C57 SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER I
PANIBAGONG araw sa hacienda Tacata. Aligaga ang lahat dahil ngayong araw ay ipinagdirawang ang kaarawan ni Don Vicente. Kumpleto ang angkan ng mga Tacata, ang mga kamag-anak na nasa Spain, Tokyo, at Amerika ay talagang umuwi para lamang samahan si Don Vicente sa kaniyang kaarawan. Kasalukuyang busy si Roda sa kusina, ang mayordoma sa hacienda
