Until We Met, Sweetie/C7 HEART'S DAY
+ Add to Library
Until We Met, Sweetie/C7 HEART'S DAY
+ Add to Library

C7 HEART'S DAY

NAKAKAPAGOD na araw ang nangyari para kay Alexa sa grand party na pinagdaluhan niya. Hindi niya akalain na aabutin iyon ng madaling araw, mabuti na lang din kinabukasan ay wala silang pasok dahil Sabado.

"Magandang Umaga!" masiglang bati nito sa sarili at nag unat ng kaniyang kamay, bumangon na rin ito at tumalon-talon.

"Happy halloween!" Sigaw nito dahil para sa kanya ang February 14 ay para lang sa may mga boyfriend at girlfriend at mag asawa sa madaling sabi, para lang sa may relasyon.

Mabuti na lang din talaga walang pasok ngayon kung hindi maiistress at sasakit ang mga mata ko sa mga makikita ko ngayon. Grabe ang party kagabi, mabuti na lang din talaga hindi ako nag inom kagabi kahit nanunukso ang mga alak, pero masyadong pa misteryoso si Sir Kiel, teka kumusta kaya 'yon?

Sa kalagitnaan ng kaniyang pageemote, naalala niya ang lahat ng mga nangyari kagabi lalo na ang mga pinagsasabi sa kanya. Dahilan para maguluhan siya pero imbes na mag isip nang mag isip, nag ayos na lamang ito upang kahit papaano ay makalimutan niya ang mga pangyayari na para bang may kapiraso sa buhay niya ang nawawala.

Naglinis na ito ng kaniyang higaan at pagkatapos ay naghanda na rin ng kaniyang umagahan. Mag-isa na lamang si Alexa sa kaniyang bahay simula ng magkaroon ng aksidente noong dalawang taon na rin ang lumipas. Para sa kanya iyon ang pinakamahirap na pangyayari na natanggap niya, hindi dahil sa nawalan siya ng magulang kundi pagkatapos aksidente maraming nagbago na hindi niya matandaan.

Ang lola niya na lang ang nakakasama niya ngunit sa kasamaang palad ay binawian na rin ito ng huhay noong Nobyembre dahil sa katandaan, ang masakit hindi man lang niya nakasama ito nitong pasko. Kaya nasanay na rin si Alexa na mamuhay ng mag-isa.

La La La La~

Awit nito hanggang mahagilap ng mga mata niya ang mga larawan ng kaniyang mga magulang. Ito ang wedding picture ng kaniyang ama at ina. Kinuha niya ito at pinunasan sabay pinagmasdan.

"Ma at Pa, miss na miss ko na po kayo. Hayaan ninyo kahit nasa langit na kayo gagalingan ko, iingatan ko rin itong bahay at na pamana ninyo sa akin. At kahit mahirap kakayanin ko." Ramdam man ang pagkasabik na makasama ang kaniyang mga magulang wala itong nagawa kundi ang sunod-sunod na hikbi at mag umapaw ang mga luha sa magkabilaang mga mata niya. Sapagkat para sa kanya, lumuha man siya subalit wala na dahil hindi na mapupunasan ang kaniyang mga magandang mata.

"Patuloy ninyo lang po akong gabayan din Mama at Papa, hayaan ninyo sa tamang panahon may kasama na rin ako sa buhay, yung taong handa akong mahalin at ingatan." Dagdag nito at niyakap ang retrato ng kaniyang mga magulang. Halos umabot din ng mahigit tatlong minuto na ganoon ang sitwasyon niya, nakatayo at dinaramdam ang bawat alaala na kasama niya pa ang mga ito.

Pinatong niya na lamang sa lamesa ang retrato at pinunasan ang luha niya, ngumiti ito nang pilit at sinabing, "Kaya ko po ito ma at pa, laban lang po! Tandaan ninyo po, mahal na mabal ko po kayo."

Hanggang sa...

"Ay palaka!" Naihagis niya ang pamunas sa kadahilan na biglaang tumunog ang kaniyang selpon.

Ano ba naman 'yan! Kaaga-aga may natawag! Sino ba 'yan!

Inis man itong sinagot ang selpon niya, ginawa niya pa rin kausapin ng kalmado ang taong biglaang tumawag sa kanya.

Huminga muna ito nang malalim at tsaka sumagot, "Hello?"

"Hello, good morning sweetie!" Masiglang bati ng lalaki na pamilyar ang boses.

"Sir Kiel?" takang sabi ni Alexa dahil sa pagkagulat.Kahit na nakalagay ay unknown number nalaman niya pa rin kung sino ang tumawag dahil sa buong boses nito. Hindi naman nakakatakot pakinggan pero nakakataas ng balahibo kapag nagseryoso at nagalit.

"Prepare yourself, I will wait you outside of your house. Be ready," sambit nito mula sa kabilang linya sabay patay ng tawag sa dalagita.

