+ Add to Library
+ Add to Library

C3

That stepsister of yours, dumayo pa talaga siya sa Café para manggulo kasama ang mga alagad niya. At ikaw naman bakit hindi ka lumaban, mabuti nga at bumalik pa ako doon kung hindi tutunganga ka nalang doon habang inaapi ka." mahabang lintanya niya.

Bago naupo sa tabi ko. Nakarating na pala kami dito sa condo ni Kuya Samuel ng hindi ko namamalayan. Naramdaman ko nalang ang yakap niya kahit nakatagilid ako.At yumogyog ang kanyang balikat.

" Ayos lang ako, 'tsaka sanay na ako sa ganito.Huwag ka nang umiyak,mas inaalala ko baka magalit si Tita Grace sakin at masisante pa ako." nalukungkot kong Sabi.

"Ikaw na nga itong nasaktan, trabaho parin ang iniisip mo. Huwag kang mag-alala kilala mo naman si Tita, siya na ang bahala doon. Mag ayos kana, ipapadaan ko nalang ang gamit mo mamaya Kay kuya sa Café. Baka langgamin ka pa diyan." natatawa ng aniya. At itinayo pa ako at tinulak pa pasok sa banyo.

" Kukuha lang ako ng damit, d'yan ka muna. "paalam niya at umalis na.

Hinubad ko muna ang damit ko, mabuti nalang at sa damit ko lang napunta ang cake. Naghilamos na ako at nilabhan ang damit habang hinihintay na bumalik si Sam.

*knock knock*binuksan ko ng konting siwang ang pinto.

" Ito na damit besh oh, magbihis kana. Natxt ko na din si kuya na daanan ang gamit mo at pauwi na din iyon ." abot niya sa akin ng damit.

"Don't worry akin yan, buti nalang pala at may naiwan ako dito na damit." aniya ng makita akong nagtataka kung saan siya kumuha ng damit.

"Salamat Sam, magbihis lang ako." aniko at tumango lang siya sinarado ko na ang pinto at nagbihis. Isinampay ko muna ang damit ko buti may hanger dito.

Lumabas na ako at nakabutang may kausap sa cellphone si Sam

"Yes kuya, iyon nalang thank you." Sabi niya bago ibinaba ang tawag.

Napabaling naman ito sa akin at agad na ngumiti.

"Halika besh manuod muna tayo, pauwi na iyon si kuya nagpa order na din ako ng pagkain natin" yaya niya sakin bago kami naupo sa sopa at binuksan niya ang t. v.

Nanood muna kami habang naghintay na dumating si kuya Samuel. 6 na dumating si kuya Samuel dala na niya ang gamit ko. Nagpasalamat ako sa kanya at hinanda na namin ni Sam ang pagkain na dala ni Kuya Samuel at maliligo daw mo na siya. Paglabas ni Kuya Samuel ay kumain na Kami at uuwi pa si Sam.

Medyo malayo din ang bahay nila Dito. Actually nasa isang village lang kami naktira pero minsan doon siya umuuwi sa kabilang bahay nila with her grandparents. Pagkatapos namin kumain at magligpit ay napagpasyahan na namin na uuwi na at gabi na din.

"Sigurado ka bang uuwi ka na besh, pwede ka naman na matulog dito kasi uuwi din si kuya sa bahay at byernes ngayon. Bukas ka nalang umuwi." nag-a alala niyang Turan.

"Hindi na besh, ok lang ako kaya ko naman, sanay na ako. Papagalitan lang lang naman ako noon, wag ka nang mag-alala." Saad ko kahit hindi parin siya mukhang kumbinsido.

"Sige sabay na tayo, pero kung magbabago ang isip mo, sabihin mo lang ha?" Dagdag niya bago kami bumaba sa parking doon naghihintay na si kuya Samuel. Nauna kasi siya kanina at may dinaan pa sa lobby.

Umalis na kami at habang nasa byahe ay hinahanda ko na aking sarili para sa mangyayari mamaya sa bahay. Hawak lang ni Sam ang aking kamay at pasulyap-sulyap naman si kuya Samuel sa amin.

