Vengeful Roses/C3 The Trippy-Trap
+ Add to Library
Vengeful Roses/C3 The Trippy-Trap
+ Add to Library

C3 The Trippy-Trap

Dinner time, akala ni Tin ay tuloy-tuloy na ang saya niya nang gabing iyon pero nagkakamali pala siya nang tumawag sa telepono si Mr. Gilbert at nagpahatid ng pagkain sa kanyang kwarto dahil wala raw ito sa mood na lumabas. Si Tin na naman ang naghatid ng pagkain at hot tea na siyang request ng lalaki. Nasa comfort room ang lalaki nang bigla nalang itong sumigaw at humingi ng saklolo. Hindi alam ni Tin ang gagawin pero nilapitan niya pa rin ito at tumambad sa kanya ang guest na nakasalampak sa sahig at umuungol sa sakit ng tiyan. Agad na nilapitan niya ito at inalalayan papunta kanyang kama.

“Oh my god, Sir!” Nagpa-panic na bulalas niya. “Napaano po ba kayo?”

“H-Hindi ko alam, Ma’am—” Umungol ang lalaki dahil sa sakit at dumapa sa kama habang nanginginig. Mas lalo siyang naalarma at hindi malaman ang gagawin.

“Gosh! Anong gagawin ko?” Nanlalaki ang mga mata niya at nagsimula na siyang pawisan ng malapot. Ito ang pinakaunang insidente na na-encounter niya at wala siyang ideya sa kanyang dapat na gagawin.

“T-Tulungan mo ako. Parang awa mo na.” Daing nito habang humahagulhol. “Pakiusap, tulungan mo ako. Ang sakit ng tiyan ko.”

“I-Ito na po. Saglit lang talaga.” Sumisigok na rin siya at nagmamadaling dinampot ang telepono sa side table.

“Ano ang ginagawa mo?” tanong ni Mr. Gilbert nang makitang dinadampot na niya ang telepono.

“Tatawag ho ako sa reception. Kailangan mo ng doktor, Sir. God, kailangan mong madala sa ospital sa lalong madaling panahon.” Natatarantang nag-dial siya pero hinablot nito ang kanyang kamay ng marahas.

“Sa tingin mo ba talaga ay kailangan ko ng doktor?” Singhal nito sa kanya at tumawa na parang isang demonyo. Nagbago bigla ito. Para bang may mahika na nawala nalang bigla ang iniinda nito. Nanlaki ang kanyang mga mata.

“P-Po? Anong ibig niyong sabihin?” Umiling-iling siya. “Sir Gilbert, hindi po kita maintindihan. Hindi ba masakit ang tiyan mo kaya mo at humihingi ka ng tulong? Kailangan mong magamot dahil baka may kinalaman ang pagkain—”

“Ikaw. Ikaw ang kailangan ko. Ang manhid mo naman kung hindi mo iyon nararamdaman. Manhid ka nga ba o mangmang? Hindi mo ba naiintindihan ang mga titig ko sa iyo kanina pang hapon, ha?” Bulong nito sa kanyang tainga dahilan para kumabog ng husto ang kanyang dibdib.

Hindi siya agad nakakilos dahil sa matinding gulat. Hindi rin siya makapagsalita at tila namanhid ang kanyang dila. Para na ring napako ang kanyang mga paa kung saan siya nakatayo ngayon. Gusto niyang humakbang palayo ngunit hindi niya magawa hanggang sa naramdaman niya ang mga haplos nito sa kanyang braso na nagpagising sa kanya.

Tinangka niyang itulak ito ngunit para lang siyang papel kung hawakan ni Gilbert. Patuloy siyang nakipaglaban sa lakas ng lalaki. Diring-diri rin siya sa mapangahas na mga halik nito na pilit niyang iniiwasan. Dito niya naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Kuya noon na huwag magtiwala sa mga lalaking hindi mo naman kakilala at kahit pa sa mga kakilala mo dahil lalaki pa rin sila.

Marahas na napasalampak siya sa malambot na kama at bago pa siya madaganan nito ay sinipa na niya ito sa parte kung saan ito lubhang nasaktan. Napasigaw ito sa sakit at iyon na ang pagkakataon niya para makatakbo na sana pero mas mabilis ang lalaki. Hinablot nito ang suot niyang blusa at sapilitan siya pinahiga habang sinisira ang suot niya.

