Vampire High/C9 Creed Vaughn
+ Add to Library
Vampire High/C9 Creed Vaughn
+ Add to Library

C9 Creed Vaughn

Clementine POV

Napalunok ako ng makita ko kung pano tumulo ang chocolate syrup sa mukha niya pababa sa leeg niya.

"What the hell?!" Napa tingin kami sa sumigaw at mula sa upuan nila nakita ko si Liana na napatayo at bumaba dito mismo sa kinatatayuan namin, sumunod sa kanya si Leona. Dumating din sila Von at Van. Lahat ng mata ay nasa amin ang tingin.

"Anong nangyare sayo kuya?"tanong ni Liana.

"I told you not to go here."singit ni Von habang naka tingin sakin. Napa lunok ako.

"Are you okay?" Napa angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Creed. Napa lunok ako dahil naka tingin siya sakin, tumango tango ako.

"Fin!" Sigaw ni Liana. Mula sa upuan nila sa taas ay nag pakita si Fin at tumingin kay Liana saka sa amin.

"Oh? Iba ang natamaan. Bad shot."sabi ni Fin at tinalikuran lang kami.

"Fin! Talaga bang napaka immature mo?!"sigaw ni Liana.

"Oh ow, kailangan nating takpan ang tenga natin."napatingin ako kay Van na naka takip na ang dalawang kamay sa tenga.

Binalik ko ang tingin ko kay Creed na pinupunasan ang sarili.

Kinuha ko ang panyo ko at lumapit sa kanya.

"Tulungan na kita."sabi ko kaya napa tingin siya sakin, ngumiti lang ako saka tinulungan siyang punasan ang mukha niya.

"Hindi ko kasalanan kong ang natamaan ay si Creed, in fact alam niya ang plano namin." Dinig kong sabi ni Fin.

"Bakit ba kasi gustong gusto mong saktan si Clementine ha?!"Inis na tanong ni Leona. Pinag tutulungan nila si Fin.

"Kasi siya ang nauna! Kailangan niyang kilalanin ang kinakalaban niya." dinig kong sabi ni Fin.

Napatingin ako sa mga sea green na mata ni Creed kaya napa lunok ako.

"Ang cool ng mga mata mo."sabi ko kaya napa ngisi siya.

"Don't stare mahihipno ka."sabi niya at tinakpan ang mata ko. Inalis ko ang kamay niya saka ngumiti.

"Thank you nga pala ah."sabi ko.

"My pleasure."sagot niya. Tumingin naman ako kay Fin na inaaway parin nila Leona at Liana.

Maya maya lang ay naka ramdam kami ng lindol kaya napa hawak ako sa pader pero hindi pala pader yung nahawakan ko kundi yung dibdib ni Creed, nanlaki ang mga mata ko kaya binawi ko ang pagkakahawak ang kaso na out of balance ako dahil sa sobrang lakas ng lindol. Matutumba na sana ako ng may maramdaman akong humatak sa bewang ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang sea green niyang mga mata.

"Wag kang gagalaw, mahihilo ka."sabi niya kaya napa lunok ako. Sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Tama na Fin!"sigaw ni Leona kaya napa tingin kami sa dereksyon ng tatlo at nanlaki ang mga mata ko ng makitang naka lutang si Fin sa ere at may mga naka pulupot sa kanyang mga halaman.

Ng tumigil ang lindol ay itinayo na ako ni Creed.

"are you okay?"tanong niya.

"Oo, thank you ulit."sabi ko at napa kamot sa ulo.

"My pleasure again."naka ngiting sabi ni Creed.

"Ang hilig mo talaga mag palindol ano? Eh kung nagiba tong vampire high at nadaganan silang lahat?!"inis na sabi ni Leona at inutusan yung mga halaman na umalis kay Fin. Nahulog naman mula sa itaas si Fin kaya nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pag babagsakan ni Fin.

Babagsak sya sa knife area.

Halos lahat ng nanunuod ay nanlaki ang mga mata. Maging sila Liana at Leona ay nanlaki ang mga mata.

Habang ako ay napa pikit ng marinig ang sigawan ng lahat. Hinihiling na sana ay walang masamang mangyare kay Creed, nanatili lang akong nakapikit ng ilang minuto hanggang sa wala na akong marinig na ingay. Buong area ay sobrang tahimik. Parang may dumaang anghel na ewan.

Kaya naman dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nagulat sa tumambad saking paningin.

Lahat sila ay naka tigil, naka hinto at hindi gumagalaw. Napa lingon ako sa paligid anong nangyayare?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height