Vengeful Roses/C10 Dinner Invitation
+ Add to Library
Vengeful Roses/C10 Dinner Invitation
+ Add to Library

C10 Dinner Invitation

Patuloy pa rin na pinag-uusapan sa loob ng dressing room ng PD Montello Salon ang tungkol kay Peterson at ang mga tipo nitong babae. Napuno na rin ng tukso si Tin dahil dito at ang ending ay naging uncomfortable na tuloy siya. Hindi na nga siguro mabilang ang mga tili na pinakawalan ng karamihan dahil sa sobrang kilig. Pakiramdam niya tuloy ay parang sumikip ang dressing room dahil sa pagkailang.

“Alam niyo, hindi mabuting pag-usapan si Mr. Peterson dito at isali pa ang personal niyang buhay. Hindi rin dapat na maniwala kayo agad sa mga nababasa at nakikita ninyo sa mga palabas at mga pahayagan. Malay ninyo at hindi naman talaga ganoon iyon. Ang media, kadalasan ay exaggerated masyado. Masyado ring clickbait para maraming makiusyoso.” Patutsada niya.

“Oh my goodness! Miss Tin, did you hear yourself? Ayiee, pinagtatanggol niya si Sir Peterson.” Ngumisi si Sabrina ng nakaloloko. “So ano na? If ever ba, may pag-asa siya? Golly, how to be you po? Prayer reveal naman diyan.”

“Skin care reveal kamo.” Singit naman ni Kim na kumikindat.

“Nah! Tigilan niya nga ang katotokso niya sa akin. The thing is that, nirerespeto ko ang privacy ng mga tao. Alam nating lahat na maraming katiwalian ang nangyayari sa industry nila na sa mga mata natin ay tama but it’s a hoax which people believed in the first place. Lahat nalang kasi ng makikita at mababasa natin ay pinaniniwalaan agad. Malay mo at baka scripted, hindi ba?” Depensa niya sa kanyang sarili.

“But you have to believe me. May gusto siya sa iyo. Babae ako at alam ko iyon. Malakas ang kutob ko.” Pangungumbinsi naman ni Diana. Tumango-tango naman si Sabrina na nagtatanggal ngayon ng hikaw. Napailing-iling nalang siya dahil sa hinuha niya ay hindi talaga siya tatantanan ng mga ito kaya nagmamadali nalang siyang magligpit ng mga gamit.

“Girls, I need to go at kung ano man ang nasa utak ninyo ngayon, sarilinin niyo nalang, okay? Wala siyang intensyong kakaiba sa akin in a romantic way so please spare me.” Tumayo siya at agad na naglakad palayo na hindi na hinintay pa ang mga kasunod nitong sasabihin. Nais niyang takasan ang mga ito dahil hindi na siya komportable sa pagsi-ship nila sa kanya kay Peterson. Nagmamadali naman siyang magpaalam kay Mrs. Montello na ngayon ay busy pa rin sa kanyang opisina.

HINDI alam ni Tin kung pinaglalaruan ba siya ng tadhana kasi mukhang nagdilang-demonyo nga si Diana kanina. Naging totoo ang mga sinabi nito sa kanya. Hindi niya inaasahan na ganun kaaga darating ang pang-aasar lang sa kanya ng mga modelo ni Mrs. Montello kani-kanina lang. Tumunog kasi ang kanyang doorbell at nang buksan niya ang pinto ay nakita niya si Peterson Moore na nakatayo sa kanyang doorstep habang nakapamulsa.

“Mr. Moore?” Gulat na bungad niya rito. Nanlaki pa ang kanyang mga mata dahil sa hindi inaasahang bisita.

Bahagyang tumaas ang kilay nito. “Nice to see you again, Valentina. By the way, you look stressed. Ayos ka lang?”

“At bakit ka nandito?” tanong niya sa lalaki na hindi pinansin ang tanong nito.

“Hindi mo man lang ba ako papapasukin?” tanong nito pabalik sa kanya.

“H-Hindi ka naman masamang tao, hindi ba?” Kinakabahang tiningnan niya ito. Naninigurado lang siya lalo pa at malalim ang galit nito sa kanya.

Tumawa ito ng malakas kaya lihim siyang napairap. “Oh, good heavens! Wala akong masamang binabalak sa iyo. If you want, you can inform someone na nandito ako sa bahay mo just in case na may balak nga akong hindi maganda sa iyo at kung talagang may binabalak ako, I would never use my own hands to commit a crime at dapat din ay matagal ko na itong ginawa. Relax.”

“Sorry. Just making sure.” Tiningnan niya ito ng matiim.

“You can call the police if you want to.” Nag-cross arm pa ito. Lihim na kinurot ni Tin ang sarili. Napalunok siya nang malamang nandito nga ang lalaki at hindi siya nananaginip lang. Pinapasok niya ito sa kanyang bahay sa kabila ng agam-agam at tahimik lang siyang pinagmasdan ito.

Hindi siya makapagsalita dahil parang may bumabara sa kanyang lalamunan. Nasa harapan niya ngayon ang isang lalaking matangkad at matipunong Chairman and CEO ng Moore Promotions. Mukhang galing pa ito sa trabaho dahil nakasuot pa ito ng suit gaya ng suot nito kaninang umaga noong bumisita ito sa PD Montello Salon.

