Vengeful Roses/C2 Blazing Stares
+ Add to Library
Vengeful Roses/C2 Blazing Stares
+ Add to Library

C2 Blazing Stares

Alam na alam na ni Tin ang klase ng mga tingin ni Peterson sa kanya. Sa kabila ng mga taong lumipas ay alam niya na malinaw pa rin sa balintataw ng lalaki ang eksenang nadatnan nito noon sa silid ng kanyang Kuya, ang asawa ng kanyang nakatatandang kapatid na si Pamela. Alam niyang gaya niya ay hindi pa rin ito nakalilimot. Kahit na ano pang pagmamakaawa ni Tin noon sa harapan nito ay sarado na talaga ang tainga ni Peterson sa kabila ng pagsasabi niya ng totoo.

Nang mga panahong iyon ay walang naniwala sa kanya. Wala taong nagtanggol sa kanya sa harapan ng magkakapatid na Peterson at Pamela. Lubog na lubog siya at pakiramdam niya ang dumi na niya. Hindi siya makapaniwalang ganoon nalang ang kinahinatnan niya. Ni hindi niya maintindihan kung ano ba ang nagawa niyang mali para mapunta siya sa ganoong klaseng buhay.

Napakagat-labi nalang siya at tumungo. Hindi niya kayang salubungin ang mga mapanghusga at mapanuyang tingin ng lalaki kaya nagmamadali siyang umatras at tumalikod dito. Dito niya gustong umiyak pero pinipigilan niya lang ang sarili. Parang bumabalik na naman siya sa eksena noong nakalipas na limang taon. Nakikita na naman niya ang mukha ng dalawang taong nambintang sa kanya kaya ngayon ay galit sa kanya si Peterson sa kasalanang hindi niya naman talaga ginawa.

“Relax, Tin. Kaya mo iyan.” Pampakalma niya sa kanyang sarili na halos nakalimutan ng huminga sa tindi ng emosyong rumaragasa sa kanya ngayon.

Bumalik siya sa dressing room na parang wala sa sarili at napakalalim pa ng kanyang paghinga na para bang may mabigat na nakadagan sa kanyang manipis na balikat. May mga gumigitling pawis na rin na namumuo sa kanyang noo. Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kung hindi ay umuwi nalang at matulog. Para bang tinakasan na siya ng kanyang sarili lakas sa pagkakataong iyon.

Patapos na ang fashion show kaya naman ay hinanda na niya ang kanyang sarili para sa kanyang speech. Medyo nakakahalata na rin ang kanyang PA sa kanyang mabilis na pagbabago ng mood kaya binigyan siya nito ng magandang motibasyon. Nang lumabas na ang dalawang modelong panghuli sa pila ay humugot na muna siya ng malalim na hininga bago ibinalik sa composure ang sarili.

Napuno ng palakpakan ang lahat nang magpaalam na sa runway ang dalawang modelo. Narinig naman ni Tin ang boses ni Madam Z sa microphone na tinatawag siya. Kinakabahan man ay ginawa niya pa rin ang lahat upang maging maayos tingnan ang sarili niya sa harapan ng audience. “Tin, huwag kang maging clown sa harapan ng lahat.”

Sa kalagitnaan ng speech ay muntikan na siyang mawala sa linya kung wala lang siyang hawak na kodigo. Hindi kasi kumukurap ang mga mata ni Peterson na nakatingin sa kanya. Doon sa hulihang bahagi ng kanyang speech ay halatang nag-crack na talaga ang kanyang boses. Naging emosyonal siya pero nabawi naman niya iyon ng isang matamis na ngiti. Matapos ang palakpakan ay nag exit na siya sa platform dahil hindi siya komportable sa mainit na atmosphere na nakapaligid sa kanya at isama pa ang camera at mga media.

Natapos ang fashion show ng mga dalawang oras pero wala pa rin siya sa tamang katinuan. Napansin iyon ni Madam Z pero hindi niya muna ito kinausap dahil busy din ito sa kanyang mga alaga. Saka lang siya nilapitan ni Madam Z nang ipatawag silang dalawa ng Moore’s Public Relations. Sinabi nito sa kanila na malapit na nilang makuha ang kontrata ng Moore Promotions.

Para kay Madam Z ay tila langit ang balitang malapit na niyang makuha ang kontrata pero para kay Tin ay hindi pa yata na process ng utak niya ang pinag-uusapan nila. Sa dami ng mga nangyayari ngayong araw ay hindi niya alam kung ano ang uunahing isipin. Naglakad sila pabalik sa dressing room na wala siyang kakibo-kibo. Hinayaan nalang muna siya ni Madam Z.

Agad na ibinahagi ni Madam Z sa kanyang mga alaga ang good news pagkabalik na pagkabalik nila sa dressing room. “My beautiful goddesses, I am so proud of you.”

