+ Add to Library
+ Add to Library

C1 Let the War Begin

ASHY'S P.O.V

I am Chram Ashy Monteflabio. Sixteen years old. Pretty, kind, and smart. And yes, I am the only daughter of Santiago and Annabeliza Monteflabio. In short, the only heiress of the Monteflabio's vast fortune.

If you're going to ask me on what I like the most? Well, I like doing what I love! And if you're gonna ask what--- no, 'who' does I dislike the most? Wala nang iba kundi ang nag- iisang anak nila Tito Peterson at Tita Klara. And you don't have to guess who's that bastard is. Kasi, oo, si Cyruz Keith Villarosi nga 'yon!

Ang lalaking hambog na wala na yatang alam gawin sa buhay kundi ang bwisitin at pikunin ako. Tsk!

Kung bakit ba kasi mula noong kinder hanggang ngayon na grade 11 na kami ay kaklase ko pa rin s'ya?! I took ABM class 'cause I thought na hindi ito ang kukunin niyang strand kasi nga he really hate Mathematics, literally! Pagkatapos, malalaman ko na lang na nag- ABM din siya? At ang malala pa, may dalawang sections naman ang ABM pero for goodness' sake! Kaklase ko pa rin ang kumag na iyon!

Tinaasan ko siya ng kilay ng mapansin ko na nakatingin siya sa akin.

And he's smiling annoyingly.

By the ways, nandito kami ngayon sa classroom namin. Ang subject namin ngayon? Personal Development.

Inirapan ko na lang siya at nag- iwas na ako ng tingin nang mapansin ko na unti- unti siyang napapangisi.

''We all know that sex is important to us, humans, especially to those in a romantic relationship ones.'' panimula ni Mrs. Mariano. ''But...! We also know that there are several people especially nowadays, na nakikita at ginagawan ito ng kahulugan sa hindi magandang paraan. And according to studies, madalas na nangyayari ang misuse at pagbibigay ng maling depenisyon sa usapin ng sex, sa stage ng young adolescence. Just like all of you here in this class.''

Nanatili lang kaming tahimik.

''And since we still have a time of almost thirty minutes, I decided to make an activity. Dalawang representatives lang ang kailangan, class. But all of you will be having the benefits. We'll going to have a debate.'' Debate? ''We'll choose two students who'll do the debate. First one will defend sex moderation and the second one will be defending the sex legalization in any age, and in any status.''

Nanatili pa ring tahimik ang buong classroom naming.

Naputol lang iyon nang may biglang humawak sa kamay ko ay itinaas iyon.

''Si Ashy po, Ma'am!'' biglang sigaw ni Jamie kasabay ng pagtaas nga sa kamay ko.

Jamie Garnado is my seatmate slash bestfriend.

''Halos lahat po ng debate na sinalihan niya ay naipanalo niya. I'm pretty sure na magiging successful ang debate activity na ito kung si Ashy ang isa sa mga magdedebate.'' nakangiti pang sabi nito.

Tumangu- tango naman si Ma'am Mariano.

''Well then, Ms. Monteflabio, please proceed here.''

Kahit na ayoko ay wala na akong nagawa kundi ang tumayo na lang.

Tinitigan ko pa ng masama si Jamie na nag- 'go' sign lang sa akin.

Si Ma'am naman ay muling hinarap ang mga kaklase ko.

''Who else?''

''Ma'am, si CK po!'' sigaw naman ng isang kaklase ko na kung sinuman iyon ay siguradong walang utak, walang puso, walang bumbunan, walang balun- balunan, at walang bituka! Tsk!

Lumipad ang tingin ko sa lalaking tinawag na 'CK'.

I gave him a warning look pero... nagkibit- balikat lang siya.

What the...?!

Naikuyom ko ang mga kamao ko nang dahan- dahan siyang tumayo at naglakad palapit sa amin. Sa harapan.

''Mr. Villarosi and Ms. Monteflabio are up already. So, I guess, we should start?''

Argh! 'Kainis!

Gusto ko na lang sumigaw sa sobrang inis!

Halos araw- araw niya akong pinagti- trip- an! And now, we're going to have a debate in front of the whole class na ang topic pa ay 'sex'?!

What a nerve?!

''Okay, Ms. Monteflabio, you'll start.'' hudyat ni Ma'am Mariano. ''You'll start.''

Huminga ako ng malalim.

Wala na akong balak na patagalin pa ito.

''I'll go straight to the point. Mrs. Mariano said that sex is definitely important to us, humans. And she's right. But there are some people who used to give unethical meaning to it.'' saad ko.

''Excuse me, Ms. Ashy.'' singit ni Cyruz Keith the kumag. ''We're not giving an unethical meaning towards the word 'sex'. 'Cause sex means love, right? Can't it be possible that we're just using sex to express how much we love the person whom we had a sexual affair with?''

''Booooo!!!'' sigaw ng mga kaklase kong lalaki na halatang agree na agree na sinabi ni Cyruz Keith.

Tsk! Mga manyak!

But, I don't care.

Hinayaan ko lang silang mag- ingay.

