C18 Pamela's Weaving
Habang lulan ng sasakyan pauwi ay namayani kina Tin at Peterson ang katahimikan na lagi naman talagang nangyayari. Kung sina Rusty at Ginger ang kasama niya ay ayos lang sa kanya kasi nasanay na siya na tahimik lang silang tatlo kaya walang awkwardness pero iba ang sitwasyon nila ni Peterson. Hindi alam ni Tin ngunit parang hinihiwa na naman sa sakit ang puso niya