C4 Fresh Start

CK’S P.O.V

It’s already quarter to seven but Chram’s still not here. Maybe, hindi niya talaga ako kayang harapin. Ganoon na ba siya kagalit sa akin? Na kahit sobrang importante na ng kailangan naming pag- usapan, ayaw niya pa rin na puntahan at kausapin ako?

Napailing na lang ako.

Pumunta ako sa mini bar ng condo ko at kumuha ng isang bucket na may yelo. Kumuha rin ako ng canned alcoholic beverage at nilagay sa bucket para manatiling malamig ang mga ito.

Bumalik ako sa terrace kung saan tanaw ang nagkikislapang liwanag ng iba’t- iba at nagtataasang mga buildings.

Tonight is definitely a great night. Hell yeah!

Nagbukas ako ng isang lata at agad na ininom ang laman nito.

‘’Akala ko ba, idi- discuss mo sa akin ang mga problema ng kumpanya?’’

Hindi agad ako nakakilos nang marinig ko ang mataray pero malumanay na boses ni Chram.

Lumingon ako sa kanya.

And it is another heart stopping moment.

Ang ganda niya talaga…

‘’Ganiyan ka na ba nagagandahan sa akin, huh, Cyruz Keith? It’s your second time na matulala sa akin.’’ tila nang- aasar na saad niya.

Dahan- dahan pa siyang lumakad palapit sa akin.

Then she took her seat infront of me.

‘’C’mon, Cyruz Keith. Sabihin mo na lahat ng kailangan kong malaman.’’ utos niya.

I let out a deep but calm breath.

‘’To be honest, wala pang kalahating taon mula nang pumasok sa mundo nating mga Monteflabio at Villarosi ang mga Del Fuego, Chram. Pero ang laki na agad ng nakulimbat nila. At kung magpapatuloy pa ito, hindi malayo na mula sa pinakataas ay mahila nila tayo sa putikan.’’ seryosong sabi ko.

Hindi siya nakapagsalita agad.

Pero kitang- kita ko sa reaksyon niya ang magkahalong gulat at galit.

‘’What’s on that Del Fuego? Paano nila tayo napasok ng ganoon kadali? At paano sila nakakulimbat sa atin sa ganoon kaikling panahon?’’ tanong n’ya.

Bago ako sumagot ay ini- straight ko muna ang lamang alak ng ngayon ay nakabukas na lata.

‘’Makapangyarihang mga tao ang may hawak at nagpapalakad sa kumpanya ng mga Del Fuego.’’ simpleng saad ko.

‘’How powerful they are? Mas makapangyarihan ba at mas mayayaman kumpara kanila Daddy at Tito Peterson?’’

Umiling ako.

‘’Mas mayaman tayo, Chram. Noon. Pero mas makapangyarihan pa rin sila.’’

Dinabog niya ang babasaging lamesa na kinapapatungan ng bucket at ng sling bag niya.

‘’How did that happened?! Sa pagkakaalam ko, pera ang basehan ng kapangyarihan sa business circle. Mas mayaman, mas makapangyarihan. Kaya paano nangyari na mas mayaman tayo pero mas makapangyarihan sila?!’’ hysterical na sigaw niya.

Kusang kumuyom ang kamao ko na may hawak na lata dahilan para malukot ito.

‘’Hindi basta- basta normal na business circle ang iniikutan ng mga Del Fuego. Ang mga transaksyon nila ay umaabot hanggang sa kailaliman ng black market. They’re not just businessmen. Mga mafia rin sila. Mga druglords. Nandaraya at pumapatay ng walang awa!’’

Unti- unti at tila biglang nanghina na napaupo siya ulit.

‘’P- paano ba nila tayo napasok?’’ halos pabulong nang tanong niya.

‘’They didn’t propose any business offer. Palihim nilang binili at tinakot ang mga tauhan natin. Especially ang mga nasa accounting department. Inutusan nila ang mga ito na gumawa ng peke at mali- maling accounting statement. Ang hindi susunod, mamatay. Nalaman lang namin na may ganito na palang nangyayari nang mahalata mismo ni Daddy at ni Tito Santi na may mali na. At doon na umamin ang head ng accounting department natin. Umamin siya kapalit ng assurance na wala kaming pagsasabihan na umamin na siya.’’ mahabang sagot ko. ‘’Mahirap kalabanin ang mga Del Fuego, Chram. Kailangan nating tapatan ang lahat sa kanila. Ang yaman, at lalung- lalo na ang lakas.’’

ASHY’S P.O.V

Hindi ko alam na ganito na pala kalaki ang problema na kinakaharap namin. Hindi ko alam na ganito na pala kalakas ang kalaban na kailangan naming pabagsakin.

Naramdaman ko ang unti- unting pamumuo ng luha sa mga mata ko.