At nang sa wakas any tumahimik na sila, I then decided to lay my piece and t defend my side.

''Well, you said it yourself, Mr. Villarosi. The pronoun 'we'. Meaning, your statement's address includes you.'' Naging dahilan ang sinabi kong iyon para matahimik sila. ''Let me adopt what you've said. Sex means love. But, it was still a mistake having pre- marital sex especially us, na nasa young adolescence pa lang. Plus, how many percent can you ensure that 'love' is the right term for what you're feeling? It can be nothing but a pure lust.''

Pagkatapos ng paliwanag ko ay pumainlanlang ang malakas na sigawan ng mga kaklase kong babae. Particularly, si Jamie.

''Oo nga!''

''Nice one, Ashy!''

''Men are pervert!''

''Womanizer!''

''Sex addict!''

''Shut up!'' malakas na sigaw ni Cyruz Keith na nakapagpatahimik sa aming lahat. ''Call us whatever you want! We don't fvcking care! But can you answer my question, huh? Did we, ever forced you to have sex with us, men?''

Napangiti ako.

Well, paano ba namang hindi? Eh, halatang galit na galit siya?

Pfft. Kawawang Cyruz Keith. Ang lakas mang- asar, pikon naman pala. BWAHAHAHA!

Nagtatakang inilibot ko ang paningin ko sa paligid nang mapansin ko na bigla na lang tumahimik ulit.

Silence... that I decided to break.

''Did you hear from us saying that you, men, forced them?''

''Them?'' tanong n'ya at tumawa ng malakas. Mapang- asar. Nang- iinsulto. Ang tawa ng isang totoong Cyruz Keith Villarosi. ''Them. Just them. So, hindi ka kasama? Stop acting like you're a virgin---''

''And stop acting like you're a freaking child, Cyruz Keith!'' inis kong sigaw sa kanya. ''Study debate ito, hindi personal. And that makes you no right to question my virginity!''

''See?'' nakangising sabi n'ya. ''Defensive. Meaning, totoo---''

''Stop that effin' statement, Cyruz Keith!'' putol ko sa sasabihin niya.

''Sino ba'ng nauna?''

''I don't care---''

''Enough!'' pamamagitan sa amin ni Mrs. Mariano. ''That's beside the point, Mr. Villarosi and Ms. Monteflabio.''

Tinitigan ko ng masama si Cyruz Keith na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin.

''Sorry, Ma'am.'' mahinang sabi ko na lang.

''Well, let me just end this debate with my last and final question.'' sabi ni Cyruz Keith habang nakatingin sa akin. Hindi man lang nag- sorry? Argh! Ang kapal talaga ng mukha! Hmp!

Lalong lumawak ang pagkakangisi niya habang nakatitig sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

''You don't have to answer immediately, Chram.'' sabi niya sa mahina at mababang boses. Wait... Is he trying to seduce me? The nerve!

''Ano ba'ng itatanong mo, ha? Sabihin mo na nga nang makaalis na ako dito. I can't really stand here seeing your face still---''

''How many kids do you want?''

CK'S P.O.V

Right after the discussion, we went to our headquarters. 'Cause yeah, may sarili kaming tambayan dito sa school na para sa amin lang. If someone dare to come here with or without permission, alam na nila ang mangyayari sa kanila.

''That's awesome, bro! Paano mo nagalit ng ganoon- ganoon lang si Ashy?'' natatawang sabi ni Tyrone habang nakahilata sa couch. ''Ashy is the modest student here in this campus. She's tamed. Hindi s'ya basta- basta naglalabas ng inis. Mahaba ang pasensya. Pero nagalit mo s'ya ng gano'n kadali? Ibang klase ka!''

Ngumisi lang ako at nagkibit- balikat.

''That's what we called 'talent'. Ganito yata talaga kapag gwapo.'' sabi ko lang at tumawa.

''Yeah, ganiyan talaga kapag gwapo, bro. Laging pinapagalitan at sinesermunan.'' natatawang sabi rin ni Jashler.

''What do you mean?'' tanong ko.

''Ano pa? Eh, 'di, ang paniguradong lagot ka na naman kanila Tita Klara at sa parents ni Ashy once na malaman nila ang mga nangyari sa classroom kanina!'' sagot niya naman.

Napailing na lang ako.

Well, I have none against what Jashler said. Totoo naman, eh. Everytime na malalaman ng mga pamilya namin na nagkakagirian kami ni Chram, ako palagi ang nasisisi. Sino ba naman kasi ako compared sa kanya? She's the role model of this school samantalang ako, isang dakilang gwapo lang na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.

''Oh, natahimik ka bigla? Sadboi moment, bro?'' pang- aasar ni Tyrone.

''Ako, sadboi? Asa.'' sabi ko at tumayo na.

''Where are you going?'' nagtatakang tanong nila.

''Ano pa ba? I started something between me and Chram, right? Kailangan kong tapusin iyon.'' sagot ko na lang.

Habang naglalakad ako sa hallway ay ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ng lahat. Karamihan ay mga babae.

