Vengeful Roses/C9 The Bride
+ Add to Library
Vengeful Roses/C9 The Bride
+ Add to Library

C9 The Bride

Mga ilang araw na ang nakalilipas simula nang pirmahan nina Madam Z at Tin ang kontrata ng Moore Promotions at ngayon ay busy na sila sa kani-kanilang mga proyekto. Ang ahensya ni Madam Z ang napiling magbida sa summer collection ni Arielle Farra Zigs, isang sikat at respetadong designer na marami na ring napatunayan sa mundo ng fashion. Hindi siya ang tipo ng babaeng masasabi mong very attractive dahil simple lang siya but she screams elegance at all cost.

Arielle is in her late 30s, a plus-sized and tall woman, strikta ang kanyang mga kilay, nakatatakot din siyang tumingin but she is humorous at the same time. She’s quite intimidating because she loves to intimidate people sa una nilang pagtatagpo to see their funny faces. It’s her thing but all in all, Arielle is a partner whom you can rely on kahit na minsan ay napaka-demanding nito. Marami kasi itong kaartehan sa katawan at kapag hindi niya gusto, hindi niya talaga gusto at final na iyan.

Ang tawag nila sa kanilang gagawing fashion show ay ‘2018 Fashion Show, Philippines’ na gaganapin sa isa sa pinakamalaking mall sa bansa, ang Mall of Sparrow Dale sa next three weeks kaya naman ay puspusan na ang kanilang paghahanda para sa gaganapin na show.

Si Tin naman ay busy na ngayon sa nakatokang proyekto para sa kanya. First project niya ang gumawa ng iba’t-ibang wedding gowns na imo-model naman ng isang local agency dito sa bansa. Hindi masyadong malaki ang unang proyekto niya pero aminado siyang matrabaho ang mga ito. Ang bibihisan niya ay ang mga modelong kakukuha pa lang din ng kontrata. Gaya niya ay hindi rin ito masyadong kilala pero masayang-masaya pa rin siya dahil alam niyang ito na ang simula ng mga pangarap niya na dati ay pinapangako lang niya sa kanyang Kuya Eros.

Ipinapangako niya rin sa kanyang sarili na mamamayagpag siya sa larangang pinili—iyon ay kung walang asungot na darating sa dadaanan niya. “Speaking of asungot, buti naman at hindi na niya ako ginugulo ulit. Sana ay magka-amnesia nalang siya para matapos na ang problema ko.”

Sa totoo lang ay natatakot siyang isang araw ay mawala nalang bigla ang lahat ng mga pangarap niya dahil sa mga banta nito sa kanya at kung sakaling mangyari iyon ay hindi siya papayag na siya lang ang babagsak. Hihilahin niya rin sa hukay si Pamela Moore-Aresgando. Gusto niyang ipamukha sa babaeng iyon na hindi lang ito ang nagdusa at naghirap dahil pareho lang naman silang dalawa na nasasaktan noong mga panahong iyon. Ipamumukha niya rin kay Peterson kung gaano kasinungaling ang tinitingala nitong kapatid.

“Iniisip ko pa lang ang mukha ng babaeng iyon ay kumukulo na ang dugo ko. Sana masaya na siya ngayon. Sana alam din niya ang pinagdadaanan ko nang dahil lang sa kanilang dalawa ni Gilbert.” Himutok niya.

Paroon at parito siya habang kagat-kagat ang ballpen. “Teka lang. Bakit kaya kailangang magsinungaling pa ng impaktang iyon kay Peterson kung pwede naman niyang sabihin talaga ang totoo? Anong meron? At saka, siya ang Ate pero bakit parang siya pa ang takot sa kologong iyon?”

Nanliit ang mata niya at napaupo sa couch bago hinawakan ang baba. “Sabagay, hindi ko siya masisisi. Ang sama naman kasi ng ugali ng kapatid niya. Wala pang galang sa mga babae. Nilait na nga ako’t lahat-lahat tapos nagbabanta pang siraan ako? Gago talaga ang mokong na iyon. Kung tutuusin ang tanga niya. Ang laki niyang tanga sa pagtitiwala sa mga kasinungalingan.”

Sinampal pa niya ang sarili at pumunta na sa kanyang desk habang tinitingnan ang mga sketches na nandoon. “Tama, hindi ko na dapat isipin pa ang mga taong iyon. Dapat ay focus lang ako sa project ko. Isa lang silang malaking distraction sa buhay ko.”

