Vengeful Roses/C8 Back Again
+ Add to Library
Vengeful Roses/C8 Back Again
+ Add to Library

C8 Back Again

“Why is life so hard?” tanong ni Tin kina Rusty at Ginger. Nasa Sea Side sila ngayon at umiinom ng beer. Dito sila dinala ni Ginger dahil masarap daw ang inihaw nila ditong seafood. Bagong bukas din ito at nagustuhan naman nila dahil tanaw na tanaw nila ang baybayin.

“Why is life so hard? Maybe because it is never that easy and in order to challenge us to be strong,” sagot naman ni Rusty matapos lumagok ng isang shot.

"Wow, pang Miss Universe ang sagutan natin ah." Kantyaw naman ni Ginger na kasalukuyang nilalantakan ang lobster.

“Aba, totoo naman ah pero hindi naman talaga ganoon ka-complex ang buhay at minsan ay tayo lamang ang nagpapahirap nito pero kahit na ganoon ay wala tayong magagawa. Kailangan nating mabuhay sa ganitong paraan.” Paliwanag naman ni Rusty.

“Paano kung quota ka na sa mga challenges na ibinibigay sa iyo?” tanong niya ulit dito.

“Tingin ka po sa itaas tapos magdasal ka. Walang impossible sa pagdadasal at ito lang talaga ang tanging panlaban natin kasabay ng taos-pusong pananalig,” tugon naman ni Ginger.

“Paano kung ayaw niyang makinig kahit ilang beses ka nang nakikiusap?” tanong ni Tin matapos ubusin ang isang basong beer kaya napanganga ang kanyang mga kasama sa pagkamangha.

“Ano ka ba! Nakikinig kaya siya twenty-four hours,” tugon ni Rusty habang inutusan si Ginger na umorder ng mainit na sabaw.

“Bakit ganun? Parang wala namang nangyayari.” Ngumuso siya kaya napataas-kilay naman si Rusty.

“It’s because God only listens to those people who pray with a sincere heart.” Tiningnan siya nito.

“Taos-puso kaya akong nagdadasal. Lumuluhod pa nga ako ng madaling araw para lang magdasal pero bakit wala pa ring nangyayari?” Para itong batang nagsusumbong sa Nanay niya dahil inaaway siya sa school.

“Miss Tin, patience is the key. Hindi iyan magic na agad-agad natutupad. Wala ka sa fairytales o mga teleserye. Hello, real life ito.” Umismid lang siya dahil sa sinabi nito.

“Ganun ba? Hindi ko knows.” Tumawa pa ito ng mahina.

“Hindi lahat ng gusto natin ay ibibigay dahil hindi naman natin ito kailangan o hindi pa ito ang tamang panahon para ibigay sa atin. Everything takes time.” Binigyan pa siya nito ng barbeque.

“Miss Tin, don’t tell me na nawawalan ka na ng pananampalataya sa Panginoon.” Singit naman ni Ginger at inilapag ang sabaw sa mesa. “Naku, maling-mali iyan. Strengthen your faith. Huwag kang magduda.”

“No it’s not. Hindi mangyayari iyon. Never na tatalikod ako kay God.” Ngumiti pa siya sa mga ito.

“Tigilan mo kasi ang mindset na iyan. Para kasing sinisisi mo siya or what.” Patutsada pa nito.

“Sorry naman. Ang gulo na kasi ng utak ko at hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko.” Tumawa pa siya pagkatapos sabihin iyon.

“Ito talaga, jinu-justify pa talaga ang sarili. Nakakaloka ka.” Inirapan pa siya ni Rusty. “Dapat magdasal ka mamaya at humingi ng tawad, hindi ka sa amin dapat mag-sorry. Lagot ka.”

“Huy, malaki ang pananampalataya ko sa kanya ah. Ang judgemental niyo masyado.” Ngumuso pa siya at uminom pa ng isang basong beer.