Sa sobrang inis, naitapon muli ni Alexa ang selpon niya sa kama, mabuti na lang hindi ito tumama sa kung saan. Dinampot niya naman ito at sinabing, "Omy! Sorry phoney, si boss kasi tatawag-tawag sabay papatayan ako! Ugh! Nakakainis, magyaya na nga hindi pa inaayos." Niyakap niya ito at kunwaring hinalikan na para bang nobyo niya ang selpon na hawak niya.

Hanggang sa mapagtanto niyang nasisiraan na siya ng bait, at napatingin ang mga mata niya sa orasan. Naligo na siya agad at nagmadali. At kahit na ang gulo ng pinaparating ng kaniyang boss, pinili niya pa rin ang sumunod dahil baka pumunta pa ito sa loob ng bahay niya at hindi pa siya nakaayos.

Sa sobrang pagmamadali ni Alexa, halos hindi na umabot sa kalahating oras ang kaniyang pag aasikaso, kasalukuyan na rin siyang nakabihis. Simpleng casual dress na royal blue lamang ang isinuot niya, hindi niya pinili ang malarosas na pula dahil para sa kanya, trabaho ang magaganap hindi date. Malabo rin naman na mag-date sila ng kaniyang boss, dahil unang-una sino ba siya para mapukaw ang pansin ng kaniyang weirdong matalino na gwapong boss. At ilang saglit pa ay nakarinig na siya ng tunog ng kotse.

"Nandiyan na siya!" Sigaw nito. Nagmadali na siyang kunin ang kulay itim niyang bag na maliit at ang susi at selpon niya sa ibabaw ng lamesa. Subalit, humarap muna siya sandali sa kaniyang salamin. Okay na, perfect! Tumakbo na siya pababa ngunit nagdahan-dahan pa rin baka madapa at masayang lang ang kaniyang ginawang pag-aayos.

At sa pagbukas niya ng pinto, isang maskuladong gwapo ang bumungad sa kaniya. Shet ang gwapo! Bakit ganiyan ka sir? Bulong niya subalit may kakaibang kapangyarihan yata ang kaniyang boss dahil lumapad ang ngiti nito at na-corner siya sa pader.

"Bulong ba 'yan o compliment? Oh, are you excited to our date?" mapang akit nitong boses na tila nagbigay ng matinding pressure para kay Alexa. Sunod-sunod ang paglunok ang ginawa niya dahil sa sobrang lapit nilang dalawa at kahit ang mga labi nila ay malapit na rin magdikit.

Ngunit ayaw nitong magpadala sa tensyon, kaya napapikit siya at biglang... tinapakan ang paa nito. "A-Aray!"

"Hala... masakit po ba? Kasi naman po ikaw sir eh!" Inalalayan ni Alexa ang kaniyang boss na ika-ika sa paglalakad at namimilipit sa sakit.

"Are you insane, Alexa? Damn! Masakit ang pagkakatapak mo! Ang lakas mo pa rin talaga ah!" Inis man ang lalaking natapakan ngayon ngunit nagagawa pa rin na ngumiti. Sapagkat naalala niya ang mga kayang gawin ni Alexa noon, at hindi pa rin ito nagbabago kapag kinakabahan, bigla-biglang nakakapanakit.

"Next time po kasi sir, huwag ninyo naman po kasi ako gulatin sa mga gagawin mo. Tsaka anong d-date?" takang tanong nito na may bahid na pagkahiya dahil sa hindi inaasahan na pangyayari. Napayuko pa ito dahil nakonsensiya rin ang dalaga sa pagkakatapak niya.

"Nothing, gusto ko lang lumabas kasama ka. It's okay, malakas ka pa rin talaga tumapak este ang lakas mo. Alalayan mo ako, marunong ka bang magmaneho?" takang tanong nito habang nagpapabebe sa dalaga para siya ay alalayan. Sa totoo lang, hindi naman grabe ang pagkatapakk sa kaniya. May kirot nga lang pero kaya naman niya magmaneho, sadyang may nais lang siyang gawin sa dalaga.

"Sige po sir, kaya ko naman po. Sa kotse ko na lang, mas sanay ako. Iwan mo na lang muna sa parking area ang kotse mo, at mamayang dinner dito ka na lang din po kumain, sir." Magalang na tugon ng dalagita. Lumapad naman ang ngiti ng lalaking kaharap niya ngayon, na tila nawala ang sakit na nararamdaman.

"Kaya mo naman po yata eh," takang sabi ni Alexa dahil sa napansin niya pero bigla na lamang nagpakita ng sakit-sakitan ang lalaki at iniba ang awra nito at sinabing, "Ugh! M-masakit ang paa ko, huhu alalayan mo muna ako please." Pagmamakaawa nito.

Walang nagawa ang dalagita kundi alalayan na lamang ito dahil kasalanan din niya naman kung bakit may rason ang boss niya na mag inarte at para naman makaganti rin siya mamaya sa ginawa nito. Pero mas pinili niya na lamang na tulungan ito para tuluyan na silang makaalis at makapunta sa kanilang pupunta.

"Dahan-dahan lang po sir, ihahatid na kita sa loob. Ayun po yung itim ang kotse ko, dalawa 'yan actually. Gift ni mommy and daddy pero... wala na sila." Naging malungkot ang tono ni Alexa habang inaalalayan niya ang kaniyang boss, bigla niya kasing naalala ang kaniyang mga magulang at sa totoo lang nauulila pa rin siya.

