C40 Vengeful Roses without Thorns
Kanina pa hindi umiimik si Tin dahil sa nerbyos. Nasa elevator siya ngayon kasama si Peterson habang paakyat sa condo unit ni Pamela Aresgando. Mas nakadagdag pa ng pressure niya ang seryosong awra ni Peterson. Hindi rin ito nagsasalita at hindi niya alam kung galit ba ito o hindi dahil hindi niya mabasa-basa ang ekspresyon nito