Vengeful Roses/C6 Tiger's Camp
+ Add to Library
Vengeful Roses/C6 Tiger's Camp
+ Add to Library

C6 Tiger's Camp

Nagkatitigan sina Tin at Peterson sa pagkakataong ito. Sobrang higpit na rin ng kanyang pagkakahawak sa kanyang handbag na nasa kanyang kandungan. Malalim ang kanyang paghinga na para bang nag-iingat. Hindi na niya nagawa pang kumalma habang tila ba kinakalikot ang kanyang tiyan. Pumikit siya bago sinubukang ibuka ang bibig.

“Mr. Moore, ibinigay mo ba sa ibang agency ang kontrata na para sana kay Miss Zara?” tanong niya sa naka-poker face na lalaki.

Napahilamos naman si Peterson matapos marinig ang mga katanungan niya bago nagbuga ng hangin. Frustrated itong tumingin sa kanya na para bang siya ang pinaka-annoying na babaeng nakilala niya. “What’s up with you woman? Hanggang dito rin ba ay nangingialam ka? Why are you interfering again from the business of other people? It’s not for you to decide in the first place.”

Napatungo nalang si Tin at napakagat-labi. “S-Sir, hindi naman sa nangingialam ako pero kasi—”

“Eh ano ba ang tawag mo sa ginagawa mo ngayon?” Putol nito sa sasabihin niya sana.

“I-I was just—”

“What?” Sigaw nito sa kanya kaya napapitlag siya sa kinauupuan. Sa pagkakataong ito ay parang gusto nalang niyang tumakbo palayo.

“Pwede naman siguro nating pag-usapan ito ng maayos. Iyong wala sanang sigawan. Hindi naman ako nandito para makipag-away, Sir. Nagbabakasakali lang naman po ako na baka mabago pa ang pasya ninyo. Kahit na huwag nalang ang sa akin. Please give Ms. Zara Gomez a chance.”

“A-Alam ko po na hindi ako worth it sa kahit na ano mang bagay na may kinalaman sa iyo at wala rin akong karapatan na mag-demand pero si Ms. Zara ay isang babaeng may dedikasyon sa trabaho at deserving siya na makuha ang kontrata. Alam kong wala ako sa tamang lugar na gawin ito pero I am desperate for the sake of Miss Zara.”

“Kung ano man ang nangyari sa past ay wala siyang kinalaman doon. Hindi ako nandito para magmakaawa para sa sarili ko at hindi rin ako nandito dahil pinapunta ako ni Ms. Zara. Nandito ako without her knowing at alam kong malalagot ako kapag malaman niya ang tungkol dito. Ang tanging gusto ko lang ay makuha niya ang kontrata.”

“That devotion towards her is killing me.” Ngumisi si Peterson.

Lumunok siya. “Mr. Moore, please.”

“Ibig bang sabihin niyan ay handa ka talagang gawin ang lahat para lang sa kanya?” Tumayo si Peterson at pumunta sa gilid ng table nito.

“Mahalaga siya sa akin kaya ang ikasasaya niya ay ikasasaya ko na rin at kahit na hindi ko makuha ang kontrata ay ayos lang sa akin pero si Ms. Zara, if ever na ibibigay niyo iyon sa kanya ay parang tagumpay ko na rin ang kanyang tagumpay.” Pagpapaliwanag niya rito. Umaasa pa rin siyang sana ay mapagbigyan siya sa kabila ng lahat.

Bumakas ang paghanga nito sa kanya ngunit agad ding napalitan ng ngisi. “You know what, I admire your loyalty. Ganyan ang mga aso, hindi ba?”

“Excuse me, hindi ako aso.” Pinandilatan niya ito ng mata.

Tinaas nito ang dalawang kamay sa ere. “Sorry to offend you. That was unintentional. Sadyang napahanga mo lang talaga ako this time. Imagine, you came all the way here for her.”

Ngali-ngali siyang irapan ito subalit pinigilan na lamang niya ang sarili. “Okay, Sir. I’ll take that as a compliment. Ito talaga ang ipinunta ko rito at nilunok ko lahat ng pride ko para lang makiusap sa inyo.”

