Vengeful Roses/C4 Rejected?
+ Add to Library
Vengeful Roses/C4 Rejected?
+ Add to Library

C4 Rejected?

Nahulaan na ni Tin ang mga mangyayari ngayong araw na ito. Natapos nalang kasi ang lunch break pero wala pa ring paramdam ang Moore Promotions. Napangiti nalang siya ng mapait at napabuga ng hangin sa kawalan. Aaminin niyang hindi madali para sa kanya ang ma-reject pero naniniwala rin siyang rejections and failures are always a part of success at pinanghahawakan niya ang ganoong klaseng saying.

Alam niya na minsan ay nakaka-motivate ang rejections at nagbibigay ito ng daan para pagbutihin mo pa ang ginagawa mo sa buhay pero hindi rin niya maiwasang hindi masaktan kahit na ganoon ang itinanim niya sa kanyang isipan. Para sa kanya, kahit saang anggulo mo tingnan, masakit pa rin ang rejection, inaasahan mo man o hindi, walang pinagkaibang sakit iyon.

Ang tanging pinanghahawakan nalang niya ngayon ay ang mga katagang laging sinasabi ni Madam Z sa kanya; kapag hindi mo na mararamdaman ang iyong ups and downs, wala ka na niyan kaya dapat ay magpasalamat ka dahil buhay ka pa at may pag-asa ka pang maging better at ipagpatuloy ang mga pangarap mo hanggang sa magtagumpay kang makamit ito.

“Final na ba talaga ito? Sure na talaga?” Kanina pa kasi siya nag-aabang ng email galing sa Moore Promotions. Umaasa siyang tumunog man lang ang mail box niya pero hanggang ngayon ay bigo pa rin siya.

Friday ang ibinigay na assurance nila para sa kanya pero hindi naman dumating ang tawag sa kanilang opisina at dahil din dito ay na-trigger na naman ang kanyang anxiety. Iniisip niya kasi na nagkaroon na ng cold feet si Peterson nang malaman nitong siya pala ang makaka-trabaho nito.

“Hindi ako mapakali.” Basag ni Rusty sa katahimikan habang kagat-kagat ang ibabang labi.

“Baka delay lang. Patience.” Si Ginger iyon na halata namang aligaga rin pero pinipilit na okay lang ang lahat at mahintay ng ilang minutes.

“Let’s accept it with open heart,” mahinang saad niya sa dalawa kasabay ng pag-ngiti ng matamis.

“What? Bakit sila mangangako tapos mangho-hopia pala?” Nanghahaba ang mga ngusong reklamo ni Rusty at parang bata na humalukipkip sa couch na kinauupuan niya.

“May mga bagay sa buhay na hindi instant. Even if we did our best, if it’s not for us ay hindi talaga ibibigay sa atin. Let’s look at the brighter side. Malay natin at may mas better pa palang opportunity para sa atin.” Paliwanag niya sa mga ito. “Hindi lang din sila ang nag-iisang promotional company sa bansa. Malaki lang ang pangalan nila which is an advantage na sana.”

“May point ka naman diyan, Ms. Tin.” Sang-ayon naman ni Ginger. “Pero nakakapanghinayang talaga. Umaasa ako na magtatagumpay tayo pero mukhang hindi nga para sa atin ito.”

“Malay niyo naman at para talaga ito kay Madam Z. It’s her ultimate dream that she can represent those international brands.” Bulalas naman ni Rusty. “Mag-celebrate nalang tayo kay Madame Sexy. Her success is ours na rin naman.”

Dito na niya naalala si Madam Z. “Right. I almost forgot about her.”

“Kumusta kaya si Madam Z?” takang tanong naman ni Ginger.

“Puntahan mo raw.” Tumingin si Rusty kay Tin. “Umuwi raw at hindi na nagbalik kaya walang practice sa salon sabi ni Elaine sa gc.”