“Iyon naman pala eh. Huwag na natin itong pagtalunan pa. Ano, may tanong ka pa ba?” Si Ginger iyon na nakatingin sa kanya ng matiim.

“Last nalang.” Humahagikhik muna siya bago nagpatuloy. “Wala bang grilled seahorse rito?”

Buhat doon ay sobrang lakas ng tawa ni Rusty habang si Ginger naman ay pinipigilan ang pagtawa pero kalaunan ay bumunghalit na rin. Naghagalpakan pa silang tatlo. Namumula na si Rusty habang naiiyak naman si Ginger sa katatawa.

“Are you okay?” halos magkasabay na wika ng dalawa matapos ang mahaba-habang pagtawa. Pinapahid pa ni Ginger ang luhang lumabas sa mga mata niya.

“Of course, I’m perfectly fine.” Ngumisi siya sa dalawa. “Ang babaw ng mga kaligayahan niyo.”

“Lasing ka na ano?” tanong naman ni Ginger, “ayan, sabaw para maibsan ang kalasingan mo.”

“No I’m not. I’m just drunk. Mataas ang tolerance ko sa alak ‘no!” Tumawa pa siya habang ginugupit ang ilang bahagi ng king crab.

“Weh?” tila hindi naniniwalang saad ni Rusty.

“I’m just making fun of you two.” Ngumisi si Tin kaya sinamaan siya ni Rusty ng tingin.

“Fine, you got us. But the seahorse thingy is a bop!” Muli ay nagtawanan silang tatlo.

“Teka, nakakain ba ang seahorse? Pwede ba silang ihawin?” wala sa sariling tanong ni Ginger.

“Ewan ko pero kung oo, ano kayang lasa nun?” Himutok naman ni Rusty.

Napabungisngis naman si Tin. “Mga baliw! Mukhang kayo yata ang mga lasing. Sineryoso niyo kasi.”

“Hindi kami lasing, slight lang.” Naghagikhikan pa ang dalawa sabay apir.

Wala silang ibang inisip kung hindi ang magsaya. Nagtatawanan at nag-aasaran pa sila. Sa mga panahong iyon ay walang ibang makakaputol sa saya na nararamdaman ni Tin. Kailangan niya munang kalimutan ang reyalidad dahil alam niyang kapag mag-isa nalang siya ay mararamdaman na naman niya ulit ang lungkot at pangungulila.

Gabing-gabi na ng nakauwi si Tin ng ligtas. Medyo tipsy pa siya galing sa celebration at inihatid na lamang siya nina Rusty at Ginger. Hindi niya rin maiwasang mag-drama sa harapan ng dalawa kanina sa loob ng taxi at sa kabutihang palad ay wala naman siyang nabanggit na may kinalaman si Peterson Moore sa kanyang pagda-drama. Dumagundong ang dibdib niya nang maalala ang mga pagbabanta sa kanya ng aroganteng lalaki. Nawala tuloy ang impluwensya ng alak sa kanya dahil lang doon.

Habang nasa shower room ay umiiyak na nagsasabon siya ng katawan. Gigil na gigil din siya dahil sa kapalaran niya ngayong araw na ito. “Akala ko ay walang makapuputol ng sayang nararamdaman ko ngayong gabi. Mukhang mali pa ako ng inaakala.”

“Kung nagagawa lang sana ng sabon at tubig na hugasan ang maruming pag-iisip sa akin ng lalaking iyon—everyday kong gagawin ito at ako pa mismo ang bibili ng sabon para sa kanya,” saad niya sa sarili at marahas na sinasabunan ang sarili. Binitawan naman niya kinalaunan ang sabon bago sumigaw na puno ng frustration sabay hampas sa dingding ng shower room.

Pakiramdam niya ngayon ay sobrang dumi niyang babae. Naiiyak nalang siya sa label na maaaring ibigay ni Peterson sa kanya. Alam niya sa sarili niya na hindi siya ganun ngunit iba naman ang paniniwala ni Peterson. Alam niya sa sarili niya na matino at malinis siyang babae. Never in her life na nakiapid siya sa asawa ng iba at wala rin sa plano niya iyon.