Napalingon pa siya sa mga gowns na nasa kanyang likuran. Napangiti siya habang nilalapitan ang mga ito. Nagsimula siyang umikot-ikot. “Here comes the bride, dresses in all white, walking in the aisle with her beautiful smile—haist, ang sarap siguro sa feeling na may nagmamahal sa iyo tapos yayayain ka pa niyang magpakasal.”

Napangiti siya ng mapait nang maisip ang imahe ni Peterson na naghihintay sa kanya sa altar habang siya ay naglalakad sa gitna ng simbahan. Iwinaksi niya ang naisip dahil hanggang pangarap lang ang kaya niya. Hinding-hindi siya mamahalin nito dahil ang baba na ng tingin nito sa kanyang pagkababae. Nasasaktan siya dahil doon pero malugod niya pa rin itong tatanggapin. Iisipin nalang niya ang kanyang trabaho dahil ito na ngayon ang una sa kanyang listahan.

Pinaghandaan niya talaga ang kanyang bagong proyekto sa ilalim ng Moore Promotions. Pressure siya pero masaya naman ang puso niya sa kanyang ginagawa. Kahit kailan ay hindi siya nababagot kahit na siya ay napapagod. Siguro dahil sa mahal niya ang kanyang trabaho at kontento siya rito.

Gusto niyang ibigay ang best niya sa trabahong ibinigay sa kanya kaya pati mga gagamitin ay siya mismo ang pumili. Her materials are fantastic and amazing; galing ito sa mga mamahaling silk at cotton. Ang mga kulay ay iba’t-ibang level ng white garments. Ang balak niya kasi ay applicable sa lahat ng klase ng bride ang hahabiin at ide-disenyo niyang wedding gowns.

Next month na ang Bridal Fashion Show nila kaya kabado sila na nae-excite at the same time. She’s confident in her craft even though the grumpy Peterson Moore belittle her ability. Aaminin niyang nasaktan siya at nawalan ng isang hibla ng confidence sa kanyang kakayahan pero she needs to stand out and lift her chin up. She won’t give that man his satisfaction.

Ipakikita niya rito na nagkakamali ito sa panghuhusga sa kanya. Naniniwala siyang sinabi lang iyon ng lalaki upang sugatan siya at nagtagumpay nga ito. Kahit sino naman siguro ay masasaktan at manliit sa sarili kapag makaririnig ng harap-harapang pang-iinsulto na parang pinagduldulan pa talaga sa mukha mo kung gaano ka kawalang kwenta at ka-hopeless. Sa pagkakataong ito ay ipakikita ni Tin sa mapang-uyam na lalaki na karapat-dapat din siyang respetohin.

Hindi nga niya iniinda ang matinding puyat at pagod na inabot niya dahil lamang sa pagta-trabaho at idagdag pa ang pagiging pihikan niya sa mga dine-disenyo. Mabuti nalang at nandiyan sina Rusty at Ginger para alalayan siya. Malaki rin ang pasasalamat niya sa iba pa niyang mga staffs dahil sa malaking tulong na ibinigay nito sa kanya. Kung hindi dahil sa kanila ay baka hindi niya makakayanan ang lahat ng ito.

So far ay tatlong wedding gowns nalang ang kailangan nilang tapusin kaya pinauubaya na ito ni Tin sa mga tauhan dahil kailangan niya pang pumunta sa practice ng mga modelong magbibida sa kanyang mga wedding gowns. She really need to be there dahil kailangan niyang masiguro ang lahat at maging maayos na rin ang kalalabasan ng fashion show nila next month. Syempre, dito nakasalalay ay career niya lalo pa at boss niya ngayon ang isang aroganteng si Peterson Moore.

PUMARADA si Peterson sa parking lot ng PD Montello Salon kung saan nagre-rehearse ang mga modelo ni Mrs. Monique Ruella Montello. Ito ang magbibida sa mga disenyo ni Tin. Kagagaling lang din niya sa Gomez Salon para manood ng practice roon at na-satisfy naman siya. Hindi alam ng ahensya ni Mrs. Montello na darating siya ngayong araw. Parang surprise visit ang ginawa niya. Titingnan niya kung mapapa-thumbs up ba siya ng mga ito ulit.

“Mr. Moore?” Gulat na bulalas ni Mrs. Montello.

“Good day!” Nakangiting bati niya sa eleganteng babae.

Bakas ang saya at paghanga sa mukha nito. “Good day! I didn’t see this coming but thank you for stoping again.”

Mrs. Montello is a very nice and beautiful woman in her late 40s. She is petite and classy. Malamya itong magsalita but she trained her beautiful models well. Hinahangaan siya dahil sa kanyang pagiging small but terrible. Sa liit at lamya nitong magsalita ay nakaya nitong i-manage ng mabuti ang kanyang mga alaga. Walang makapagsasabi kung paano niya iyon ginawa subalit isa siya sa mga ideal woman when it comes to training models.

