Vengeful Roses/C5 Danger Zone
+ Add to Library
Vengeful Roses/C5 Danger Zone
+ Add to Library

C5 Danger Zone

Nagkaroon ng hesitations si Tin kung tutuloy pa ba siya sa opisina ni Peterson o hindi na. Kung ang duwag na side niya kasi ang papapiliin ay tatakbuhan nalang niya ito. Nagtatalo ang loob niya kung ano ang susundin. Ang puso ba niya na nagsasabing tulungan si Madam Z o ang isipan niyang nagsasabing umalis nalang at kalimutan ang lahat. Malaking kawalan ito sa kanila pero hindi lang naman ito ang nag-iisang sikat na promotional company na may hawak sa ibang mga kilalang brands worldwide kaya gulong-gulo siya ngayon.

“No, kailangan ko itong gawin para kay Madam Z. Hindi pwedeng tatakbuhan ko nalang ang responsibilidad na ito dahil pakiramdam ko ay ako ang isa sa may sala kung bakit nasasaktan ngayon si Madam at hindi ko mapapatawad ang sarili ko if ever na totoo nga ang sapantaha ko.”

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago kumatok at binuksan ang pintuan. Isang mabango at malamig na hangin ang sumalubong ulit sa kanya. Para sa kanya ay nakagagaan na sana sa pakiramdam kung hindi lang si Peterson Moore ang naghihintay sa kanya sa loob ng opisina. Pakiramdam niya tuloy ay pumasok siya sa teritoryo ng mga bampira na wala siyang dala-dalang mga panguntra dahil kahit bawang ay nakalimutan niyang dalhin.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng magarang opisina nito. Pale gray ang interior ng buong office. Simple but it screams ‘hey, Dude, I’m expensive!’ at may ilang mga indoor plants din doon at sa tingin niya ay napaka-spacious ng buong opisina. Kaunti lang ang mga gamit at mga pang office stuffs lang talaga. Halatang pihikan ang lalaki sa mga kagamitan.

Napansin niyang carpeted pala ang buong sahig at black ang kulay ng mga furnitures. Black and gray ang motif ng buong office which she think is nice and pleasing sa mga taong tulad ni Peterson pero ang hindi nakakapag-ease ng tension sa paligid ay ang enerhiya ng lalaking nakadungaw lang ngayon sa bintana habang nakapamulsa.

Kasalukuyang nakatalikod sa kanya ang lalaking may malapad at matipunong likod. Ang tangkad nitong tingnan at kahit na nakatalikod pa ito ay kilalang-kilala niya pa rin ito. Pinagmamasdan nito ang ganda ng fountain na nasa labas. Halatang alam na nito ang kanyang presensya ngunit wala man lang itong balak na harapin ang kanyang bisita.

Sa totoo lang ay hindi rin alam ni Peterrson ang dapat na maramdaman sa ngayon. Sa katunayan ay nagpipigil lang siya sa nararamdaman niya. Muli ay magkikita na naman sila ng babaeng natutunan na niyang kamuhian nang dahil lamang sa kanyang mahal na kapatid. Ayaw man niyang saktan ito subalit hindi niya kayang isawalang-bahala nalang ang napagdaanan ng kanyang Ate matapos ang pangyayaring iyon. Nangako siya sa kanyang sarili na ipaghihiganti niya ang kasawian ng kanyang kapatid sa kahit na ano mang paraan.

“What are you waiting, Miss? Christmas eve?” Malamig na panimula niya kay Tin. “Come in and close the door!”

Ang totoo niyan ay walang planong kausapin ni Peterson ang dalaga pero naintriga siya at may naisip na perfect plan. Nais niya itong mag-burst out at makitang puputok na sa galit. Gusto niyang paglaruan ito gaya ng ginawa niyang paglalaro noon sa apoy ng may apoy. Gustong tingnan ni Peterson kung hanggang saan tatagal ang pagbabalat-kayo ni Tin o kung hanggang kailan tatagal ang pagtitimpi nito.

