Vengeful Roses/C1 When Fate Crossed Again
+ Add to Library
Vengeful Roses/C1 When Fate Crossed Again
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 When Fate Crossed Again

“Girls, remember my words. Be graceful and just relax," ani ni Tin sa mga babaeng nasa dressing room na gaya nila ay halatang tensyonado na. Ang kanyang mga disenyo kasi ang ibibida ng mga modelo mamaya sa gaganaping fashion show.

“Ms. Tin, hindi ko talaga maiiwasan. Baka kasi magkamali ako mamaya sa pagrampa pero gagalingan ko pa rin dahil baka mabigwasan pa ako ni Madam Z.” Hagikhik ni Letisha, ang tinutulungan niya ngayong magbihis.

“Kaya niyo iyan. Kayo pa ba? You are Madam Z’s girls.” Kinindatan pa niya ito.

“We will do our best to showcase your beautiful creations, Ms. Tin. You won’t be disappointed.” Pagmamalaki naman ni Arian na siyang pinaka-sassy sa lahat ng mga modelo.

Ngumiti lang siya sa kanila at tiningnan ang kanilang mga ayos bago magpaalam. Iniwan niya ang mga ito na kasalukuyan pa ngayong nag-aayos ng kani-kanilang mga kolorete. Nang makalabas ay saka siya humugot ng malalim na hininga. Dito na makikita sa kanyang mukha ang pagkabalisa at pagod. One week na kasi siyang hindi nakatutulog ng maayos.

Hindi madali ang ginawa nilang preparations kasama ang kanyang team para lang sa event na gaganapin ngayong araw na ito. Doble ang kaba niya sa kabila ng kanyang kompiyansa sa kanyang mga gawa dahil sa isang kilalang promotional company ang kanilang kahaharapin at pagbibidahan.

Ngayong araw na ito ay ipaparada na ng mga modelo ni Madam Z sa runway ang mga newly designed ethnic gowns ni Valentina Cervantes. Isa siyang aspiring designer na nangangarap na makilala sa mundo ng fashion industry. Kung sakaling makuha niya ang inaasam-asam ay dito na magsisimula ang katuparan ng lahat ng kanyang mga pangarap.

Ligalig siya sa totoo lang dahil hindi basta-basta ang promotional company na kanilang kinakaharap ni Madam Z para lamang makuha ang kontrata nito. Ang Moore Promotions ay ang isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa. Bukod sa pagpo-promote ng iilang mga kilalang brand locally at maging sa abroad ay sila rin ang soon na magpo-promote ng creations ni Tin at maaaring i-model pa ang kanyang designs worldwide kung siya ay papalarin pero sa kabilang banda ay hindi rin siya lubos na masaya sa mga pangyayari although naniniwala siyang malaking blessings ito para sa kanya dahil nagbabakasali siya na sa pamamagitan ng Moore Promotions ay mabibigyan na ng tamang spotlight ang kanyang talento.

Sa katunayan pa nga niyan ay sadyang pinilit lang talaga siya ni Madam Z na kagatin ang kontratang ini-offer ng Moore Promotions since baguhan pa lamang siya sa larangang pinasukan at isa pa, makaka-benefit silang dalawa rito. Isang malaki ring karangalan para sa ahensya ni Madam Z ang Moore Promotions; ito ang pangarap ng karamihan sa mga modelling agencies sa bansa at para na rin sa mga tulad ni Tin na nangangarap at nangangapa pa lamang sa kanilang piniling karera.

Kasalukuyang pinagmamasdan ngayon ni Tin ang mga gawa niya. Inspired ang mga iyon sa mga ethnic dresses dito sa bansa. Ito ang pinakaunang pagkakataon na makikita niyang ipaparada sa runway ang kanyang mga gawa sa harapan ng maraming tao. Noon, pangarap niya lang naman ito pero sa dahan-dahang hakbang ay malapit na siya sa kalagitnaan. Unti-unti nang nagbubunga ang lahat ng pinaghirapan niyang buuin.

Napadako siya sa malaking salamin at pinagmasdan ang sarili. May straight at mahaba siyang mga buhok na pinakulayan niya ng ash gray, may maputi at makinis siyang balat na halatang inaalagaan ng mabuti, maganda ang hugis ng kanyang maninipis na mga labi na bumagay sa kanyang maliit na mukha, may balingkinitan siyang katawan, tindig at tangkad na pang Beauty Queen ang awrahan. Sa totoo lang ay perfect siyang maging isang model o sumali sa patimpalak ng mga Beauty Pageant.

Sa kabila ng lahat ay alam niya sa sarili na hindi siya ang tipo ng babaeng masasabi mong sobrang ganda na nakalalaglag ng panga gaya ng mga naggagandahang TV Personalities subalit ang hindi niya alam, para sa kanyang mga kasamahan ay may kakaiba talaga sa kanya kaya siya ay madaling mapapansin ng karamihan.