Hindi niya maintindihan ang sarili dahil imbis na matakot sa lalaki in a negative way ay parang mas natakot pa siya sa sarili dahil mukhang palala na nang palala ang paghanga niya rito this past few days. Hindi niya kasi namamalayan na habang tumatagal ay binibigyan na niya ng meaning ag mga sulyap nito sa kanya. Natatakot siya sa naisip. Mukhang makakain niya yata ang salitang hindi siya magpapakabaliw dito. Lihim siyang nagdasal na sana ay hindi siya aabot sa puntong iyon.

Aware siya sa tinging ipinukol ni Peterson sa kanya. Mas lalo pa siyang na-intimidate nang malamang hinagod pa talaga siya ng tingin ng lalaki mula ulo hanggang paa. Agad niyang sinalubong ang mga mata nito pagkatapos at tinaasan ng kilay. Pinakaayaw niya kasi sa lahat ay ang tingnan siya ng ganun.

“What? I didn’t do anything.” Depensa nito.

Hindi niya maiwasang irapan ito dahil naiinis siya. “Bakit ka nandito?”

“Surprise?” Ngumiti ito sa kanya kaya nagtaka siya.

“Ano na naman kaya ang pakulo ng lalaking ito ngayon? Pati ba naman dito ay sinusundan ako?” Bulong niya sa sarili.

“Anong ginagawa mo rito?” muling tanong niya habang nakakunot ang noo. Naisip niya na hindi ito pupunta rito na walang sapat na dahilan.

“Hindi pa ba malinaw sa iyo ang lahat? Hindi ba at sinabi ko na sa iyo na mas madalas na tayong magkikita?” Umigkas ang isang kilay nito.

“I know but I thought we will often see each other sa workplace pero hindi rito sa bahay ko.” Matalim niya itong tiningnan. “Paano mo nahanap ang bahay ko? Stalker ka ba? Ire-report kita.”

“Does it matter?” Tila nang-aasar pa ito sa kanya. “Go on!”

“Of course it does. It’s my privacy, remember?” Tinaasan din niya ito ng kilay. Sa puntong ito ay hindi na siya magpapatalo rito.

“Wow! May privacy ka pa sa lagay na iyan?” Tumawa ito ng mapakla. “Nice.”

“Whatever! Anyways, what are you doing here? Are you up to something na naman?” tanong niya rito habang pinipigilan ang sariling bulyawan ito.

Ngumisi ito ng nakakaloko. “Guess what?”

“Hindi ko inakalang pati rito ay masusundan mo ako.” Bulalas niya. “Wala rin akong ganang makipaghulaan sa iyo ngayong gabi. Isa pa, hindi ako manghuhula.”

Inilibot nito ang paningin sa paligid. “Calm and aesthetically beautiful. I love your place and taste.”

Bumuntong-hininga siya. “Yeah, thanks.”

“And white suits your soul very well. Amazing.” Ngumiti ito pero hindi alam ni Tin kung compliment ba iyon o pang-uuyam. Sa mga oras na ito ay gusto niyang undayan ng mga sapak ang mukha ng kaharap.

“What are you really implying, Mr. Peterson?” Banat niya pero sa mababang tono na wari mo ay nagbabanta. Malapit na rin kasi siyang mapikon dito.

“Nothing. Just got here to ask you kung nakapag-dinner ka na ba?” It’s not a question but more like a statement.

Maang na napatingin siya rito. “Kasasalang ko lang ng fried chicken sa air fryer tapos may dumating na asungot.”

“You’re calling me a what?” aliw na tanong nito.

Umirap siya at nakita na naman niya ang amusement sa mga mata nito. “You heard it right. Kailangan pa bang ulitin? So you came all the way here to ask that?”

“Just checking if you’ve eaten dinner and you said hindi pa.” Ngumisi pa ito.

“Iyon lang? Magdi-dinner ako after mong umalis kaya go.” Pagtataboy niya rito na agad ding napatigil dahil sa kanyang inasal. “I-I didn’t mean to offend you, Sir pero kasi may gagawin pa ako.”

“Nagugutom na ako,” saad nito na parang balewala lang ang pagtataboy niya.

“Ha?” Napamulagat siya nang tingnan niya ito. Sa pagkakatanda niya ay hindi kainan o isang restaurant ang kanyang bahay kaya nagtataka siya kung bakit siya ang pinuntahan nito. “With all due respect, Sir pero wala po akong nilutong special kasi pagod ako sa trabaho kaya hindi po kita mapapakain…”

“Let’s go out.” Yaya nito sa kanya sa isang kaswal na tuno na para bang nagyaya lang ito ng isang kaibigan para lumabas.

Hindi niya alam kung ginu-good time lang ba siya ng lalaking ito o talagang seryoso ito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya nito niyayang lumabas. Ang alam lang niya ay may dahilan ito. Iniisip niya kung ano iyon at bakit kailangan pa nilang lumabas na dalawa. Kung ano man iyon ay ito lang ang nakakaalam. Bigla tuloy siyang kinabahan.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height