“Ha?” Napatayo siya sa kinauupuan. “Anong nangyari?”

“Walang kinausap si Madam sa dahilan basta ang sabi ay umuwi nalang daw,” tugon naman ni Rusty.

Dumating na ang kinatatakutan ni Tin dahil sa tingin niya ay mukhang nadamay pa sa kamalasan niya si Madam Z. Sigurado siyang masasaktan ito ng sobra dahil sobrang taas ng expectations nito at confident na confident pa ito sa sarili lalo pa’t nakuha na nito ang assurance ng Moore Promotions pero biglang wala palang paramdam ang kabila. Hindi niya mapigilang huwag mainis.

“Mangangako na nga lang, palpak pa. Akala siguro ay naglalaro kami rito.”

Nagmamadali siyang umalis mula sa Corrales Building at naghanap ng masasakyang taxi. Kailangan niyang puntahan si Madam Z. Pakiramdam niya kasi ay responsible siya sa heartbreak nito. Ayaw niya namang ma-guilty dahil sa nangyari pero mukhang nagkakamali siya. Nagsisimula nang mamuo ang guilt sa kabilang side ng kanyang utak.

Nakarating siya sa apartment ni Madam Z. Isang kasambahay ang nagbukas at sinabi nitong nasa kwarto si Madam. Kumatok muna siya bago buksan ang pinto nang magsalita itong papasukin siya. Nakita niyang nakadungaw ito sa bintana. Nang maramdaman ang presensya niya ay lumingon ito at kitang-kita niyang sobrang hapo ng mukha nito at nabura na rin ang kanyang cheerful na awra.

“M-Madam?” Tawag niya rito. Alam niyang wala ito sa sarili kasi nakatitig lang it sa kanya ng walang ekspresyon. “I know this is stupid to ask but are you okay?”

“Nakuha mo ba ang email?” tanong nito imbis na sagutin ang tanong niya.

“Unfortunately...” Bumuntong-hininga siya bago umiling.

“It’s okay. We did our best and we both know that.” Ngumiti ito ng pilit. Hapo ang mga mata nito panay din ang paghugot ng malalim na hininga.

“I’m sorry.” Himutok ni Tin na agad namang ikinailing ni Madam na parang nagpapahiwatig na wala siyang kasalanan.

“There’s always a moment to try again, Darling.” Pinilit nitong maging masigla ang boses.

“But Madam, you did well or hindi lang talaga satisfying ang creations ko?” Biglang bulalas ni Tin.

“Come on, Darling! Huwag mo ngang i-down ang sarili mo. It’s not the end of the world. Your creations were beautiful.” Nginitian siya nito. “We will mourn for our loss but it doesn’t mean na hahamakin na natin ang mga bagay na mahalaga sa atin lalo na ang talento.”

“Are you okay?” Hindi niya maiwasang usisain ito. “I mean, tatanungin ko lang ulit.”

“My heart is heavy but I can manage." Pag-amin nito at napasabunot sa buhok.

“May magagawa ba ako?” tanong niya rito.

“I’m fine, my Darling. Don’t worry about me. You go home and take care.” Inakbayan siya nito.

“Kasalanan ko ito. Kung hindi dahil sa kamalasang dala-dala ko, nakuha na niya sana ang kontrata,” saad niya sa sarili.

“Are you sure you’re good without me?” Paninigurado niya at tumango naman ito.

“I should be the one to suffer his wrath, not those innocent people who have done nothing to him." Bulong ni Tin sa sarili. Bumalik siya sa kanilang opisina at ibinalita sa mga kasamahan na nabigo rin si Madam Z sa kontrata. Agad na nagkalkal siya sa kanyang drawer upang hanapin ang calling card ng Moore Promotions. Napalunok siya bago i-dial ang numerong nakasulat doon.

“Hello, Moore’s residence, how may I help you?” Boses iyon ng isang lalaki.