Napatango naman ito. “You’re going to do anything for her? I wonder kung anong nagawa niya para sa iyo but I have to tell you something about the contract.”

“She did enough for me unconditionally.” Napalunok siya. “A-Ano ang tungkol sa contract?”

“May tatlong agency ang naroroon sa aming listahan,” tugon nito saka tumingin sa kanya.

Confused siyang napatingin dito. “Ano namang tungkol doon?”

“They’re both competitive but save that. Before anything else, sinabi mo kanina na handa kang gawin ang lahat para lang sa hinihingi mo.” Mas lumalim pa ang mga titig ni Peterson sa kanya at pakiramdam niya ay napapaso na siya.

Humugot siya ng hangin. “L-Lahat ay gagawin ko basta sa disenting pamamaraan.”

“Wow! Meron ka pala nun?” Tumawa naman ng pagak si Peterson kasabay ang pag-iling-iling.

“Excuse me?”

“Are you not aware yet, Miss Cervantes?” tanong nito sa kanya.

“Aware? Saan?” balik na tanong niya rito.

“I won’t deny it. You’re a beautiful woman. Pretty deceiving. Muntikan na akong madaya noon.” Pag-amin nito.

“Hindi kita maintindihan.” Totoong naguguluhan siya sa ipinupunto nito.

“You didn’t get it, do you? You are a stinky rotten rat hiding in a perfect and beautiful body. Itong mga pinapakita mo sa akin at sa mga tao? Pure at descent nga ba?” wika nito.

Napayuko siya. “I’m not here for that.”

Seryoso itong nakatingin sa kanya. “Siguro nga mukha ka lang inosenteng tingnan. How about if I’m going to peel you off and show to the world your true color?”

“W-Wala akong itinatago.” Buong tapang niya rin itong tiningnan. Pinipigilan niyang huwag umiyak dahil ayaw niyang makita ng lalaki na mahina siya. Hinding-hindi niya ito bibigyan ng kasiyahan sa puso dahil lamang nagtagumpay itong saktan siya.

“Wala ba? Wala nga ba talaga?” Tumawa pa ito ng mahina.

“Pakiusap. Hindi ako nandito para riyan at kung ano man ang iniisip mo ngayon, please lang tigilan mo na. Kung pakikinggan mo lang ako, malalaman mong hindi totoo ang mga nakita mo noong gabing iyon.” Pagmamakaawa niya rito.

Tumaas ang isang kilay nito. “Denying? Are you denying the fact that I saw you almost naked inside my brother-in-law’s room? God, it’s been five years tapos magsisinungaling ka pa rin hanggang ngayon? It doesn’t hurt to admit your mistake lalo na at matagal na unless you still do it privately.”

Umiling siya nang umiling. “Hindi totoo iyan. Hindi mo kasi ako pinapakinggan.”

Bumuntong-hininga ito. “Sinasabi mo rin bang nagsisinungaling ang aking kapatid at hindi ka niya nakitang halos hubad na kasama ang asawa niya sa loob ng kwarto nito? They told me everything for me to believe you are what you are.”

Malinaw na malinaw pa sa balintataw ni Tin ang mga nangyari noong gabing iyon. Pwersahang sinira ni Gilbert ang blusa niya. Takot na takot pa siya noon dahil akala niya ay matutuloy na ang pagtatangka sa kanya ni Gilbert. Nagpasalamat pa siya nang dumating bigla si Pamela pero mas lalo lang nabiyak ang puso niya nang hindi man lang siya nito tinulungan. Bagkos ay ipinahiya rin siya nito. Naitanong niya tuloy niya kung anong klaseng babae at asawa si Pamela.

“Makinig ka muna sa akin.” Pakiusap ni Tin kay Peterson. Nagbabakasali siyang baka pakikinggan na siya nito Kahit na Malabo naman talaga ang iniisip niya.

