C12 Double Date
NAGPAGULONG-GULONG ako sa kama at inihampas-hampas ang nahablot kong unan. Pinaulanan niya ng paru-paro ang buong sistema ko. Kakaiba sa pakiramdam. Para bang nananaginip lang ako. Mahirap paniwalaan, pero totoong-totoo. Talagang nangyari.
Ipinahinga ko ang sarili. Niyakap ko nang napakahigpit ang unan. Humilata ako nang maayos sa kama, nakaharap sa kisame