+ Add to Library
+ Add to Library

C5 Behind The Chaos

SANTIAGO’S P.O.V

Times flew so fast. Wala pang anim na buwan ay halos masaid na ng mga Del Fuego ang kayamanan na nasa kamay naming mga Monteflabio at mga Villarosi.

Hanggang ngayon ay wala pa kaming ideya sa kung ano ang maaari naming gawin.

‘’Santi, do you think that it’s already time for us na sabihin sa mga bata ang totoo tungkol sa pinagmulan ng gulong ito?’’

Mabilis pa sa alas kuwatro na dumako ang paningin ko kay Peterson pagkaraan niyang sabihin iyon.

‘’Oh, no. Hindi pwede!’’ bulalas ng asawa ko. ‘’Baka nakakalimutan mo na ang nangyari sa anak natin five years ago?’’

‘’Eliza’s right. At isa pa, kapag nalaman ng dalawang bata ang tungkol sa nakaraan ng kumpanya at natin mismong mga Monteflabio at Villarosi, baka imbis na magtulungan ay mas malaking gulo pa ang malikha sa pagitan nila! We all knew na mga bata pa lang sila ay malala na ang alitan nila. Maybe, ibang paraan pa na pwede nating gawin para maresolba ang problema ng kumpanya. Hindi naman na siguro nila kailangang malaman ang nakaraan---‘’

‘’No, Tita Klara. We deserve to know the truth.’’

Lahat kami ay napatingin sa entrada ng conference hall.

Pero muli kaming nagkatinginang apat nang makita naming na nakatayo doon si Ashy at si CK. Magkasama.

Magkasabay pa rin silang naglakad palapit sa amin. Pinaghila pa ni CK ng upuan ang anak ko.

Kagaya ko ay tahimik lang din ang tatlo. Halatang gulat din sa nakikita namin ngayon,

‘’Ano’ng kailangan naming malaman tungkol sa nakaraan ng mga Monteflabio at ng mga Villarosi?’’ walang kaemo- emosyon na saad ni CK.

‘’A- anak---‘’

‘’Tita, please.’’ singit naman ni Ashy. ‘’Ako ang nag- iisang heiress ng mga Monteflabio. Si Cyruz Keith naman ang nag- iisa ring tagapagmana ng mga Villarosi. You said it yourselves na kami ang future ng lahat sa V&M. And that gave us the right to know every single detail of this company. Of our family.’’

‘’P- pero---‘’

‘’Stop it, hon.’’ putol ko sa sasabihin pa ng asawa ko. ‘’Tama ang mga bata. May karapatan silang malaman ang totoo.’’

Ilang sandali pang nabalot ng katahimikan ang silid.

Hindi na nagsalita pa ang dalawang ina pero halata na tutol pa rin sila sa mga gusto naming mangyari ni Peterson.

‘’Alright. We’ll say everything to you. Pero ipangako niyo muna na hindi ito magdudulot ng lalo pang mas malalang away---‘’

‘’We’re fine to that, Tito. To tell you honestly, war is over na kaming dalawa. Right, Cyruz Keith?’’ nakangiting sabi ng anak ko at bumaling pa kay CK.

Tumango naman ito.

‘’Yeah.’’ sabi nito at ngumiti rin. ‘’Tito, Tita, Mom, and Dad, nagkaayos na po kami ni Chram. Magtutulungan kaming gawin ang lahat para maisalba ang kumpanya.’’

Agad naman kaming napangiti.

‘’Is that so, anak?’’ masayang tanong pa ni Eliza sa anak namin.

‘’Yes, Mom. Besides, malaki na kami parehas. At lahat ng nangyari dati ay parte lang ng away- bata namin.’’ sagot nito.

Nagkatinginan na lang kami at nagpalitan ng mga ngiti.

‘’I can foresee the great future of Monteflabio and Villarosi. Right, Santi?’’ sabi ni Peterson.

Tumango naman ako.

‘’Yeah. It’s not bad na maging isang lubos ang mga pamilya natin.’’ sang- ayon ko.

‘’Pero bago po natin pag- usapan ang pagiging lubos na ‘isa’ ng mga pamilya natin, pwede po ba na sabihin niyo muna sa amin ang lahat ng kailangan naming malaman?’’ seryosong sabi ng anak ko.

Dahil doon ay nagkatawanan kami.

‘’You’re too excited to know about the facts, Chram. Too excited to build our own empire?’’ natatawang sabi ni CK.

Natahimik naman kaming lahat.

‘’W- what do you mean you’ll build your own empire?’’ ninenerbiyos na tanong ni Klara. ‘’Emperyo ng ano?!’’

Nagkatinginan ang dalawang bata.

