C44 Chapter 44
Mabilis na umalis sa kanyang unit ang dalagang si Monique dahil pupuntahan niya si Margaux, hindi niya lubos maisip na matapos ang lahat lahat ng ginawa niya para dito pati ang pagtulong niya ay magagawa siya nitong traydurin.
Mabilis siyang sumakay ng kanyang kotse at nagmaneho papunta sa bahay ng kapatid ng dating kasintahan, hindi niya matanggap na sinira ni Margaux sila ni Cain