“Pakiusap, huwag po. Maawa po kayo sa akin.” Pakiusap niya habang patuloy sa panlalaban. Kinalmot-kalmot niya pa ito na mas lalo nitong kinagalit.

Sa kabila ng pagmamakaawa at mga iyak ay tila walang narinig ang lalaki. Hindi niya lubos maisip na halos nakahubad na siya sa harapan ng lalaking hindi niya naman kilala. Inaamin niya na ito ang isa sa pinakamalaking pagkakamaling nagawa niya sa buhay; ang magtiwala ng sobra sa isang estrangherong wala pa namang isang araw na nakilala niya.

Biglang bumukas ang pinto at nasaksihan iyon ng asawa ni Gilbert, si Pamela Moore- Aresgando. Kitang-kita nito ang pagsuntok ni Gilbert kay Tin sa sikmura at rinig na rinig din nito pagmamakaawa ng dalaga pero base sa mga titig ni Pamela ay wala itong pakialam sa dalaga na muntikan nang magahasa ng kanyang sariling asawa. Wala rin itong pakialam sa matinding takot sa mga mata ni Tin. Imbis na tulungan ang dalaga ay bigla nalang siyang sinugod nito at inakusahan sa kasalanang hindi niya naman ginawa.

“Anong ibig sabihin nito? Miss, are you aware that this man is legally married?” Dinuro niya pa si Tin na ngayon ay gulat na gulat sa mga pangyayari. “At ikaw naman Gilbert, pagbabayaran mo ang iyong kataksilan! You and your woman will pay for this!”

“H-Hon...”

“Nahuli rin kita, Gilbert at sa kabutihang palad ay kasama mo pa talaga ang kabit mo.” Tumawa pa ito na parang nababaliw. “Magsama kayong dalawa!”

“M-Ma’am, wala po akong kasalanan at hindi po ako kabit.” Tanggi ni Tin na parang nagmamakaawa.

Sinampal siya nito ng kaliwa’t-kanan. “Ang bata mo pa pero pumatol ka sa may asawa? Anong klaseng babae ka?”

Biglang bumukas ulit ang pintuan at bago pa maipagtanggol ni Tin ang sarili ay bumungad sa kanilang tatlo ang lalaking kani-kanina lang ay nakilala niya sa isa sa mga VIP room. Dito ay muling nadagdagan ang bigat na dumagan sa kanya. Napayakap siya sa kanyang sarili upang takpan ang kahubaran. Sumisisid ang mga tingin ng bagong dating sa buong pagkatao niya na siyang nagpako sa kanya sa kinatatayuan.

“P-Pete?!” Namutla si Pamela nang makita ang kapatid na kapapasok lang.

Nag-smirk ito. “Surprise, Ate Pam? I saw you in the hallway so I followed you.”

“What are you—”

“Maybe I should be the one to ask you. What the hell is going on here?” ani ng baritonong boses nito.

“Pete, let me explain.” Singit naman ni Gilbert.

“Oh, you should. Now, start explaining.” Utos nito na para bang ano mang oras ay manlalamon na ito ng buhay.

“T-This woman is trying to seduce me.” Panimula ni Gilbert bago tumingin kay Tin na galit na galit.

“What? Ano ba ang pinagsasabi mo?” Sigaw naman ni Tin dito. “Hindi ba’t ikaw itong nanlinlang sa akin? Nagpanggap kang may masakit sa’yo at kung hindi dumating ang asawa mo ay baka n—”

“Stop lying!” Putol ni Gilbert sa sasabihin niya sana.

“Kuya, don’t make any false accusations!” tiim-bagang na saad ng lalaking bagong dating.

“Naniniwala ka sa kanya? Naniniwala ka bang magagawa ko ito kay Pam? For Hades’ sake… I’m a married man at hindi mo naman siya kilala kaya paano mo siya mapagkatitiwalaan?” Bumaling si Gilbert kay Tin. “And you, stop forcing yourself to me. Hindi ka na nahiya at talagang tina-target mo pa kaming mga may asawa na. Maraming mga walang pamilya riyan, Miss. I suggest you should go out with them.”