Hindi man mataas ang social status niya sa buhay, she has this so-called elegance and class. She’s almost perfect; talented, matalino, mabait, hindi egoistic na tao, marunong makinig sa mga payo ng iba at ginagamit ito para sa sariling kapakanan at kabutihan. She has pride too but she knows well on how to handle it carefully.

Tumahip ang kanyang puso kaya siya ay napabalik sa kanyang sarili mula sa pagmumuni-muni. Muli ay namuo ang takot sa kanyang kabuuan nang maalala ang kontrata ng Moore Promotions. Si Madam Z ay ang kanyang itinuturing na legal guardian, ito ang naging dahilan ng kanyang muling pagbangon mula sa pagkalubog sa putikan. Nais niyang makuha nito ang kontrata mula sa nasabing kompanya ngunit may isang bagay ang talagang bumabagabag sa kanya.

Paulit-ulit na sumisigaw ang kanyang utak; paano kung malalaman ni Mr. Peterson Moore na siya pala ang may-ari ng ipaparadang designs mamaya? Paano kung alam na pala niya na si Tin at si Valentina Cervantes ay iisa? Or worse ay paano rin kung malaman niyang anak-anakan pala siya ni Madam Z at mauunsiyami ang pangarap nitong makuha ang kontrata ng naturang promotional company? Napabuntong-hininga na lamang siya sa kanyang mga naiisip na posibilidad.

Natatakot siyang masira ang career niya at madamay si Madam Z sa kanyang kamalasan oras na malaman ni Mr. Peterson na siya ang babaeng nakaharap nito five years ago. Ito ang araw na kinatatakutan niya kaya dalawang linggo siyang niligawan ni Madam Z para lang mag-apply sa advertisement na ipinalabas ng Moore Promotions. Gusto nito na makilala ang galing niya sa larangan na kanyang pinili pero ang hindi maintindihan ni Tin ay sa dinami-dami ng mga sikat na promotional company sa bansa ay doon pa talaga naisipan ni Madam Z na mag-apply.

“Talaga bang may balak si Madam na ipahamak ako o ang sarili niya? Nagkamali ba ako? Dapat ba ay ipinaalam ko sa kanya ang tungkol kay Mr. Peterson?” Sa hinuha niya kasi ay kapag alam lang nito ang nakaraan nilang dalawa ni Peterson ay baka hindi nito maisipang ipagtulakan siya sa patungo sa greatest fear niya.

Five years ago ay nagkaroon ng misunderstanding sa pagitan nina Tin at Peterson. Unang pagkikita nila ng binata sa isang hotel kung saan siya nanunuluyan at tumutulong sa pag-aasikaso ng mga hotel guests. Noong nagtagpo ang kanilang mga mata ay alam ni Tin na ito na ang lalaking hinahanap niya. Iba ang nararamdaman niya para rito.

Ang gabing iyon ang isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay niya. Kahit na hindi sila pormal na nagkakilala, alam nilang dalawa ang kanilang nararamdaman para sa isa’t-isa. Akala niya ay tuloy-tuloy na ang pantasya niya noong gabing iyon. Malakas kasi ang hinala niyang magkikita pa silang muli dahil mukhang interesado talaga ito sa kanya at hindi nga siya nagkakamali. Isang oras lang ang itinagal at nagtagpo ulit sila sa hindi inaasahang pangyayari na ikinalumo niya ng husto.

Para sa kanya, iyon din ang gabi kung saan nauwi sa bangungot ang lahat para sa kanilang dalawa ni Peterson. Ipinapanalangin pa niya na sana ay huwag nang magtagpo pa ang kanilang mga landas ngunit tila ba pinaglalaruan siya ngayon ng tadhana dahil kahit iwasan pa niya ay babalik at babalikan pa rin siya ng multo ng kanilang nakaraan. Hindi niya alam na sa pinili niyang landas ay magtatagpo pa rin pala ulit sila ng daan.

Para kay Tin, hindi pa siya handang makita si Peterson dahil alam niyang galit na galit pa rin ito sa kanya. The last time na nagkita sila ay halos umuusok ang ilong at tainga nito na para bang gusto na siya nitong patayin sa tingin pa lang. Noong gabing iyon ay wala siyang ibang hiniling kung hindi ay bumuka ang lupa at lamunin nalang siya ng buo.

Napapitlag siya dahil sa biglaang paghawak ni Madam Z sa kanyang balikat. “M-Madam! Kayo pala. Pasensiya na at hindi kita napansin.”

“I saw you after I checked for my girls and you look so bothered. What’s up?” Relax na relax pa ito kung magsalita. She used to admire Madam Z aside from the fact that she’s her mentor. She’s also blessed with a perfect and fit body. Kahit kasi anong kainin nito, laging nami-maintain ni Madam ang ka-seksihan nito.

“I’m fine, Madam. Don’t worry about me.” Pilit siyang ngumiti.

“Liar.” Umirap pa ito.