‘’Nabanggit po sa akin ni Cyruz Keith kagabi na hindi basta- basta ang kumakalaban sa atin. Na hindi basta- basta ang mga Del Fuego. That’s why naisip ko po na dapat, tapatan natin sila lahat. Sa yaman, at sa lakas.’’

Hindi ako makapaniwala sa naririnig kong sinasabi ng anak ko.

She really is a matured woman now. Mas matalino, mas matapang. Mas malawak nang mag- isip.

‘’That’s why Chram said na kung ang black market ang lakas ng mga Del Fuego, we have to go beyond that. Kailangan nating pasukin ang black market. At sirain ito eventually.’’ segunda naman ni CK. ‘’But first, we have to build our own empire. Lalabanan natin sila. Yaman sa yaman, lakas sa lakas, at emperyo sa emperyo.’’

Nagkatinginan kaming apat na mga magulang nila.

Pare- pareho kaming hindi makapaniwala sa talas ng isipan at sa kakayahang makapagplano ng dalawa.

Now, we all know that we have shaped and nurtured them well to become a great person and a great leader soon someday.

‘’Medyo mahihirapan lang po tayo sa pagbuo ng sarili nating mafia empire dahil alam ko na hindi sanay sa karahasan ang mga pamilya natin. We’re far from violence ever since. Pero kami na po ni Cyruz Keith ang bahala doon.’’ sabi pa ni Ashy.

Muli ay nagkatinginan kami ni Peterson.

Marahan pa siyang tumango.

I guess, that’s the sign na sabihin na naming sa mga bata ang lahat ng kailangan nilang malaman. Tungkol sa nakaraan ng kumpanya, at tungkol sa kung sino ba talaga ang mga Del Fuego sa buhay ng mga Monteflabio at ng mga Villarosi.

Huminga ako ng malalim.

‘’Diyan ka nagkakamali, anak. We are not far from violence.’’ sabi ko na ikinagulat nilang dalawa ni CK.

Nagkatinginan pa sila.

‘’W- what do you mean we’re not far form violence?’’ nagtatakang tanong ni CK.

‘’Few years ago, kasama ang mga lolo niyo sa isa sa pinakamalakas at pinakamakapangyarihang mafia organization hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na sa buong mundo. Tatlo ang pamilyang naghahari noon pagdating sa larangan ng mafia at ng negosyo--- ang mga Villarosi, ang mga Monteflabio, at… ang mga Del Fuego.’’ pasimula ko.

‘’I- ibig po bang sabihin, kilala niyo na ang mga Del Fuego noon pa lang?’’

Tumango ako.

‘’Our families were in a good bond before. Pero unti- unting bumagsak ang mga Del Fuego sa larangan ng pagnenegosyo nang magsimulang ma- addict sa bisyong sugal, pag- iinom, at droga ang panganay na anak ni Don Dmitrio Del Fuego na si Reginald Del Fuego. He used their vast fortune for his unending wants--- sa sobra- sobrang bisyo, hindi matapos- tapos na luho, at sa marami ant iba- iba ring babae. Sinabihan sila noon nila Papa at ni Tito Hidalgo, ang mga lolo ninyo, na tutulungan silang makabangon muli. But they refuse to accept the said help from his compadres. Nabalitaan na lang namin na pinasok na ng mga Del Fuego ang black market at iba pang illegal na gawain para makaangat muli. Doon na kami nagdesisyon na tumiwalag sa mafia organization. Unti- unti na kasi itong nabalot ng mga malalala at wala sa katuwirang karahasan. Hindi mabuti sa negosyo na masama kami sa mga hindi magagandang reputasyon ng mafia na nagsisimula nang umalingasaw noon.’’ mahabang paliwanag ko.

‘’Y- you have been in a mafia organization?’’ tila wala sa sariling tanong ng anak ko.

‘’O- oo, anak. And mga daddy niyo, at maging kami ng Tita Klara mo.’’ sagot naman ng asawa ko.

Unti- unti naman siyang ngumiti sa hindi naming maipaliwanag na dahilan.

‘’You heard that, Cyruz Keith? Ibig sabihin, hindi na tayo mahihirapang bumuo ng sarili nating emperyo.’’ masayang pero may kakaibang lamig na sa boses ni Ashy nang sabihin niya iyon.

‘’Yeah. You’re right, Chram. Hindi na tayo mahihirapan.’’ saad naman ni CK.

Bigla ay tumayo si Ashy.

‘’Mom, Dad, kailangan naming makuha ang mga pangalan at contacts ng mga member niyo sa mafia organization before. Iyon na lang po ang gagawin niyo. After that, leave the battle to us. Kami nang bahala na bawiin ang lahat ng kinulimbat ng mga Del Fuego sa atin. We’ll never let the Villarosis and the Monteflabios down.’’

