C3 The Present

5 YEARS LATER…

ASHY’S P.O.V

Five years ago, I almost died. And that became the reason on why my parents came to decide na dito na ako sa Japan pag- aralin at patirahin pansamantala. I never refused to do what they said dahil alam ko naman na para rin sa akin iyon. Kaya ito ako ngayon, limang taon na ang nakalilipas at nandito pa rin ako. Natapos ko na ngang lahat- lahat ang pag- aaral ko dito, eh!

Pero kahit nandito ako, kahit minsan ay hindi ako nawalan ng komunikasyon sa mga taong malalapit sa akin na naiwan ko sa Pilipinas. Sila Mommy at Daddy, sila Tita Klara at Tito Peterson, at syempre, si Jamie.

‘’How are you there?’’ nakangiting pangungumusta ni Jamie sa akin.

I’m talking to her as of now.

Gaya ko ay graduate na rin siya sa Pilipinas.

‘’I’m fine. Ikaw?’’ masayang saad ko.

‘’Hmm, ito, okay rin naman.’’ sabi n’ya. ‘’By the ways, wala ka bang planong bumalik na dito sa Pilipinas?’’

Napaisip ako.

Sa totoo lang, ang plano ko talaga ay bumalik na agad ng bansa once na matapos ko na ang pag- aaral ko dito.

Pero kapag naaalala ko na makikita ko na naman si Cyruz Keith? Ang kumag na iyon?? It’s so… argh! Parang gusto ko na dito na lang sa Japan magkapamilya, tumanda, at mamatay!

‘’Wala pa, eh. But I’ll think about it.’’ sabi ko na lang.

Napansin ko ang unti- unting pagkabuo ng malisyosang ngiti sa mga labi niya.

‘’Ikaw, ah! Matagal ko nang napapansin!’’ tila nanunuksong sabi niya.

I raise my eyebrow up.

‘’Napapansin? Ang alin?’’ nagtatakang tanong ko.

‘’Ikaw! You’re always blooming, sissy! May… nagpapa- bloom na ba sa iyo diyan?’’

Nanlaki ang mga mata ko.

‘’What? Wala, 'no!’’ pagde- deny ko.

Well, wala naman talaga, eh! May mga nanliligaw, oo. But there’s no one na nakapasa sa standards ko.

‘’By the way, maiba ako.’’ rinig kong sabi n’ya, ‘’Did you already know na na malaking gulo ang hinaharap ng pamilya mo at ng mga Villarosi?’’

Napakunot- noo ako dahil sa sinabi n’ya.

‘’What?!’’

Hindi siya nakapagsalita agad.

‘’Jamie, I’m asking you. Ano’ng---‘’

‘’W- wala, Ashy. A- ano… I- I guess, sila Tito at Tita ang dapat mong tanungin tungkol doon.’’ utal na sabi niya. Hindi na siya makatingin sa akin ng diretso. ‘’S- sige na. I have to end this call. May job interview pa ako mayamaya.’’

Wala sa loob na tumango na lang ako.

‘’S- sige, Jamie. T- take care always.’’

Pagkatapos naming mag- usap ay agad kong tinawagan si Mommy pero offline at out of reach siya.

Hindi ko maipaliwanag pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ramdam na ramdam kong may mali talaga…

Binaba ko ang cell phone ko at kinuha ko naman ang laptop ko.

I immediately book a one way plane ticket.

Because yes, I am going back to the Philippines the soonest possible time.

CK’S P.O.V

For the past five years, stable at maayos ang lagay ng kumpanya at ng lahat ng negosyo ng mga Monteflabio at mga Villarosi. Not until this unexpected thing happened.

‘’Unti- unti na tayong bumabagsak. Hindi biro ang halaga na natangay sa atin ng mga letseng scammer na iyon!’’ seryoso at malakas na sabi ni Tito Santi.

‘’Kailangan na nating gumawa ng hakbang habang maaga pa at may magagawa pa tayo. Dahil kung hindi, pare- parehas tayong pupulutin sa kangkungan!’’ dagdag pa ni Daddy.

Humugot ako ng malalim na hininga.

‘’Hindi tayo dapat magpaliguy- ligoy ng desisyon. Hindi madaling kalaban ang mga Del Fuego. They can go deeper than the black market. Mga mafia lords ang namumuno doon. Malas lang natin at tayo ang napag- trip- an nilang biktimahin.’’ tiim- bagang na sabi ko.

