+ Add to Library
+ Add to Library

C2

Pagkababa namin ay sabay na kami na pumasok sa Café.

" Tine-tine nandito kana pala, nasabi ni ma'am Grace na nagkasakit ka daw. Kumusta na ang 'yong pakiramdam?" tanong na salubong ni Kuya Jomel ang aming security guard dito sa Café.Napangiti naman ako dito.

" Magaling na po ako at maayos na po ang pakiramdam ko. Pasensya na po kung napag-alala ko po kayo. "magaling na sagot ko.

Parang pamilya na din ang turing ko sa mga kasamahan ko dito sa Café. Kasi atleast sila tinatanong kung ayos lang ako samantalang...

Naku erase - erase.

Bumaling ito sa katabi ko.

" Kasama mo pala si ma'am Samantha, kumusta po kayo ma'am? "magalang na tanong niya Kay Sam.

" Eh, si kuya Jomel talaga. "napakamot ito sa ulo niya.

" Sabi ng 'wag niyo na po akong tawagin na ma'am eh, Sam nalang po. Pero ayos lang naman po ako. "nakanguso niya na sagot.

Nagkatinginan kami ni kuya Jomel at pareho kami na napatawa. Nagpaalam na kami at pumasok na kami sa loob.

" Tine nandito kana, magaling kana ba? "si ate Ina.

Lumapit ito sa amin na may dalang tray. Ngumiti ako dito.

Isa sa mga waiter dito sa Cafési ate Ina. Anim kami dito, tatlo kaming waiter, Isa sa cashier si kuya Jomel, si Tita Grace na kapatid ng mommy ni Samantha. Si Tita Grace din ang gumagawa ng mga deserts and pastries.

" Opo ate Ina, magaling na po ako. Pasensya na po at hindi ako nakapasok nitong nakaraan." sagot ko at alanganing ngumiti.

Kinawayan naman ako ng iba pa namin na kasamahan at kumaway din ako.

"Naku, Ano kaba ayos lang 'yun. Ang mahalaga ayos kana." sagot niya bago nagpaalam at nagserve sa ibang customer.

Umupo na din kami, at kami na mismo ang gumawa ng order namin. Madali lang naman gawin ang cappuccino.

Our favorite,si Sam na kumuha ng cookies ako naman naghanda ng drinks. Pagkatapos ay Umupo na muna kami at nag kwentuhan, may oras pa naman ako bago mag-in.Wala daw si tita Grace lumabas muna at may inasikaso.

Actually siya lang ang nagkwekwento, puro tango lang ako. Partimer lang ako dito 1 year na din. Minsan lang maka pasok, lalo na kung hindi ako pinapayagan na umalis ng bahay. At kung minsan tumatakas lang ako at pagkauwi sa bahay kung hindi naka-lock ang gate ay maswerte na ako.

In this Café makikita mo ang karamihan ay studyante, minsan mas marami company employers dahil malapit lang ito sa nagtataasang company building at 10 minutes away sa school kung lalakarin. Minsan kasi nilalakad ko lang ito dahil na rin sa nagtitipid ako.

Hindi naman kami mahirap, we have our own company, lalo na at nag-iisa lang akong anak. At malapit lang iyon dito, mga 5 minutes away. Pero simula noong nangyari ang accidente na iyun, it's feels like nag-iisa nalang ako. Everything changes.

Mabuti nalang nandyan pa din ang best friend ko. Third year college na kami sa Saint Smith University. Nagsumikap ako para sa sarili ko. Pasalamat na nga lang ako at naipagpatuloy ko pa din ang pag-aaral ko. Yun nalang ang hindi kinuha sa akin kaya nagpupursige ako na makapag tapos man lang.

"Hey, are you still listening?" napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa pagpapalo ni Sam sa braso ko. At nakasimangot siya ng mabalingan ko.

"Oo naman, I'm listening your talking about your house miniature project." sagot ko na nakangiti pa, kahit na hindi ko naintindihan ang iba.

Tiningnan niya lang ako flatly na parang hindi naniniwala. Napailing ito.

" Maybe I should go, puntahan ko lang si kuya Samuel. Babalikan kita mamaya, ha" paalam niya at nagbeso sa akin. Malapit lang din naman ang company nila dito.

Ako naman ay niligpit na ang pinagkainan namin at inilagay sa kusina. Nagpunta na ako sa locker room at nagbihis ng uniform nitong Cafe. Simple lang naman ang uniform namin, a baby blue colored blouse at dark colored mini skirt na above the knee.

At may cute na personalize na mini mouse headband. Pagkatapos kung mag-ayos ay lumabas na din ako. And wear my best smile. Pagkalabas ko ay siya din pagpasok ng grupo ni Stephanie. This is the first time na pumunta sila dito na magkakasama.

Actually si Stephanie second time na dito. Noong una ay, sinugod niya lang naman ako dito sa pag-aakalang inaaagaw ko ang boyfriend niya.Buti nalang at nasa labas na ako ng Café noong time na iyon.

Napapailing nalang ako pagnaaalala yun. Gwapo naman iyong captain ng basketball team sa University pero hindi ko lang talaga type. We made eye contact bago sila tuluyang umupo. Nagpatuloy na ako at nagserve sa ibang table medyo marami ang mga customer ngayon dahil hapon na din at uwian.

"Enjoy your food ma'am, sir." at yumukod ako bago umalis at nagpuntang counter.

