+ Add to Library
+ Add to Library

C5

Sunday~

Maaga akong lumabas para makapagsimba at makapaggrocery, linutuan ko lang sila ng breakfast at umalis na din ako.7:30 na ako.

Nakarating ako sa simbahan, buti at may upuan pa. Nakinig lang ako sa misa at pagkatapos ay nagdasal. Ang palagi kong dasal, na patawarin na ako ni daddy. Na bumalik na ulit sa dati ang trato niya sa akin. Kahit na alam kong hindi na mangyayari iyon kasi wala na si mommy, iyon pa din ang hinihiling ko palagi sa kanya.

At sana mabawas-bawasan o kaya mas maganda kong itigil na ng mag-Inang Mildred at Stephanie ang pang-aabuso nila sa akin. Ipinapasa-diyos ko nalang ang ginagawa nila sa akin.Naaalala ko pa din ang bilin ni mommy, "wag na wag magtatanim ng galit sa kapwa mo kasi ito ang ikakasira ng buhay mo." A good deed comes with a good karma. And bad deed comes with a bad karma.

Tinatandaan ko iyan, kaya 'pag sinasaktan ako ni Tita Mildred ay iyon ang iniisip ko kaya hindi ako lumalaban, bahala na si God sa kanila. Pagkatapos kung mag simba ay naglakadlakad mo na ako bago mag grocery. Ang sarap sana maglakad kong may kasama, inaya ko kasi si Sam ang kaso nandoon siya ngayon sa grandparents niya. Wala naman kasi akong ibang kaibigan..

Habang nag lalakad ay may nakita akong nagtitinda ng bananaque kaya lumapit ako at bumili.

"Hello po, pabili po isang stick ." Sabi ko kay ate tindera, mukhang bago siya ngayon kasi ngayon ko lang kasi siya nakita dito.

Dati ay iyong medyo matanda na. Ito kasi ang routine ko, pagkatapos mag simba, maglalakadlakad at kakain dito at makikipagkwentuhan sa tindera kaso iba ang tindera ngayon. Kung minsan pa hindi na ako nakakapunta dito, kung wala si daddy at nasa bahay lang si Tita Mildred at nag-aaya lang kanyang mga kaibigan sa bahay.

Umupo ako at kinain na ang bananaque habang nakatingin kay ate tindera. Hindi na ako nakatiis at tinanong ko siya.

Nalaman kong anak pala siya, nagkasakit daw kasi ang nanay niya at siya muna ang nagtinda. Bata pa si ate na sa twenties palang siya. Nag kwentuhan lang kami saglit at nagpaalam na din ako at pumunta na sa grocery.

Habang papasok ako ng grocery ay may babaeng nahihirapang dalhin ang kanyang dalang mga plastic groceries. Linapitan ko ito at tinulungan sa kanyang mga dala.

"Naku salamat Ineng, nauna na kasi ang kasama ko at pumunta sa sasakyan na." Saad niya.

Medyo may edad na din siya, tinulungan ko siya hanggang sa parking ng kanilang sasakyan.

"Nana, sabi ko naman sayo babalikan kita eh, bakit hindi niyo po ako hinintay?" tanong sa kanya ng isang napakagwapong lalaki at agad na lumapit para kunin ang dala nito.

Natulala ako saglit kaya hindi ko napansin na kinakalabit na pala ako nung "nana" noong lalaki.

"Salamat sa tulong Ineng, napakabuti mo."kinuha niya sa'kin ang groceries at nagpasalamat siya sa akin at nagpa alam na ako.

Infernes gwapo iyong lalaki, sayang hindi ko na tanong iyong pangalan niya. Natawa nalang ako sa naiisip ko at nagpatuloy na at pumasok sa grocery.

Binati ko ang guard at kumuha ng malaking push cart. Marami-marami rin akong bibilhin at mag stock din ako ng makakain ko sa room ko. Naalala ko tuloy kung bakit kailangan kong mag stock ng sarili kong pagkain.

Minsan kasi hindi nila ako pinapakain lalo na pag wala si daddy. At kung minsan, inubos nila iyong niluto kong pagkain. Ayaw ko naman na magluto ulit kaya ang labas. Kakain nalang ako ng skyflakes.

Inuna ko muna sa meat section, beef, chicken, pork at yong iba ay ready to cook na dahil minsan nalelate akong umuwi galing sa trabaho lalo na pag na aabutan ako ng traffic sa daan. Kaya puro sermon pagdating ko sa bahay.

Bumili na din ako ng isda. Pagkatapos ay dumeretso ako sa mga detergents, trash bags at iba pa. Bumili na din ako ng sabon ko at toothpaste.

"Oh my! " Sabi ko sabay abot sa gummy bear na nag-iisa nalang sa estante.Pero may bigla din na umabot nito, sabay kaming nakahawak sa nakagarapong gummy bear.

Naku favorite ko pa naman ito,nagkatinginan kami saglit. Siya iyong guy kanina, iyong kasama ni "nana".

Nakanguso kong binitawan ang gummy at tumalikod na.

"Here, you can have it! " bigla siyang nagsalita kaya napaharap ako sa kanya.