‘’Chram… What’s wrong?’’ rinig kong tanong ni Cyruz Keith.

Nag- iwas ako ng tingin at pasimpleng pinahid ang luha na pumatak sa pisngi ko nang mapapikit ako.

‘’K- kailangan nating gumawa ng paraan, Cyruz Keith. Hindi natin pwedeng hayaan na basta- basta na lang bumagsak ang kumpanyang pinaghirapan pa ng mga nauna sa atin.’’ sabi ko sa pilit na pinatatatag na boses.

‘’You’re right. But what can we do? Masyadong malaki ang mga kalaban.’’

Tumingin ako sa kanya na agad namang uminom.

Naubos niya na ang lahat ng alak na nasa lata niya. Iisa na lang ang may laman.

‘’Walang bagay na mahirap kung gugustuhin natin.’’ sabi ko.

Pero sa totoo lang? Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Parang ang hirap kasi talaga…

‘’Ano nga’ng gagawin natin?’’ tanong niya ulit.

‘’Simple lang. Kung black market ang kalakasan nila, iyon din ang gagamitin nating kalakasan natin. If they were mafias, then fine. We’ll build our own mafia empire.’’ sagot ko na halatang ikinagulat niya.

‘’Chram, hindi mo alam ang sinasabi mo---‘’

‘’Alam ko ang sinasabi ko, Cyruz Keith.’’

Natahimik kami parehas.

‘’Isantabi muna natin lahat ng awayan natin. Please? Kailangan nating maging isa at magtulungan para mabawi natin lahat ng kinuha sa atin.’’ sabi ko. ‘’But it’s okay if you don’t want to---‘’

‘’May sinabi ba ako?’’ putol niya sa sasabihin ko. ‘’I’m more than willing to work with you. Lalo na kung para sa kumpanya.’’

Napangiti naman ako agad.

Kinuha ko ang nag- iisa na lang na lata ng alak na nasa bucket niya.

‘’Cheers?’’ nakangiting sabi ko.

‘’Cheers your face.’’ sabi niya naman sabay agaw sa hawak ko. ‘’Hindi ka pwedeng uminom. Kung gusto mo, may fruit juice doon sa loob. Tss.’’

Napanguso na lang ako.

‘’So, ano na’ng first step natin?’’ tanong ko.

‘’Ewan ko sa iyo. Ikaw ang nag- suggest ng dapat nating gawin, ‘di ba? Dapat alam mo kung ano’ng gagawin natin.’’

Napapikit ako ng mariin.

Calm down, Ashy! Kababati niyo pa lang!

‘’Like what I have said, kailangan nating tapatan ang lahat sa mga Del Fuego. First of, kailangan nating tapatan lakas nila. At gaya ng sabi ko, if they are in mafia, wala tayong choice kundi ang bumuo at magtayo ng sarili nating emperyo.’’ sabi ko.

Tumawa siya.

‘’Hindi madali ang pagbuo ng emperyo, Chram.’’

Natahimik ako.

‘’Alam ko. And I’ll repeat what I’ve said--- walang bagay na mahirap kung gugustuhin natin.’’

Unti- unti siyang napangiti.

‘’What?’’ inis na sabi ko.

‘’I like your spirit.’’ puri niya pero sa nakakainsultong paraan naman… yata. ‘’Pero sa tingin mo, saan tayo kukuha ng magiging member ng empire natin kung saka- sakali?’’

Oo nga. Saan?

Saglit akong natahimik.

Pero agad din akong napapalatak nang may maisip akong ideya.

‘’Remember when we’re on highschool?’’ nakangiting sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin.

‘’Alin doon? Ang paglalagay mo ng pamurga sa inumin na iniwan mo---‘’

‘’Stupid! Hindi iyon.’’ singhal ko sa kanya. ‘’Kayo nila Tyrone at Jashler. You have your gang before, right? At sa pagkakaalam ko, kayo ang nagpabagsak sa Bullet Gang na naghahari- harian sa campus dati.’’

Siya naman ang biglang natahimik.

‘’Bingo!’’ nakangiti n’ya namang sigaw mayamaya. ‘’Ang talino mo!’’

Tinaasan ko s’ya ng kilay.

‘’Huh? Ano’ng problema mo?’’ nagtatakang tanong ko.

‘’Exactly, Chram! Exactly!’’ sagot n’ya at tumawa ng malakas. ‘’We have our gang way back in highschool. At kaming tatlo nga ang nagsilbing leader noon. Pero syempre, ako ang pinaka- gwapo kaya ako ang pinaka- leader.’’

Hindi ko na lang pinansin ang kayabangan niya at baka mag- away na naman kami.

‘’We’re more that twenty in our group before.’’ sabi niya ulit. ‘’At pwede tayong mag- recruit pa ng ibang members. Then we can join in a mafia organization.’’

