+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Chapter 1

Flashback...

Bilang asawa ng lalaking pinakamamahal niya ng lubos hanggang saan nga ba ang kaya nitong gawin at tiisin? Palagi niyang itinatanong sa kanyang sarili ang bagay na 'yon at pilit na hinahanap ang tamang sagot, ngunit sa huli ay pikit matang iiling at isasantabi ang katotohanan at patuloy na uunahin ang kanyang pagmamahal sa asawa.

Para sa lalaking kailan man ay hindi niya nakitaan ng pagmamahal sa kanya.

Naalala ko pa noong mga unang linggo naming magkasama sa iisang bahay. Habang nakaupo ako sa sofa ay nakita ko siyang pababa ng hagdan at base sa ayos niya ay aalis ito. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa pwesto ko.

"Wala kang karapatan na tanungin ako kung saan ako pupunta! Wala kang pakialam," sigaw nito sa akin.

"Nagtanong lang naman ako para malaman ko kung anong oras ka uuwi." nakayukong saad ko.

Mabilis naman itong naglakad palapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang panga ko. "Gusto mo talagang malaman kung saan ang punta ko? Maghahanap ng babae na hindi katulad mong desperada!"

Ramdam ko ang pagsakit ng panga ko dahil sa diin ng pagkakahawak nito. Inaamin kung nasasaktan ako sa mga sinasabi niya sa akin pero wala akong magawa kung hindi tanggapin ang lahat ng ito dahil mahal ko siya.

Maya maya pa ay napasalampak na lang ako sa sofa ng marahas niya akong binitawan at itinulak. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapaiyak dahil sa ginawa niya.

"Oh ano magdadrama kana naman? Pwes, hindi bebenta sa akin 'yang kaartehan mo." sabi nito

"Ganito na lang ba tayo palagi? Hindi ka ba nagsasawa sa ganitong nangyayari araw araw? Kailan ka magbabago?" tanong ko habang humihikbi.

Nakita ko ang pagtagis ng bagang niya dahil sa galit. Mabilis niya akong nilapitan at hinila ako patayo habang hawak hawak ang buhok ko. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan! Hindi mo hawak ang buhay ko."

"Kasal kana Thunder!" sigaw ko na mas lalong ikinagalit niya.

"Shut up bitch!" sigaw nito sa akin at bigla akong sinampal. "Ano ngayon kung kasal tayo? Walang magbabago do'n, kasal lang tayp sa papel pero kahit na kailan ay hindi kita mamahalin."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay binitawan niya ako at umalis na.

Napahagulgol na lang ako dahil sa nangyari. Sobrang sakit marinig ang mga katagang 'yon mismo sa bibig ng asawa mo. Simula ng maikasal kami ay ganyan na siya makitungo sa akin. Laging galit at walang pakialam sa kung ano ang nararamdaman ko. Madalas niya din akong pagbuhatan ng kamay lalo na kapag sobrang galit siya o kaya ay lasing.

I love him.

He doesn't love me.

He despise me.

Pero kahit na gano'n ay hindi ko pa rin siya kayang iwan dahil mahal ko siya. Kaya kung tiisin lahat ng mga ginagawa niya sa akin na pambabae, panloloko at panananakit dahil naniniwala ako na darating ang araw na magbabago siya at matututunan niya na akong mahalin.

End of flashback.

Jewel POV

Nagising na lang ako ng bigla kung maramdaman ang pagkalam ng sikmura ko, agad akong tumayo at tiningnan ang orasan at nakita kung alas diyes na pala ng gabi at mukhang napahaba ang tulog ko.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa labas para tingnan kung nasa garahena ang kotse ng asawa ko ngunit nadismaya lang ako ng wala akong makita.

Anong oras na pero wala pa rin siya' isip ko

Siguro nga ay wala siyang planong umuwi ngayong gabi dahil kasama niya na naman ang kung sinong babae niya.

Nang maisip ko 'yon ay bigla na namang nagsisimulangmamasa ang mga mata ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko para lang pakinggan niya ako. Bakit kasi ang hirap niyang makaintindi, sinisisi niya sa akin ang kasalanan na kahit kailan ay hindi ko naman ginawa.

Kasal nga kami pero parang hindi naman kami mag asawa kung magturingan. Nasa iisang bubong nga kami pero pakiramdam ko nag iisa lang ako. Kapag nandito naman siya ay parang hangin lang ako at kung mapapansin niya man ako o makakapag usap kami ay nahahantong lang sa away at sakitan.

Simula ng ikinasal kami ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang ipakitang kinasusuklaman niya ako, na galit siya sakin na ayaw niya sa akin. Wala na siyang ibang inaatupag kung hindi puro pag iinom at pambababae.

Malinaw pa sa isip ko ang mga salitang binitawan niya no'ng maikasal kami. "Pagsisisihan mong nagpakasal ka sa akin," Pero sa isang taong pagsasama namin bilang mag asawa kahit na ganito ang pakikitungo niya sa akin, wala akong ni katiting na pagsisisi na nararamdaman siguro dahil mahal ko talaga siya.

Nagtungo na lang ako sa kusina para maghanda ng makakain ko dahil paniguradong hindi na naman 'yon dito kakain kaya mag isa na naman ako. Kumuha lang ako ng kanin sa rice cooker at ininit ko na lang sa microwave ang ulam na niluto ko kanina.