“What do you think, Mrs. Montello? Am I enough to drag an attractive woman by my side tonight?” Ngisi naman ni Peterson na para bang humihingi ng say mula sa kanyang ina kung approve ba ang looks niya ngayong araw o dapat bang palitan.

“You are darn enough. The woman is so lucky.” Ngumisi rin pabalik si Mrs. Montello na tila naaaliw sa kanyang kapilyohan.

“I hope so.” Napatawa naman ang Ginang sa tinuran niya. Para kasi itong hopeful na hopeful at pinagdaop pa talaga ang mga palad.

“I never thought you have a sense of humor, Mr. Moore. Anyways, come and meet my girls.” Iginiya siya nito sa mga modelong kasalukuyang rumarampa sa runway.

Nang makita nila si Peterson ay ngumanga pa sila at nagpapa-cute naman ang iba. Iba talaga ang dating nito sa mga babae lalo na kapag papasok siya sa kahit saang gatherings. Parang may kakaiba talaga sa entrance niya pagdating sa mga babae. Minsan ay pakiramdam niya ang powerful niya pero kadalasan ay naiilang na din siya sa mga tinginan at pagpapa-cute ng mga ito.

“Gosh, nandito si Sir Peterson.” Sigaw ng isang babae sa dressing room at nagtilian ang karamihan. Kilig na kilig na naman ang mga ito sa presensiya ng isa na namang pinaniniwalaan nilang Adonis.

Lubos ang paghanga nila sa bagong dating at kinikilig pa ang mga rumarampa. Mas pinag-iigihan pa nila ang ginagawa para magpa-impress. Napansin din ni Tin na nandito na naman si Peterson kaya lihim na napairap siya bago kamayan ito nang ilahad nito ang kamay. Agad niya namang binawi ang kamay mula rito nang maramdaman niya ang mahina nitong pagpisil.

“Nandito na naman siya. Nakaiinis talaga at parang nananadya. Kailangan ba talagang kamayan ako every time na dumating siya?” Maktol niya sa kanyang isipan bago binawi ang tingin. Sinusubukan niyang huwag humanga sa taglay nitong karisma pero hindi naman siya nagtagumpay. Aaminin niyang mas naging attractive pa ito lalo sa mga mata niya na mas ikinainis niya ng husto.

Pangiti-ngiti lang si Peterson habang nakatingin sa mga models na nasa runway na nagpapakitang gilas habang suot-suot ang mga wedding gowns. Tahimik lang din si Tin sa gilid na nagmamasid habang naka-crossed arms. Kitang-kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang simpleng pagsulyap ni Peterson sa kanya. Minsan ay may halo pa itong panunuya kaya mas lalo pa siyang nawalan ng gana. Nasira na ang buong araw niya dahil sa lalaki.

Hindi niya pinapahalata pero sa totoo lang ay gusto niya talagang magdabog at palayasin na ito pero dahil hindi niya naman kayang gawin ay siya nalang ang nag-volunteer. Pasimple siyang umalis sa kinatatayuan at uminom ng tubig saka naglakad papunta sa backstage. Hindi niya makakayanang makita ang mga mata nitong nanunuya sa kanya. Pumunta nalang siya sa dressing room at tinutulungan ang mga modelo sa pagbibihis dahil sa wakas ay patapos na naman ang rehearsals.

Napapailing nalang siya nang marinig ang usapan ng mga babae sa loob. Napapaisip siya kung bakit baliw na baliw ang mga ito kay Peterson. Normal na magkagusto sa lalaking iyon dahil talaga namang halos naroon na sa naturang lalaki ang lahat pero para sa kanya ay hindi naman normal na magpakabaliw ka para lamang sa isang lalaki lalo pa at si Peterson Moore ang kinababaliwan. Aaminin niyang malakas ang dating nito pero hindi naman siya ang tipo ng babaeng nabaliw para lang dito. Lihim siyang nagpasalamat na hindi ganun kalala ang epekto nito sa kanya.

“Ultimate dream boy ko ang mga tulad niya, OMG!” Bulalas ng isang morenang babaeng may malago at mahabang itim na buhok. Siya si Eridesa na mahilig sa mga bota at sexy dresses.

“Grabe, ibebenta ko ang Schiosta kong bag para lang mai-date siya,” kilig na kilig na saad naman ng isang babaeng halatang may lahi. Maganda at matangkad ito, siya naman ni Sabrina.