Matagal niya itong hinintay dahil ilang taon ding nagdusa ang kanyang Ate sa nangyari at sa pagkamatay ng asawa nito dahil sa kahihiyan. Nag-breakdown ang kapatid niya dahil doon at nag-undergo rin ito ng rehabilitation dahil lamang sa depression. Nandoon si Pete at kitang-kita niya kung gaano nawasak ang pundasyon ng kapatid. Awang-awa siya rito at dito niya nasabi sa sarili na kailangan niyang ipaghiganti ang kanyang Ate kahit ilang taon na ang lumipas.

“G-Good afternoon, Mr. Moore.” Bati ni Tin sa nanginginig na boses.

“What’s good in the afternoon, Miss?” tanong ng binata na ngayon ay lumingon na sa bisita kasabay ng pag-upo nito sa swivel chair. Nanunuot ang mga titig nito sa kaibuturan na nagbigay ng shaky feeling para kay Tin.

“T-The weather is good?” tugon ni Tin ng nakangiwi sa tanong nito kung ano raw ba ang maganda sa hapon kaya tumaas ang kilay ni Peterson at pinigilan nalang na matawa pero sa huli ay hindi na ito nagsalita pa.

Napalunok si Tin dahil sa awkwardness na bumabalot sa kanilang dalawa. Nang matingnan niya kasi muli sa malapitan si Peterson ay halos walang nabago sa itsura nito. Mas nag-matured lang ang mukha pero sa kabila ng lahat ay hindi pa rin maitatanggi ang taglay nitong kakisigan. Isa siya sa mga ideal man ng karamihan sa mga kababaihan.

Ngayon lang ulit niya napagmasdang mabuti ang almost perfect features ni Mr. Peterson Moore. Hindi man niya aminin sa kanyang sarili pero malakas talaga ang sex appeal ng lalaki. May malapad itong mga balikat, matangos na ilong at ang ganda pa ng nose bridge nito, sexy at perfect na adams apple, itim na itim na mga buhok at may makapal na mga kilay ngunit para kay Tin ay iyon lamang ang maganda sa binata.

Kahit gaano pa ito kakisig at kahit nagkukumahog ang puso niyang mapalapit dito ay humaharang sa kanya ang katotohanang pinapanigan nito ang kasinungalingan nina Pamela at Gilbert samantalang siya ay naiwan sa sulok at na-guilty sa isang kasalanang pakikiapid sa taong may asawa at ang worse pa roon ay wala man lang ni isang nakinig o naniwala sa kanya maliban nalang kay Madam Z.

Parang may nanumbalik kay Tin ngayon. Para bang nanumbalik ang pagkagusto niya sa lalaki pero agad din iyong nawaglit nang magkasalubong na ang kanilang mga mata kaya agad din siyang nagbawi. Hindi niya kayang tingnan ito. Ang talim kasi nitong tumingin at nasusugatan ang kanyang puso dahil alam niyang tinutuya siya ng lalaki sa isipan nito at malamang na pinandidirihan na rin siya nito dahil lamang kay Gilbert Aresgando.

Napabuntong-hininga siya kasi kahit naiinis siya kay Peterson ay bigla-bigla nalang sumisingit ang isang side niya kung saan ina-admire niya ang pagiging tall, dark and handsome nito pero agad din naman niyang haharangan na magaspang ang naturang lalaki dahil sa mga kilay nito, panga at mga matang mapanghusga na para bang buong pagkatao mo ay kailangang isalang sa judging machine kapag nagkataon.

Sa tingin nga niya ay madaling ipahiwatig ni Peterson na ayaw niya sa iyo o sa presensya mo sa isang tinginan lang gaya nalang ng ginagawa nito ngayon sa kanya pero hindi siya magpapadaig sa mga matang iyon. Lulubusin na niya ang pagkakataon at kakainin na ang hiya niya sa katawan.

Tumikhim siya kasi ang haba na ng katahimikan pero mukhang wala talagang balak na magsalita si Peterson kaya napakagat-labi siya. Hindi rin kasi niya alam ang kanyang sasabihin dito o kung paano siya magsisimula. Napatingin tuloy siya rito na ngayon ay nakayuko at nakatitig lang ito sa hawak-hawak nitong signature pen.

