+ Add to Library
+ Add to Library

C10 Chapter 10

Kinabukasan nagising si Jewel na masakit na masakit ang ulo. Habang nakaupo siya sa kanyang kama ay bumabalik sa kanya ang nangyari kagabi, ang hindi pag uwi ng kanyang asawa kahit na nagsabi itong uuwi agad.

Kahit na may hang over siya ay pinilit niya pa ring tumayo at pumunta ng banyo at maligo para mabawasan ang sakit ng kanyang ulo.

Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin at halos manlumo siya sa kanyang itsura. Ibang iba na ngayon. Ang Jewel noon ay maayos sa sarili at pananamit, maayos ang postura, may class, makinis at walang mga pasa. Hindi gaya ng Jewel ngayon na parang basura.

'Oras na para ayusin ko ang sarili ko, ibalik ko ang dating ako, ang totoong Jewel.' pursigidong turan niya sa sarili habang nakaharap sa salamin

Pagkatapos niyang maligo ay naghanap siya sa kanyang closet ng simpleng dress at 4 inch heels, nilagyan niya ng ipit sa magkabilaan ang kanyang mahaba at tuwid na buhok at naglagay din siya ng kaunting make up na babagay sa kanyang damit. Ginamit niya rin ang kanyang violet sling bag para bumagay sa kanyang suot.

Palabas na siya ng bahay ng mag ring ang kanyang telepono.

Agad niyang kinuha sa kanyang dalang sling bag iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag.

CAIN CALLING ....

[Hello, Cain napatawag ka?]

[Asan ka? Pwede ba tayong magkita? ]

[I'm on way sa mall, doon na lang siguro tayo magkita sa starbucks.]

Agad kung ibinalik ang phone ko sa bag ng matapos naming mag usap. Isa si Cain sa matalik na kaibigan ng asawa ko at kaibigan ko rin ito.

Saktong paglabas niya ay may dumaan na taxi kaya pinara niya kaagad ito. Swerte niya dahil may napadpad doon na taxi dahil kung wala ay tiyak na maglalakad siya palabas ng subdivision. Ayaw niyang magdala ng kotse dahil tinatamad siyang magmaneho kaya mas pinili niya ang mag commute na lang.

Habang nasa taxi siya ay nagdadalawang isip siya kung itetext o tatawagan niya ang asawa para ipaalam na lumabas muna siya, pero sa huli ay hindi niya na lang ginawa dahil alam niyang wala naman itong pakialam sa kanya.

Pasado alas dos na ng makarating siya sa mall, pagbaba niya ng taxi ay agad siyang dumiretso sa starbucks kung saan sila magkikita ng kaibigan.

Pagpasok niya pa lang ay nakita niya na itong kumakaway sa kanya. Naglakad naman siya papalapit dito at ng makarating siya sa tapat nito ay bumeso ito sa kanya ang binata.

Umupo na siya at sabay na silang umorder ng kanilang makakain. Habang naghihintay sila ng order ay may inabot sa kanya ang binata.

"Belated Happy Birthday Jewel!" aniya ng nakangiti sabay abot ng regalo

Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat. "Thank you, Cain! You're the best talaga. Akala ko nakalimutan mo eh, magtatampo na sana ako." nakangusong bulalas nito

"Siraulo ka talaga, pwede ko bang makalimutan ang espesyal na araw mo. Kamusta naman ang pagcelebrate mo kahapon?" saad nito

Agad naman nawala ang ngiti sa labi ni Jewel at napayuko ito. Naging seryoso naman ang mukha ng binata ng mapansin ang reaksyon ng kaibigan.

"Hindi ka ba binati ni Thunder? Hindi na naman siya umuwi?" bakas ang inis sa boses nito

Umiling naman ang dalaga bilang sagot sa tanong ng kaibigan.

Napabuntong hininga naman si Cain, alam niya kung ano ang estado ng dalawa. Kahit na matalik niyang kaibigan si Thunder ay naaawa pa rin siya sa kalagayan at pinagdadaanan ni Jewel sa kamay nito. Kaibigan niya din sa Jewel kaya hindi niya maiwasang maawa rito.

