C16 The Polaris: Comfort and Home
Alas otso na narating ni Tin ang PD Montello Salon dahil sa traffic. Nagpapasalamat siya at malapit lang ito sa opisina niya. Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ay hindi niya maiwasang marinig ang mga bulong-bulungan ng mga modelo at ang kakaibang tingin ng mga ito. Alam na niya kung anong iniisip nila kaya napatungo nalang siya dahil sa hiya