Napadako tuloy ang mata niya sa suot nito na naka-rolyong long sleeves na hanggang siko. Bagay na bagay dito ang puting long sleeve na suot at base sa tipo ng tela, alam niyang mamahalin at galing pa ito sa isang signature brand. Bagay din dito ang itim nitong relo. May napansin din si Tin na tattoo ng isang maliit na rose sa kanang braso nito. Maliit nga ito ngunit hindi iyon nakaligtas sa mata niya. May bigla tuloy siyang naalala. May nagpapadala kasi sa kanyang opisina ng mga rosas kada hulihang lingo ng buwan. Walang palya iyon pero iwinaglit na muna niya sa kanyang isipan ang bagay na iyon.

“So, what’s your summary?” biglang sabi nito kaya agad siyang napabalik sa huwisyo at napamulagat.

“E-Excuse me?” Kunwari ay kaswal lang siya sa kabila ng matinding kaba.

“You’re checking on me so I asked you about that but never mind.” Umirap ito at parang bored na bored pa. “Sit or you want to remain standing. Your choice.”

Malugod na tinanggap naman ni Tin ang offer nito. Lihim siyang nagpasalamat dahil sa wakas ay makakapag-relax na rin ang nanginginig niyang mga tuhod. Hindi niya kakayaning manatiling nakatayo at baka matumba nalang siya bigla sa kalagitnaan ng pag-uusap nila. Ayaw na niyang madagdagan pa ang kahihiyan niya sa harapan nito mismo.

Mahigpit na napahawak siya sa kanyang hand bag. Medyo na set na rin niya ang kanyang sarili sa timpla ng atmosphere sa loob pero hindi pa rin niya maatim ang mga tinging ipinupukol sa kanya ni Peterson na puno ng akusasyon na tila pa nagpapaaliw dito dahil naaamoy nito ang kanyang kaba.

Hindi niya kaya na makipag-eye contact sa kaharap dahil ang mga matang iyon ang laging nagdadala sa kanya sa nakaraan na pilit niyang tinatakasan. Pinagmamasdan siya ngayon ni Peterson at binigyan siya nito ng bored look. Pinaparamdam nito sa kanya kung gaano siya kababa at hindi niya deserve na respetohin. Sa totoo lang ay nanliit si Tin sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay buong pagkatao niya ang inilibing ni Peterson sa hukay.

Naikuyom niya ang mga kamao sa tindi ng emosyon. Nanginginig siya hindi sa takot o kaba kung hindi dahil sa tindi ng sama ng loob. Nagsisisigaw ang utak niya kung wala na ba talaga siyang karapatang makatanggap ng kahit na kaunti man lang na respeto kahit respeto bilang bisita man lang. Nasasaktan siya pero naniniwala siyang hindi siya ipinanganak sa mundo para humingi ng respeto mula sa ibang tao. Alam naman niya sa sarili niya ang totoo. Malinis siyang babae, may respeto sa sarili at hindi kailanman nang-apak sa dignidad ng iba.

Inosente lang siya noong mga panahong iyon at wala siyang masamang intensyon sa kapwa niya pero hindi niya matanggap hanggang ngayon kung bakit parang siya pa ang itinapon sa basurahan. Aminado siyang may mali siya pero wala siyang intensyong mang-akit ng iba. Wala rin sa isipan niya na maging isang kerida o maging sampid sa lalaki ng iba.

“Kaya mo pa ba Tin?” tanong niya sa sarili.

Pilit na nilalabanan ni Tin ang mga mapanghusgang tingin ni Peterson sa kanya. Kunwari ay hindi siya affected dito pero bugbog-sarado na ang kalooban niya. Ramdam na ramdam din niya ang malamig na pawis sa kanyang likuran. Buong tapang niyang tiningnan ito.

“Alam mo ba ang ikinagulat ko, Miss Cervantes? I am right. Makapal nga talaga ang mukha mo.” Panimula nito kaya napabalik si Tin sa sariling katinuan at napatingin ng deretso sa kaharap.

“Anong sinabi mo?” Umusok pa yata ang ilong niya dahil sa tinuran ng lalaki kaya napatawa ito ng pagak.

“Relax. Ang sabi ko, makapal ang mukha mo. Nakuha mo pa ngang mag-request ng meeting eh.” Panunuya nito.

“It’s not funny.” Bulalas niya.