Habang pinapatuyo ang sarili sa harapan ng salamin ay napatingin siya sa sarili niyang repleksiyon. Tinanggal niya ang nakataping tuwalya at hinagod ng tingin ang kanyang katawan. She’s a tall, slender woman with a small, high breasts and has a narrow waist. Sa totoo lang ay wala naman siyang dapat ikahiya sa katawan niya pero bumaba talaga ngayon ang self-confidence niya dahil lang kay Peterson. Tahasan siya nitong ininsulto mula sa passion niya sa pagdedesenyo at ang kanyang pagkatao mismo. Doon niya naitanong sa sarili ang kadalasang itinatanong ng karamihan kapag nasasaktan at sinasaktan sila, “am I not good enough?”

Nang matapos makapagbihis ay pumunta na siya sa kanyang paboritong couch at pinayapa ang sarili habang humihiga. Binalot niya ng manipis na kumot ang kanyang katawan. Niyakap niya ang sarili habang iniunat ang mga mahahabang paa. Nagtimpla siya ng isang basong gatas kanina pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naiinom. Lumalamig na ito sa coffee table niya pero wala naman siyang pakialam.

Patuloy lang siya sa pagtitingin-tingin sa newsfeed ng kanyang social media account nang biglang may tumawag at dahil sa gulat ay nabitawan niya ang kanyang phone kaya nahulog ito sa kanyang mukha. Napahawak siya sa kanyang humahapding ilong at napamura. Napatingin siya sa orasan at ala una y media na pala ng madaling araw. Si Madam Z ang caller kaya nagtaka siya kung bakit tumatawag ito sa ganoong oras.

“Darling! Sa wakas ay may oras ka na sa akin. Pinuntahan kita sa bahay mo kanina. Ilang oras na akong nakaupo sa porch mo pero wala namang Tin na umuwi. Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot. Tinext din kita pero hindi ka nag-rereply. Sumuko na ako kanina pa pero nagbabakasakali akong tawagan ka ngayon. Oh, by the way, I don’t mind saying sorry to you if ever na naistorbo ko ang pagtulog mo. Pinag-alala mo ako ng sobra and I am mad at you kanina but finally, humupa na. Magpasalamat ka.” Mahabang litanya nito mula sa kabilang linya.

“Sorry po, Madam Z.” Hinging-paumanhin niya rito habang hinihilot pa rin ang kanyang ilong.

“Save that sorry, my dear!” Halata sa boses nito ang excitement. Napaupo naman si Tin sa couch pagkatapos ay humugot ng malalim na hininga.

“What’s up?” tanong niya kahit pa may ideya na siya kung bakit masaya ito ngayon.

“Oh my… you won’t believe it! I have some extraordinary and beautiful dishes in my table right now and I can’t wait to share to you the good news.”

Napangiti siya. “At ano naman ang good news na iyan ha?”

“Guess what? I got the contract! Isn’t it surprising? I mean, sino bang mag-aakala na makatatanggap ako ng email mula sa Moore Promotions and an amazing call from Moore’s public relations congratulating me for the job well done. Na delay lang daw ang contract but I have it and I am so happy. I can’t move on.”

“I knew it. I always knew you can make it.” Ngumiti siya ng matamis.

“Thank you so much. I am so proud of myself and to my girls.”

“Isang masigabong palakpakan sa isang babaeng palaban na hindi marunong sumuko sa mga pangarap sa buhay. Congratulations, Madam Z!” Nagtawanan nalang silang dalawa matapos niyang sabihin iyon.

“Oh, thank you.” Super sweet ng boses nito at wala sa sariling napaiyak nalang si Tin hindi dahil sa lungkot kung hindi ay dahil sa tuwa para sa kanyang mahal na mentor. “How about you?"

“Y-Yes! I got my ticket to success too.” Ngumiti siya ng mapait nang maalala ang mga nangyari kanina sa Moore Promotions building.