“Wow, Sabrina! May Schiosta bag ka? Hala, sana lahat meron.” Paghanga naman Eridesa. “Bukod kay Sir Peterson ay dream ko ring magkaroon ng ganoong bag o kahit bota man lang sana.”

Ang Schiosta ay isa sa pinaka-sikat na brand nationwide at ito ay pagmamay-ari ng isang sikat na personality slash fashion icon na si Mrs. Evangeline Ruela Schiosta at partner nito ang asawang si Mr. Tyrone Schiosta na may-ari rin ng isa sa sikat na business empire sa New York City. Sakop ng Schiosta ang mga bags, sapatos, perfumes at mga makeup collections.

“Hay naku, Sabby… Ibenta mo nalang iyang Schiosta bag mo para sa ibang lalaki at hindi dahil kay Sir Peterson.” Singit naman ng isang babaeng may matangos na ilong na medyo payat. Siya si Diana. Para itong fairy sa kaputian at nasisilaw si Tin lalo na kapag Nagsuot ito ng puti.

“Ito naman. Alam mo ang bitter mo talaga Diana. Masama bang mangarap?” Umingos naman itong si Sabrina.

“Hindi naman pero hindi mo ba napapansin? Hindi siya pumupunta sa practice natin para lang makita ka o sino man sa atin dito. Halata naman na si Miss Tin ang pakay niya.” Paliwanag naman ni Diana.

Napatigil si Tin at napatingin dito. “Ha?”

Ngumisi lang naman ito. “Nakikita niyo ba ang bawat titig niya kay Miss Tin? Gosh! Nanunuot sa ribs ko. Paano ba kasi maging ikaw, Miss?”

“I second to that. Matagal ko nang napapansin. Sabagay, almost perfect naman talaga si Miss Tin.” Sang-ayon naman nung isang blonde, maputi at matangkad na si Kim.

Kinakabahan man ay hindi siya nagpahalata sa mga ito. Sa isipan ni Tin ay natataranta na siya. Ngumiti siya ng awkward. “Alam niyo, ang lawak ng mga imahenasyon ninyo.”

“Sus, Miss Tin, pustahan tayo. Interesado nga siya sa iyo. Baka nga i-date ka pa nun eh.” Asar naman sa kanya ni Diana na nagpapalit ng lipstick.

Nakita niyang nagliliwanag ang mga mata ng mga modelo na nakatingin sa kanya at puno ito ng pag-asa pero wala siyang makuhang kasiyahan doon. Kinikilig pa ang mga ito pero siya ay walang makuhang kilig sa mga pinagsasabi nito. Tinatanong pa nga niya ang sarili kung bakit naman siya kikiligin? Alam naman niyang hindi kailanman man mangyayari ang pantasya ng mga babaeng kasama niya ngayon sa dressing room.

“At bakit naman niya gagawin iyon?” tanong ni Tin na tila patay-malisya lang.

“Bakit naman hindi?” Nginisihan siya ni Diana. “Napag-alaman ko na ang latest ex girlfriend niya na si Cathy Hech ay matagal nang nakipaghiwalay sa kanya and I think it’s nine months ago.”

“Wait, wait, wait! Si Cathy Hech? Iyong sikat na aktress, singer at TV host? Naging sila ba? Si Sir ba ang tinutukoy na non-showbiz boyfriend dati ni Cathy?” Hindi makapaniwalang bulalas ni Sabrina.

“Yup! Lumabas iyan dati sa isang magazine at ni-reveal nga na si Sir Peterson ang lalaking iyon tapos ngayon ay wala na sila. Kaya naman ay single na ulit and free to mingle na si Sir,” tugon naman nito.

“How sure are you? Bakit, close ba kayo?” Usisa naman ni Kim.

“Sira! Alam niyo naman na siya ang tipo ng lalaking hindi nabubuhay na walang babae sa tabi ng kanyang kama and tahasan niya kayang sinabi iyon sa ipinalabas na 2016 edition ng Pink Magazine.” Humagikhik pa si Diana.

Bumaling naman si Diana kay Tin. “Well, alam ko naman na hindi ikaw ang mga tipo niya kasi halatang virgin ka pa. Hindi inosente ang mga tipo ni Sir Peterson dahil mas gusto raw nito ang mga may karanasan na. Pero I guess, attracted siya sa iyo and kapag susumahin ay hindi na nakapagtataka pa kung bakit.”

“Virgin? Inosente? Walang karanasan?” Alam naman ni Tin na hindi sarcastic si Diana pero parang nandiri siya sa mga salitang binitiwan ng modelo ngayon-ngayon lang. She feels personaly attacked. Parang may bumara sa kanyang lalamunan.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height