“Uhm, hi! I would like to speak to Mr. Peterson Moore, please?” saad niya sa kabilang linya.

“Just a second, Ma’am. I’d like to refer you to his secretary. Please stand by.”

Namatay ang linya at mga ilang segundo bago tumunog ulit kasunod ang boses ng isang babae. “Mr. Moore’s office, good day!”

“Yes, good day Ma’am. I’d like to make an appointment to see Mr. Moore.”

“Okay, what kind of appointment, Ma’am?” tanong ng secretary nito.

“Uhm… it’s for business purposes?” Napakagat-labi siya kasi ang dating ay parang hindi pa siya sigurado.

“Okay. What’s your name, please?”

“V-Valentina Cervantes.”

“Just a second. Don’t drop the phone yet.”

Naputol na naman ang linya kaya napabuntong-hininga siya. Pinagpapawisan na pala siya ng malagkit nang dahil lang sa pagkuha niya ng appointment. Hindi niya alam kung ano pa ang mangyayari sa kanya once na magkakaharap na silang dalawa ni Peterson.

“Hello Miss Cervantes, are you still there?” tanong ng nasa kabilang linya.

“Y-Yes.”

“Four-thirty in the afternoon is the available time of Mr. Moore. Is that okay with you?”

“That’s pretty suitable for me. Thank you.” Pinutol na niya ang tawag at hindi siya makapaniwalang nagawa niya nga ang kanyang binabalak. Hindi rin siya makapaniwalang kikitain niya talaga si Peterson at hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para gawin iyon. Isa lang ang alam niya, gagawin niya ang lahat basta pabor ito kay Madam Z.

NANG hapong iyon ay simple lang ang suot-suot ni Tin. Nagsuot lang siya ng isang white fitted backless top na pinatungan ng isang fashionable, baggy jacket in color coffee cream na ka match naman ng kanyang slacks na color coffee cream din. Isinuot din niya ang isang pearl earrings na bigay sa kanya ni Madam Z. May isang pinned brooch din siya na nasa kanyang jacket na ang disenyo ay imahe ng isang daisy. Light lang ang makeup niya na nagmumukha lang itong natural pero medyo darker ang shade ng kanyang lipstick kaysa sa kanyang outfit.

Tensyonadong tiningnan niya ang napakalaking building ng Moore Promotions pagkarating na pagkarating niya sa lugar. Sa totoo lang ay nalulula siya sa laki at eleganteng disenyo nito. Habang naglalakad sa madawag na ground ay tumutunog pa ang takong ng kanyang sapatos na para sa kanya ay parang katunog ng kanyang puso.

“Sinungaling si Rusty. The heels clacking on the floor never screams women empowerment at all. Hindi ko maramdaman kahit isang kusing lang.” Maktol niya habang papalapit sa entrance at para siyang nanliliit na ewan. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman nang mga panahong iyan.

Nang pumasok na siya sa loob ay napapikit pa siya sa bango at lamig na sumalubong sa kanya. Napaka-welcoming ng dating nito at umaasa siyang ganoon din si Peterson sa kanya sa pagkakataong magkakaharap na silang dalawa. Kahit papaano ay napapakalma nito ang tensyon niya. Agad naman siyang tumungo sa reception at wala nang inaksaya pang oras saka niya tinanong kung saan matatagpuan ang opisina ni Mr. Peterson Moore. Nagpasalamat siya at mabait ang nakaupong lalaki sa desk.

“Tenth floor, Ma’am,” sabi ng receptionist bago bumalik sa tinitipa nito sa computer.

Nagpunta siya sa elevator at mabuti nalang dahil mag-isa lang siya sa loob. Magkakaroon pa siya ng time para i-set ang sarili niya sa tamang composure. Akala niya kasi ay magtatagumpay siyang i-gather ang sarili sa tamang huwesiyo pero hindi naman pala. Kahit ano kasing pagpapakalma niya sa sarili ay lagi lang siyang nabibigo.