“I’m always proud of you whether malaki o maliit na mga achievements mo, proud na proud talaga ako sa iyo. I know na kayang-kaya mo ito. This is just the start of your career’s journey. Have a safe trip towards your dreams. Go sail and follow what’s your heart’s desire.” Napangiti naman si Tin sa matalinghagang pananalita ni Madam Z.

“I’ll drive safely, Madam and if it happens that things gets blurry along the way I can just look at my compass to show me the right path. I’ll follow the stars to my goals in life. I’ll get in touch with the water because if it still warm, I know that I’m sailing towards the right direction…” tugon naman niya na sinakyan ang pagiging matalinghaga nito.

“Aba, natuto na ang mahal ko ah.” Bakas ang paghanga nito sa kanya.

“Syempre, magaling ang mentor ko eh pero I just want to say that thank you so much for being my compass and guide. Thank you for fixing me. I will be forever grateful for the things you’ve done to me,” puno ng emosyong saad niya.

“Darling, why are you like that? Why make this old woman cry?” saad nito sa kabilang linya habang sumisigok.

“Madam, you’re not that old. You’re just fifty-seven. Still young, gorgeous, pretty, powerful and passionate. All the girls beneath your wings loves you. We all love you and your beautiful soul,” bukal sa loob na sabi ni Tin. Naramdaman niyang mas umiyak pa ito lalo.

“You silly, silly girl! I love you too,” humihikbing tugon naman nito.

Namayani sa kanilang dalawa ang katahimikan ng mga ilang minuto bago binasag ulit ni Tin ang katahimikan. Hindi niya alam kung anong iisipin ni Madam Z sa sasabihin niya pero kailangan niyang magtanong dahil naguguluhan na rin siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Nagbabakasali siyang masagot nito ang kanyang mga katanungan. “Madam, normal lang po ba na may mararamdamang lungkot ang isang tao sa kabila ng kanyang tagumpay?”

“Darling? Tell me, are we talking about you this time?” tanong naman ni Madam Z mula sa kabilang linya.

“I-It’s my neighbor, actually. She said to me na—”

“Liar. I know you very well, Valentina. Don’t try to lure me with your tell-tales.” Putol nito niya. “Aren’t you happy for yourself?”

“Madam, nagkakamali po kayo.” Pagtatanggol naman niya sa sarili.

Napasabunot siya sa sarili nang maalala ang sariling kagagahan kanina. It was so unfortunate na pumunta pa siya sa lungga ng halimaw at pinahamak ang sarili niya. Siya pa yata ang nag-deliver ng sarili niyang kapahamakan sa buhay pero sigurado siyang kahit naman hindi siya lalapit ay magagawa pa rin nito na makaganti sa kanya lalo na’t he has all the means to ruin her. Malinaw pa sa madilim na gabi ang pagbabanta nito laban sa kanya.

“Valentina, I’ve been there before so stop weaving stories. Let me ask you again the same question, are you not happy for yourself? Aren’t you proud of the things you’re tasting now?” seryosong tanong ni Madam Z sa kanya.

“Of course, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako masaya. Pero may mga bagay lang talaga na hindi mo inaasahang mararamdaman mo gaya nitong dinadamdam ko ngayon. Ewan ko. Hindi ko maintindihan.” Pagtatapat niya.

“Like what?” tanong naman ni Madam Z na halata namang alam na ang sagot sa tanong niya pero pinili pa rin nitong itanong iyon para manggaling mismo sa kanya ang sagot.

“Sadness, fear and loneliness.” Pagtatapat niya ulit. “Sometimes, I felt empty. Happiness suddenly creeps out like nothing happened.”

“Tatapatin na kita. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo. Anong maganda kong gawin? Iuntog kaya kita nang matauhan ka na o kaya naman ay alugin kita para magising ka na talaga mula sa bangungot mo sa nakaraan?” Bulalas nito mula sa kabilang linya.