"Kailan ka ba kasi susuko? Hanggang kailan ka magtitiis? Matalik kung kaibigan si Thunder at kaibigan kita Jewel hindi ko gusto ang ginagawa niya sayo, pero nasa iyo pa rin ang desisyon." panenermon nito

"Hindi ko alam Cain, hindi ko kayang iwan siya dahil mahal ko siya. Mahal na mahal." mahinang saad niya dahil alam niyang malapit ng tumulo ang kanyang luha

Alam niyang alam lahat ni Cain ang nangyayari sa kanilang mag asawa kahit na wala itong sabihin aware siyang may alam ang kaibigan.

"Kahit na nasasaktan kana? Jewel hindi sapat na mahal mo siya para lang manatili ka! Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon, ha?" diin na unas nito

Alam niyang concern lang ang kaibigan para sa kanya pero alam niya din sa sarili niyang hindi niya kayang mawala ang asawa.

"Mahal na mahal ko siya Cain, kahit na sobrang sakit na. Ayaw ko pa rin siyang iwan." totoong turan nito.

Nakita naman ng dalaga ang pagkuyom ng kamao nito. "Jewel nasasaktan ka kasi nagmamahal ka, mahal mo siya kaya mo nararamdaman ang sakit. Parte ng pagmamahal ang masaktan pero lahat may hangganan. Hindi porke't mahal mo ang isang tao ay mananatili kana kahit na durog na durog kana. Minsan kailangan mong umalis sa isang relasyon bago kapa tuluyang maubos at wala ng matira para sa sarili mo. Kung susugal ka siguraduhin mong worth it iyon, mahirap sumugal lalo nasa taong wala planong ipanalo ka."

"Gusto kung magpahinga, gusto kung maibsan ang sakit na nararamdaman ko pero hindi ko alam kung paano." pag amin ko

"Mahalin mo ang sarili mo, hindi porket nagmahal ka ay papabayaan mo na ang sarili mo. Pag nagmahal ka huwag mong ibigay lahat, magtira ka para sa sarili mo para pag nasaktan ka hindi ka ubos na ubos." seryosong wika niya

Alam niya kung anong ang pinupunto ng kaibigan pero para sa kanya titiisin niya kahit na gano'n ang trato sa kanya ng asawa dahil mahal niya ito at umaasa siya na isang araw magbabago din ang binata.

Masyado na nga siya sigurong tanga para manatili ng matagal sa tabi ng asawa kahit na sinasaktan siya nito. Nagmahal lang naman siya at wala namang mali sa pagmamahal.

"Ipahinga mo din ang sarili mo Jewel, 'yong buong ikaw. Simula ng nag asawa ka hindi ko na nakita ang totoo mong ngiti. At kahit pa nakangiti ka sa harap ko o sa harap ng ibang tao alam kung peke 'yon at hindi totoo. Huwag kang ngumiti kung hindi ka naman talaga totoong masaya, niloloko mo lang ang mg taong nasa paligid mo lalo na ang sarili mo. Ayaw mong iwan siya at takot kang mawala siya? Ikaw ba ni minsan tinanong mo ang sarili mong kung takot din ba siyang mawala ka?" dagdag pa nito

Gusto niya man sagutin ang sinabi ng kaibigan ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Parang may pumipigil dito na bumuka.

Mas lalo siyang napaiyak dahil sa mga sinabi ng binata. Agad naman siyang dinaluhan nito at pinatahan. "Huwag kanang umiyak, hindi bagay sa magandang tulad mo. Hindi ko sinabi ang mga iyon para saktan ka, sinabi ko iyon para makapag isip ka." saad nito habang pinupunasan ang kanyang pisngi.

Ilang minuto pa ay tumahan na rin ito kaya itinuloy na nila ang pagkain at nagkwentuhan ng ibang mga bagay. Halos dalawang oras din silang nagtagal doon bago lumabas at mag ikot ikot muna sa mall.

Alas singko na ng hapon ng mapagdesisyunan nilang umuwi na. Ihahatid pa sana siya ng kaibigan but she declined it. Ayaw niyang abalahin pa ito.

Sinamahan muna siya ni Cain habang nag aantay ng taxi. "Ahm Cain, thank you for this day. Nag enjoy ako."

"Wala iyon, sabi ko naman kasi sayo huwag kang mahiyang tawagan ako pag kailangan mo ng kasama at kausap." sabi nito

Maya maya pa ay may pumarada na taxi sa harap nila kaya sumakay na ang dalaga. Niyakap muna niya si Cain bilang pasasalamat ulit at bumeso din ito bago tuluyang sumakay sa taxi.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height