‘’Ganito na pala kalaki ang problema ng kumpanya. And yet, wala man lang isa sa inyo ang nag- abala na sabihan ako.’’

Lahat kami ay napalingon sa bagong dating.

Chram…

Hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit siya pagkatapos ng limang taon. At sa ganito pang situwasyon.

Now, she’s standing there emotionlessly.

Ang laki na ng pinagbago niya…

‘’Ngayon na nandito na ako, baka naman meron nang may gusto na i- open up sa akin ang lahat ng mga problema dito.’’ sabi niya ulit.

Naglakad siya palapit sa amin at umupo sa bakanteng upuan.

‘’A- anak… K- kailan ka pa umuwi?’’ hindi makapaniwalang tanong ni Tita Eliza.

‘’Kararating ko lang, Mom. I’ve been calling everyone of you pero ni isa sa inyo, walang sumasagot. And base on what I heard, I think alam ko na kung bakit parang busy kayong lahat.’’ seryosong sagot ni Chram.

‘’So, tell me, Ashy, hija. How’s Japan---‘’

‘’I’m sorry, Tita. But I think, it’s not the right time to talk about Japan. Mukhang may mas malala pong problema ang dapat nating pag- usapan. Ang dapat niyong sabihin sa akin.’’

Napalunok ako habang nakatitig pa rin sa kanya.

She’s still have her white complexion. Pero wala na ang dati ay mahaba niyang buhok. It is now cut into a short hair. May manipis na make up na rin siya and that made her look so untamed.

‘’I’m asking on what’s happening, Cyruz Keith. Hindi ko hiningi na titigan mo ako.’’

Napakurap ako nang marinig ko ang sinabi niya.

And she’s calling me by my whole name, huh? Honestly speaking, siya lang ang tumatawag sa akin sa buong pangalan ko. At hindi ko alam pero may kakaibang saya akong nararamdaman everytime na binabanggit niya iyon.

Tumayo ako.

‘’If that’s what you want.’’ sabi ko pa.

Tinaasan niya ako ng kilay.

‘’What? Kailangan ba nakatayo ka pa bago mo ipaliwanag sa akin lahat?’’ sarkastikong tanong niya.

I le out a frustrated sigh.

‘’It’s up to you. Pero ayaw mong sabihin ko sa iyo ang lahat ngayon na? Then fine. Meet me at my place seven in the evening later. Kapag hindi ka dumating, I’ll be assuming na ayaw mong malaman lahat ng nangyayari sa kumpanya.’’

Pagkasabi ko noon ay naglakad na ako palabas ng conference hall.

When I finally close the door, I can’t help myself not to smile.

Alam kong hindi maipapaliwanag ng buo ng mga magulang namin sa kanya ang lahat ng problema ng kumpanya. Kaya alam ko rin na wala siyang choice kundi ang puntahan ako. Alas syete mamayang gabi.

Napangiti ako.

Naughty smile, to be exact.

Limang taon mong tinakasan ang labanan natin, Chram. And now that you’re here again, itutuloy na natin ang naudlot nating laban. And this time, I’ll make sure na mananalo ako ulit.

JAMIE’S P.O.V

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuklay nang makarinig ako ng sunud- sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko.

‘’Ma’am Jamie, may naghahanap po sa inyo!’’ malakas na sabi pa ng katulong namin na si Manang Paulita.

Probably, she’s the one who’s knocking on my bedroom’s door.

Napapikit naman ako nang mariin.

‘’Manang, kung si Jashler lang po iyon, please say to him na wala ako dito---‘’

‘’Hindi po si Sir Jashler iyon. Babae po at ‘Ashy’ daw po ang pangalan.’’

Napatayo ako.

What? Si Ashy? Imposible!

Dali- dali akong naglakad at mabilis na binuksan ang pintuan ko.

‘’Thank you, Manang.’’ sabi ko muna bago ako tuluyang tumakbo pababa ng hagdanan.

Saglit akong napahinto dahil may nakita nga akong pamilyar na pigura ng isang babae na nakaupo sa isa sa mga sofa na nasa salas ko.

Nakatalikod siya sa direksyon pero alam ko at sigurado akong siya nga iyon.

‘’OM… Ashy, sissy?’’ hindi makapaniwala kong saad.