Umirap ito. “Not interested. Bakit? Maibabalik ba ang buhay ng brother-in-law ko sa explanation mo? He committed suicide after that shameful incident. Maibabalik ba ng explanation mo ang kasiyahan at sigla ng kapatid ko? Ilang taon siyang nagdusa dahil sa ginawa niyo ng hangal niyang asawa. But that was five years ago. You should have at least admitted it para sabay-sabay na tayong lahat na mag-move on but you’re still playing descent and innocent after all this years.”

Nabingi na yata siya matapos marinig iyon. Hinding-hindi niya ginustong mahusgahan sa kasalanang hindi niya naman ginawa sa buong buhay niya. Kahit na anong gawin niya ay wala siyang laban sa mga akusasyong ibinabato sa kanya. Ni wala nga siyang panangga laban sa kanila. Kung sakaling pakikinggan siya ni Peterson, hindi pa rin ito maniniwala unless may saksi o may ebidensyang nagpapatunay na inosente talaga siya.

Nasasaktan siya dahil napaka-inconsiderate ng kausap niya ngayon. Ang iniisip lang nito ay si Pamela pero hindi man lang nito tiningnan ang isang mukha ng piso. Hindi lang naman si Pamela ang nasaktan at na-depress dahil doon at isa rin siyang biktima at ang hustisyang inaasam-asam niya ay naging bato pa.

“A-Ang kontrata ni Ms. Zara…” Pag-iiba niya na sa usapan nang makahumana. “Ano na ang desisyon mo roon?”

Umirap lang si Peterson bago naglakad papunta sa book shelves nito at kumuha ng isang libro na may kinalaman sa business. Kunwari ay binabasa nito ang titulo. “When it comes in decision making, I should be wise lalong-lalo na when business is involve and hindi ko rin hinahayaang maimpluwensyahan ito ng mga bagay na may kinalaman sa personal life ko. As you said earlier, the contract is delayed but as of now, she already have it. Obviously, the contract is hers before ka pa dumating dito.”

“Really?” Hindi makapaniwalang bulalas ni Tin pero imbis na matuwa ay hindi niya magawa dahil nai-intimidate siya sa mga mata ng lalaki na nanunuot hanggang sa kanyang kaibuturan.

“And the contract is yours too. Gusto ko lang humingi ng kaunting despensa sa nangyari. Something really important came up kaya na-delayed ang announcement. Inaamin naming kapabayaan iyon pero hindi na mauulit.” Tiningnan siya ni Peterson at ngayon ay tila napako na siya sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil sa narinig.

Bigla tuloy siyang nahiya at na-guilty. “S-Sorry dahil hindi ako nakapaghintay at napasugod ako rito. Hindi ko dapat ginawa ito in the first lace.”

“No, don’t be. Nagpapasalamat nga ako kasi ikaw na mismo ang lumapit sa akin.” Nakangiti pa ito ngayon ng malapad.

“Ha?” Napakunot ang noo niya.

“What’s with that awe, Miss Cervantes?” Tila aliw na aliw pa itong makita siyang naguguluhan.

“Hindi kita maintindihan.” Pag-amin niya.

“You wish to see me this afternoon and even if I have an appointment ipina-move ko para lang sa iyo.” Ngumisi pa ito. “I was really curious kung ano ang pakay mo rito. By the way, iyon lang ang dahilan ko so don’t think that you’re kind of special.”

“P-Pasensya ka na.” Napakagat-labi siya.

“Why are you apologizing? You came all the way here to pay your debts don’t you?” Paliwanag nito.

“N-No…”

“Yes, you are.” Ngumisi si Peterson ng nakaloloko.

“Oo pumunta ako rito pero hindi dahil sa iniisip mo at—”

Sumenyas ito kaya napatahimik siya. “You came here in the right time at hindi mo na ako pinahirapan pa. Matagal ko itong hinintay sa loob ng limang taon. Always put this in your mind, I can do anything to you and I can use or ruin you because I have the privilege to do so. I can even end your career if I want to. This is the starting point of my revenge for what you have done to my sister.”