Sino ba naman kasing hindi mapapatingin sa akin? Seriously? Sa gwapo at sa hot kong ito?

Pasimple akong tumingin sa classroom naming pero wala nang tao doon. So obviously, wala doon ang hinahanap ko.

It's just past three o'clock in the afternoon. At sigurado ako na hindi pa siya nakakauwi.

How did I knew? Simple lang. Sabay kaming sinusundo, eh. At exactly four p.m. Dati.

'Cause now? I already have my own car na pwede kong gamitin at dalhin kahit saan, kahit kailan. Samantalang siya, hatid- sundo pa rin. Parang pre- elem student lang. Tss. BWAHAHAHA! Poor her.

At kapag ganito na wala siya sa room pero hindi pa siya sinusundo, isa lang ang alam kong tambayan niya. Sa cafeteria, kasama ang bestfriend niyang si Jamie na sa pagkakaalam ko ay may gusto kay Jashler.

Hindi nga ako nagkamali dahil pagkarating na pagkarating ko sa cafeteria ay sila agad ang una kong nakita.

Iilan na lang naman kasi ang mga estudyante na nakatambay dito dahil uwian na nga.

Napangisi ako nang mapansin ko na maraming pagkain ang nasa table nila.

May isa pang bakanteng upuan doon.

What a lucky day for me, isn't it?

Lumapit na ako kaagad sa kanila. Kumuha ng isang burger na hindi pa nagagalaw at umupo sa bakanteng upuan na nandoon.

''What do you think you're doing?'' asik ni Chram sa akin.

''Kumakain.'' kaswal na sabi ko sa pagitan ng pagnguya.

''That's my burger!''

Tumingin ako sa kanya.

''Hawak ko na ito ngayon. Kaya ibig sabihin, akin na ito.'' sabi ko at lumunok. ''Unless, gusto mo pang kainin ito kahit may laway ko na. You want an indirect kiss, huh?''

Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng biglang pamumula ng buong mukha niya.

''Ako? Kakain ng pagkain na nilawayan mo na? And that I want an indirect kiss from you? The nerve?! As if namang hindi ko alam na may salmonella bacteria iyang laway mo! Kaya 'ayan!'' Padabog niyang inipon ang mga pagkain na nasa table at nilapit lahat ng iyon sa akin. ''Kainin mo na lahat! Mabulunan ka sana!''

Kinuha niya ang bag niya at agad na naglakad palayo.

''Ashy, pst, hoy! Wait for me!'' sigaw naman ni Jamie sabay habol kay Chram.

Napailing na lang ako habang nakangiti pa rin.

Muli kong kinagatan ang burger na kinakain ko.

''Two- zero, CK, bro! Nice one!'' sabi ng isang pamilyar na boses sabay malakas na tapik sa likod ko.

Dahil doon ay napahawak ako sa leeg ko.

Bumara ang burger sa lalamunan ko! Damn it!

'''Oy, bro, ayos ka lang ba?'' nakangiti pang tanong ni Tyrone sabay upo sa bakanteng upuan na inuupuan ni Chram kanina.

Kasama niya si Jashler na umupo rin sa isa pang bakanteng upuan.

Nanlalaki na ang mata ko habang nakahawak pa rin sa leeg ko.

''Bro, ano ba'ng nangyayari sa'yo?'' natatawa pa ring tanong ni Jashler.

Fuck it! Makakapatay ako! Makakapatay ako!

Mabilis kong inilibot ang paningin ko sa table.

May nakita akong basyong lata ng softdrinks at isang bote ng mineral water na may kalahati pang laman. Nasa tapat iyon ng inuupuan kanina ni... ni Chram. Kaya obvious naman na sa kanya iyon.

Kahit nagdadalawang- isip ay dinampot ko iyon. Binuksan at ininom ang laman.

Kaysa naman mamatay ako nang nabubulunan dito, 'di ba? Tss.

Nakahinga namana ko nang maluwag pagkainom ko sa tubig na iyon.

''Nabubulunan ka na pala, bakit hindi mo pa sinabi?'' seryosong asik ni Tyrone.

I gave him--- no,. I gave them a deadly stare.

''Nabubulunan nga, 'di ba? Ipalunok ko kaya sa inyong lahat ito, 'tapos pagsalitain ko rin kayo? Tss.'' inis na sabi ko.

''Mali kasi ang mang- agaw ng pagkain ng may pagkain, bro. Ang yaman- yaman mo, eh. 'Tapos, burger na lang aagawin mo pa?'' pang- aasar naman ni Jashler.

Hindi ko na sila pinansin at tumayo na lang.

For the first time in my life, nabulunan ako. At pwede kong ikamatay iyon! At lahat ng ito ay kasalanan ni Chram. She cursed me! Kaya humanda s'ya. Sisiguraduhin kong pagbabayaran n'ya ito--- argh!

Napahinto ako sa paglalakad at napahawak sa tiyan ko.

Damn. Parang may mali...

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang unti- unting paghilab ng tiyan ko.

Fvck... I think... I think I must go to the comfort room! Right here, right now!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height