"I am really sorry kung naalala mo pa, don't worry you will enjoy our date. Kailangan ko lang ngayon ng alaga mo, este alalayan mo muna ako."

Tumango lang si Alexa at pilit na ngiti ang pinakawalan nito. Ilang hakbang lang naman ang kanilang ginawa hanggang sa matungtong nila ang kaniyang malaki at mamahaling kotse niya na Lexus LX 570.

Namangha si Kiel ng makita ang kotse ng dalaga, at napaisip na halos dalawang taon nga pala siyang nawala'y sa dalaga kaya may iilan na pagbabago ang naganap sa buhay nito at alam niya rin na namatay kailan lang ang mga magulang ng dalaga. Kaya ng malaman niyang naghiwalay na ang naging nobyo nito, pinilit niya maging boss pansamantala sa Renasyo Incorporation habang abala ang kaniyang step brother.

At mabuti na lang din at kahit papaano ay close niya ito dahil kung hindi, baka wala siyang posisyon sa kompanya.

Nakasakay na nga sila, at doon ay nagseat belt na rin ang dalawa. "Saan tayo?" takang tanong ng dalaga.

"Sige idiretso mo lang, pagkatapos may madadaan tayong Kin Chinta Restaurant, doon muna tay para kumain... Okay lang ba?"

"Opo boss, nagugutom na rin ako. Ang aga mo rin kasi dumating, akala ko nga pahinga tapos dumating ka."

"A-Ano?"

"Wala po, Sir Kiel. Punta na tayo sa sinasabi mo."

Hindi na hinintay pa ni Alexa ang sasabihin ng kaniyang boss, mabilis niyang pinaandar ang Lexus LX 570. At dali-dali naman napahawak sa gilid ang lalaking katabi niya dahil sa bilis ng kaniyang ginawa. Sumilay ang kurba ng kaniyang malinis at mapuputing ngipin at bahagyang natawa.

"Get ready, sir!" Sigaw nito at pinaandar na nga ang kotse.

Habang nag-e-enjoy ang dalaga sa kaniyang ginagawa, kinuha naman ni Kiel ang kaniyang selpon sa kaniyang bulsa at dali-daling tumipa. At kahit na abala si Alexa sa pagmamaneho, nakaramdam siya ng kuryosidad sa ginagawa ng lalaking katabi niya. Sapagkat, abalang-abala ito sa kaniyang ginagawa na para bang bawal itong istorbohin.

Napataas siya ng kilay at hinayaan na lamang ito subalit may parte sa kaniya ang tila hindi mapakali at para bang nais niyang malaman ito. Pero sino nga ba siya para mangialam. Magsasalita na nga sana siya upang sirain ang katahimikan at ng biglang... nagsalita na ang kaniyang boss.

"Sige lang, ikanan mo pagkatapos mo. Malapit na tayo." Buong galak nitong turan na para bang sabik sa pupuntahan.

"Okay po sir, copy!" Mabilis na sagot ng dalaga.

Ilang aaglit lang ay natanaw na rin ni Alexa ang restaurant na sinasabi ng kaniyang boss. "Sir, malapit na po tayo."

Naghanap lang siya ng parking area para iparamdaang kotse niya at ng makahanap siya ay kasabay ng pagtigil niya ang siyang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Mas tumindi ang tensyon ng hawakan ni Kiel ang kaliwang kamay niya habang ang kanang kamay niya ay nasa manobela.

"Don't call me boss, this is our date. Kiel will do, thank you for a nice and safe driving."

Halos manigas siya sa kinauupuan niya at para bang binuhusan ng isang balde na puno ng yelo. Hindi naman siya kinilig sa simpleng sinabi ng boss niya kundi sa lapit at kabang na pinaparamdam nito.

"O-Okay p-po, s-sir." Utal nitong tugon at mabilis na inayos ang sarili at inalis ang seat belt. "Mauuna na po akong bumababa, kaya ninyo na po ba?" takang tanong nito para maiba ang usapan.

Ngumiti lamang ang kaniyang boss, "Oo naman kaya ko na, kasama kita eh. Este hindi na rin naman masakit ang paa ko. Mauna ka na lumabas pero sabay tayong pumasok sa loob."

Tumango ang dalaga at mabilis na lumabas, at doon nagpakawala ng matinding butong-hininga.

Kaya ko 'to! Bulong niya sa hangin at biglang lumitaw sa harapan niya si Kiel.

"Ay akin ka!" Napatakip ito ng bibig at napangiti ng wala sa oras ang kaniyang boss.

"Matagal na, Sweetie. Anyway, Tara na?" Pag aalok nito at ginawad ang palad niya. Kahit na kaba ang nararamdaman niya ngayon, pinili niya na lang lunukin ang kahihiyan niya at sumama na siya para sila ay makakain na rin.

Pumasok na nga sila sa loob ng restaurant at hindi niya inasahan ang nakita niya.

"Ikaw! Pero... anong mayroon at bakit nandito ka?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height