Nilukuban tuloy siya ng matinding takot dahil sa sinabi ni Peterson sa kanya. Kitang-kita niya ang determinado nitong mga mata niya na nagsasabi ng totoo. Nasasaktan siya dahil nawala ang credibility niya sa harapan nito. Parang tinuturing lang siyang basahan ng lalaki. Nagsisi na siyang pumunta pa siya rito pero ang mas ikinababahala niya ay ang kanyang image. Natatakot siyang bumagsak dahil iyon nalang ang natitira sa kanya. Ikamamatay niya kapag nawala ang career niya dahil lang sa mga banta ni Peterson.

“Mr. Moore—”

“Yes? You better be ready dahil mukhang mahaba-haba ang gugugulin mo para magbayad sa pamilya ko sa collateral damage na iniwan mo five years ago.” Kumindat pa ito saka tumawa ng malutong na akala mo ay may nakatatawa. Hindi siya natutuwa o natatawa sa mga pinagsasabi nito ngayon.

Inipon niya ang lahat ng lakas upang tumayo. “You just misunderstood me, Mr. Moore. Please, hear me out at kung ayaw mo naman akong pakinggan, it’s up to you kung ano ang gusto mong isipin. Pagod na pagod na ako and to prove myself to you? It’s useless. Wala ka rin namang pakialam kung nagsasabi ba ako ng totoo.”

Lumapit ito sa kanya at ngayon ay magkatapat na silang dalawa. “Ikaw ang nagkakamali, Valentina. Buong buhay mong pagsisisihan ang pakikiapid mo sa asawa ng kapatid ko at iyon ang isa sa pinakamalaking pagkakamaling nagawa mo.”

“Wala sa bukabolaryo ko na maging isang k—“

“Get out, now.” Utos nito sa mababang boses. “And see you around.”

Umatras siya at nagmamadaling lumabas nang walang sabi-sabi. Pinilit niyang ngumiti sa magandang sekretarya na nasa labas lang ng office at nagpaalam na rito. Hindi nalang nagsalita ang sekretarya sa kabila ng pagtataka kung bakit namumutla siya saka bumalik sa tina-trabahong papeles.

Nanghihinang napaupo siya sa flower box na nasa labas. Pakiramdam niya ay nanghihina ang kanyang mga tuhod. Pinapakalma na muna niya ang sarili bago napagpasyang tuluyan nang lisanin ang Moore Promotion building. Tatayo na sana siya nang bigla nalang tumunog ang kanyang phone. Nakita niyang si Rusty ang tumawag at gaya nga ng kanyang inaasahan ay agad nitong ibinalita ang good news.

“Oh my gulay! Muntikan na talaga kaming magluksa ni Ginger kanina, Ms. Tin. Nag-suggest pa ang gaga na mag-itim kami bukas para sa namatay nating pangarap.” Hagikhik nito na ikanatawa niya rin.

“Alam niyo kayo, mga sira ulo talaga. O siya sige at magsi-celebrate tayo bukas sa opisina. Agahan niyo ang punta.” Napakamot siya sa batok.

“Anong bukas pa, Ms. Tin? Mamayang gabi nalang. Excited na ako.” Ungot nito. “Magpi-pizza na naman tayo bukas eh sawa na ako dun.”

Tumawa siya. “Nagsasawa ka pala sa pizza, Rusty? Eh halos araw-arawin mo na nga ang unhealthy diet mong iyan eh.”

“Sige na naman. Labas tayo mamaya. Let’s all celebrate our success.” Muling ungot nito. “Small or big achievements need to be celebrated.”

“Fine. Anyways, wala bang ibinilin si Ginger?” tanong niya.

“Meron. Nasa email mo. Sabi ay paki-check mo nalang daw,” saad nito.

Napatango siya at nagpaalam na. Agad niya namang tiningnan ang email at napatampal nalang siya sa kanyang noo nang makitang alas tres pa lang ang email na sinend ni Ginger sa kanya. Isang email confirmation galing sa Moore Promotions. “Ang laki mong tanga, Tin. Kung nabasa ko lang ito ng mas maaga, hindi na sana ako sumugod sa balwarte ng Tigre.”

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height