Lumingon ako sa kaliwa at kanan, baka hindi ako ang kausap nito eh mapahiya pa ako.

"You can have it! " sabay abot sakin ng gummy bear.

"Talaga, akin na 'yan? " pero sa isip ko lang iyon sinabi.

"Si-sigurado ka?" tanong kong nauutal pa, shit. Bakit kasi ang gwapo nito.

"Yeah,you can have it." at ibinigay na ito sa akin.

Kinuha ko naman ito at napakagat labi dahil ang saya-saya ko. Ito lang solve na ako kahit hindi na ako kumain. Niyakap ko pa ito, tiningala ko ito at nagpasalamat.

"Salamat din sa pag tulong mo kay Nana kanina." anito sa akin at ngumiti pa.

Oh my, ang ganda ng ngiti niya may dimples pa. Umayos ako ng tayo baka mamaya ano pa ang sabihin nito.

"Ayos lang, kahit naman siguro sinong makakita sa kanya kanina ay tutulong, nagkataon lang na ako ang nakakita." sagot ko na medyo nahihiya pa.

"Hindi din siguro." sagot nito at napapailing pa.

"Anong ibig mong sabihin? " tanong ko sa kanya.

"Nothing. " at nagsimula na itong maglakad palayo.

Nagtataka man ay hinayaan ko nalang. Well, I have my gummy. Umalis na din ako at nagpatuloy sa pag-grocery. Nagpatulong ako kay kuya sa counter na dalhin ang ibang grocery dahil marami din ito.

Tatlong karton at dalawang plastic at bigas. Mag-aarkila lang naman ako ng tricycle sa labas, kasi wala naman akong kotse. Actually may kotse naman sa bahay eh. Bawal lang gamitin, because that car.....

Beepp!!!

Nagulat ako dahil sa busina ng isang sasakyan. Iiwan ko mo na sana saglit ang pinamili ko sa guard kilala naman na ako dito, dahil dito ako palaging nag go-grocery. Kailangan ko pa kasing puntahan ang tricycle sa kabilang kalsada.

Huminto ang sasakyan at ibinaba nito ang bintana.

"Hop-in, hatid na kita. Mukhang marami yang dala mo at wala ka pang dala na sasakyan." Sabi nito sa akin at tiningnan ang mga grocery ko.

"Naku hindi na, magtra-tricycle nalang ako." sagot ko dito.

Ayokong makaabala, at hindi lang iyon hindi ko naman siya ganoon ka kilala para sumama. Kahit na makakalibre ako ng pamasahe ay nope. Bumaba ito at sinimulan niyang kunin ang mga karton.

"It's ok, no worries. Tsaka pasalamat ko nalang din ito sa pagtulong mo kanina. And don't worry I'm not a bad guy. Here's my I. D," at ipinakitaniya ito sa guard. "Pag may nangyari ho na hindi maganda sa kanya" turo nito sa akin. "ituro niyo po ako." natatawa nitong dagdag sa sinabi niya.

"Huwag po kayong mag-alala ma'am, mukhang mapagkakatiwalaan naman po si sir." nakangiting turan ng guard.

"Come on! " at hinawakan na ako nito sa siko.

Tiningnan ko muna si kuya guard. Bago tuluyan na nagpahila sa kanya at inupo sa ako sa passenger seat. Siya pa ang nag seat belt nito. Ang bango, bagong ligo ba ito? Isinarado niya ang pinto at

umikot para sumakay na din sa driver seat.

"By the way, I'm Chase." pagpapakilala niya at inabot ang kanyang kamay sa akin.

Tiningnan ko ito at tumingin sa mukha niya na nakangiti. That dimples, magkabilaan pa. Inabot ko ito at nagpakilala na din.

"Kristine" sagot ko ng nakangiting din.

Nagshake hands kami, at tinanong niya kung saan niya ako ihahatid.

Sa kabilang village lang pala sila. Same village with Elizabeth. Itinuro ko ang address namin, tahimik lang ang byahe namin. Nang makarating ay bumaba agad ako at tinulungan naman niya akong ibaba ang mga groceries.

"Salamat ulit" pagpapasalamt ko sa kanya.

"Gusto mo bang ihatid na kita hanggang sa loob ng bahay niyo?" tanong niya habang nakatingin sa groceries.

"Naku hindi na, kaya ko na ito. Babalikan ko nalang itong iba, sige na paalam." paalam ko sa kanya.

Nag-aalangan pa siya at napakamot nalang sa ulo at sumakay na sa kanyang sasakyan. Kumaway pa ako sa kanya at ngumiti, ganoon din ang ginawa nito sa akin.

Pumasok na ako at binalikan nalang ang ibang naiwan sa labas ng bahay. Tanghali na pala,pagkatapos kung maiayos ang lahat ng groceries ay nagluto lang ako ng noodles at iyon ang ginawa kong tangahalian. Pagkatapos kong kumain ay nagsimula na din akong. maglinis ng bahay.

Hope, you are enjoying the story so far. Enjoy reading ❤️

_GLADYJANE /G.J

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height