“Kinakabahan lang talaga ako. What if I fail? What hindi nila magustuhan ang gawa ko? Madam, there’s a possibility that I won’t make it.” Pag-amin niya habang nilalaro ang kanyang nanginginig na kamay.

“Being paranoid won’t help you. This is your time to shine.” Tinapik nito ang balikat niya na para banag ang laki ng tiwala nito sa kanya. “Kung hahayaan mong magpakain sa emosyon mo, matatalo ka. I don’t want my girls to go down and I don’t want to see you down again.”

“Pero kasi Madam, don’t get me wrong but hindi nawawala ang pressure sa ibabaw ng ulo ko.” Pagsimangot niya rito.

Tumaas ang kilay nito at namewang pa. “Ano ka ba, normal lang naman na kabahan ka at kahit ako ay kinakabahan din. Parte iyan ng pagiging tao natin. Sasabihin ko sa iyo na mas mag-alala ka kung wala ka nang mararamdamang kahit na anong emosyon diyan sa sarili mo.”

“Pero Madam—”

“Tigil-tigilan mo ako sa mga ganyan mo, Valentina. Always keep your head high! I’m not going to tell you twice." Putol nito sa sasabihin niya pa sana.

“Sige na nga po. Pupuntahan ko lang muna sila bago ako lalabas saglit para tingnan kung ready na ba ang lahat.” Humugot muna siya ng malalim na hininga at naglakad na papunta sa mga nakahilirang modelo. Nginitian niya ang mga ito na kunwari ay kalmado lang siya. Pinagsabihan pa niya ang mga ito na dapat ay confident lang at huwag na mataranta.

“Take my advice girls, dahil kadalasan ay hindi ko ito ginagamit.” Bulong niya sa kanyang sarili bago ngumiwi. Nakatingin siya ngayon sa kanyang baklang kaibigan na nagbigay ng cue na magsisimula na ang show.

“Girls! This is it. Magsisimula na.” Anunsyo niya sa mga modelo at bumuntong-hininga naman ang mga ito bago itinaas ang mga ulo. Dito na makikita ang professionalism na taglay nila.

Sumilip pa talaga siya habang rumarampa si Arian na suot-suot ang isang makulay na gown na inspired sa mga Tausog na naaadornahan ng sequins. Graceful itong naglakad sa red carpet habang ibinibida ang suot na gown na napapalibutan ng patterns at realistic figures. Hinding-hindi nawawala sa mukha ng magandang modelo ang matatamis at dalagang Pilipinang mga ngiti.

Sumunod naman si Letisha na may suot-suot na knee-length Manobo dress na mixed color ng red at black at mahahalata mong good quality ang telang ginamit dito. Mas hinangaan pa niya ang damit nang makita ang embroidery sa unahan ng blusa, ang perfect oval neckline nito at ang saya nitong kakulay din ng blusa na ginamitan niya ng geometric patterns.

Bagay na bagay din ang headdress sa kanya na gawa sa wooden rod, mga yarn na pula, puti, dilaw at itim samantala ay ginawa niyang finishing touches ang beads at mga sequins. Napangiti kahit papaano si Tin habang tinitingnan ang napakaganda niyang design na first time na naibida sa runway. Sa ayos niya ngayon ay nagmumukha siyang proud na magulang na kulang nalang ay mapunit ang mga labi niya sa kangi-ngiti.

Hindi siya nagsisisi sa mga alaga ni Madam Z dahil perfect itong magdala ng kanyang mga designs. Magarbong ibinida ng mga ito sa carpeted platform ang mga ethnic gowns and dresses niya na ngayon ay umaani ng samot-saring reaksyon mula sa mga audience lalong-lalo na sa mga mata ng mga kritiko.

Hindi niya namalayang napalabas na pala siya sa backstage at humalo na siya sa mga tao habang nakatingala at kumukuha ng litrato gamit ang kanyang cellphone nang may naramdaman siyang parang may nakatitig sa kanya kaya napalingon siya na kanyang pinagsisisihan ng husto. Biglang tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo nang makita ang isang pamilyar na mga matang kulay itim na malamig na nakatitig sa kanya. Hindi pa rin malilimutan ni Tin ang mga matang iyon; puno ng panlalait at mga panlilibak. Malayo man sa kinaroroonan niya ang mga matang iyon ay kilalang-kilala niya pa rin kung sino ang nagmamay-ari nito.

“Oh no! Nandito siya! Ano na ang gagawin ko?” Sigaw niya sa kanyang utak. Tarantang-taranta siya at hindi niya alam ang kanyang dapat na gawin. Muntikan pa siyang masubsob sa kanyang pagmamadaling makalayo.

Five years ago nang mangyari ang insidenteng iyon pero hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa mga mata niya ang mga titig ni Peterson na para bang ang baba ng tingin nito sa kanya. Malayo sa mga tinging ipinukol nito noong mga panahong aksidente silang nagkayakapang dalawa sa loob ng hotel room nito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height