“S-Sir, hindi ko ginawa ang ibinibintang niya sa akin. Marangal po akong babae at kahit kailan ay hindi ko gawain ito. Maayos akong nagta-trabaho rito at totoo ang sinasabi ko na nagpapanggap siyang masakit ang tiyan tapos pinagtangkaan niya ako.” Pagmamakaawa niya habang himihikbi.

“Sinungalang ka!” Duro ni Gilbert sa kanya.

“Pinagkatiwalaan kita pero ano’ng ginawa mo? Bakit ako pa ngayon ang nagmukhang masama?” Sigaw niya rito. Gusto niya itong saktan pero wala siyang lakas. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at kalamnan.

“Dahil malandi ka!” Singhal nito sa kanya kaya isang malakas na sampal ang iginawad niya kay Gilbert.

Paulit-ulit siyang na umiling habang hilam sa luha ang mga mata. Hindi siya makapaniwala na binaliktad siya nito. Hindi rin siya makapaniwala kay Pamela. Umaasa siyang matutulungan siya nito pero hindi niya alam kung bakit anong nangyari. Alam niyang malinaw na nakita naman nito na pinagtangkaan ng sarili nitong asawa ang isang inosenteng babae pero wala pa rin itong ginawa bukod sa manisi.

“I believe in you.” Parang nabuhayan si Tin nang magsalita ang lalaki mula sa VIP room at tila hindi naman iyon nagustuhan ni Pamela. “Go now. We’ll fix this. I’ll talk to you later.”

“Pete?” Singhal ni Pamela sa harapan ng kapatid. “Ang babaeng iyan ang nang-akit. You see? Wala na siyang damit pang-itaas and she was about to take off her slacks kung hindi ako dumating.”

Napaatras siya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Pamela. “No! Hindi totoo iyan! You saw what really happened. I fought. If talagang inakit ko siya, bakit siya may mga kalmot?”

“Sinungaling ka! Dahil mas bata ka at siguro ay magaling ka na sa ganitong bagay kaya gamay na gamay mo na. I saw with my bare eyes kung gaano ka kalandi!” Duro nito sa kanya.

“Ayaw ko sanang maniwala but…” Napahilamos nalang si Peterson sa mukha nito.

“Inosente ako.” Napaluhod nalang si Tin sa sahig at nagmamakaawa na sana ay paniwalaan siya.

Nagsimula namang umiyak at magwala si Pamela upang makuha ang atensiyon ng kapatid nito. Halos hindi na ito makahinga kaya pinapakalma nila ito habang si Tin naman ay yakap-yakap ang sarili sa isang sulok na umiiyak ng palihim.

“S-Sir...” Mahinang tawag niya sa kapatid ni Pamela sa paos na boses.

“If anything happens to my sister, I won’t forgive you,” tiim-bagang na saad nito.

“With all due respect, Sir—”

“You didn’t do it?” Putol nito sa sasabihin niya sana. “Sure thing, that’s the perfect alibi when you’ve trapped a culprit lurking around in the corner.”

“Ma’am, I’m begging you…” Bumaling si Tin sa harap ni Pamela. “Y-You saw what happened. Please…”

“What you saw, Ate Pam?” puno ng otoridad na saad nito, “what did you two did?”

Napalunok si Gilbert. “W-Wala. I am just a guest. She came to me first.”

“What did you saw, Ate?”

“N-Nothing! Except for the fact that this bitch is trying to lure my husband in bed.” Kunwari ay umiiyak ito. Tiningnan siya ni Pamela na parang humihingi ng paumanhin.

“Ma’am, please…” Pagmamakaawa ni Tin. “That’s not true. You can’t look at me like I am the sacrificial lamb here. Please…”

“Go!” Sigaw ni Pamela sa kanya at walang inaksayang oras si Tin. Tumakbo siya palabas ng kwarto habang umiiyak.

Tumakbo siya sa kanyang mga guardian at humingi ng tulong pero dahil walang witness na makapagsasabi sa naturang insidente ay parang idineklarang salarin si Tin kahit na wala namang nangyayaring hearing. They condemn her for the sin she didn’t do. Hindi rin siya pinaniwalaan ng kanyang Tita at Tito. Pinaalis siya sa hotel na basag ang puso.