“I—I don’t know what to say anymore. Ni hindi ko na nga alam ang dapat kong gawin.” Napatungo nalang si Tin.

“Akala mo ba hindi ko napapansin, Valentina? You’re keeping yourself isolated most of the time. Who do you hang out with? Just Rusty and Ginger but did you open up things like other friends do? No. You build a wall and I don’t know why. Kalmado ka pero deep inside, your palace is shaking terribly. Why? Why you have to do this? Why hiding half of yourself behind the shadows?” tanong ni Madam Z.

“I guess, that’s the safest thing I can do, Madam,” saad niya.

“Safe? From whom?” takang tanong naman nito.

Alam ni Madam Z na may hindi pa rin sinasabi sa kanya si Tin mula sa nakaraan nito at kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Nararamdaman niyang may itinatago pa ito sa kanya ngunit hindi nalang ito nagsalita pa at hihintayin niyang ito na mismo ang magsasabi ng kusa.

“I prefer to keep it to myself, Madam. I’m sorry,” tugon niya rito.

“I understand and I respect that but one thing I can say to you is that try opening your door to people who wanted to come in. Do not isolate yourself too much or else you will regret life when it’s too late.”

“Don’t let the trees to go bald. Do not just sleep all your life in the dark chamber. Go out and wander because there is so much things greater than what you have been expected. There are things beyond beauty lying on the other horizon. Well anyway, it’s all your choice to step outside or remained locked inside your own tower,” saad ni Madam Z sa kanya.

Mga ilang minuto ay natapos na rin ang tawag. Napapaisip naman si Tin sa mga tinuran ni Madam kani-kanina lang. Aaminin man niya o hindi ay may punto talaga ito. Akala niya ay nagbago na siya totally pero akala niya lang pala iyon. Lampa pa rin siya tulad ng dati; nadapa siya at nahulog pa sa bitag sa pangalawang pagkakataon at wala siyang ginawa. Hinayaan niya lang ang emosyon niya ang magdala.

Five years ago, pinahamak siya ng kanyang emosyon at ngayon naman ay parang boomerang ang nangyari. Parang naniniwala na siyang history repeats itself. Dahil mas pinapairal niya ang emosyon ay napahamak tuloy siya. Nakuha siya sa taga ni Peterson and now, it gives her chill in her bones. Nakatulugan niya sa sofa ang pag-iisip at paninisi sa sarili.

ISANG sigaw mula kay Tin ang gumising sa kanya mula sa isa na namang bangungot. Nanginginig at pinagpapawisan siya ng malapot habang nakaupo sa couch at yakap-yakap ang sarili. Nakatitig lang siya sa kawalan habang dumadaloy sa utak niya ang kanyang masamang panaginip. Nasa korte raw siya at kasalukuyang nililitis. Magnanakaw ang kaso niya at ang husgado ay walang iba kung hindi ay si Peterson. Hindi lang siya basta inakusahan bilang isang magnanakaw kung hindi naging guilty beyond reasonable doubt din ang hatol nito sa kanya.

Sigaw siya nang sigaw na hindi totoo iyon at wala siyang kasalanan. Ni hindi nga niya alam ang kasalanang ibinibintang sa kanya. Panay ang pagmamakaawa niya sa lahat. Alam niyang wala siyang kasalanan at inosente siya pero walang nakikinig sa kanya at panay lang ang bulungan ng mga tao sa loob hanggang sa narinig nalang niya ang sunod-sunod na pukpok ng gavel bago siya nagising ng kusa.

Dahan-dahan siyang naglakad sa kanyang kwarto at nagsuot ng roba. Humiga na siya sa kanyang malambot na kama habang humihinga ng malalim at pilit na iwinawaglit ang kanyang napanaginipan kanina. Imbis na maging komportable sa bango at init na bigay ng kanyang makapal na kumot ay hindi niya maramdaman iyon sa ngayon. Iyak lang siya nang iyak at hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Bumalik na naman siya sa dati.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height