CK’S P.O.V

Unti- unti nang dumadali ang mga hakbang na kailangan naming gawin para buweltahan ang mga Del Fuego. Kaunting panahon pa at siguradong mababawi na namin ang lahat.

Nandito kami ngayon sa isang lugar na tinuro nila Daddy na safe raw na pag- meeting- an namin ni Chram. Kami at ng mga dating miyembro ng organisasyon ng mga Villarosi at Monteflabio. Kasama na rin namin sila Tyrone, Jashler, at si Jamie.

‘’Nine o’clock pa ang meeting pero alas siyete pa lang, nandito na tayo. Hindi naman halata na excited tayo masyado, 'no?’’ sarkastikong sabi ni Tyrone.

He’s already working as the COO of their own family business. Textile company, to be exact.

‘’Huwag ka na ngang maangal diyan!’’ asik naman ni Jashler. ‘’Masaya nga iyon, eh. Mas maaga, mas okay. It’s better to be an early bird than to be late.’’

At kung si Tyrone ay COO na ng kumpanya ng pamilya niya, si Jashler naman ay ganoon din. Pero ang kumpanya naman nila ay involved sa mga gadgets at technologies.

‘’Dami mo pang sinabi. As if namang hindi naming alam na gusto mo lang makasama ng mas matagal si Jamie.’’ natatawang asar ko.

‘’What the… Kung iyan lang ang gugustuhing makasama ako ng matagal, huwag na lang!’’ malakas na sabi ni Jamie.

Nagkatawanan kaming lahat maliban sa kanya.

‘’It’s so good to be here. Pakiramdam ko tuloy, para tayong bumalik sa highschool days natin. Only, hindi na tayo gaya ng dati na hindi pinapalipas ang isang araw ng walang trip at bullying na nangyayari.’’

Lalo kaming natawa dahil sa sinabi ni Tyrone.

‘’Speaking of highschool life,’’ sabi ko at tinawag si Chram na agad namang lumingon sa akin. ‘’Wala ka bang nilagay na pamurga dito sa inumin ko?’’

Tinaas ko pa ang hawak kong wine glass na may lamang… wine.

Yeah, wine lang ang iniinom namin ngayon. Dahil sabi ni Teacher Chram, mamaya na daw ang tequila kapag tapos na ang meeting. That’s why here we are, umiinom ng wine. Ang lakas makabakla. Tss.

‘’Hindi ka ba nakikinig kay Tyrone? Hindi na tayo gaya ng dati na hindi pinapalipas ang isang araw ng walang trip at bullying. Hindi na gaya ng dati. In short, walang pamurga iyang wine na iniinom mo.’’ masungit na sabi ni Chram. ‘’Pero baka gusto mong lagyan. Sabihin mo lang, may extra pa akong pamurga dito sa pouch ko.’’

‘’Pfft.’’ pagpipigil ng tawa ng tatlo.

Damn. Mukhang hindi pa ako ganap na mafia lord, gusto ko nang pumatay agad. At uunahin ko ang mga kaibigan ko na Tyrone, Jashler, at Jamie ang pangalan. And my greatest victim? Walang iba kundi ang future mafia goddess at ang heiress ng Monteflabio. Tss.

Hindi na lang ako kumibo at uminom na lang ulit.

‘’Hinay- hinay ka naman sa pag- inom mo.’’ asik ulit ni Chram.

I just take a look at her.

‘’Huwag kang mag- alala masyado, Monteflabio. Hindi ako malalasing sa simpleng wine.’’

Tinaasan niya ako ng kilay.

And a suspicious smile was formed slowly on her lips.

‘’Oo, alam ko na hindi ka basta- basta malalasing sa wine.’’ marahang sabi niya pa. ‘’But what if… sabihin ko na may pamurga nga iyang iniinom mo?’’

Dahil doon ay automatic na naibuga ko ang wine na nasa bunganga ko.

‘’What the…?!’’

Bigla naman siyang tumawa ng malakas.

‘’Just kidding, Villarosi. Nag- panic ka na kaagad.’’

Fuck. Hindi ko alam kung matatagalan ko pang makipagmabutihan sa babaeng ito.

Lalo pa akong nakaramdam ng pagkainis nang mapansin ko na maging sila Jashler ay tumatawa na rin.

The hell? Pinagtutulungan ba nila akong apat?!

‘’What’s happening here?’’

Natahimik naman sila nang bigla ay may magsalita.

Isang malaki, malalim, at maawtoridad na boses.

Maging ako ay napaayos ng upo nang makita kung sino ang nagsalita. At ang mga kasama nitong dumating.

What the fuck? Sabi ko, hindi ako malalasing ng wine lang. But what’s this? Ano itong nakikita ko? Am I hallucinating?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height