“Maraming salamat po, Madam Z,” magkasabay na wika ng mga modelo.

“Guess what? We’re almost there!” masayang saad niya sa mga ito.

Naghiyawan naman sa kilig ang lahat. Excited kasi sila na makapagsuot ng international brand na ipaparada sa runway. “But save that joy. Kailangan muna natin ng confirmation. Let’s keep praying.”

“Kailan malalaman ang resulta, Madam?” Usisa naman ni Elaine.

“Probably by the end of this week!” Pumalakpak pa ito sa tuwa.

Nagsigawan sa kilig ang lahat maliban kay Tin. Mas lalo pa yatang lumala ang anxiety niya at mas lalong bumigat ang nakadagan sa kanyang dibdib. Kahit ang ngumiti ay hindi niya kayang gawin. Hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang mga mata ni Peterson na parang bangungot na bumabagabag sa kanya sa loob ng ilang taon. Ang mga tinging iyon at akusasyon ang siyang nagpako sa kanya ng kusa sa nakaraan.

Hindi pa rin niya nakalilimutan ang mga gabing pinipilit niyang makawala mula kay Gilbert Aresgando at doon siya nahuli ni Peterson sa mismong kwarto nito. Siya ang biktima pero lumalabas na siya pa ang may sala. May mga gabing minsan ay dinadalaw siya ng mga pangyayaring iyon at wala siyang magawa kung hindi ang umiyak nalang nang umiyak.

“Valentina!” Boses ni Madam Z iyon na nagpukaw sa kanya mula sa pag-iisip ng malalim. “Aren’t happy?”

Pinilit niyang ngumiti. “Of course. We’re so close to the spotlight.”

“I knew you. Papunta ka pa lang, pabalik na ako,” saad niya na may halong pang-uusisa.

“N-Naghalo lang po ang saya, tensiyon at lungkot dahil sa mga past experiences ko pero huwag po kayong mag-alala dahil okay lang po ako.” Muli ay nginitian niya ito. Alam ni Madam Z ang masalimuot na nangyari sa kanya five years ago pero hindi niya ikinuwento rito ang tungkol kay Peterson. Hindi niya iyon kayang pag-usapan.

Napabuntong-hininga ito. “Darling, what’s past is past. Hindi na natin maibabalik pa ang mga panahong naging mitsa ng ating pagkalugmok at pagkasira para baguhin pa ito. Ngayon, kailangan nating matutunan na mag move forward para na rin iyan sa ating kapakanan. Free yourself and do not live in your past.”

"Twenty-five ka na at sa tingin ko ay sapat na ito para matuto ka upang hindi na maulit pa ang nangyari dati. I can't say na kalimutan mo na ang backstory mo, ang akin lang is kailangan mong unti-unting pakawalan ang kahapon para tuluyan ka nang makawala sa pagkakagapos. Ang sugat, hindi iyan maghihilom kapag lagi mo pa ring sinusunggal.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi.

“Maraming salamat, Madam.” Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat nito.

“Sige, umuwi ka na muna at magpahinga. Huwag magpuyat masyado upang hindi magkaroon ng distractions sa ilalim ng iyong mata at upang hindi rin masira ang kutis.” Pagpapaalala nito sa kanya.

“Copy over and out, Ma’am!” Saludo niya rito. “Kakausapin ko lang saglit ang mga bisita sa labas bago ako uuwi.”

Nilapitan muna ni Tin ang kanyang PA na si Ginger at ang kaibigang bahaghari na si Rusty na buddy niya sa paggawa at pag-iisip ng mga konsepto. Magaling din itong designer at makeup artist slash photographer. Tulad ni Tin ay mahal din nito ang fashion.

“Maaasahan ko ba kayo rito? Pwede bang kayo na ang bahala sa mga dapat na aasikasuhin?” Pakiusap niya kay Ginger. Isa sa mga makeup artist dati si Ginger sa Gomez Salon nang magkakilala silang dalawa pero kinuha siya ni Tin as her Personal Assistant dahil nakikita niyang may potential ito at naging magkaibigan na rin sila lalo at ito ang lagi niyang makeup artist kapag summer season noon.

“Of course, maaasahan mo kami ni Rusty dito,” saad naman nito, “magpahinga ka na. You look so tired.”

“Maraming salamat!” saad ni Tin bago nilapitan si Rusty para magpaalam at magbilin.

Napabuntong-hininga na lamang siya habang papalabas sa dressing room. Lihim siyang nagdadasal na sana ay wala na sa paligid si Peterson. Puno ng iba’t-ibang emosyon ang puso niya; takot, pag-aalala, pangamba, pagkalumbay, pagsisisi at kasama na rin doon ang hiya kahit na wala naman talaga siyang dapat ikahiya rito.

Kinausap niya muna ang mga bigating bisita, ilang mga editor ng mga local magazines at ang media. Kaunting pictorials at chit-chats lang ang naganap kasama na roon si Madam Z. Panay din ang ‘congratulations’ ng mga nakasasalamuha niya towards her creations.