Tumayo siya at unti- unting humarap sa akin.

And yes, siya nga talaga ang bestfriend ko!

Napatili ako at excited na tumakbo palapit sa kanya.

Niyakap ko agad siya ng mahigpit.

‘’Grabe! Parang kanina lang, kausap pa kita on video call, ah? Pero ngayon, nasa harapan na ulit kita! At…! Look at you, sissy!’’ sabi ko at bahagyang lumayo sa kanya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. ‘’Glow up to the fullest, sissy! Pak na pak!’’

Tumawa lang siya.

‘’Ikaw din naman, eh. You’re as beautiful as ever din.’’ nakangiti ring sabi niya.

‘’Well, magkaibigan tayo kaya understood na na maganda tayo parehas. We’re both drop dead gorgeous! Right, Ashy, sissy?’’

Tumawa siya.

‘’Yes, of course, Jamie, sissy!’’

Pagkatapos noon ay parehas kaming natawa ng malakas.

‘’Before I forgot, what do you want me to serve you? Juice, water, tea, or---‘’

‘’No, Jamie. Huwag na. Hindi rin naman ako magtatagal, eh. I have an important--- no, an unimportant person to meet.’’

Naging interesado ako sa sinabi niya lalo na nang marinig ko na tila bigla s’yang nainis. And I think, alam ko na kung sino ang unimportant person na kailangan niyang kitain.

‘’Parang alam ko na kung sino ang taong iyon, ah?’’ natatawa kong sabi. ‘’But for formality’s sake, itatanong ko pa rin. Sino ba iyong ‘unimportant person’ na tinutukoy mo?’’

Bigla ay tumitig siya sa akin ng mataman at seryoso.

‘’None other than my mortal enemy. Si Cyruz Keith Villarosi.’’

ASHY’S P.O.V

Pagkatapos kong dumaan sa bahay ni Jamie ay dumiretso na ako sa bahay namin. I must take a rest first before I prepare myself to face my mortal and worst enemy. Kailangan ko ring mag- ipon ng mahaba- habang pisi ng pasensya dahil paniguradong madugong bangayan na naman ang mangyayari sa pagitan naming dalawa.

After a few hours of sleep, bumaba na ako at naghanap muna ng makakain sa kusina.

Puno pa rin naman ng stocks ang refrigerator at ang freezer. Latest at updated pa rin naman ang mga appliances na nandito. Kaya sigurado ako na kung anuman ang problema na kinakaharap ng mga Monteflabio at Villarosi, alam ko na hindi pa ganoon kalala iyon. Kayang- kaya pa rin naming iyong masolusyunan. And I promised myself that I’ll do anything for the Monteflabio and Villarosi to win the first position on the whole business circle once again.

Gagawin ko ang lahat. Kung kinakailangang harapin ko at araw- araw na pakisamahan ang mortal kong kaaway, gagawin ko. Maibalik ko lang ang mga pamilya namin sa posisyon na dapat naming kalagyan.

Hindi na ako gaanong kumain ng marami.

Bumalik na ako agad sa kwarto ko at naghanda na ng susuotin para sa pagkikita namin ni Cyruz Keith.

I prefer to wear a simple white dress and a pair of white high heeled stilettos as well. Hahayaan ko na lang siguro na nakalugay ang buhok ko.

Kinuha ko ang isang puti ring sling bag. Dito ko ilalagay ang iilang gamit na dadalhin ko. Cell phone, wallet, panyo, at… pen knife.

Yes, limang taon na ang nakalilipas, mula nang manganib ang buhay ko ay sinanay ko na ang sarili ko na magdala ng kahit anong self defense item. Dalawang taon din akong nagsanay ng manual self defense sa Japan.

Ayoko lang kasi na maulit na naman ang mga nangyari sa akin dati.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

Okay, Ashy, forget about the past. Mag- focus ka sa present. May problema ang kumpanya at iyon ang dapat mong atupagin sa ngayon.

Nagpakawala pa ako ng sunud- sunod na hininga bago ako tuluyang kumalma.

Pumasok na ako agad sa CR para makapaligo na.

Kailangan kong alisin sa isip ko lahat ng pwede makapag- distract sa akin.

Iisa lang ang dapat na pagtuunan ko ng pansin ngayon. At iyon ay wala nang iba pa kundi ang kumpanya na sinimulan pa ng mga lolo at lola namin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height