“I know but you’re funny. You’re here because of what? Missed me for the past five years?” Usisa nito. “It’s so nice to meet you after so many years. Finally ay nagpakita ka rin sa akin.”

“You exactly know why I am here.” Pagdidiin niya.

Umiling ito. “I don’t have a clue. Ang dami kong kailangang gawin at aasikasuhin. Tambak ang mga paper works ko. Nagdadala pa nga ako ng trabaho sa bahay at sa tingin mo ba ay iisipin ko pa ang walang kwentang bagay na tulad nito lalo na kung konektado sa iyo? Hindi ka ganun ka-importante na pag-aksayahan pa ng oras at panahon.”

“Okay, alam ko naman na super busy mong tao pero huwag mong sabihin na hindi mo talaga alam ang dahilan ng pagpunta ko rito. Stop denying!” Pagpupumilit ni Tin.

“Talaga ba?” Ngumisi ito ng nakakaloko kaya medyo nainis ng kaunti si Tin.

“I am an aspiring fashion designer.” Anunsyo niya at pumikit.

“Oh? Talaga ba? Let me see…” Tiningnan siya nito ng mataman na parang aliw na aliw at tumango-tumango pero puno ng sarkasamo. “Fashion? No offense but you call it what? You made clothes and dresses? It’s not really in line with fashion. In fact, you’re not even fashionable. I’m not saying your designs are not worth it but it sounds like that.”

“How dare this man belittle my passion and style? How dare he talk shit about my craft?” Gusto nang sapakin ni Tin si Peterson pero nagpipigil lang siya ng sarili at inignora ang panlalait sa kanya. Baka kasi makakalimutan niya kung saan siya nakatuntong ngayon.

“I collaborated with Zara Gomez as we applied for a contract to your company.” Iyon nalang ang nasabi niya dahil mapapagod lang siya oras na makikipagtalo pa siya sa lalaki.

“Wow!” Tila amaze na amaze pa ito sa kanya na parang ngayon lang nito nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. Pinigilan lamang ni Tin na magdabog sa harap ng aroganteng lalaki.

“Playing clueless? What kind of game you’re up to, Mr. Moore?” bulong ni Tin sa sarili.

"So you’re working with Miss Gomez.” Ngumisi ulit ito na mas kinainis niya lalo. “So, what’s the matter?”

“Kasi…” Dahil sa sobrang emosyon na rumaragasa sa kanya ay nakalimutan na niya yata ang dapat na sabihin at ang dahilan niya sa pagpunta rito.

“Kasi?”

“Kasi si Madam… uhm, si Madam ay umaasa sa pangako ninyo. We’ve been told last Friday afternoon regarding the contract of your promotional company and your team assured us that we will get the contract.” Paliwanag ni Tin kay Peterson.

“And?”

“The call and email has been delayed and we assumed that you rejected Madam Z’s agency.”

“And yours.” Dagdag pa nito.

“Did you do it on purpose?” lakas-loob na tanong ni Tin dito.

“What do you mean on purpose, Miss Cervantes?” Tumaas ang boses nito na parang hindi nagustuhan ang sinabi niya.

“Did you backed out the moment you know that— that I am the owner of the designs presented during the fashion show? That I worked with Miss Zara Gomez?”

“Why would I do that in the first place?” tanong naman ni Peterson, “in what particular reason? Just because of you? Ganun na ba kami ka-unprofessional sa tingin mo?”

“J-Just tell me why! Did you do it on purpose? Are you using Madam Zara just because you know that I’m working with her? Did you turned down her agency just because of me?” Tumaas na rin boses niya sa pagkakataong ito.

Sa mga oras na iyon ay alam na ni Tin na tila wala na siyang pag-asa. Isang nakakakilabot na ngiti ang iginawad sa kanya ni Peterson. Isang ngiti na tila sasama pa sa kanyang mga bangungot mamayang gabi. Idagdag mo pa ang mga mata nitong naglalabas ng maraming espada na bumabaon sa kanyang pagkatao. Ito ang isang giyera kung saan siya ay matatalo. Nasa mga kamay ni Peterson ang lahat ng kapangyarihan habang siya ay nasa baba lamang.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height