C20 Amnesia
Ciara's pov
"Hoy, ayos ka lang ba?"
"Anong sino siya? Ano ka? May amnesia?" Nakangiwing tanong ni Jennifer, pero dahil sa tanong niya ay mas nagkaroon ako ng magandang ideya para ipagpatuloy ang ginagawa ko.
Inosente kong tinignan si Jennifer sa mata. "Hindi ko talaga siya kilala, sino ba 'yan? Kaibigan mo?" Nag-aamang-amangang banggit ko kay Tyron na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin