahil sa hiya. Hindi niya rin naman kasi talaga makita dahil sa laki ng kanilang lugar.

"It's okay, you don't need to say sorry. Ano pala muna ang pangalan mo?"

"I am Alexa Sweetie, pili ka lang sa dalawa." Paliwanag nito.

"Oh, that's nice. Yung Sweetie na lang ang lakas ng dating. Tara na Sweetie, samahan na lang kita. Dito sa kanan ang daan." Tinuro na nga ni Shelloh ang daan kung saan naroon lahat ng nga pagkain at inumin at abay nilang tinungo iyon.

Sa pagkakita agad ni Alexa Sweetie, tila napabulong siya sa kaniyang sarili na mapapalaban siya sa sobrang pagkain nasa harapan niya. "Salamat, Ell ha? sorry naabala pa kita. Anyway, pwede mo naman akong iwan baka kailangan ka na roon," saad ni Alexa sa gwapong nilalang na kaharap niya .

"No, I will eat too. Sakto lang talaga ang pagpunta natin dito. And besides about kanina? Aksidente lang naman 'yon. Dalawa kaming Mcee for this night. Salitan kami at kailangan ko munang kumain bago siya." Mahabang paliwanag nito kay Alexa.

"Really? Sige kumain na tayo." Yaya ni Alexa na para bang feel at home siya sa lugar na kakainan niya ngayon. Kahit na sa totoo lang nadala niya ang ugali niyang malakas ang loob kapag gutom.

Natawa na lang sa kan'ya si Shelloh at napatango. Wala naman ng sinabi pa ang binata kundi pumayag na lang din sa nais ng dalaga. At kumuha na sila ng kanilang pagkain at inumin.

"Bago ka lang ba rito, Sweetie? Ngayon lang kita napansin pero familiar ka. Tsaka may kasama ka ba ngayon?" Sunod-sunod na tanong ng ginoo.

Napainom muna ng inumin si Sweetie bago sumagot sa mga tanong nito. "Ang daming tanong ha? Well, I am from Renasyon Incorporation promoted na akong Manager but I am the now secretary of Kiel Seryno Zylaishu for the mean time. Sa totoo lang ngayon lang ako napunta sa ganitong part, kaya nakakapanibago tsaka oo may kasama ako si Sir. Kiel."

"Ohh, you are from Renasyo Incorporation kaya pala familiar ka kasi ikaw yung lagi kong nakikita na kasama ni Mr. Tan. And si Kiel, that nice ha? Sige kain ka lang."

Hindi maintindihan ni Alexa ang pinupunto ni Shelloh para bang may nais itong sabihin pero pinili na lang ang manahimik. "Eh ikaw, Mcee ka lang ba? At matagal ka na bang Mcee sa ganitong mga event?" biglang pagtatanong ng dalaga.

"Not actually, maraming beses na akong Mcee they always find me kasi daw ang pogi ko, joke lang! Madalas din talaga akong magpresenta dahil I want to expand my capabilities lalo na sa pagharap sa maraming tao. And I am from Kiel company."

"W-What?"

Sa gulat ni Alexa, napalakas ang boses nito. Pero kumalma rin ng mapansin niyang nagsitinginan ang mga tao sa kan'ya. Ang dami na tuloy dumagdag sa isipan niya lalo na hindi niya alam na may kompanya pala ang kaniyang kinikilalang boss ngayon.

"Calm down, Sweetie. Kanang kamay talaga ako ng boss mo ngayon, kaya nasabi ko na pamilyar ka sa akin. Para bang nakita na kita kung saan, kaso hindi ko maalala or baka kahawig mo lang." Pangungusap nito na siyang mas nagbigay gulo lalo sa isipan ng dalaga.

At sa oras na ito mas lalo siyang naguluhan, tila nawalan na rin siya ng gana na ituloy ang pagkain niya dahil sa mga nasabi ni Shelloh. Hindi niya maintindihan ang mga punto nito na siya ay pamilyar para sa kan'ya.

"Okay ka lang ba? Sorry ha? Kamukha mo kasi si an—"Naputol ang kaniyang sasabihin ng biglang may lumapit na lalaki kay Shelloh.

"Bro, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. magsisimula na. Tara na sa stage." Yaya nito kaya napatigil na rin ang binata sa kaniyang pagkain at nagpaalam na ito sa kaniya.

"Mamaya na lang, Sweetie. Nice to meet you. Ingat ka."Dagdag nito at umalis na rin.

Habang naiwan na tulala si Alexa at hindi niya namalayan na natusok-tusok niya na lang ang shanghai dahil sa mga naiisip niya.

Ano bang mayroon ako dati na hindi ko maaalala?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height