Mabilis akong natapos sa pagkain kaya agad ko itong niligpit at hinugasan. Habang nagsasabon ako ng pinggan ay narinig ko ang tunog ng sasakyan. Dali dali kung pinunasan ang mga kamay ko at naglakad papuntang pintuan para sana salubungin siya.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad sa akin ang isang maganda at sexy na babae at akay akay nito ang asawa ko na halatang lasing. Biglang kumirot ang puso ko dahil sa nakita. Masakit makita ang taong mahal mo na may kasamang iba. Masakit makita na may ibang kayakap at hawak ang taong mahal mo.

"Babe, pumasok ka muna dito sa bahay o baka naman gusto mo na dito kana matulog?" anas ng asawa ko sa babaeng kasama niya.

Habang ito ako nakatayo lang sa pintuan habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Hay naku babe, hindi na. Ikaw talaga wala kang kapaguran! Nakailang rounds na tayo kanina tapos gusto mo hanggang dito sa bahay mo? Kahit na gusto pa kitang makasama pero kailangan ko na kasing umuwi eh." pabebeng sagot ng babae habang nanatiling nakahawak sa braso ng asawa ko

"Masyado ka kasing masarap babe kaya sabik pa rin ako sayo kahit na buong araw nating ginawa 'yon," nakangiting bulong ng asawa ko sa babae pero rinig na rinig ko naman

Hindi na ako nakatiis pa ay lumapit na ako sa mga ito. "Miss?" tawag ko sa babae

"Oh hi dear, anong kailangan mo?" tanong nito sakin habang pinapasadahan ako ng mga tingin nito.

"A-ano kasi, ako na ang bahala sa kanya." turan ko

Agad naman tumaas ang kilay niya at bumaling sa asawa ko. "Babe, you know her?"

Gusto kung sabihin na ako ang asawa niya, pero hindi ko magawa dahil alam kung magagalit ito sa akin.

"Yes babe, she's my personal maid." diretsong sagot ng asawa ko

"Ow I see, she's lucky na ikaw ang amo niya. I hope hanggang do'n lang 'yon babe, I know you pa naman lalo nasa mga babae." saad nito

Agad naman siyang inakbayan ng asawa ko. "Don't worry babe, sige na umuwi kana anong oras na. Mag-iingat ka, I love you."

"Okay, I'll see you again next time babe. Thank you for this day, I really enjoyed it. You're really a beast on bed. I love you too." sagot naman nito sa asawa ko sabay halik sa labi na tinugunan naman ng asawa ko.

Ilang segundo pa nagtagal ang halikan nila bago bumitaw ang babae at nagsimula ng maglakad paalis. Nanikip naman ang dibdib ko sa nasaksihan, para itong pinipiga sa sobrang sakit. Bakit kailangan pa sa harapan ko gawin nila ang bagay na 'yan.

Mas masakit pa ito kay sa pagpapakilala niya sa akin bilang katulong sa harap ng babae niya.

Agad ko naman siyang hinawakan para alalayan makapasok sa bahay ng hinawi nito ang mga kamay kung nakahawak sa kanya.

"Ano ka ba Thunder, tulungan na kita." sabay hawak ko na naman sa kanya pero tinulak niya lang ako

"Bakit ngayon ka lang? Anong oras na." mahinahon kung turan ng hindi iniinda ang pagtulak nito sa akin.

"Pakialam mo ba, ha? Eh sa nasarapan at nag enjoy ako sa kasama ko at pwede ba huwag mo akong hahawakan, nandidiri ako sayo." at tuloy tuloy na siyang naglakad papasok sa loob

Agad naman akong sumunod sa kanya. "May pakialam ako dahil asawa mo ako! Uwi paba ito ng lalaking may asawa?" hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin yon

Napatigil naman siya sa paglalakad at tiningnan ako ng matalim. "Huwag kang mag feeling na ulirang asawa, hindi bagay sayo!"

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil mabilis na itong umakyat sa taas. Naiwan naman akong tulala at umiiyak sa kaninang pwesto ko.

Ang sakit isipin na may ibang kasama ang asawa ko, na may ibang nagpapasaya sa kanya at hindi ako 'yon,

Bakit gano'n na lang siya katigas? Bakit hindi niya ako matingnan o matrato bilang asawa? Ginawa ako naman ang lahat para sa kanya, para maging mabuting asawa pero hindi pa rin sapat.

Hindi na ako nagtagal sa baba at umakyat na din ako. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng madaanan ko ang kwarto ng asawa kung hindi nakasara. Simula ng maikasal kami ay hindi pa kami ni minsan natulog ng magkasama sa iisang kwarto.

Pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko siyang mahimbing ng natutulog. Lumapit ako sa kama niya at umupo sa gilid nito habang hinahaplos ang buhok niyang nakatakip sa mukha nito. "Siguro kung sa iba iisipin nilang napakatanga at martyr ko dahil kahit na puro pananakit at pambabae ang ginagawa mo hindi pa rin ako umaalis, pero okay lang naman sakin lahat na 'yon tatanggapin ko kasi mahal kita at alam kung magbabago kapa. Huwag mo akong iiwan Thunder dahil hindi ko kaya." nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko

Agad ko naman pinunasan ang mga luha ko at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.

Mahal na mahal kita Thunder, kahit sobrang sakit na.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height