22 lang si kuya Samuel at masasabi kung gwapo din siya. Nagka-crush nga ako noong unang kita ko palang sa kanya sa bahay nila noong minsan gumawa kami ng project nila Sam at Elizabeth.

Buong byahe ay napag-usapan namin ni Sam kung anong gagawin namin sa break namin sa susunod na buwan. Inaaya niya akong magbeach o kaya naman bisitahin daw namin si Elizabeth sa Canada.

Kahit na alam kong hindi ako papayagan ay nag-oo parin ako sa kanya. Susubukan ko nalang na magpaalam kay daddy. Pero sa nangyari kanina, siguradong na karating na iyon sa kanya. At maudlot pa ang summer break namin.

Sa dami ng pinagpilian namin kung saan kami pupunta ay na karating na kami sa bahay. 5 blocks away lang naman ay kila Sam sa amin. Si Elizabeth naman ay sa kabilang village. Pero kahit na ganoon ay humahanap kami ng paraan dati para magkita-kita. Minsan kami ni Sam ang pumupunta sa bahay nila, at siya naman minsan sa amin.

Bumaba na ako at nagpasalamat at nagpaalam na din. Kumaway pa ako hanggang sa hindi ko na sila makita bago ako pumasok sa loob ng bahay. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pintuan.

"Halika dito, pinahiya mo ako kanina! " si Stephanie sabay hila sa buhok ko at kinaladkad ako papunta ng sala.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo ha,napaso ang balat ni Seffi dahil sayo." sinasabunutan niya ako. Pero hindi ako lumaban, pinabayaan ko lang siya.

"What's happening here?" narinig kong saad ni dad na pababa ng hagdan. "Ano na naman ang ginawa mo Kristine?" tanong nito sa akin.

Bigla nalang akong binitawan ni Stephanie at nasubsob ako sa sahig at tumama ang tagiliran ko sa gilid ng mesa.Tumakbo siya papunta kay dad, kinwento ang ang nangyari kanina, pero binaliktad niya ang kwento na siya ang may sala at ibinaling lang sa akin.

"Nasa ospital po si Seffi dahil sa kagagawan niya, pati po iyong bagong bili kong dress tinapunan niya po ng kape. Nagkwekwentuhan lang naman kami kanina ng lumapit siya sa table namin." umiiyak niyang sumbong kay daddy.Pero sa akin nakatingin at nakangisi.

"You did that Kristine, to your sister. At dinamay mo pa ang kaibigan nito. Wala ka na ba talagang matinong gagawin?" bulyaw nito sa akin kaya napayuko nalang ako.

I want to reason with him, pero alam ko, hindi niya rin lang ako papakinggan.

"D-dad... I-"

"Shut-up walang ka ng ginawa kundi puro kamalasan, get out of here! "ganyan siya kapag gusto kung magpaliwanag pero hindi niya ako binibigyan ng chance. Tiningnan ko siya na naiiyak baka sakali..

" Get out Kristine, baka ano pa ang magawa ko sa iyo. "Saad niya bago inalo si Stephanie, sinabihan ng

na bibilhan nalang siya nito ng maraming dress.

Napayuko akong pumunta sa aking kwarto sinara ang pinto bago ibinagsak ang aking sarili sa kama. Naiiyak na naman ako, pa lagi nalang akong ganito.Kinuha ko ang picture ni mommy na nakalagay sa ilalim ng aking unan at niyakap ito.

"Mommy, I miss you na po." at napahagulgol nalang ako.

"Naku ang baby ko umiiyak na naman. Gusto mo kantahan ka ni mommy?" tumango ako habang nakatingin sa kanya at nakaupo sa tabi ng aking kama.

Hinaplos - haplos niya ang aking buhok habang kumakanta. Ito ang palagi namin na kina kanta, nagdu-duet pa kaming dalawa.

" Kung darating man ang umaga, na ika'y mag-iisa. Huwag kang matakot, ako'y narito laman sa tabi mo.

Laging nakaantabay, laging nagmamahal sayo."

Ang sarap talaga pakinggan ang boses ng taong mahal mo.

Nakatulog ako na iyon ang pinapakinggan.

TBC...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height