Napangiti ako.

‘’Precisely.’’ natutuwang sabi ko. ‘’But who can be the leader?’’

Tumingin naman siya sa akin at ngumisi.

‘’Sino pa ba? Eh, ‘di ang nag- iisang heir ng mga Villarosi at ang nag- iisa ring heiress ng mga Monteflabio!’’

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

‘’It’s a deal then?’’ nakangiting sabi ko.

Inilahad ko pa ang palad ko para makipag- shakehands sa kanya.

‘’Deal.’’ sabi niya naman at inabot ang kamay ko.

Nag- usap pa kami hanggang mag alas nuwebe ng gabi.

‘’I have to go, Cyruz Keith.’’ paalam ko sa kanya.

Tumayo na ako at kinuha ang sling bag ko.

‘’Ihahatid na kita---‘’

‘'No. Kaya ko na. I brought my car. At isa pa, nakainom ka.Baka magalit pa sila Mommy at Daddy sa iyo once na ihatid mo ako at mahalata nila na nakainom ka.’’ tanggi ko. ‘’Let’s just see each other tomorrow for further plan making.’’

Hindi siya agad sumagot pero tumango na lang.

‘’But please, wait me here. May kukuhanin lang ako.’’ sabi niya.

Nagmamadali siyang pumasok sa isang pintuan na kwarto niya yata.

Pagbalik niya ay may dala na siyang isang… baril?

‘’C- Cyruz Keith, a- ano iyan?’’ kinakabahang tanong ko.

‘’Baril. Tss.’’ sagot niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

‘’Alam ko. What I mean is, bakit mo pinapakita sa akin ngayon iyan?’’ inis na sabi ko.

Nilapit niya iyon sa akin.

‘’Here. Dalhin mo ito.’’

Nanlaki ang mga mata ko.

‘’What? Ayoko!’’ malakas na tanggi ko.

‘’Tss. Airsoft lang naman ito. Para lang sa proteksyon mo. Para hindi na maulit ang nangyari sa iyo five years ago.’’

Pakiramdam ko ay bigla akong nakaramdam ng takot at kaba nang mabanggit niya ang nangyari sa akin five years ago.

Sa sobrang lala nito, nagdulot ito ng sobrang trauma sa akin na dama ko pa rin hanggang ngayon.

‘’Besides, you’re a soon- to- be mafia goddess. Kaya dapat lang na may dala ka nito anytime.’’

Ngumiti na lang ako ng tipid.

Then I reach for the gun.

Nilagay ko iyon sa sling bag ko. And luckily, it fit.

‘’Magpahinga ka na agad pagkatapos niyan, okay? Ayoko makiharap sa isang Cyruz Keith na may hang over bukas.’’ mataray kong bilin sa kanya. ‘’And don’t forget to call Tyrone and Jashler. Isa sila sa mga pangunahin nating kakailanganin.’’

‘’Si Tyrone at si Jashler, isa sa mga pangunahing kakailanganin natin? Dalawa kaya sila. Mas lasing ka pa yata sa akin, eh---‘’

‘’Huwag mo akong pilosopohin, Villarosi.’’ inis na sabi ko.

Bigla ay tumawa siya ng malakas.

‘’There you are! You sounded like you’re a real mafia goddess already!’’ tumatawang sabi niya.

Pigil ang inis na inirapan ko na lang siya.

‘’You know what? Ang daldal mo!’’ asik ko. ‘’By the ways, aalis na talaga ako.’’

Tumango na siya.

‘’Hahatid na kita sa gate.’’ alok niya.

Hindi na lang ako tumanggi.

‘’You take care, Chram. If someone there’s something unexpected happened, tandaan mo, may baril ka.’’

Ngumiti lang ako.

‘’Thank you.’’

Nginitian niya rin ako.

‘’No. Thank you.’’ mas madiin niyang saad. ‘’Thank you for coming back in here. Thank you for setting your anger aside.’’

Unti- unting nawala ang ngiti ko.

‘’Anger? Hindi ako galit sa iyo, Cyruz Keith. Well, inis, oo. Pero alam ko na kayang- kaya kong kalimutan iyon for the sake of our family. For the sake of our… friendship, I guess?’’

Hindi na siya nagsalita at tumango na lang.

‘’Sige na. You go home. Baka gabihin ka na lalo.’’

‘’Sige. Salamat ulit.’’

Sumakay na ako sa kotse ko pagkatapos noon.

Bago ako makalayo sa bahay ni Cyruz Keith, alam ko na may bagong kabanata na naman sa buhay ko ang magbubukas. But this time, wala nang away at bangayan. It is a chapter full of team work and a whole hearted friendship between me… and my former mortal enemy.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height