Lihim ang pasasalamat niya nang hindi na mahagilap ng mga mata niya si Peterson. Doon siya nakahinga ng maluwag. Paalis na siya habang nagmamadaling maglakad palayo dahil sa pag-aakalang baka nagtatago lang ito. Sa ngayon ay hindi pa siya handang makaharap ito ng malapitan at baka ipahiya pa siya nito kapag nagkataon.

“Excuse me!” Tawag ng isang boses kaya napatigil si Tin sa paglalakad. Lumingon siya rito at bumungad sa kanya ang isang matangkad na babaeng nasa late 50’s na yata at nakasuot ng isang black fitted dress. “Ms. Cervantes, right?”

“Uhm, hi! Yes, I am.” Tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay.

Nang tingnan niya ang mukha nito ulit ay napanganga nalang siya. Biglang nag flash sa utak niya ang isang fashion magazine na nabasa niya noon sa bagong edition. Isang back-to-back collaboration iyon ng isang sikat na couturier na si David Estallon at isang designer na nag-ngangalang Holly Warrens.

“Y-You are Ms. Holly Warrens, right?" Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig dito.

“Yes. I’m Holly Warrens. Isa akong Filipino-Australian designer na naka-base rito sa Philippines. Mukhang tama nga si Zara sa kanyang pinagyayabang sa akin.” Puri nito sa kanya.

“Magkakilala po kayong dalawa ni Madam Z?” manghang tanong niya rito dahil hindi ni minsan binanggit ni Madam Z ang tungkol kay Holly Warrens.

Tumango ito. “She's my schoolmate noong nag-aaral pa kami sa London and that woman is kind of a magnet pagdating sa mga lalaki. I wonder why she didn’t marry one of them.”

Napatawa naman si Tin. Matagal na siyang nagtataka kung bakit hindi man lang nag-aasawa ang kanyang mentor gayong maganda naman ito. Ang lagi kasi nitong sinasabi sa kanya ay focus daw ito sa trabaho kaya lagi niya nalang ipinagpalagay na baka ito ang isa sa dahilan kaya wala na siyang time sa pakikipag-date. Masyado rin kasi itong hands-on sa pagpapatakbo ng kanyang modelling agency.

“Hindi ko po alam na magkakilala kayo kasi wala po siyang nabanggit sa amin tungkol sa’yo.” Ngumiti siya rito ng matamis.

“I'm glad to see you. Ang dami kong nasasagap na good reviews about you galing kay Zara and I can’t blame her. I just want to say na I am so impressed. Rooting for your successful journey." Napangiti si Tin dahil sa sinabi nito.

“Oh, thank you very much. This mean a lot to me.” Nahihiya siyang nagbawi ng tingin mula rito.

Tumikhim ito bago nagpatuloy. “Work with me in the future. I am willing to help you. I’m not saying you’re not promising but alam kong may mas igagaling ka pa. We will learn together. Like you, I am still learning kahit sa edad kong ito and one more thing, I am a supporter of an aspiring individuals kung makikita ko sa kanila ang dedication at pagmamahal nila sa kanilang ginagawa.”

Buhat doon ay napanganga si Tin at hindi niya alam ang sasabihin. It’s her first time na makatagpo ng ganitong senaryo at hindi niya alam na sobrang nakatataba pala iyon ng puso pero nakakakaba rin at the same time. Hindi rin niya maikakaila sa sarili na marami pa siyang kakaining bigas pero handa siyang sumugal para sa kanyang mga pangarap.

“Really? I would gladly take that as a compliment, Ma’am.” Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari ito ngayon sa kanya.

“I’m glad to know na mataas ang tolerance mo sa criticism.” Napangiti ito. “Pasensya ka na kasi pranka lang talaga akong magsalita.”

“I am always open for criticism.” Gusto niya pa sanang idagdag na gawa siya sa dalagang bakal pero ayaw naman niyang magmukhang proud sa harap nito.

“Very professional.” Bakas ang paghanga nito sa kanya.

“Thank you so much, Ma’am.” Ramdam niya ang pamumula ng pisngi.

“Nakatutuwa ka naman. Alam mo ba na ganyang-ganyan din ako noong kabataan ko pa? Isa rin sa dahilan kung bakit kita nilapitan ay dahil nakikita ko ang sarili ko sa iyo. I mean, would it be great to work with someone who can relate to your craft and with the same interest as yours?”

“It’s perfect, Ma'am!” Isang wagas na ngiti ang iginawad niya kay Holly Warrens.

Nagpaalam siya ritong nakangiti ng malapad habang papaalis sa Gomez Salon. “Thanks God for serving good dish in my table today despite of serving me a bitter onion soup,” sabi niya sa sarili bago nakangiting naglakad muli.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height