Dito na sumulpot si Madam Z sa buhay niya. Ito ang tumayo at nagsilbing magulang para kay Tin. Ito lang rin ang tanging tao na naniniwala sa kanya; na siya ay inosente at napagbintangan lamang. Inalo at pinaniwalaan siya nito sa kabila ng katotohanang hindi naman sila magkaano-ano.

Si Madam Z ang nagsisilbing compass niya sa buhay. Kung wala si Madam Z ay marahil napariwara na siya ng landas. Dahil din kay Madam Z, nalagpasan ni Tin ang depression niya five years ago. Alam ni Madam Z ang pagpapalayas sa kanya at ang mga akusasyon laban sa kanya pero hindi nito alam ay ang pagkakasangkot dito ang mga Moore.

Para sa kanya ay hindi na niya kayang pag-usapan pa ang mga bagay na iyon. Nasira ang buhay niya dahil lamang sa isang pagkakamali. Nawala sa kanya ang kanyang Tito at Tita dahil lamang kay Gilbert Aresgando na ginatungan din ng asawa nitong si Pamela. Hindi siya makapaniwalang kinakampihan nito ang asawang hangad lang ang makamundong ligaya at nababahala siya kung ilan pa bang mga babae ang nabiktima nilang dalawa.

“That false accusations took away my name, my reputation and dignity. It almost kills me,” humahagulhol na wika niya sa sarili.

Sa kabila ng lahat ay sinuportahan siya ni Madam Z. Mas natuto pa siya sa mundo ng fashion. Masayang-masaya pa ito dahil sa wakas ay nagkaroon na raw ng direksyon ang buhay niya at nahanap na rin daw niya ang talagang gusto ng puso niya. Nag-rent siya ng isang maliit na office at doon niya ginugol ang kanyang natutunan sa clothing technology.

Kasama niya si Rusty na naging kaibigan niya noong may photoshoot sila about sa isang spring dresses collection galing sa isang brand ni Danielle Smith na naka-base sa New Jersey at si Ginger na naging kaibigan niya rin at naging close niya noon. Isa itong aspiring photographer at makeup artist.

Hindi nagsisisi si Tin na sumama siya kay Madam Z sa Manila. Noon ay naghahanap siya ng kanlungan. ‘Yong tipong maaasahan, masasandalan at makakapitan. Lahat ng iyon ay nahanap niya kay Madam Z. Ayos na sana siya hanggang sa dumating ang araw na ito.

“Nagbago na ang tingin sa akin ni Peterson. Maayos naman sana ang buhay ko kung hindi lang dahil sa kapatid niyang konsentidora.” Pinunasan niya ang kanyang mga luha. “Well, karma is a bitch.”

Pitong buwan kasi simula noong nangyari ang bangungot na iyon sa buhay ni Tin ay napabalita sa TV ang pagpapakamatay daw ni Gilbert Aresgando. Dati ay hindi niya talaga kilala si Peterson pero dahil sa balita ay nakilala niya ito at isa pa, kabilang pala si Pamela Aresgando sa isang pamilyang maimpluwensya kasama na rito si Peterson Moore. Silang dalawa ang nasabing pamangkin ng acting Chairman and CEO ng Moore Promotions na si Mr. Enrico Moore III.

“Oo nga naman, magkapatid sila kaya sinong mas pinaniniwalaan niya? Malamang na ang Ate niya. Sino ba naman ako? Isang estranghera na sumulpot sa buhay niya na bigla nalang nabura sa kanyang mapa,” saad niya sa kanyang sarili.

“Anong gagawin ko kapag hindi maibigay ni Peterson ang contract? I’m pretty sure, Madam Z will be devastated and I will live guilt-tripping myself kasi alam kong ako ang dahilan ng lahat.” Napasabunot nalang siya sa sarili.

Dati pang bukambibig ni Madam Z na makuha ang kontrata ng Moore Promotions at natatakot si Tin hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang mentor at mother figure. Marami siyang tanong kung makapapayag ba si Peterson na makatrabaho ang isang babaeng pinaniniwalaan niyang may affair sa asawa ng kanyang kapatid? O 'di naman kaya ay maaatim ba nitong tanggapin ang agency ni Madam Z related sila ng babaeng sumira raw sa buhay ng kapatid niya? Mababaliw na siya sa mga nagsusulputang tanong sa ulo niya at sa mga posible pang mangyari sa hinaharap.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height