"Ikaw na ang kumuha ng order nila," nginuso niya ang grupo nila Stephanie. "Kanina pa ako pa balik-balik doon. Hindi naman sila nag-order eh, ang iingay pa. Tingnan mo nga, pinagtitinginan na sila sa lakas ng tawa nila." si ate Carol at medyo naiinis niyang saad.

"Bakit daw po hindi pa sila umoorder?" tanong ko.

Sa tantya ko kasi 5 minutes na sila na nandyan. At medyo pinagtitinginan na nga sila ng ibang customer at mukha ng naiinis na sa kanila. May hawak silang magazine, yun ang pinag-aagawan nila at kung minsan ay titili pa.

Napailing nalang ako nag paalam na ako at lumapit na sa kanila para kunin ang order nila.

" Ahem, excuse me po mga ma'am, baka gusto niyo na pong mag-order" tanong ko at medyo nilakasan ang boses para marinig nila at nakangiti pa. Natigil naman sila at na patingin sakin.

"Oh, look who's here? The infamous stepsister , you work pala here?"tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at sabay tingin kay Stephanie.

" Seffi, nakita mo nga na nakasuot ng uniform nitong Caf'e, tanga lang? "nakangising sagot ng isa nilang kasama.

Inirapan lang naman nito ang kasama. Kahit medyo natatawa ay pinigilan ko nalang.

" Are you laughing at me bitch? "tanong niyang nakatingin sakin.

" Of course not ma'am, I'm just here to get your order. "sagot ko na nakangiti at inirapan lang ako nito.

" Let's just order first guys, so we can continue. "si Staphanie.

At nagtanguan naman ang iba pa nilang mga kasama.Sinigurado ko muna ang order nila bago umalis.

Pagkatapos kung makuha ang order nila ay ibinigay ko na ito kay ate Carol.

" Mabuti naman at umorder na sila. "natatawa niyang sabi.

Nginitian ko lang ito at hinintay ang order para maiserve ko na. Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na ito at inihatid ko na sa table nila Stephanie.

"Here’s your

order ma'am"habang isa - isang nilalapag ang mga order nila.

"Enjoy your food and I'll be right back with your whole cake." yumukod muna ako bago umalis.

Ewan ko kung ako lang ba, pero parang nagkatinginan silang lima bago ako umalis. Kinuha ko na ang buong cake na inorder nila. Yes, whole cake ewan ko lang kung paano nila ito kakaninin, pero si Seffi ang umorder nito. Kaya medyo kinabahan ako. Parang may hindi magandang mangyayari.

"Here’s your whole cake ma'am. " aniko habang nilalapag ang cake.

Ang sarap pa naman nito, it's my favorite strawberry cake. Pagkatapos ko na mailapag ang cake ay paalis na dapat ako ng may nahulog na kutsarita. Kahit kinakabahan ako dahil si Seffi ang nakahulog noon, ay pinulot ko parin ito.

Yumoko ako at pinulot ko na ang kutsarita ng may maramdam akong malamig sa aking ulo. Kaya sa sobrang gulat ko ay bigla akong napatayo at natabig ko ang Frappuccino ni Stephanie.

"Oh my god, my dress. " at nagsisigaw na ito ako naman ay hindi magkaundaga sa pag so-sorry at kumuha na din ng tissue at tumulong sa pag punas ng dress niya.

Napansin ko na nakingisi lang si Seffi na nakatingin sa nangyayari.

"Get your filthy hands off me!" sigaw niya.

"I just bought this dress, and you ruined it!" galit niyang sabi bago pinulot ang cappuccino na mainit pa sa katabi nito at sinaboy sa akin.

Agad namang akong nakaiwas, at si Seffi ang natamaan na nasa likod ko.Nanlaki ang mga mata nito at nagsisigaw ito dahil tumama ito sa dibdib niya. Magpapasalamat na sana ako dahil nakaiwas ako, pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagharap ko kay Stephanie ay ang cake ang sumalubong sa akin.

Nanggigil itong iningudngod sa akin hanggang sa napaupo ako.Wala akong nagawa dahil sa bigla ko. Nagkakagulo na at doon ko narinig ang boses ni Tita Grace. Wala na akong naintindihan sa nangyare, basta naramdaman ko nalang na may nag alis sa akin doon at inilayo sa café.

Sayang iyong cake. Napatingin ako doon sa loob ng cafe. Nagwawala pa rin si Stephanie at pilit naman itong pinipigilan ng dalawa nitong kasamahan. Si Seffi naman ay nakita ko na umiyak, at sinugod din si Stephanie. Sinabunutan niya ito at umawat na ang iba.

Nakakahiya sa mga customer, nakagulo pa kami. At baka mawalan pa ako nito ng trabaho. Saan na ako hahanap ng trabaho na mame-meet iyong scheduled ko sa school. I tried before pero wala akong nahanap.

Kaya masaya ako ng nireto ako ni Sam sa tita Grace niya. And she is my mom best friend too. Nalaman ko iyon ng minsan itong magkwento sa amin ni Sam. Mabait naman si tita Grace, galante pa. Palagi niya akong dinadalaw dati. Nalaman ko lang kay Sam na nagbukas ito ng café at magretiro bilang guro sa mismong school din namin. Pinili nito na magbake na lang na isa sa mga hobby nito.

"That stepsister of yours, nanggigil na talaga ako sa kanya.

" napatingin ako kay Sam na s'yang humihila sa akin.

_GLADYJANE /GJ

Hope you're enjoying the story.

Enjoy reading ❤️

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height