Bumukas ang elevator at nag-aatubili pa siya kung tutuloy ba o hindi pero sa huli ay lumabas din siya. Thankful siya na hindi gaano mahirap hanapin ang naturang opisina ni Peterson dahil nasa kanang bahagi lang ito ng pasilyo. Nakita niya naman agad ang table ng secretary nito na ngumiti naman ng malapad pagkakita nito sa kanya na paparating. Sa tingin niya ay masayahin ang mga empleyado sa building na ito dahil panay ang mga ngiti ng mga ito sa kapag nagkakasalubong sila.

“Hi, my name is Valentina Cervantes and I have an appointment with Mr. Peterson Moore.” Pagpapakilala niya sa magandang sekretarya nito.

“Yes, I remember you. Anyways, you’re an early bird.” Ngumiti ito sa kanya. “Mr. Moore is on a one-on-one meeting right now so can you please wait for a while?”

“Sure, I don’t mind waiting.” Umupo siya sa visitors couch at kunwari ay nagtitingin-tingin ng kung ano-ano sa cellphone niya pero ang totoo ang tense na tense na ang kalamnan niya.

Mga ilang minuto ay biglang bumukas ang pinto at isang matangkad at matipunong lalaki na naka-suit ang iniluwa ng pintuan. Nakangiti ito sa magandang sekretarya habang iniabot ang isang brown envelope.

“What’s up? Mukhang ang saya natin ah,” takang tanong ng sekretarya rito.

“What’s up? Levi, it’s a luck! Mukhang nasa mood kasi si Insan kaya madaling na-approve ang proposal ko.” Kumindat pa ito.

“That’s strange kasi kanina pa rin siya good mood after noong...” Tumingin ang sekretarya kay Tin na kanina pa tutok sa cellphone.

“After ng?” tanong ng lalaki.

“Ah, wala. Sige, may gagawin pa ako.” Ngumiti nalang ang magandang sekretarya rito. Mabilis namang nagpaalam ang lalaki at pasipol-sipol pa itong naglakad palayo.

Tumigil saglit sa pagtitipa sa computer ang magandang sekretarya at kinuha ang telepono. “Mr. Moore, Miss Valentina Cervantes wishes to see you now.”

Bigla nalang nanigas si Tin nang marinig ang anunsyo ng sekretarya nito. Parang gusto nalang tuloy niyang mag-back out. Nawawalan na siya ng guts lalo pa at wala namang kasiguraduhan ang pakay niya ngayon dito. Parang gusto nalang niyang lamunin nalang ng lupa kaysa sa makita si Peterson.

“Okay, sir. Copy that.” Ibinaba na ng sekretarya ang telepono at bumaling kay Tin. “Pasok ka na, Miss.”

“T-Thank you,” saad niya rito at ngumiti ng pilit.

“Relax ka lang. I think he’s delighted to meet you.” Nginitian siya nito ng matamis.

“I-I don’t think so.” Hilaw siyang ngumiti at nag-aalangang tumayo.

Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng sekretarya dahil para sa kanya ay nakatatakot si Peterson bunsod na rin sa mga nangyari noon at kahit anong gawin niyang paglinis sa pangalan ay hindi niya naman alam kung paano at saan sisimulan. Isa lang ang alam niya, galit siya kina Gilbert at Pamela at inis na inis siya kay Peterson sa pagiging one-sided nitong tao.

Habang papalapit sa pintuan ay para siyang naliliyo dahil pakiramdam niya ay para siyang sasabak sa isang giyera na walang bullet proof, walang baril at kahit na ano pa mang proteksyon. Hindi niya alam ang naghihintay sa kanya sa loob. Aasahan na niyang mamaliitin at iinsultuhin na naman siya nito tapos ipamumukha na naman nito ang kasalanan niya raw sa nakalipas na limang taon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height