+ Add to Library
+ Add to Library

C5 Chapter 5

Nagising ang dalaga sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Bumangon siya habang kinukusot-kusot ang mga mata, ramdam niya ang pananakit ng kanyang buong katawan at ang pamamaga ng kanyang pisngi.

Nagmadali siyang bumangon para tingnan kung gising na ang kanyang asawa, pero ilang beses niya itong kinatok ngunit walang sumasagot kaya dahan-dahan niyang pinihit ang pinto. Sumalubong sa kanya ang pabangong gamit ng asawa na naiwan sa loob ng kwarto.

Pumasok siya para makasiguradong wala ang asawa nito. Ang nakita niya lang ay ang mga nakakalat na bote ng alak at ang magulo nitong kama.

Agad namang nilinis ng dalaga ang mga nakakalat sa sahig nito at pagkatapos ay sinunod na ayusin ang gulo gulong kama. Pinalitan niya ang mga unan ng punda pati ang bed sheet at kumot. Nang natapos na siya ay lumabas na ito at bumaba para magluto ng almusal.

Abala siya sa paghihiwa ng mga sangkap ng lulutuin niyang afritada ng biglang tumunog ang kanyang telepono.

Dali dali niya itong sinagot ng makita na bestfriend niya ang tumatawag.

"Calli!" sigaw ko

Tumawa naman ang sa kabilang linya. "Hey Mercyl, miss me?" boses sa ng kausap

"So damn much best! How's your life?" tanong ko rito.

"I think I am the one who need to ask that question to you, hows your life Mercyl?"

Sandaling napatahimik ang dalaga dahil sa tinanong ng matalik na kaibigan. Hindi niya masabi sabi rito ang totoong estado niya at ang mga nangyayari sa kanya dito.

"Obcourse, I-Im fine!" mahinang turan nito.

"Don't lie to me! I know and I feel that you are not telling that truth! You are not okay am I right?" nag aalalang tanong nito.

Nagsimula na naman manubig ang kanyang mga mata. Gusto niyang sabihin lahat lahat ng nararamdaman niya pero mas pinili niya na lang ang manahimik.

"Okay, I get it. Ayaw mong sabihin but always remember nandito lang ako para sayo kapag kailangan mo ng kausap at kung handa kana magkwento. And oh I forgot to tell you na I'm already here in the Philippines so see you,"

Madami pa silang napag usapan na dalawa hanggang sa magpaalam na ito sa kanya dahil may pupuntahan pa ang kaibigan.

Katatapos lang niya ligpitin ang pinagkainan ng makarinig siya ng pagbukas ng pinto. Agad naman siyang lumabas ng kusina para tingnan kung ang asawa niya nga ba ito.

Ngumiti siya ng makita ito ngunit mabilis ding nawala ng makitang may kasama na naman itong babae. Yumuko siya dahil nahiya siya sa kanyang ayos samantalang ang babae ay napakaganda, sexy at napakaayos ng pananamit.

"Hanggang kailan ka haharang at tutunganga diyan?" mataray na untag ng babae sa kanya.

Umusog naman ito at nagbigay daan para makadaan ang dalawa. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng asawa dahil busy ito sa makikipag landian sa kasama.

Pero sandaling tumigil ang babae at bumaling ito ulit sa kanya. "Are you his maid? Can you get me some water? I'm thirsty kasi eh." pabebeng saad nito

Hindi na siya nagreklamo at agad tumalima sa inutos ng babae sa kanya ng maramdaman niyang nakatitig sa kanya ang asawa. Mabilis siyang kumuha ng tubig at nilagay ito sa baso.

Nang makarating siya kung nasaan ang dalawa ay nakita niya itong nakaupo sa sala at naghahalikan na animo'y sila lang ang taong nandito.

Gusto kung maiyak pero pinipigilan ko, ayaw niyang maging mahina sa harap nila lalo nasa babaeng kasama nito.

Mabilis siyang lumapit sa dalawa para ibigay ang tubig ng aksidenteng matapilok siya at matapon ang tubig sa mismong damit ng babaeng kasama ni Thunder.

"What the hell!" sigaw ng babae

"I'm s-sorry, hindi ko sinasadya." aniya

"Look what you've done to my dress! You bitch." nanggagalaiti ito sa galit

"I said I'm sorry okay? It was an accident! I didn't know that it will happen." depensa nito

Nanlaki naman ang mata ng babae dahil sa narinig. "Katulong ka lang diba? Bakit marunong kang mag english?" gulat na tanong nito

"Who said that I am a maid here? For your information I am his wife!" diing wika ni Jewel

Bigla naman itong tumawa ng may pagkasarsistiko. "Stop making me laugh! Hindi ang ka gaya mo ang papatulan ng isang Thunder Alcantara, keep dreaming bitch." panunuya nito

"And stop saying nonsense slut!" pabalik niyang sagot

"How dare you!" at saka mabilis siyang sinampal nito

At dahil sa inis niya ay sinabunutan niya ang babae, ibinuhos niya lahat ng gigil niya sa pamamagitan ng pag hila ng buhok nito.

Pero bigla ding natanggal ang pagkakahawak niya sa babae ng may isang malakas na pwersa ang humila sa kanya at tumulak.

"Anong karapatan mong saktan ang kasama ko? Wala ka talagang kwentang babae!" sigaw sabay duro sa kanya ni Thunder

"Ako pa ngayon ang may kasalanan? Sino ba ang nauna kung hindi 'yang kaladkarin mong babae!" sagot nito

Agad naman siyang nakatikim ng malakas ng sampal na halos matanggal ang ulo niya sa lakas.

"Don't you ever shout in front of me woman! Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita." saad nito at hinila na ang kasamang babae paakyat sa kwarto niya

Napaupo na lang si Jewel habang sapo sapo ang kanyang namumulang pisngi.

Bakit ko kailangan masaktan ng ganito? Am I not enough? May kulang ba sa akin? Ginawa ko naman ang lahat pero bakit hindi pa rin niya ako magawang mahalin. Ano ang kulang sa akin?" isip nito

Gusto niyang sumigaw at magwala dahil sa labis na sakit na nararamdaman, habang ang asawa nito ay nagpapakasaya sa kanyang babae siya naman ay nandito lang at tinitiis ang sakit.

Umakyat na siya sa kwarto at hindi na niya sinubukan pang huminto sa kwarto ng asawa. Ayaw niyang marinig ang mga ungol at halinghing na nangyayari.

Habang tulala siyang nakaupo sa kanyang kama ng mag ring ang phone niya at may lumabas na mensahe dito galing sa kaibigan.

Hey, Mercyl meet me at Starbucks now.

Agad naman siyang naligo at nagbihis para mapuntahan ang kaibigan. No'ng una ay nagdadalawang isip pa ito kung kakatukin ang asawa niya para magpaalam o huwag na. Pero sa huli ay umalis na lang ito ng hindi pinaalam kay Thunder, mukhang busy naman 'yon at baka magalit lang sa kanya pag naistorbo.

Agad siyang sumakay sa kanyang kotse at mabilis na nagdrive papunta sa kung saan naroon ang kaibigan.

Nang makarating siya sa starbucks ay mabilis siyang nagpark at bumaba para pumasok rito.

Pagpasok niya pa lang ay natanaw niya na agad ang kaibigan na nakangiti sa kanyang habang kumakaway. Mabilis siyang lumapit dito at yumakap.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height